webnovel

Ang mga Kakaibang Nilalang

Autor: thunder003
Fantasia
Concluído · 22.2K Modos de exibição
  • 1 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • N/A
    APOIO
Sinopse

Chapter 1Ang mga Kakaibang Nilalang

Ang Tikbalang at ang Engkanto - BATA pa lamang ako ay kinakitaan na ako ng kakaiba di lamang ng aking mga magulang at mga kapatid. Naging usap usapan ang aking buhay dahil sa kakaiba kong taglay na kakayahan – ang makakita ng iba't ibang klaseng nilalang na nakatira dito sa mundo. Minsan ay nakikita ko silang nakikisalamuha sa mga tao at nagbibigay ng gabay o di kaya'y nagbibigay ng mga karamdaman.

Nagsimula ang lahat ng ito ng ang aking mga magulang ay tumira malapit sa ilog. Medyo malayo ang aming bahay sa bayan, kaya't kailangan pang sumakay ng tricycle papunta sa sitio na aming bababaan at mayroon pang lalakarin na isang oras bago mo marating ang aming tahanan. Simply lang ang aming pamumuhay. Isang typical na tahanan na napapalibutan din ng mga pananim (gulay at prutas) at mga punong kahoy dahil mahilig sa pagtatanim ang aking mga magulang. Magkakalayo din ang bawat agwat ng mga bahay dito.

Isang hapon, habang naglalaro kami ng aking bunsong kapatid na babae sa likuran ng aming bahay ay mayroon akong naaninag na parang isang usok na puti na naghugis tao malapit sa isang puno ng santol. Ang punong ito ay medyo may kalakihan at medyo may katandaan na din dahil bago pa man magpatayo ng bahay ang aking mga magulang ay andoon na ang nasabing puno. Masasabi talagang hinubog na ito ng panahon dahil sa laki at yabong ng mga dahon nito na nagsisilbing lilim kapag kami ay nagpapahinga sa ilalim nito.

Kinilabit ako ni Eden, dahil parang natutulala daw ako at wala sa aking isipan habang kami ay naglalaro ng barbie doll na ibinigay sa amin ng aming tiyahin. Nakakatutok lang ang aking mga mata sa puno ng santol ng magsalita ang aking kapatid.

"Ate, maglalaro pa ba tayo o papasok na sa loob ng bahay? Di ka naman kasi naka focus sa pagpapakain sa barbie mo." ito ang naging mga salita na namutawi sa mga bibig ng aking kapatid.

Agad ko siyang pinansin saka sinabihan na lumingon ka bunso sabay turo ang lugar kong saan may nakita akong isang nilalang na malamang ay isang lalaki dahil sa hulma ng katawan at kasuotan nito. "Tingnan mo may nakatingin sa atin na isang lalaki, at kakaiba ang kanyang kasuotan." Agad lumingon ang aking kapatid at itinutok ang kanyang paningin sa lugar kung saan ko itinuro ang isang nilalang.

"Maghunos dili ka ate, wala naman tao diyan sa puno ng santol. Tanging mga dahon at tuyong sanga lang ang nakikita ko." ito ang nagtatakang tanong ng aking kapatid na sa palagay ko ay kinakabahan na din sa mga oras na iyon.

Agad akong kumaway sa lugar kong saan nakita ko ang lalaki pero hindi talaga ito makita ng aking kapatid. Natatakot na ito dahil alam niyang wala namang tao ang lugar kong saan kinakawayan ko. Kinuwento ko sa kanya na meron isang lalaki na sa palagay ko ay kasing tanda ko lamang ang nakakaway sa aming kinaroroonan. Nakasuot ito ng damit na kumikinang at sa palagay ko ay walang damit na mabibili tulad ng kanyang kasuotan.

Nakarinig kami ng pagtawag ng aking ina dahil maghahanda na daw kami ng aming hapunan. Nang tiningnan ko muli ang lugar kong saan nandoon ang isang nilalang ay wala na ito, kaya't hinila na lang ako ng aking kapatid na pumasok na sa aming bahay.

Na ikuwento ni Eden ang nangyari sa aming mga magulang ang nangyari kanina habang kami ay naghahapunan. Pinagtawanan lang sya ng aming mga magulang at nakakatandang kapatid na babae na sa panahong yaon ay nagbakasyon sa bahay dahil nakapag file ito ng leave sa kanyang trabaho.

