Nanatili sa loob ng kubo ni Pekoy sila Kiko at mga kasama siniguro nilang nakasarado ang munting bintana ng kubo at ang kawayang pintuan.
Kiko : mabuti pa siguro ang iba sa atin ay umidlip na at ang iba naman ay magbabantay kasama ko, hindi maaaring parepareho tayong puyat at iniaantok habang naglalakad pauwi payo ni kiko sa mga kasama
Adobo; ama mabuti pa ay ikaw na ang umidlip at kami na muna ni Barako ang magbabantay suhestyon ni adobo sa ama.
Kiko; hindi maaari Adobo, mainam ng ako na muna ang magbantay, gasino na lang na gisingin ko kayo kung may marinig o marandaman akong kakaiba sa labas, tugon ni kiko.
isa pa matanda na ako at wala ng lakas para lumaban, kayo ay mga bata pa at kakailanganin natin ang lakas nyo at alerto ng isipan mamayang lumakad na tayo pauwi. pahabol pang muli ni kiko
Pekoy : bakit naman ho kakang kiko? tanong ni Pekoy
Kiko ; may kalayuan pa ang lalakarin natin mula dito hanggang nayon at hindi natin alam kung ano ba ang sumusunod pa sa atin na engkanto maliban sa tikbalang.
alam nating lahat na wala naman pinipiling oras ang mga kakaibang nilalang na yaon paliwanag ni kiko
Barako : oo nga ho kakang kiko, di nga tayo nakakasiguro hanggat di tayo nakakarating ng nayon! kung nakita nyo lang si Arnie pihadong kayo man ay kikilabutan! biruin nyong ulo na lang halos ang nabanaagan namin sa kanya! at ang mata nya parang mata ng aso na nag re reflect sa dilim muling kwento ni Barako sa nangyari
Adobo : abay tama ka dyan Barako! aba kung si Roger nga na mas malaki at matipuno pa ang katawan sa'yo ay nagawang ibalibag?
abay kilalang bihasa sa karate at taekwando ang taong yon!!! abay mukat mung bumaligtad at tumimbuwang? ay napagkalaki pa namang tao.... ay kalakas ng kalabog!!!! singit ni adobo sa pagkukwento ni Barako
.
.
.
Samantala, sa nayon laking tuwa ni Betty ng makitang nagpantay na muli ang haba ng kanyang mga hinliliit, nangangahulugan ito na nakita na ng mga naghahanap si Arnie
Kap Dune; tao po!!! Betty!!! tawag ni kapitan sa labas ng bahay kasama ang ilang konsehal
Betty : (binuksan ang pinto ) Kap! nakabalik na ho pala kayo! Kumusta na po ang paghahanap nyo? kumusta na po ang anak ko? agad na tanong ni Betty
Kap; Ay, yun nga ang dahilan kaya kami'y dumaan muna dito bago umuwi. Nakita na si Arnie sa ngayon ay kasama s'ya ni kiko at ng iba pang nagpaiwan sa kubo ni Pekoy!!
doon na raw sila sa kubo magpapa umaga, pinasasabi ni kiko at nang di na kayo mag alala. pagbabalita naman ni kapitan.
Betty; ganon po ba? naku salamat naman sa dios, maraming salamat din sa inyo kapitan at sa mga konsehales ng nayon ganun na rin sa lahat ng sumamang maghanap. pasasalamat ni Betty sa lahat.
halina muna kayo sa loob at ng makapag kape at tinapay, aya pa ni Betty
Kapitan; naku hindi na Betty!! kami'y paparine na rin at ng makatulog na! madaling araw na rin... sila Peter ba? hindi paba nakabalik?tanong ni kap kay Betty
Betty; hindi pa ho Kap, baka maya maya pa ang mga iyon! malayo layo din naman ang Panungyan dito sa Indang. sagot ni Betty sa tanong ni kapitan