webnovel

Confrontation and Revelation

Mag-isa na lamang si Alex nang lumabas siya ng library building. Pinauna na siya ni Richard para hindi sila makitang magkasama ng ate niya. Nagulat pa siya nang makita si Angel na nakaupo sa may sidewalk sa labas ng library building.

"Ate?"

Nilingon siya ni Angel. Maging iyong katabi nitong lalaki ay lumingon din sa kanya. Saka lang niya nakita kung sino iyon. At nagtaka siya nang malamang si Bryan de Vera pala ang katabi ng kanyang kapatid.

"Let's talk." Firm ang pagkakasabi ni Angel noon. Parang hindi mababali nino man.

Pinilit nitong tumayo pero mukhang nahihirapan ito. Kaya naman tinulungan siya ni Bryan. Ito na rin ang nagdala sa mga gamit nito. Saka na naunang umalis ang dalawa.

Sinundan ni Alex ang kapatid at si Bryan. Bigla siyang kinabahan sa kakaibang aura ng kapatid. Lalo na iyong katotohanang kasama nito si Bryan. Ano kaya ang ibig sabihin noon?

Samantala, sa may library building, lihim na minatyagan ni Richard si Alex. Hindi naman siya nahirapan dahil malalaki ang mga glass windows ng library. Kitang-kita nito ang nangyayari sa labas.

Kaya nakita din nito noong bigla na lamang tumayo si Angel habang inaalalayan ni Bryan. Bigla siyang naalarma lalo na noong sundan ni Alex ang dalawa. Nagpasiya siyang sumunod na rin sa tatlo at alamin kung ano ba ang nangyayari nang mga sandaling iyon.

⬆️➡️⬇️⬅️

Sa opisina ng The Echo dinala ni Angel si Alex. Wala na ang kanyang mga members at nakauwi na. Wala na ring nagkaklase sa mga classroom na katabi ng opisina. Solo na talaga nila ang lugar. Kasama pa rin nila si Bryan.

Nakatayo silang tatlo. Bahagyang nakasandal si Angel sa mesa niya para sa suporta. Si Alex naman ay nakatayo sa likuran ng mesang nasa harapan ni Angel. Si Bryan ay nasa malapit lang ni Angel.

"Ate..." Halatang kinakabahan si Alex.

"Ano bang nangyari, Alex?" Inalis ni Angel ang mga sapatos niya. "Bakit hindi ka nakinig sa akin?"

"I don't know what you're talking about."

"Ang sabi ko, iwasan mo na si Richard Quinto. Pero bakit hindi mo pa rin ginawa?"

"Ate..."

"Tapos, ang masakit pa doon, sa ibang tao ko pa malalaman ang totoo."

Napatingin si Alex kay Bryan. Sa sahig lang naman nakatingin ang binata.

"Wala siyang kinalaman dito," ani Angel. Wari'y nabasa nito ang paghihinala ni Alex kay Bryan. "May nakakita sa inyo. Sa kanya ko nalaman ang lahat. At nakita ko kanina mismo. Sa library. Kaya huwag ka nang magsinungaling."

Tuluyan na ngang nasukol si Alex. Wala siyang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang. "Ate, I'm sorry."

Napaiyak na rin si Angel. Ang paghingi kasi nito ng tawad ang kompirmasyon ng bintang nito sa kanya. "Alex..."

"Sorry kung naglihim ako sa iyo. Alam ko naman kasi na tutol ka sa desisyon ko. Natatakot ako na isumbong mo ako kay Daddy-"

"Sinabi ko sa'yo layuan mo si Richard!" Hindi na napigilan pa ni Angel ang sarili. "Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko?"

"Ate..." Tuluyan nang umiyak si Alex.

Noon pumasok ng opisina si Richard. Napatingin sina Angel at Bryan sa kanya.

"It was my fault," bungad niya kay Angel. Noon naman napalingon si Alex sa kanya. Nginitian niya ito. "Ako ang nag-add sa kanya sa Facebook as friend. Ako ang nagyaya sa kanya na magkita kami."

Sinaway naman ni Bryan ang pinsan. "Richard, hayaan mo silang mag-usap na magkapatid."

Pero hindi iyon pinansin ni Richard. "Kung pagagalitan mo siya, ako na lang," aniya kay Angel. "Ako ang pumilit sa kanya na makipaglapit sa akin."

Pero hindi rin iyon pinansin ni Angel. "I told you to not talk to him again. Bakit, Alex? Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko? Ano ba ang mahirap intindihin doon?"

Pilit pa ring ipinagtanggol ni Richard si Alex. "I said it was my fault. Why don't you want to listen to me?" Tumaas na ang boses nito.

"Richard!" saway naman ni Bryan sa pinsan.

"I'm just defending Alex!" pagtatanggol ni Richard sa sarili.

"You try to talk once more and I'll take you out of this room!" banta naman ni Bryan dito.