"Ano ka ba naman bunso, wala ng mga engkanto o anu pa man sa panahon ngayon. At wag na wag mong gawan ng kwento ang iyong ate Elyn ng walang katuturan." pagtatanggol ng aking ate sa akin.

Di na lang ako umimik dahil alam kong di na din ako paniniwalaan ng aking ate at mga magulang sa aking nasaksihan.

Alas diyes na ng gabi at tanging ilaw na lang sa gasera ang nagsisilbing ilaw sa aming tahanan. Magkakatabi kaming tatlo nila ate at Eden na natutulog sa banig, samantalang sa kabilang kwarto naman natutulog ang aming mga magulang. Gawa kasi sa pawid at kawayan ang bahay, at kaming tatlo ay natutulog sa banig na inilatag sa sahig na kawayan. Meron din kaming kama, pero mas naka ugalian na namin na kapag umuuwi si ate ay sa banig na kami natutulog para magkasya kaming tatlo.

Maya't maya pa ay nakarinig ako ng yabag at huni ng isang kabayo. Sa aking pagkakatanda ay kalabaw, kambing at baboy lang aming inaalagaan. Nagsitahulan na din ang aming mga alagang aso. Umaalolong na din ang iba sa kanila at ang iba naman ay gustong pumasok sa aming bahay. Parang kinakalkal nila ang pinto at nanghihingi ng tulong na makapasok. Ngayon lang namin naradamdaman ang ganitong uri ng kakaibang inaasal ng aming mga alagang aso.

Nagising na din pala ang aking mga magulang dahil sa ingay na gawa ng mga aso pati na din ang aking mga kapatid. May narinig kami na parang nag aaway sa labas ng bahay kaya't agad na sinilip namin sa siwang ng bintana ang nangyayari. Nangilabot ako sa aking nasaksihan. Habang takip ko ang aking mga bibig ay nakita ko ang kalahating tao kalahating kabayo na parang may kaaway ito. Mayroon itong kalasag at malaking espada habang ang katunggali nito ay mayroon ding hawak na espada. Kumikinang ang kanyang kasuotan habang nakikipag buno ito sa tikbalang. Nakita ko kung paano nilabanan ng isang nilalang na kawangis ng isang tao ang nilalang na kalahating tao kalahating kabayo. Nasugatan nya ito sa may bandang likod ang tikbalang kaya't napa atras ito at sa palagay ko ay nasasaktan dahil sa tinamong sugat. Dahil dito ay narinig namin ang mga yabag nang tumatakbong kabayo. Tinanong ko sila ni ate at bunso kung ano ang nakita nila pero wala daw silang makita sa labas at tanging mga yabag lang ng isang kabayo na parang nakikipag away dahil napaka dilim sa labas ang kanilang narinig. Kinilabutan ako dahil iyon lang pala ang kanilang nakita samantalang ako ay nasaksihan ko lahat ang mga nangyayari sa bakuran ng aming bahay kahit ito'y napaka dilim.

Di kami makatulog masyado noong gabing iyon. Doon na din kami natulog sa kwarto ng aming mga magulang. Kinabukasan naitanong ko kina nanay at tatay ang nangyari kagabi. Totoo daw ang tikbalang kasi noon pa man ay may mangilan ngilan na daw ang nakakita dito na taga roon sa amin. Isa sa mga nakakita mismo ang aming lolo noong ito'y buhay pa. Isa itong nilalang na kalahati tao, at kalahating kabayo. Matangkad at mabuhok ang katawan nito. Nagdadala daw ito ng panganib lalo na sa mga kababaihan dahil pag nagustuhan ka nito ay hindi ka titigilan na ikay makuha. Pwedi ka ding iligaw nito sa mga kakahuyan oras na ikaw ay mapagtripan nito. Marami na din daw ang nabigyan ng mga karamdaman ng nilalang na ito dahil napaka lupit nito sa mga tao.

Lumipas ang mga araw at hindi na kami naka encounter ng ganoong mga pangyayari pero gusto kong ibahagi sa inyo ang mga karanasan ko na nagpabago sa aking buhay.

Ang Manliligaw kong Engkanto - Isang araw, habang tinatahak ko ang daan papuntang ilog para ako'y maglaba ay nakarinig ako ng mga halinghing buhat sa mga mayayabong na damo sa gilid ng aking dinaraanan. Halinghing na parang sa isang kabayo, kaya't binilisan ko ang aking paglalakad at nagbabakasali na ako'y may makasalubong ngunit nabigo ako.

