webnovel

Chapter 2

"KAINIS, kainis, kainis! Bakit kasi ang bait niya? hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya."

"Ano?! nabaliw ka na ba d'yan?" Lumingon ako sa kaibigan ko. Si Maricar.

Nakilala niya si Maricar nung minsan siyang isama ng mga katrabaho niya dito sa bar kung saan nagtatrabaho ito bilang waitress. Actually Restobar ito. Restaurant sa umaga, Bar naman sa gabi.

Mahina kasi ang tolerance ko sa alcoholic drinks kaya nalasing agad ako nung time na iyon. Sa sobrang kalasingan naming lahat inabot na kami ng closing. Si Maricar ang nag asikaso sa'kin, ginamit din nito ang phone ko para tawagan si Lorenzo na siyang nasa speed dial. Naalala ko galit na galit si Lorenzo nang malaman nitong nakainom ako. Wala kasi akong natatandaan pagkatapos ko uminom. Kaya naman alalang-alala si Lorenzo. Doon din nagkakilala sila Lorenzo at Maricar. Napagbuntunan kasi ni Lorenzo si Maricar at inakalang siya ang kasama kong mag-inom.

Kay Maricar ako nagkukwento sa mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin kay Lorenzo, lalong lalo na sa feelings ko para rito.

"Kamusta naman ang pagiging kaibigan mo sa pagibig ng Lorenzo mo?" Pang-aasar nito na may pakunwaring quotation gamit ang kanyang kamay.

"Ayun nilalakad ko si Lorenzo kay Cristine. Ako pa minsan nagdadala ng bulaklak. Bwiset!" Tinawanan naman siya ni Maricar.

"Ang Martir mo friend." Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong hininga.

"Bakit kasi hindi mo nalang patulan yung blind date na naset ng mama mo? Malay mo yung taong makikilala mo sa blind date na yun. Yun na pala yung taong magmamahal sayo." Hindi niya kayang isipin na wala na talaga siyang pag asa kay Lorenzo.

"Try mo lang girl. para maka-move-on kana d'yan. Saka tama ng 'yang pag-inom mo, baka ako sisisihin ng Lorenzo mo dahil hinayaan kitang mag-inom." Inagaw nito sa kanya ang bote ng alak. Pero kinuha niya ulit iyon mula kay Maricar.

"Tsk. Hayaan mo siya magsama silang dalawa. Bwiset siya!" Sigaw niya.

"Wow ha! may kayo? may kayo? kung magmaktol ka d'yan." Tinungga ko pa ang alak.

Maya-maya ay tinawag si Maricar ng katrabaho niya.

"Kara, dito ka lang muna ha. Aasikasuhin ko lang yung customer. Saka tama na 'yang pag-inom mo ha. Babalik ako." Umalis ito at tinungo ang Customer na inassigned sa kanya ng katrabaho nito.

---

Pagbalik ni Maricar ay napanganga na lamang siya sa tatlong bote na wala ng laman.

Napalingon si Maricar sa'kin nang marinig niya ang hikbi ko.

"Oh bakit umiiyak ka dyan? lasing ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito.

Tumungo ako sa counter. Nagdadalawa na ang paningin ko. Dalawang Maricar na ang nakikita ko.

"Hindi ako *hik* lasing... Maricar bakit kasi hindi niya ako magustuhan? *hik* Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? then why?" Naramdaman ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko.

"Tsk! di daw lasing pero nagdrama na dyan. Ginaya mo pa yung isa sa movie na napanood mo, wala kang originality," nilapitan niya ito, "kara tumayo ka na nga dyan, umuwi ka na."

Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Napatakip ako ng bibig, parang babaliktad ang sikmura ko.

"Teka! mag-ingat ka nga muntik ka ng sumubsob, saan na ba phone mo. Tawagan natin ang Lorenzo mo. iinom inom di naman kaya."

Agad naman napatingin si Kara sa kasama niya. Kumunot ang kanyang noo.