Natahimik naman si Richard. Wari'y nagulat siya sa biglaang pagtataas ng boses ni Bryan. Natahimik ang dalawang lalaki. Nagpatuloy naman sa pag-uusap ang magkapatid.

"Nakalimutan mo na ba, Alex? Nakalimutan mo na ba that we were not supposed to be talking to them?" muli'y tanong ni Angel sa kapatid.

"Ate..." Nanatiling nakatingin lamang ito kay Angel. Patuloy din ang pagdaloy ng luha nito.

"Magagalit sila, Alex. Kapag nalaman nila itong ginagawa mo, magagalit sila."

"Hindi naman nila kailangang malaman, Ate," sa wakas ay wika ni Alex. "Hindi mo naman ako isusumbong di ba?"

Hindi sumagot si Angel. Nanatili lamang itong nakatingin sa kapatid.

"Ate... Huwag mong sabihin sa kanila. Please..."

"Isusumbong mo ang kapatid mo?" tanong ni Richard. "Mas pipiliin mo pang mapabango ang pangalan mo sa mga magulang mo kaysa tulungan ang kapatid mong maging masaya?"

"I said you stop talking, Richard!" ani Bryan.

"I can't! Bry, can't you see? Mas pipiliin pa niyang mapahamak ang kapatid niya para lang masunod ang gusto ng mga magulang niya. Oo, alam ko mali itong ginagawa namin. Pero hindi ba niya kayang panindigan ang kapatid niya kahit ngayon man lang?" He then looked at Angel. "Bakit ka ba ganyan kung sumunod sa mga magulang mo? Para hindi masira ang image mo sa kanila? You want to secure your place in your parents' company? Ikaw lang naman ang magmamana noon dahil wala namang interes si Alex doon-"

"That's enough, Richard!" saway ni Bryan sa pinsan. Napalapit na siya dito dahil sa inis. "You do not have the right to talk like that to Angel because you do not know her that much. Ganyan ba ang itinuturo ni Tito Ricky sa iyo? Ang mang-insulto ng ibang tao?"

"I just can't understand her. Bakit ganyan siya ka-straight pagdating sa mga utos ng parents niya?"

"Naiintindihan ko si Ate," ang sabi ni Alex. "Panganay siya so she has to set an example. But I'm sorry, Ate. I can't be like you."

"No, you don't understand me," ang sabi naman ni Angel. Saka ito biglang natulala na parang may biglang naalala.

"Then, make us understand you," utos ni Richard dito.

"Richard, please!" muli'y saway ni Bryan dito. He looked at him like any moment ay kakaladkarin na niya ito palabas ng opisina.

Natigil ang magpinsan sa pagbubulyawan nang biglang magkwento si Angel.

"I was four when I met Margareth. Kalilipat lang nila noon sa Moonville. We're of the same age kaya kaagad kaming naging malapit sa isa't isa. We became best friends. Pati iyong daddy niya, naging close din kina Mommy. Pati iyong mga kapatid na lalaki ni Garee, naging close na rin namin. Naawa si Mommy sa kanila kasi at a very young age, nawalan sila ng mommy."

"Wait! Margareth... Garee?" tanong ni Richard.

"Oo," sagot ni Angel. "Margareth or Garee Quinto Gonzalez. At first we didn't know that their mother was Minerva Quinto. Until one day, her Tita Bernadette came. Noon nalaman ni Mommy na ang asawa pala ng daddy ni Garee ay ang nakatatandang kapatid ng daddy mo.

"I think there was a problem with their family and the whole Quinto clan, at ang Tita Bernadette n'yo ang umayos noon. Halos araw-araw siya noong dumadalaw kina Garee. Dahil doon, pinagbawalan ako ni Mommy na huwag nang makipaglaro sa mga Gonzalez. Hindi ko na daw sila pwedeng maging kaibigan... Pero hindi ako sumunod."

Nagkatinginan ang magkapatid na Angel at Alex. Naluluhang ipinagpatuloy ni Angel ang kwento.

"Ipinagpatuloy ko ang pakikipagkaibigan ko kay Garee. Sinuway ko si Mommy. Akala ko, kapag nakita niya na gustong-gusto kong makipaglaro sa mga Gonzalez, papayagan na niya akong makipagkaibigan sa mga iyon. Pero hindi. Hindi pala. Nalaman niya na patuloy akong nakikipaglaro kina Garee. Kaya nagalit siya." Saka na tuluyang napaiyak si Angel.

"Ate..." naguguluhang wika ni Alex.

Nagpatuloy pa rin sa pagkukwento si Angel sa gitna ng pag-iyak nito. "Isang araw, nahuli niya akong nakikipaglaro kay Garee sa may clubhouse. Galit na galit siyang kinaladkad ako pauwi. Tapos... tapos dinala niya ako sa kwarto. Pinagalitan niya ako tapos... tapos pinalo niya ako."

"Ate..." Nilapitan ni Alex ang kapatid. Saka niya ito pilit pinakalma.