Nanindig ang aking balahibo dahil alam ko na may mga matang nakamasid sa akin. Malakas ang aking pakiramdam at dahil na din siguro na mayroon akong sixth sense at 3rd eye kaya nakakaramdam ako ng kakaiba. Maraming beses na akong naka daan sa lugar na ito kaya't alam ko kung ilang minutos lang ang lakaran mula sa aming bahay, pero sa pagkakataong ito ay alam kong napaglalaruan ako dahil parang pabalik balik lang ako lugar kong saan ako dumaan. Lalong lumalakas ang mga halinghing na naririnig ko na nagmumula sa mga mayayabong na damuhan, kaya't ako'y tumigil muna sa paglalakad para makiramdam. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang aking dibdib at ako'y nagsalita:

"Kung sino ka man, magpakita ka! Alam kong pinaglalaruan mo lang ako! Kaya't lumabas ka na sa pinagtataguan mo!" ito ang mga salitang aking nabitawan habang nanginginig ako sa takot na sa bandang huli ay aking pinagsisihan.

"Woooorrroooooo ohhhh ohhhhhh" ito ang mga narinig ko sa isang nilalang na lumabas sa mga mayayabong na damo. Mga sa boses na tanging maririnig mula sa isang kabayo. May kataasan ito, mabalahibo ang katawan at pinagsanib na hugis tao at kabayo ang kanyang katawan. Namumula ang mata nito habang naka tingin ito sa aking kinaroroonan. Nag bitaw pa ito ng nakaka lokong ngisi na parang gusto akong sunggaban. Natulala ako at parang naging estatwa sa aking kinatatayuan sa nasaksihan. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso, hindi ako makagalaw at parang naka baon ang aking mga paa sa lupa.

"Ahooooommmmmm aaaaahoooooom ahooooooooom." ito ang mga huling tinig na aking narinig bago ako mawalan ng malay. Sa palagay ko ay galing ito sa isang trumpetang inihipan ng mga di pangkaraniwang nilalang. Alam ko kasi na walang ganitong instrumento lalong lalo na sa isang maliit na baryo tulad ng aming lugar.

"Ahhrrrgggg aaaarrrrggghhh." ito ang mga salitang aking nabitawan habang hawak hawak ko ang aking ulo dahil sa sakit na aking naramdaman. Nakita ko na lang ang aking sarili na nakasandal sa isang puno. Nahihilo ako at parang nasusuka pero may ipina amoy sa akin ang isang nilalang na dati ko nang nakita.

"Miss, kamusta ka? Ako nga pala si Kael." saad ng isang napaka gwapong binata habang inilalahad nito ang kanyang kamay.

"Kamuntik ka nang mabiktima ng tikbalang ah. Buti na lang at nakapatrolya kami sa lugar na ito." Malumanay na tugon niya sa akin habang ako'y nakahawak pa din sa aking ulo. Napatitig na lang ako sa kanyang maamong mukha. Napaka gwapo niya, may bughaw at mapupungay na mata, maputi at napaka kinis na balat, mala rosas na bibig at mayroon napaka tipunong pangangatawan. Napanganga na lamang ako habang nakatingin sa kanya.

Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang nilalang na nakita ko noong isang araw. Ang aking kinawayan sa may puno ng santol. Bago pa man ako magsalita ay inalalayan niya akong tumayo saka itinuro ang daan pauwi. Naka tupi na din ang aking mga dapat lalabhan sanang labahin. Nakangiti ito habang hinahawakan niya ang aking mga kamay. Nakita ko rin ang kanyang mga kasama habang inaayos ko ang aking sarili. Mapuputi ang damit nito na may iba't ibang nakasabit na parang mga kwintas saka may dalang mga espada at pana. Matutulis ang kanilang taenga at may mapuputing balat tulad ni Kael. Ang ipinagtataka ko lamang ay wala itong mga philtrum or guhit sa gitna ng ilong at bibig.

Nakauwi ako sa aming bahay habang alalang alala ang aking mga magulang. Mahigit 8 oras na din akong nawawala at hinahap nila ako kung saan saan pero sinabi ko lamang na ako ay naglaba sa may dulo ng ilog.

