webnovel

CODE #1 : PART ONE

Third Person Point of View (POV)

Uptown Village.

Yan ang letrang nakapaskil sa ibabaw ng malaking antigong gate.

Itinigil ni Lorraine ang kotse binaba ang tainted nitong window. Bumungad sa kanya ang guard na mukhang nagulat pang nakita siya.

"Ay! Ikaw pala yan Ma'am! Welcome back po at tsaka Merry Christmas!" Magalang at masayang bati nito.

"Merry Christmas." Pabalik tipid na bati niya.

Sinumulan niyang pinaadar ang makina. Bumukas ang gate at nagsimula siyang nag-drive papasok dito.

It's been 3 years since nawala siya sa village na ito. She's busy in her college life kaya niya di magawang makauwi kahit anong okasyon, including christmas and new year. But in this year she decided na kahit anong mangyari ay kailangan niyang makauwi kahit pa 3rd year college na siya which is the busy year of being a college student.

She miss her family at nakakaramdam na rin siya ng pagka-home sick. Her family always convince her to go home at nagtatampo na ang mga ito sa kanya dahil kahit anong okasyon ay wala siya even in christmas which a very important day for family to be together.

Nang natanaw na niya ang kanilang gate ay ipinarada niya sa gilid ang kotse. She remove her seatbelt at bumaba. Naglakad siya papunta sa pwesto ng doorbell at pipindutin na sana ito ng may biglang nagsalita sa likod niya.

"Lorraine? Is that you iha?"

Lumingon siya dito at nakita niya ang isang matandang babae. Hindi man masiyadong matanda pero halatang may kaedaran na nito.

It's Tita Laica. Her mom's bestfried and also their closest neighbors in this uptown village.

"Kamusta po?" She ask.

"I'm fine. Ikaw ? Kamusta kana? Hindi na kita nakikita simula ng nagcollege ka."

"Busy po kasi."

"Ganyan talaga pag-college student kana." Sambit nito at tumatango-tango pa.

"Alam ba ng family mo na dadating ka?" Her Tita Laica added.

"Hindi po." She said.

Hindi alam ng pamilya niya na dadating siya. She want to surprise them. Wala siyang dalang gift so ini-regalo niya nalang ang sarili. Alam kasi niya na kung gaano kasabik ang kanyang pamilya na makasama siya. Nung sinabi niya nga na di siya makakapunta ay nagtampo talaga ang mga ito, lalo na ang mommy niya. Pero ang hindi nito alam ay balak niyang surprisahin ang mga ito. She wanted to see how would they react pagnakita siya. It will be epic.. She think.

"I wanted to surprise them." A smirk form in her lips as she added.

Ngumiti lang pabalik si Tita Laica, "They will be." She said.

Nag-usap muna sila sandali hanggang sa nagpa-alam ito sa kanya. Tinanaw muna niya ang pag-alis nito at ng tuluyang naglaho ay saka niya pa pinindot ang doorbell.

Habang naghihintay ay biglang bumukas ang maliit na gate. Tumambad sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid.

Nanlaki ang mata nito at nakanganga ang bibig. "N-n-noona?" Di makapaniwalang sambit nito.

"Alexis." She spoke his name.

Nanlaki ang mata nito at agad na napasigaw.

"Shit! Noona's back!! She's back!!" Sigaw nito at tinalikuran siya.

"Mom! Dad! Noona's here!!" Sigaw nito at nagtatakbong pumasok sa bahay nila para ibalita sa kanilang pamilya na nandito siya.

She was left there standing. Hindi man lang siya inayang pumasok at binuksan ang malaking gate para maipasok ang kotse niya. But still hindi niya mapigilang matawa dahil sa reaction nito. Kung maka-react kasi ay akala mo'y patay siya na nabuhay. His overreacting... She thought.

Pumasok siya at sinirado ang maliit na gate. Naglakad papunta sa pinto ng bahay nila pero hindi paman siya tuluyang nakapasok ay bumungad sa kanya ang mommy niyang nagtatakbong nilapitan siya at ng nakalapit ay mahigpit siyang niyakap.

