webnovel

Ang aking Ina

Limang taon palang ako nun nang mangyari ito, hindi ko matandaan ang buong detalye kaya ang naalala ko lang ang ikukwento ko.

Natutulog ako sa tabi nang mga magulang ko nang magising ako sa ingay nang may nahulog sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang nahulog pero sa tingin ko ay yun ang Vicks Vaporub ni mama. Bumangon ako para kunin sana ang nahulog pero paglingon ko sa bintana ay may nakita akong dalawang nakasilip. Natakot ako at hindi gumalaw, nakaupo na kasi ako nun at alam kong nakatingin sila sakin kaya hindi nalang ako gumalaw at tinitigan ko nalang sila. Ilang sandali pa'y gumalaw na ang mga ito, dalawa sila na hugis pusa ang mukha pero walang balahibo. Umikot sila sa bahay at huminto sa harap nang pinto. Laking gulat ko nang biglang may kumalabog sa pinto namin. Dali-dali akong humiga at nagtulog-tulogan nang nagising ang aking ama. Sinigawan nya ang mga nagdadabog.

"Hoyy!!! Ano yan?!"

Tumahimik ito at bumalik sa pagkakahiga si ama, ngunit bigla nanaman itong kumalabog. Parang binabangga ang pinto namin, akala ko ay masisira na ito. Tumayo si ama at kumuha nang itak at kalibre kwarenta y singko na baril.

"Paghindi ka tumigil babarilin kita!!!" Sigaw ni ama.

Narinig ko nalang na nabasag ang jealousy namin at napasigaw si ama. Pumutok ang baril ni ama ngunit hindi tumigil ang ingay, takot na takot akong nagtago sa ilalim nang kumot ko. Sa isip ko'y baka napano na si ama, kaya nilakasan ko ang loob ko at bumangon. Pagsilip ko sa sala ay nakita ko si ama na dinadaganan nang isang halimaw habang ang isa naman ay kagat-kagat ang kanyang paa. Kahit natatakot ay pinulot ko ang itak at tinaga ko sa ulo ang halimaw na nakadagan sa aking ama. Tumama ito ngunit sa edad kong yun ay wala pa akong sapat na lakas para makapinsala sa halimaw na iyon. Tumingin sakin ang halimaw at sinakmal ako, nakagat nang halimaw ang aking braso at akoy napahiyaw. Pinilit kong makawala pero bumaon na ang pangil nang halimaw sa aking braso, ramdam ko ang tumutulong dugo mula sa mga sugat sa braso ko, at ramdam ko rin ang dila nang halimaw na sinisimot ang mga dugong lumalabas sa mga sugat ko. Tinawag ko ang ina ngunit paglingon ko sa higaan ay wala na doon si ina. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak, sa isip ko'y katapusan ko na sa mga oras na iyon.

Naririnig ko pa rin si ama na nakikipag pambuno sa halimaw, tiningnan ko ang halimaw na nakakagat sa aking braso, ito'y naka ngisi pa. Gamit ang kuko nang halimaw ay inumpisahan na niyang hiwain ang akong tiyan, iyak nalang ako nang iyak sa sakit. Naramdaman kong lumuwa na ang aking mga bituka at hinila ito nang halimaw at akmang isusubo na sana nya nang mula sa aking likod ay biglang sumulpot ang isang puting halimaw. Galit na galit itong sumisigaw.

"Mga lapastangan!! Hindi nyo ba kilala kung sino ang binibiktima nyo?!!"

Nilamas nang puting halimaw ang mukha nang halimaw na nakakagat sa aking braso, hinablot itong bigla at natanggal ang buong mukha nang halimaw. Kitang-kita ko kung paano nahulog mula sa kanyang nakabukas na bungo ang utak nito. Natigilan ang halimaw na umaatake kay ama, dali-dali itong tumalon sa bintana at lumabas ngunit sinundan ito nang puting halimaw at naabutan sa labas. Sinakmal nang puting halimaw ang tumatakas nahalimaw sa leeg. Pinagpiras-piraso ito nang puting halimaw sa harap ko. Nang tumigil na ang puting halimaw ay sumigaw naman ito nang pagkalakas-lakas.

"Kilalanin nyo ang inyong biktima kung ayaw nyong lahat kayo'y ubusin ko!!!"

Nakita kong nagsiliparan ang mga malalaking paniki, nagtatakbuhan ang mga baboy ramo at itim na mga aso mula sa paligid namin. Hinabol naman sila nang puting halimaw at nawala sa kadiliman, tumahimik ang paligid at tanging mga kuliglig lang ang maririnig, parang walang nangyari sa gabing yun. Mula sa likod nang bahay ay lumabas si ina, alalang-alala sa amin ni itay, pinahiran nya kami nang langis, lana ang tawag namin sa langis na iyun. Agad na tumigil ang pagdurugo nang mga sugat namin ni ama, pinagpabukas na ni ina ang pag ayus sa mga gamit na nagkalat at pinatulog na kami.

"Matulog na kayo mga mahal ko, hindi na babalik kailan man ang mga aswang na iyon. Nandito lang ako nakabantay sa inyo." Mahinhin na boses nang aking ina.

---WAKAS---

Próximo capítulo