"Sinong Lorenzo? yung bestfriend kong babaero?"

"Oo." Kinalkal nito ang gamit at nang mahanap nito ang phone ay pumunta lang ito sa speed dial at pinindot ang call button.

Pilit kong inabot ang phone ko nahawak ni Maricar pero nilalayo lang nito.

Ang phone ko!

Kinurap-kurap ko ang aking mata, parang bumibigat ata ang talukap ng mata ko?

Nilingon ko si Maricar.

"Phone ko yan. Ba't di mo gamitin ang iyo." Masamang tingin ko dito.

Pero hindi ako pinansin nito.

"Hello.. pwede ka ba pumunta dito?" Sumagot na 'ata ang tinatawagan nito.

"Bakit ba parang umiikot ang paligid?" Napahawak ako sa aking noo.

Nakita ko ang stage sa harapan at ang microphone na nakalagay sa stand. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa stage.

"Oo kasama ko siya... Hindi ko siya hinayaang mag-inom pero hindi ko siya mabantayan because I'm working. Okay- hey! Kara san ka pupunta. Just hurry up, I'll follow her." Agad nitong binaba ang tawag para sundan ako.

"Kara wait," sinundan nito ang tinitingnan ko. "No... No... Not the stage Kara!" Naabutan niya ang kaibigan at hinila ito pabalik sa bar counter.

"Let me go.. I want to sing." Pagpupumiglas ko.

"No. Let's go back Kara."

"But i want to sing," kanina pa ako tinatawag ng mikropono..

"Kara, Baka mawalan ako ng trabaho dahil dito. Let's go." Hinawakan ako nito sa braso at hinila ulit pabalik sa counter.

"No! I want to- " pagtalikod ko ay bumangga ako sa isang lalaki.

Nakahinga naman nang maluwag si Maricar dahil dumating na si Lorenzo. "Thank god! dumating ka na. Itong bestfriend mo lasing."

Agad akong hinarap ni Lorenzo sa kanya,

"kara, I told you to stop drinking alcohol. Now, look at you. You look a mess." Inayos nito ang buhok na tumatabing sa mukha ko.

Kunot noo kong kinikilala ang kaharap. Pamilyar ang ang boses niya.

Namilog ang mata ko dahil sa kaharap.

"Kamuha mo yung Lorenzo ko. pareho din kayo ng boses." Ngumiti ako at lumapit dito.

"Kaso yung Lorenzo ko may ibang mahal. Bwiset 'yon, mahal na mahal ko siya pero di ako ang mahal niya." Inangat ko ang aking tingin at hinawakan ang mukha ng lalaki. "Pwede bang ikaw na lang ang Lorenzo ko?" Hindi naman makapaniwala ang lalaki sa mga narinig.

Nagulat na lang si Lorenzo ng mawalan na ito ng malay dahil sa kalasingan. Mabilis niya itong sinalo upang hindi ito tuluyang malalaglag.

Napatakip ng bibig si Maricar dahil sa biglaang pag-amin ng kaibigan.

----

"Arrghh!" Nagising ako sa sakit ng ulo.

Napatingin ako sa kaliwa bahagi ng kama at namataan ang orasan.

10:30 Am

Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong tinanghali na ako nagising. Dali-dali akong tumayo pero napatigil dahil sa pagpintig ng aking ulo.

Shit! ang sakit. Naparami ata ang inom ko kagabi.

Nang medyo nawala na ang hangover ko, tumayo na ako't dumeretso sa cr para maligo. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba ako papunta sa kusina upang hanapin si Mama.

"Ma tanghali na, bakit di niyo man lang ako gini-" Nabitin ang sasabihin ko ng makita si Lorenzo na kumain kaharap si Mama.

"Kara, why are you dress like that? it's Sunday." Nagtatakang tanong ng kanyang ina. Agad kong hinanap ang kalendaryo na nilagay namin dito sa kusina. Nakita kong Sunday nga pala ngayon.