Alas nuwebe ng gabi, makalipas ang 3 araw buhat ng maranasan ko na mapaglaruan ng tikbalang ay nilagnat ako – nagdedeliryo ako at parang nawawala sa sarili. Naka rinig din ng mga halinghing ang aking mga magulang na parang sa isang kabayo. Kinakabahan sila sa aking naging sitwasyon. Habang ako'y nilalagnat at nakatalukbong ng kumot ay mayroong parang nag-aaway sa labas ng bahay. Nakakarinig lamang kami ng mga palahaw na nang gagaling sa isang kabayo na parang nasasaktan ito, at naka amoy din ako ng hamyo ng isang bulaklak. Di ko matukoy kung anong uri ng bulaklak na sa palagay ko ay nakapag bigay ng ginhawa sa aking nilalagnat na katawan. Tanging dasal na lang ang ginawa ng aking mga magulang kasama ng aking bunsong kapatid. Makalipas ang 30 minuto ay gumaan na din ang aking pakiramdam.

Kinabukasan, habang ako'y nakadungaw sa bintana, ay mayroon akong naaninag na binata malapit sa puno ng santol. Ito rin ang nakita ko at tumulong noon sa akin. Naka kaway at nakangiti ito sa akin. Kaya't kinawayan ko din, lalapitan ko na sana ng ito'y biglang mawala.

Kinagabihan, habang ako'y naka higa sa aking kama, ay mayroon akong narinig na sitsit galing sa labas ng bahay. Sinilip ko ito sa siwang ng bintana at nakita ko ang isang binatang may bitbit na bulaklak. Ngitian nya ako sabay kaway na kung pwd ay puntahan ko sya sa labas ng bahay.

Agad agad na pinuntahan ko ang binata habang mahimbing na natutulog ang bunso kong kapatid.

"Bulaklak para sa iyo! Sana ay napasaya kita!" ito ang mga salita na namutawi sa kanyang bibig habang abot abot ko ang isang bulaklak. Kulay puti ito at napakabango. Nag-usap kami ng mga bagay na nakapag bigay ngiti sa aking mga labi. Siya daw ay nakatira sa may malapit sa ilog na aming pinaglalabahan at matagal na daw niya akong sinubaybayan sampu ng aking pamilya.

Maya't maya pa ay may tumawag sa akin, boses ng mga nag aalalang mga magulang at kapatid, dahil wala na daw ako sa tabi ng aking bunsong kapatid. Kaya't akoy nabahala at napalingon sa aming bahay, at nang tingnan ko ang aking kausap ay wala na ito sa aking paningin kaya't ako'y pumanhik na sa loob ng bahay.

"Elyn, saan ka ba nanggaling? Ba't wala ka na sa higaan mo? Saan galing iyang hawak mo na bulaklak?" ito ang mga pag alalang tanong ng aking ina.

"Nasa labas lang po, nagpapahangin nay, kinuha ko lang diyan sa may taniman natin ang mga bulaklak na ito." pagsisinungaling tugon ko sa kanya habang kita ko ang alala at takot sa kanyang mukha. Kinakitaan ko din ng pangamba ang aking tatay. Alam kong hindi sila naniniwala dahil wala naman kaming tanim na may kulay puti na bulaklak at ito'y napakabango pa.

Kinabukasan, habang ako'y nagwawalis ng bakuran ay nakita ko ulit ang binata. Naka masid lng ito sa akin. Tinawag ko siya para lapitan ako at kausapin pero di sya lumalabas sa lilim ng puno. Di iyon naaabot ng sinag araw kaya't alam kong doon lang sya pweding makipag usap sa akin.

"Kael, kamusta ka na? Salamat nga pala sa bulaklak mong ibinigay." Bati ko sa kanya. Nakangiti lamang ito sa akin habang nakikita ko ang namumungay at bughaw nitong mata. Napaka gwapo niya talaga. Parang isang artista. Palagay ko ay bagay din kami, ito ang mga naiisip ko habang nakatitig ako sa kanya.

"Elyn, sino ang kausap mo diyan? Pumasok ka na sa bahay at tayo'y mag aagahan na!" sigaw sa akin ng aking nanay.

"Wala po nay! Sige po susunod na ako!" habang kinakawayan ko ang binata sa may puno ng santol. Simula noong araw na iyon ay hindi ko na nakita ang binata.

Isang linggo ang lumipas, nagkaroon ako ng malubhang sakit, nangayayat ako at walang ganang kumain. Bago ito mangyari sa akin ay nakarinig kami gabi gabi ng mga yabag ng kabayo nitong makalipas na araw. Naka amoy din ako ng napakabahong amoy, di namin ito matukoy kong saan nanggaling. Nadala na din ako sa doctor ngunit di nila matukoy ang aking karamdaman. Negative din lahat ang aking mga lab test.

