webnovel

GHOST PASSENGER

Isang makisig na binata si Randy at siya ay isang driver ng taxi. Mabait si Randy. Kung minsan nga libre ang naisasakay niya kasi kulang ang pambayad, ang iba wala talagang pambayad dahil nakikiusap lalo na maganda ang pasehero, kung minsan pa rin naaksidente at kailangang itakbo ng ospital.

Ganito halos ang nagiging scenario ng pagiging driver..iyan si Randy.

Habang siya ay nagmamaneho sa kahabaan ng Roxas Blvd ay malayo pa lang ay kita na niya ang isang magandang babae na mukhang nagaabang ng masasakyan.

Hindi siya nagkamali dahil ng papalapit na siya ay pinara siya nito.

Ang suot ng magandang babae ay puting damit ang pang itaas at nakapantalon ng maong.

Sumakay nga ang magandang babae.

"Miss saan po tayo?" tanong ni Randy.

"Diretso lang tayo at kapag malapit na sasabihin ko sa iyo" ang sabi ng magandang pasahero ni Randy.

Pinatakbo na ni Randy ang taxi. Itong si Randy kapag maganda ang pasahero ay parang wala sa sarili kung magmaneho.

"Skitchhhhhhhhhh!!!" ang ingit ng gulong ng taxi.

Biglang tigil ng minamaneho niyang taxi.

"Ano ba!!" ang sigaw sa tumawid na lasing na lalake.

"Pa..pasen..sya na..pare" ang hindi diretsong wika ng lasing.

Hindi na pinansin ni Randy ang lasing at pinatakbo na ang taxi.

"Pasensya na miss" ang sabi niya sa sakay na magandang babae.

"Mamang driver para na bababa na ako".

Pagkahinto ay binuksan kaagad ng magandang babae ang pinto at pagkasara ay tuloy tuloy na itong naglakad.

"Miss ang bayad mo!!" ang sigaw ni Randy.

Hindi pinansin ang tawag ni Randy at nagpatuloy sa paglakad. Bumaba si Randy upang habulin ang babaing pasehero subalit hindi na niya nakita.

"Saan kaya nagpunta iyon kabababa lang nawala na kaagad" ang bulong sa sarili na nagkakamot ng ulo.

"Hayyy! kapag mamalasin ka nga naman..sama ng araw ko ngayon a, muntik na akong makasagasa tapos natakbuhan pa ako, malas..malas" ang bulong ng naghihimutok na si Randy.

Subalit ang dahilan kaya niya gustong habulin ang naging pasahero niyang magandang babae ay upang makilala niya ito dahil nabighani siya sa ganda nito.

"Hindi bale basta nga maganda libre sa akin eh..kaya lang malas hindi ko siya nakilala" ang sabi sa sarili ni Randy.

Naikuwento ni Randy sa kaibigan niyang si Romy ang naisakay niya at pinagtawanan siya nito.

"Pare baka ang naisakay mo ay multo" at natawa si Romy.

Lumipas pa ang isang linggo at muli siyang napadaan sa kahabaan ng Roxas Blvd. at hindi sinasadya ay malayo pa lang ay nakita niya uli iyong naging pasahero niyang nagandang babae na nag-aabang ng masasakyan.

"Tiyak sasakay ito at makikilala ko na siya" bulong ni Randy sa Sarili.

Subalit ng malapit na si Randy ay hindi pa nito pinapara ang taxi ni Randy kahit nakalampas na siya. Kaya ang ginawa ni Randy ay itinabi ang taxi at bumaba siya upang kausapin ang magandang babae.

"Miss magandang gabi hindi ba ikaw iyong naisakay ko noong isang gabi? kaya lang nalimutan mong bayaran iyong metro ng taxi" ang magalang na tanong ni Randy subalit hindi ang bayad ng magandang miss ang pakay niya kundi makilala ito.

"Noong isang gabi?" ang sabi ng magandang miss na parang nag-iisip.

"Oo miss noong isang gabi na muntik na nga akong makasagasa ng lasing" paliwanag ni Randy.

"Ah oo naku pasensya ka na ha wala ako sa sarili ko noon kasi may iniisip akong problema" ang paliwanag ng magandang babae at nagpatuloy sa pagsasalita "kaya lang kulang ang pera ko ngayon pasensya na hindi kita mababayaran" ang sabi ng magandang miss na huhingi ng paumanhin.

Hindi maintindihan ni Randy ang sarili kung bakit para siyang naakit ng kausap niya.

"Ganoon ba okey lang walang problema kalimutan mo na iyon, eh saan ang punta mo ihatid na kita, hindi ba malapit ka lang dito? tutal pauwi na naman ako eh" ang anyaya ni Randy dito.

"Hindi ba nakahihiya sa iyo?" ang sabi ng magandang miss.

"Hindi naman kasi maganda ka at kaming mga driver ay may kasabihan na kapag maganda ang pasahero ay libre na" ang nakatawang biro ni Randy.