"Oh my god! I can't believe it! I thought hindi ka na naman namin makakasama..." Naiiyak na usal nito.

Lumapit ang kanyang Daddy na mukhang naiiyak rin pero pilit na nilalabanan ang emosyon at yumakap ng mahigpit sa kanila.

"Yehey! She's here!"

"Noona's here!!"

"Angelica. Angeline." Banggit niya sa pangalan ng kambal nang nahagip ito sa kanyang mata.

Nagtatakbo itong lumapit sa kanila at sumali sa yakapang naganap.

"Group hug!" Sigaw ni Alexis at sumali rin.

Natawa siya. Her feeling right now is more than happy. She feels like it's been a lot of years silang hindi nagkikita at nakakasama kahit pa 3 years lang naman ito. But that 3 years feels like a 1000 years. OA pero yan ang naramdaman niya. Palibhasa ay ngayon niya lang naranasan ng mawalay sa kanyang pamilya ng ganun ka tagal.

Ang Uptown Village ay isang tagong lugar. It's an exclusive village that no one can enter aside from a people in it. Hindi ka makakapunta dito kung hindi ka taga-rito unless someone in the village ask you to come. This village has it's own school pero hanggang High School lang ang available dito so if you want to go to college ay aalis ka sa lugar na ito para makapag-aral ng kolehiyo and that what Lorraine Lacorte did.

Gusto niya kasing may matapos na kurso and aside from it gusto niyang maranasan maging college student. How does it feels to be a college student? How hard it is finish a course? And How does it feel if you finish a course?

...........

Lorraine Point of View (POV)

"Kumain ka muna." Sabi ni Mommy sabay binigay sa akin ng plato na may maraming pagkain.

"Bugsok ako. I already eat bago umalis kaya hindi ako gutom." I said.

"No. You should eat. Pumapayat kana."

I raise my eyebrow at napatingin sa katawan ko. "Do I?"

"Oo. Talaga bang pinapakain ka ng maayos ng kapatid ko dun?" Tukoy niya kay Tita Michelle kung saan ako pansamantalang nanirahan.

"Pinapakain naman ako ni Tita ng maayos ah. I'm really just busy in school kaya paminsan ay hindi na ako makakain especially breakfast. Pumapayat naba talaga ako?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yes. Hindi mo lang nahahalata dahil katawan mo yan. We can clearly see it dahil hindi ka na namin nakikita for 3 years." Napalingon ako kay Dad ng nagsalita siya.

I frown and didn't response. I just grab the utensils at nagsimulang kumain. Kahit busog ay pinilit ko nalang na nilunok ang mga ito. Though I have a choice na tanggihan sila ay di ko nalang ginawa.

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang pumasok si Alexis na nakasimangot ang mukha.

"Mom! I give up! Naiinis na ako sa kambal na yun! Ang hirap nilang patigilin! Gutom na ako! Bahala sila sa buhay nila!" Pagmamaktol niya at padabog na umupo sa tabi ko.

I can help but to feel guilty. It suppose to be my responsibility as the oldest but because I have to go to college ay napunta kay Alexis ang responsibilidad ko.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong ni Mommy ng tumayo ako.

"Hindi ka pa tapos kumain." Si Dad.

"Ako na ang aawat sa dalawa." I said then leave the dining area.

Pagpasok ko sa Living Room ay natanaw ko agad ang kambal na nag-aagawan ng microphone.

"Akin to!"

"No! This is mine!"

"No! Akin nga sabi to!"

"This is mine!"

I sigh. Kung ganito ba naman ang dahilan ng pinag-aawayan nila ay malamang maiinis ka talaga.

Lumapit ako sa kanila at malakas na hinablot ang microphone. Hahabulin sana nila ito para kunin ng agad kung itinaas. Hindi nila ma-abot dahil maliit sila.

I smirk, "Ako ang kakanta."

"Hindi maganda boses mo." Angeline innocently said.

I look at Angelica. She was about to cry when I put my forefinger in her lips.

"Listen to me as I will be singing." I smiled at pinulot ang remote na nahulog sa sahig.

