webnovel

CHAPTER 61 :PAGSUBOK AT KALAMIDAD 3;

Nanlulumong nagkatinginan si Prinsipe Matuling at Prinsesa Karimlan, ganoon din ang mga manggagamot ng palasyo.,,, dinadalangin nila na sana ay huwag umabot sa ganoong sitwasyon ang kanilang kaharian...

Sa mundo ng mga tikbalang patuloy sa pagsasanay araw - araw sa talon si Arnie, sa tuwing siya ay nauuhaw umiinom siya ng tubig mula sa mahiwagang bukal.....

Mabilis na lumalakas ang kapangyarihan ni Arnie, ang kanyang angking kagandahan ay lalo ring tumingkad sa pagdaraan ng mga araw...

Sa bahay nila Arnie handa na ang lahat sa gagawing paglilipat, may kinontrata na ring trak at van na tutulong sa kanila sa paghahakot ng kanilang mga gamit at van na sasakyan ng kanilang pamilya...

Ang mga alagang manok at baka sa bukid nila Arnie ay hinuli at pansamantalang ikinulong ni Kabatao sa kakaibang hawla....

Katulong ang kambal na si Morgana at Arriane inilagay nila sa sako ang mga prutas at gulay pati na ang ilang piraso ng niyog na kinuha nila sa bukid upang dalhin kinabukasan sa kanilang lilipatang bahay, ang apartment na pag aari ng tiya julia ni Arnie, nakatatandang kapatid na babae ni Peter na sa America naka base.....

MORGANA : kabatao .....what do you think of this fruit???? is it ripe yet???

ang tanong nito kay kabatao na natulala at walang naintindihan sa kanyang sinabi .

Lumapit si kabayuhan kay kabatao, may iwinisik itong kakaibang uri ng makulay na pulbos

Si Morgana at Arriane na nakita ang ginawa ni kabayuhan ay naka nga - ngang naghihintay sa inaakalang magic na mangyayari.

KABATAO : ah!!! ang naibulalas ni Kabatao, na naunawaan na ang sinabi ni Morgana na nag tatanong kung hinog na ang prutas na hawak ,,, sa pamamagitan ng mahiwagang pulbos...

agad din naman winisikan ni Kabayuhan si Morgana at Arriane ng kakaibang makulay na pulbos upang maunawaan din nito ang anumang sasabihin ni Kabatao....

KABATAO : hindi pa gaanong hinog ang papayang iyan, manibalang pa lamang..... maari mong kainin, ngunit hindi pa malambot ang laman.... ang pagpapaliwanag ni Kabatao.

Tumango naman ang kambal na naunawaan ang sinabi ni Kabatao bagaman at hindi wikang ingles ang ginamit nito.

MORGANA at ARRIANE : ah???? Naintindihan ka namin? ang namamanghang tanong ng mga ito, bago muling nagulat ng mapunang wikang tagalog ang salitang namutawi sa kanilang bibig....

aba?!?!? nakapag sasalita tayo ng wika nila? ang magkasabay na tanong ng magkapatid sa isat isa.

Nilingon nila si Kabayuhan na noon ay nakatingin at ngiting - ngiti na naaliw sa kanilang dalawa.

MORGANA : may magic ang pulbos? parang Google Translate ??? ang namamanghang tanong nito kay KABAYUHAN ...

KABAYUHAN : oo meron nga, ang pulbos na yan ang gamit namin upang makipag kominikasyon, saan man kami mag punta...

ARRIANE : kabayuhan!!! marami ka pa bang ganyang pulbos? pwede mo ba kaming bigyan? ang agad na tanong ni Arriane kay kabayuhan, naisip nito na kakailanganin nila ang ganoong uri ng pulbos sa kanilang mga misyon.

KABAYUHAN : ah oo meron pa naman, at agad itong kumuha ng ilang supot na sisidlan mula sa kung saan na naglalaman ng ibat ibang uri ng pulbos ibinigay niya ang ilang supot na sisidlan sa mag kapatid.

ARRIANE : ano naman ang mga pulbos na iyan? ang kuryosong tanong nito kay Kabayuhan....

KABAYUHAN : ah ito bang mga nasa supot na sisidlan? ang tanong nito na itinaas ang kamay na may hawak ng mga naturang supot...

Ito ay pulbos na makatutulong upang maging mas mabilis at malakas ipinakita ang pulbos na kulay pula at makinang, ang pulbos na puting ito naman ay para sa taga-bulag....

ARRIANE at MORGANA : taga - bulag??? ano yon???

KABATAO : yan ang pulbos na ginagamit kung gusto mong dayain ang paningin ng kalaban mo, hindi ka nila makikita, epektibo yan sa mga engkanto at mortal na tao, ang paliwanag na singit ni Kabatao sa usapan....

ARRIANE at MORGANA : aaaaahhhh invisibility powder!!! ang galing naman!!! pwede mo ba kaming bigyan ng mga pulbos na iyan?

ang tanong ng mag kapatid kay kabayuhan habang ikinurap kurap pa ang mga pilik ng mata na parang nagpapa cute.....

Iniabot ni KABAYUHAN ang natirang mga supot ng pulbos sa magkapatid, itinuloy na nila ang paglalagay sa sako ng mga prutas at gulay.

Abala ang lahat sa pag aayos ng mga gamit na kanilang dadalhin, nakalagay na sa mga kahong binili ni Betty sa bayan ang karamihan sa kanilang gamit at mga mumunting abubot

ng may marinig silang tila dagundong ng pag sabog kasabay ng banayad na pag yanig ng lupa...

BOOOOOOOOOOOOOMMMMMMM

ang ingay na narinig ng lahat, napadapa silang lahat sahig na semento ng silong ng bahay sa narandamang banayad na pag yanig, maya maya pa ay humupa na ang banayad na pag galaw ng paligid.....

BETTY : ano kaya ang tunog na iyon??? parang may sumabog bago ang lindol??? ang nag aalalang tanong ni Betty...

Si Peter naman ay dali daling tumayo at lumabas ng bahay, kasunod ang kambal na hintakot sa narandamang pag uga ng lupa ay nanatiling magka hawak ang kamay...

Sa labas ng bahay ay naroon din ang mga kapit bahay na nag aalalang naka tingala sa langit .....

PETER : narinig ninyo ba na may sumabog? ano kaya iyon? ang tanong nito sa mga kapit bahay, habang nakatingala sa langit na unti unti ng nag didilim.

Maya - maya ay narinig nilang tumutunog ang cellphone ni Peter....

KABATAO : tumayo at kinuha ang cellphone, Mang Peter!!! may tumatawag sa inyo ,ang tawag nito kay Peter na nasa labas ng bahay...

Nag mamadaling pumasok si Peter at sinagot ang tawag na galing kay Dong ang driver ng truck na gagamitin nila bukas...

PETER : hello ??? ang agad na sagot ni Peter sa tawag...

Nalaman niya mula kay Dong na hindi na ito matutuloy sa pagpapa kontrata , arkila ng truck, hindi sila maaaring mag byahe dahil sa nag umpisa ng kumalat ang abo na galing sa bulkang taal, delikado na silang bumiyahe pa..

Próximo capítulo