Nanlulumong umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ni Lorenzo. Tiningnan ko si Lorenzo pero hindi man lang ko nito nilingon. Napahawak ako sa pumipintig kong sintido.

Napansin naman ito ng kanyang ina. "Kara. Ano na naman ba ang naisipan mo at nag-inom ka ha? Alam mo naman na hindi ka sanay sa alak."

Nilingon ko si Mama, "pano nga po pala ako nakauwi?"

Tumingin si Mama kay Lorenzo na patuloy lang na kumakain.

"Sinundo ka ni Lorenzo doon sa restobar. Buti na lang si Lorenzo ang naghatid sa'yo pauwi, paano kung may nangyari sa'yong masama."

Sa pagkakaalala ko ay kasama ko Maricar at nangangamusta tungkol sa panliligaw ni Lorenzo. Pero bukod dun ay wala na akong ibang maalala.

"Ma, kasama ko naman po si Maricar."

"Kahit pa, may trabaho yung kaibigan mo dumagdag ka pa," pangaral nito. "Saka Anak kung mag iinom ka, dito na lang sa bahay, atleast alam ko dito safe ka. Alalang-alala ako sa'yo." Hindi ko maiwasang makonsensya sa nangyari kagabi.

"I'm sorry ma. Don't worry that will be the last one. Promise!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay.

"You should be." Mataray na wika ng kanyang ina.

She bit her lower lip. Her mom is not on the mood so she better stay quiet.

"Kumain ka na d'yan. Uminom ka ng maraming sabaw ha. Aalis muna ako. Pupunta ako sa office."

"Why?"

"May inutos sakin ang dad mo. Yung files niya sa office pinapasend niya sa'kin. Nakalimutan niya bago siya pumuntang Singapore." Napatango-tango naman siya sa sinabi ng ina.

Nang makaalis si Mama ay binalingan ko ang kaibigan kong tahimik na kumakain at wala 'atang balak na kausapin ako.

"Oyy!" Kalabit ko dito, pero hindi ako pinansin nito.

"Lorenzo," kinalabit ko ulit. Pero dedma pa rin ang beauty ko.

"Lorenzo, galit ka ba? oyy!"

Lumingon ito at tinitigan ako ng masama.

"I told you to stop drinking." Mahina pero madiin nabigkas nito.

Nakagat ko ang labi ko, umiwas ako ng tingin.

"Sorry na. Hindi ko na uulitin. Iinom na lang ako pag kasama ka." Hindi pa rin ako nito pinapansin.

Tumayo ako sa kanyang upuan at mula sa likod ng lalaki ay niyakap ko ito. Naestatwa naman si Lorenzo sa ginawa ko.

"Sorry na Lorenzo. Promise hindi na ako mag-iinom hmm." At niyakap ko pa ito ng mahigpit.

Ganito ako maglambing pag may tampuhan kami. Bagay na maaring magbago pag umamin ako sa kanya.

"Dapat lang. Kung anu-ano sinasabi mo pag nalalasing." Kumalas siya sa yakap ko.

"Bakit ano ba sinabi ko?" Nanlaki ang mata ko saka napatakip ng bibig.

"Omg! Did I do so something wrong? did I make a scene?"

Inirapan naman siya nito. Kalalaking tao marunong mang-irap.

"Wala." Nag-iwas naman ito ng tingin.

"Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka?" Pinaningkitan ko ito ng mata.

Natawa naman ito sa kanya. "Wala nga. Ang kulit!" Tumayo na ito at lumabas ng kusina. Hinabol ko ito.

"Pero di nga Lorenzo. Wala ba talaga akong nasabi na kahit ano?" Tinitigan lang ako nito ng maiigi bago umiling.

"Wala nga." Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito bago ako lagpasan.

Wala ba talaga akong ginawa o sinabi? pero bakit pakiramdam ko meron.

Arrghh! hindi na ko iinom ng alak.

may nangyayaring di maganda.

---

Don't forget to vote or comment your suggestions. Thank you.

Próximo capítulo