Pinindot ko kung anong numero at biglang lumabas ang title ng kanta.

'Santa Claus is Coming to Town'

Good. Buti nalang at alam ko to. I didn't know the lyrics but I know the beat.

~ You better watch out

You better not cry

You better not pout

I'm telling you why

Santa Claus is comin' to Town

Santa Claus is comin' to Town

Santa Claus is comin' to Town~

Pagkatapos kong kumanta ay saka pa tumunog ang kampana. Tanda ng alas dose na ng gabi. It's already december 25.

Lumabas sa kusina sila Mommy at Daddy. Babatiin ko sana sila ng 'Merry Christmas' ng biglang bumukas ang pinto. I saw a man wearing a Santa suit with white fur, and black leather belt and boots. Hindi siya payat pero hindi rin siya mataba and because of the fur his wearing ay mata lang ang nakikita ko sa kanya. Familiar....

"It's Santa!" Magiliw na sigaw ni Angelica. Tumakbo ito palapit kay santa claus. Sumunod naman si Angeline sa kanya.

"Did you did this?" Magiliw na tanong ni Mommy na nakatingin kay Daddy.

"No." Nagtataka man ay nakangiti itong sumagot.

Ibinaba ng santa claus ang dala niyang malaking bag na kulay pula.

"HO HO HO HO HO HO!" Tawa nito.

"Wow! A gift!" Manghang sabi ni Angelica ng may kinuha si Santa Claus sa malaki bag at tumambad ang kulay pulang box.

Ibinigay niya ito kay Angelica. May kinuha ulit si Santa Claus na box at ibinigay naman kay Angeline.

It's weird but I feel like something isn't right. How can the hell did Santa Claus arrive in our house ng hindi man lang pinipindot ang doorbell o kahit kumatok man lang sa pinto. Bakit hindi ko naramdaman ang pagpasok niya?

...........

Third Person Point of View (POV)

Masayang binuksan ni Angelica ang gift pero nagimbal siya na nakita kaya agad niyang nabitawan at nahulog ang laman nito. Agad na napasigaw sa iyak si Angeline ng nakita nito ang pag-gulong ng ulo ni Tita Laica!

"Oh my god..." Mahinang usal ni Flore, ang mommy ni Lorraine.

"Bloody Christmas." Nakangising sabi ni Santa Claus at mabalis na himampas ng palakol ang ulo ni Angelica. Hindi paman makapag-react sa pangyayari si Angeline ay siya naman ang sinunod nito.

"Angelica! Angeline!!" Malakas na sigaw ng kanilang ina. Wala itong inindang takot at agad na napatakbo palapit sa dalawang kambal na duguang nakahandusay sa sahig.

Nang akmang hahampasin ni Santa Claus ng palakol ang kanyang ina ay humarang ang kanyang ama kaya ito ang tinamaan. Natumba ang kanyang ama pero pinilit na tumayo. Hindi paman siya tuluyang nakatayo ay hinampas na naman ulit siya. Hindi lang isang beses kundi marami!

"Anthony!!!!!" Naiiyak na sigaw ulit ng kanyang ina.

Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi kaagad nag-sink in sa utak ni Lorraine ang kaganapan na tila ba'y nanonood siya ng killer movie at live itong nagsho-shooting.

Nanginginig at hindi niya magalaw ang kanyang katawan. Mabilis na tumulo ang luha niya at ayaw tanggapin ng kanyang sistema ang nangyari.

Nang nakontento sa paghahampas si Santa ay bumaling naman siya sa asawa nitong lutang na umiiyak. Hindi gumagalaw at parang wala sa sarili na para bang nabaliw sa panyayaring naganap.

I have to save mom! No! I need to save her!! Lorraine thought. Malakas niyang sinuntok ang hita. Ginawa niya ito para mapagalaw ang nanginginig niyang paa.

Nang akmang hahampasin ni Santa ang ina niya ay mabalis siyang tumakbo at binangga ng malakas si Santa Claus. Sabay silang bumagsak at akmang kukunin nito ang palakol ng mabilis niya itong sinipa palayo.