Sa pagbibiro ni Randy ay parang naging magaan ang loob nila sa isa't isa kaya pumayag na rin ang magandang miss.

"Oh sige bahala ka, salamat ha?" ang sagot ng magandang babae.

Sumakay ang babae sa unahan ng taxi kaya nakapg-usap sila habang tumatakbo ang taxi at sa pagkakataong ito mabagal ang takbo ng nila.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ni Randy.

"Minda" ang maikling sagot ng babae na nakangiti.

"Ako naman ay Randy ang pangalan ko" ang pakilala ni Randy sa sarili.

"Matagal ka ng driver Randy?" tanong ni Minda.

"Oo mula ng mamatay ang tatay ko na isa ring driver namana ko ang trabahong ito.

"Ganoon ba? teka pakitabi na lang bababa na ako".

Inihinto ni Randy ang taxi at bumaba si Minda subalit bumaba din si Randy.

"Minda sandali lang puwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?" ang pakisuap ni Randy

At humanap sila ng lugar na puwede silang mag-sap at nakakita naman sila ng upuang semento ang pagkakagawa.

"Minda bakit nag-iisa ka lang na nagpapahatid dito hindi ka ba natatakot dito? Madilim ang lugar na ito at kakaunti ang nagdaraan" ang tanong ni Randy.

"Hindi naman doon lang ang sa amin nilalakad ko lang at sanay na ako dito" ang paliwanag ni Minda.

Nakapag-usap nga sila ng matagal at nalaman ni Randy na single parent si Minda, may anak na babae na anim na taong gulang. Nalaman din niya na iniwanan siya ng dating kasintahan ng malaman na nagbunga ang kanilang kapusukan at iyon nga ang anak niya ngayon. Wala na ring mga magulang si Minda kaya siyang mag-isa ang bumubuhay sa anak niya. Nalaman din ni Randy na nagtatrabaho ito sa isang bar sa Roxas Blvd.

Sasamahan sana ni Randy si Minda sa kanila subalit tumutol ito kaya siya na lang ang umuwing mag-isa.

Lumipas pa ang dalawang linggo na hindi na niya nakita si Minda sa lugar na kinakitaan dito kahit ilang beses na siyang dumadaan sa Roxas Blvd.

Hindi malaman ni Randy ang sarili sa nararamdaman niya kay Minda at naitanong niya sa sarili "Umiibig kaya ako sa kanya kaya hinahanap siya ng isip ko? Pero hindi ito maaari dahil mayroon na akong kasintahan at hindi mabuti na umibig ako kay Minda".

Subalit talaga yatang tinamaan ang puso niya ni kupido. Kaya gabi gabi na siyang dumaraan sa Rozas Blvd sa pagbabakasakali na makita niya uli si Minda.

At isang gabi nakita niya si Minda nag-aabang ng taxi. Agad niyang itinabi ang taxi kaya lang dahil sa bilis ng takbo ay napalagpas ito ng apat na metro kaya bumaba siya para puntahan si Minda subalit biglang nawala ito.

Nagpalinga linga si Randy sa paligid subalit wala si Minda hindi niya makita kaya napakamot na lang sa ulo si Randy.

"Nasaan kaya siya bakit biglang nawala" ang bulong sa sarili na nagtataka.

Pagkauwi ni Randy ay kumain lang sandali at pumunta na sa kuwarto upang matulog subalit hindi siya makatulog dahil iniisip niya si Minda na biglang nawala pagkababa niya sa kanyang taxi. Bigla itong naglaho ng tigilan niya sa Roxas Blvd.

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya at ng sagutin niya ay ang girlfreind niya.

"Hoy! Randy ilang gabi ka ng hindi nagpupunta sa amin ah" ang medyo galit na tawag ng girlfriend niya.

"Ah ikaw pala pasensya na sweetheart medyo busy lang ako alam mo na nag-iipon ako para sa kasal natin" ang may pambobolang sagot ni Randy sa girlfreind niya.

Lumipas pa ang isang linggo.

"Ano itong nangyayari sa akin bakit si Minda ang iniisip ko? Masama na ito baka umiibig na ako sa kanya pero hindi maaari" ang bulong ni Randy sa sarili niya.

Dahil sa paghahangad ni Randy na magkita uli sila ni Minda ay nagtiyaga siya na laging dumaan sa Roxas Blvd. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang sidhi ng kanyang paghahangad. Umiibig ba siya kay Minda? Nakuha na ba ni Minda ang puso niya? Papaano ang kasintahan niya, hindi na ba niya mahal ito? Mga katanungan na hiwaga para sa kanya.

Sa wakas isang araw habang binabagtas ni Randy ang kahabaan ng Roxas Blvd ay namataan niya si Minda nagaabang ng masasakyan kaya binilisan niya at baka sa iba sumakay at dahil sa bilis niya ay lumagpas siya. Medyo ilang hakbang lang naman kaya ng tumigil siya ay bumaba si Randy para puntahan si Minda subalit paglapit niya sa lugar na kinakitaan niya ay bigla na naman itong nawala.