Masyadong nag-alala ang aking mga magulang lalong lalo na ang aking bunsong kapatid. Labag man sa kanyang kalooban ay nagpatawag na si tatay ng isang manggagamot.

Nagkaroon ng isang ritwal ang mangagamot kong saan nalaman nila na nililigawan ako ng isang tikbalang. Di din mapakali ang manggagamot dahil alam niyang merong mga matang nakamasid sa amin. Nalaman din nila na gusto niya akong kunin ng tikbalang sabi ng manggagamot, pero meron parang naggagabay sa akin kaya't di nila ako madaling makuha.

Ilang oras ang lumipas, may narinig kaming parang tunog ng mga trumpeta na nanggagaling sa labas. "Iha, dumating na ang iyong gabay!" may halong pagmamalaki nito sa amin habang kitang kita ko sa mga magulang ko ang pangamba at takot. Mangiyak ngiyak na napayakap ang aking kapatid sa aking payat na katawan.

Mayroon kaming naririnig na parang nag-aaway sa labas, pero sinabihan kami ng mangagamot na wag mag-alala at may kakampi na kami. Nabuhayan na din ang aking loob at naka amoy ako ng isang pamilyar na amoy galing sa isang mabangong bulaklak. Ito rin ang naamoy ko bago ako gumaling sa aking karamdaman.

Doon na nagpalipas ng gabi ang manggagamot. Habang mahimbing akong natutulog, ay nanaginip ako. Nakita ko ang isang binata na nakangiti sa akin. Namumbalik na din ang aking lakas at sigla, pati ang taglay kong ganda. Umiiyak ito, humihingi ng patawad.

"Pasensya na at nahuli ako ng dating. Di ka sana nagkasakit o nakaranas ng ganito. Di ko kasi alam na babalikan ka pa niya. Nagroronda kasi kami sa aming kaharian kaya't di ako naka bantay sa iyo, buti na lang at may namataan ang isang scout namin na may mga tikbalang sa gawing lugar ninyo. Kinakabahan ako kaya't minamadaling iniutos ko na puntahan ang lugar na ito." malungkot na tugon nito, habang may nangingilid na luha sa kanyang mata.

"Pangako, babantayan na kita para wala ng makapanakit pa sa iyo." nakangiting nakatitig ito sa aking mga mata saka isang matamis na halik ang dumampi sa aking mga labi. Nagpahiwatig na din ang binata ng kanyang pag-ibig sa akin, kaya't sinagot ko na din ito.

Dinala niya ako sa kanyang lugar. Doon ko napagtanto na isa pala siyang prinsipe ng mga Engkanto. Nakita ko ang kanilang tirahan. May magagandang batis, at mga mababangong bulaklak. Napakaganda talaga ng kanilang lugar. Parang isang paraiso. Ang gaganda rin ng mga kauri niya. Parang mga taga Europa na matataas at mapuputi ngunit lahat sila ay walang philtrum o guhit sa gitna ng bibig at ilong. Tinanong niya ako kong gusto ko na dito na lang mamalagi sa lugar niya pero umiling iling ako. Ngumiti lamang ito at parang naiintindihan ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

Nagising na lamang ako na magaan ang pakiramdam. Tinanong ako ng manggagamot kong ano ang naramdaman o nakita ko kagabi. May parang gustong ipahiwatig ito sa akin. Nangamba ang aking mga magulang sa mga sinabi ng manggagamot kaya't sinabihan nila ito na kung maaari ay ipasara na lang ang aking 3rd eye. Base sa kanya naka depende pa rin sa tao kung ipapasara ito dahil hindi pwding ipilit ito, pero hiniling ko sa mga magulang ko na wag itong ipasara. Binigyan na lang din ako ng manggagamot ng pangontra laban sa mga maligno, engkanto o mga elemento.

Pero ang hindi nila alam ay hindi ko ito sinusuot dahil alam kong hindi makakalapit si Kael sa akin. Minsan nakakarinig pa din kami ng mga yabag ng kabayo malapit sa aming bahay pero alam kong may nakabantay sa amin – ang manliligaw kong Engkanto.

Dahil sa mga kakaibang karanasan namin sa lugar na iyon ay napag desisyon ng aking mga magulang na lumipat kami sa isang baryo na malapit sa bayan. Doon nilubayan na ako ng tuluyan ng tikbalang pero magpahanggang ngayon ay nakaka salamuha ko pa rin si Kael bilang isang mabuting kaibigan at manliligaw.

Você também pode gostar