Akmang tatayo siya para tulungan na makalayo ang tulala niyang ina ng biglang hinila ni Santa ang paa niya kaya napasubsob siya at nauna ang mukha. Sakit, sobrang sakit pero di niya ininda kahit nanlalabo ang paningin niya. Pilit niyang inaangat ang ulo at tumambad sa kanya harapan ang pugot ulo ni Tita Laica!

Gusto niyang matakot dahil nakatitig ito sa kanya. Nakalurat kasi ang mata at nagkalat ang dugo sa mukha nito. Umagos rin ang dugo sa leeg na animo'y kanina palang ginawa ang pagpugot nito. Naliligo siya sa dugong umaagos sa leeg nito. Ang lansa ng amoy at nakakadiri pero tiniis at ininda niya. Ang tangi lang niyang inaalala ay matulungan ang kanyang ina!

Pilit niyang hinihila ang kanyang paa pero nahihirapan siya dahil lakas ng kapit nito. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa at pilit paring hinihila hanggang sa nakaramdam siya ng tuluyang pagluwag nito kaya mabilis niyang nahila ang kanyang paa.

"Holy shit!" Malutong na mura ang lumabas sa bibig ng kapatid niya.

It's Alexis. May hawak itong upuan na mukhang kagagaling lang hinampas kay Santa Claus.

"Noona...is this a dream?" Mahinang tanong nito na tulalang nakatingin ng kawalan.

"Noona tell me....this is a dream right?" Ulit na tanong nito na nagsisimulang pumatak ang luha hanggang na napahagugol ito ng iyak.

Kinagat ni Lorraine ang nanginginig niyang labi. Pinipigilan niyang ang pagkawala ng impit niyang iyak. Ayaw niya ng damayan sa pag-iyak si Alexis dahil kung iiyak siya ay lalo itong masasaktan. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Kailangan niyang maging malakas para sa kinilang kaligtasan!

"I wish this is a dream Alexis but it's not. We have to be strong. Nandito pa ang kalaban hindi pa tapos ang laban."

"But I already---" Di natapos ni Alexis ang susunod na sasabihin dahil gulat siyang napatingin sa sahig. Dun niya hinampas si Santa kanina kaya nagimbal siya ng nakita wala na ito!

"Holy Fuck!!" Napasabunot sa buhok si Alexis. "Fucking shit! Fuck!" Patuloy na mura nito.

Inilibot ni Lorraine ang paningin. Pinapakiramdaman ang paligid. She gritted her teeth ng wala siyang naramdamang kakaiba. Fuck! I shouldn't let my guard down!

Pinakalma niya ang sarili at humugot ng malalim na hininga. Lumingon siya sa tulalang ina at lumapit dito.

"Mom we have to go. Please wake up.... nandito pa kami... Hindi ka namin iiwan... Hindi ko kayo iiwan ni Alexis... so please wake up... I need you mom...we need you..." Luhaang paki-usap niya at mahigpit na niyakap ito.

"Lorraine? Kailan kapa dumating?" Wala sa sariling tanong nito.

Napapikit siya. "Kanina pa. We have to go." Hindi na niya hinintay ang pagsagot nito at tuluyang itinayo.

"Santa Claus is still here. We have to go. Kailangan makahingi tayo ng tulong bago pa niya tayo makita." Tiim bagang na sabi ni Lorraine sa kapatid.

Agad na tumango si Alexis at nagsasalita na sana pero biglang tumunog ang beat ng kantang 'Santa Claus is coming to town.'

Gulat silang napalingon sa TV. Tila ba'y multo ang nagpa-andar nito. Wala kasing anino ni kahit ano at hindi nila naramdamang may lumapit dito. Nakita niya ang remote na nasa upuan. Anong klaseng Santa Claus siya? Paano niya napa-andar ang TV gayong kitang-kita ko kung saan nakalagay ang remote? Kung mapapa-andar niya nga to ay sigurado akong makikita namin siya lalo na't nandito kami sa living room...

"Fuck!" Mahina at malutong na mura ni Lorraine.

Próximo capítulo