Nagpalinga linga siya subalit talagang wala.

May tumawag sa kanya sa loob ng taxi niya.

"Randy tayo na" ang tawag ni Minda.

Bumalik si Randy sa taxi niya.

"Nakasakay ka na kaagad? ang bilis mo naman hindi ko yata nakitang binuksan mo ang pinto ng taxi a" ang nagtatakang tanong ni Randy kay Minda.

At sumakay na uli si Randy.

"O saan tayo?" tanong ni Randy.

"Randy dalhin mo ako sa lugar na puwede tayong mag-usap na dalawa dahil may ipagtatapat ako sa iyo" ang wika ni Minda.

Dinala ni Randy ang taxi sa tabing dagat sa Roxas Blvd at naghanap sila ng upuan paharap sa dagat. At ang simoy ng hangin ay sobrang lamig..nanunuot hanggang buto. Ramdam ni Randy ang ginaw at halos nangangtog na siya subalit napansin ni Randy si Minda na bale wala dito ang sobrang lamig ng paligid.

"Randy tingnan mo ang dagat..tahimik siya hindi ba? Subalit sa ilalim niyan ay puno ng iba't ibang bagay na makikita mo. Tulad din natin ang dagat maganda sa labas na kaanyuan subalit kapag inalam mo na ang kalooban ng isang tao ay marami pala siyang problema sa buhay..mga tiisin at sakit na tinataglay, na nangangailangan ng tulong ng iba, ng mapaghihingahan ng sama ng loob"

Huminto muna sa pagsasalita si Minda habang si Randy ay nakikinig lamang.

"Randy huwag kang mabibigla sa ipagtatapat ko sa iyo" ang patuloy ni Minda.

Subalit sinansala ni Randy ang ipagtatapat ni Minda.

"MInda sandali lang, ako muna ang may gustong ipagtapat sa iyo" tumigil muna si Randy sa pagsasalita dahil inaarok pa niya ang kanyang puso kung dapat nga bang magtapat siya ng kanyang loobin kay Minda, at muli siyang nagpatuloy sa kanyang sasabihin.

"Minda hindi ko alam sa sarili ko kung bakit lagi kang hinahanap ng isip ko..gusto kong itanong sa sarili ko kung ito ba ay pag-ibig o isa lang paghanga sa kagandahan mo na siyang nagpapagulo sa isipan ko".

"Randy ganoon din ako..nababaitan ako sa iyo at hindi ka mahirap mahalin..kaya lang ako ay matagal ng pa...?"

Hindi na natapos ni Minda ang kanyang sasabihin dahil may tumawag kay Randy at napalingon si Randy, ang kaibigan pala niyang si Romy na nakita siyang nakaupong mag-isa at parang kinakusap ang hangin.

At ng muli siyang tumingin sa katabi ay wala na si Minda. Tumayo siya at nagpalinga linga subalit talagang wala na si Minda, nawala siyang parang bula.

"Hoy! Randy ano bang nangyayari sa iyo..sinong hinahanap mo at nakita kitang nakaupong mag-isa at nagsasalita ng walang kausap" ang sabi ng kaibigan niyang si Romy.

"Ha? Ganoon ba..hindi nagre-relax lang ako at kumakanta..kinakanta ko iyong kantang "Ako'y Baliw Sa Iyo" na kinanta ni..at nag-isip kunwari ..sino nga ba iyon?" ang sinabing palusot ni Randy.

Nagtawa ang kaibigan niyang si Romy na parang naguguluhan sa mga sinasabi ni Randy.

"Ah oo baliw ka na nga dahil galit na galit na sa iyo ang syota mo at pinasusubaybayan ka sa akin dahil baka may iba ka ng kinakatagpo dito". ang pagtatapat ng kaibigan niya.

Mula noon naging palaisipan si Minda kay Randy, na kapag ipinagpatuloy pa niya na isipin si Minda ay baka sa ospital na ng Mandaluyong siya dalhin, sa kulungan ng mga nababaliw.

Lumipas ang isang buwan..umabot pa yata ng isang taon na hindi na sila nagkita ni Minda.

Kaya kinalimutan na niya si Minda kahit alam niya na sa puso niya kahit papaano ay minahal niya ito.

Subalit naroroon pa rin ang pagtataka sa isipan niya kahit KASAL na siya sa kanyang kasintahang sobrang selosa.

Halimbawang hindi isang multo si Minda at nagkaroon sila ni Randy ng relasyon ay papaano naman ang kasintahan niya na umaasa sa kanyang

pag-ibig?

Sana naging inspirasyon ito sa mga nagmamahalan na huwag maaakit sa iba kung mayroon ng minamahal

Thanks guys for reading ang please may I have your

comment and rating for this chapter?

Rio Alma

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Próximo capítulo