Natulala naman ang dalawang magpinsan sa rebelasyon ni Angel. Ang kanina'y galit na si Richard ay napatulala na lamang sa umiiyak na dalaga.

"Isa, dalawang beses... tatlo... marami. Pinalo niya ako ng maraming beses. Galit na galit siya. Hirap na hirap ako. Umiiyak. Nagmamakaawa. Pero hindi niya ako pinakinggan. Galit na galit siya, Alex."

"Tama na, Ate." Naaawang niyakap ni Alex ang kapatid. "Tama na."

"Galit na galit siya, Alex. Ganoon siya kagalit sa mga Quinto." Kumalas si Angel sa yakap ni Alex. Tsaka niya hinawakan ang mukha ng kapatid. "Ayokong mangyari iyon sa iyo. Ayokong masaktan ka dahil lang sa pakikipaglapit mo kay Richard."

"Ate..." Muli niya itong niyakap. "Hindi ko kaya. Hindi ko kayang umiwas."

"Kayanin mo. Alex, kayanin mo."

Magkayakap na nag-iyakan ang magkapatid. Tahimik naman silang pinanood ng magpinsan. Hanggang sa humupa na ng kaunti ang damdamin nina Alex at Angel.

"Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin sa iyo ni Mommy kapag nalaman niya ang tungkol sa inyo ni Richard," ani Angel sa kapatid. "Siguradong isang mabigat na kaparusahan ang ibibigay niya sa iyo. Baka hindi ka na niya palabasin pa ng bahay."

"Ayokong isipin na ganoon ang mangyayari, Ate. Hindi ba natin pwedeng pangarapin na maging maayos ang lahat? Na mawala na ang kung anumang alitan nina Mommy sa mga parents ni Richard?" ang sabi naman ni Alex.

"Pero paano? Hindi lang ang mga parents ni Richard ang kaaway nina Mommy, kundi ang buong angkan ng mga Quinto. Hindi lamang alam nina Mommy noon na ang yumaong ina pala nina Garee ay si Minerva Quinto. Pero kung nagkataong nalaman nila kaagad, umpisa pa lamang ay hindi na nila hinayaang mapalapit ako sa kanila."

"We will find a way," ang sabi naman ni Richard.

Napatingin si Angel kay Richard. Maamo na ang ekspresyon ng mukha nito, hindi tulad kanina na para siya nitong aawayin.

"We will find a way to end this 20-year-old grudge," pagpapatuloy nito. "I'm sorry sa mga nasabi ko sa'yo kanina. Hindi lang kasi kita maintindihan kaya ganoon. But now that I know where you're coming from, I finally understand your fears. And I think the best way to solve them is to solve this animosity between our families."

"Tama siya," sang-ayon naman ni Bryan. "We don't have to be the ones who should suffer because of what happened 20 years ago. This has to stop."

Napatingin si Richard kay Bryan. "Bry... Thank you."

Nginitian ni Bryan ang pinsan. "I understand you. Hindi lang ako pabor sa mga sinabi at ginawa mo kanina. But I know where you're coming from."

"Salamat," ani Richard dito. Pagkatapos ay si Angel naman ang kinausap nito. "I promise that I will do everything that I can to prove to you that I deserve your sister. Ipaglalaban ko siya at hahanapan ko ng solusyon ito. Sisiguraduhin ko na hindi siya masasaktan ng dahil sa akin."

Tinignan ni Angel ang kapatid. Ngumiti naman si Alex na parang humihingi rin ng pang-unawa sa kapatid. Wala na ngang nagawa si Angel kundi ang intindihin si Alex.

"Promise me that," ani Angel kay Richard.

"I promise," ang sabi naman ni Richard.

"And you." Si Alex naman ang kinausap ni Angel. "I'll make sure that what happened to me will not happen to you."

"Salamat, Ate." Muling niyakap ni Alex ang kapatid.

Tinignan naman ni Bryan si Richard. "Sana ay kaagad nating maayos ang problemang ito."

Ngumiti si Richard. "Thanks, Cuz. And I'm sorry sa mga nagawa ko kanina."

Nginitian ni Bryan si Richard. They shook hands and then did a bro hug. And with that ay nagkaayos na ang magpinsan.

Tuluyan na ring nagkaayos sina Angel at Alex. Nawala na ang tampuhang namagitan sa kanila ng ilang araw. Muli nang nabalik ang mabuti nilang samahan at nanumbalik na ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

★ Rᴇᴄᴏɴᴄɪʟɪᴀᴛɪᴏɴ ᴍᴇᴀɴs ᴡᴏʀᴋɪɴɢ ᴛᴏɢᴇᴛʜᴇʀ ᴛᴏ ᴄᴏʀʀᴇᴄᴛ ᴛʜᴇ ʟᴇɢᴀᴄʏ ᴏғ ᴘᴀsᴛ ɪɴᴊᴜsᴛɪᴄᴇ. - Nᴇʟsᴏɴ Mᴀɴᴅᴇʟᴀ ★

Próximo capítulo