webnovel

III

CHAPTER 3

The other night, dear, as I lay sleeping

I dreamed I held you in my arms

When I awoke, dear, I was mistaken

So I hung my head and I cried.

- You Are My Sunshine, Moira

***

SATURDAY. Weekend. Nagkalat ang iba't-ibang uri ng Christmas decor sa buong mall. Ganoon na din ang pagkanta ni Jose Marie Chan sa mga speakers nito.

Wala naman talaga siyang balak umalis ng araw na 'yon. Pero pag gising niya kaninang umaga, pakiramdam niya ang sikip sikip ng kanyang apartment. As if all things inside her room are gagging her up.

She needs fresh air. She needed to see new things, though she didn't want to go outside because first, ayaw niyang gumastos. Second, this season may be the happiest ocassion in the Philippines, but this season also gives her so many heartbreaks.

Ayaw niya sanang maging walking ampalaya pero staying inside her apartment will result to no good. Kakainin lang siya ng kalungkutan. At natatakot siya sa mga bagay na pwedeng mangyari kapag nagpalamon siya sa takot niya. Mag titingin tingin lang siya sa paligid ng mall. Gusto niya lang makakita ng maraming tao. Maybe seeing many people will, somewhat, ease the hollowness in her heart.

She walk aimlessly, hanggang sa dinala siya ng mga paa niya sa loob ng department store. Ang daming decor na for sale dahil sa papalapit na pasko. Hindi naman niya mapigilang mapangiti ng hawakan ang isang anghel na palawit sa Christmas tree. Her thoughts drifted her to the past.

~ * ~

"Ano ba mahal! W-Wag diyan! Ay! HAHAHAH." Nababalot ng malakas na tawa ang maliit na apartment.

"Ang sarap mo talagang pisilin dito." Sabi nito habang pinipisil pisil ang tagiliran ng babae. Isang malakas at nakakahawang tawa na naman ang bumalot sa apartment na 'yon.

"M-Mahal." Ayaw na niyang makiliti pero kulang sa lakas ang pagsaway niya dito.

"Bakit?" May pagkailyo pa ding tugon nito sa kanya.

"Tama na kasi. Hindi ko maayos 'yong Christmas decors na'tin, oh. Kesa kulitin mo ako, tulungan mo nalang kaya ako?"

Nagnakaw ito ng isang halik sa kanyang labi bago siya bitawan, magaan lamang 'yon pero sobrang nagwala ang puso niya dahil dito.

Nagpunta naman ito sa nakabukas na kahon na kinalalagyan ng mga Christmas decor.

"Mahal, ano 'to?" Hawak nito ang isang maliit na picture frame na may design na pang pasko. Meron itong nakadikit na tali sa likod.

"Nabili ko 'yan sa tiangge 'nong isang araw." Nilapitan niya ito at nilabas pa ang 4 pang pirasong ganoon na may iba't-ibang design. "Meron pa ako ditong ilan."

"Anong gagawin mo dito?"

Kinuha niya ang hawak nitong frame at pumunta sa isang maliit na lamesa sa kanilang sala. Nilagyan niya ito ng picture at sinabit sa ina-assemble na Christmas tree.

"Wow!" Sabi nito ng makita ang ginawa niya.

"Gusto ko sanang maging tradisyon 'to ng magiging pamilya natin." Habang nakatitig siya sa frame, ngayon ay mayroon na itong litrato nilang dalawa. Nilingon niya ang asawa na nakatitig sa kanya.

"Gusto kong mapuno ng picture frames na pang pasko ang Christmas tree na'tin taon taon. May picture nating dalawa. Picture ng mga nangyari sa'tin ng taon na 'yon. At syempre picture ng mga anak natin." She's already dreaming while telling those things to her husband.

Binalik niya ang tingin sa Christmas frame.

"Ayaw ko ng magarbong selebrasyon ng pasko. Ang gusto ko lang, kumpleto tayo, 'yong kahit walang magarbong regalo. Ang importante nagmamahalan tayo. Hindi ko kasi...hindi ko pa kasi na-e-experience ang ganoong pasko."

Muli niyang binalik ang tingin dito. She can't phantom the feelings she can see in his eyes. Halo-halo. Pagmamahal, lungkot, saya. Hindi naman siya nagulat ng bigla siyang yakapin nito. Mahigpit. Tila ba sa paraang ganoon ay maiibsan nito ang lungkot sa kanyang pagkatao.

"Pangako ko sa--"

"Hep! Hep! Diba sabi ko sa'yo, huwag kang mangako? Promises are made to be broken."

Sa iba sigurong pagkakataon ay aangal ito, na madalas nitong ginagawa kapag sinasabi niyang wag siyang mangako, pero this time ay hindi naman ito kumibo.

"Okay, okay. From now on, walang paskong hindi tayo magkasama. Tayo ng mga magiging anak natin." Nararamdaman niya ang pagpatak ng isang halik sa kanyang noo. One of the many gestures he keeps on doing that she love.

"Ng mga?" Biglang tanong niya dito.

"Oo, bakit?" May kapilyuhan sa mga mata nito.

"Bakit? Ilan ba ang gusto mong anak?" Nahihindik niyang tanong dito.

"I want more, of course. Maybe 3's enough." Medyo nakaramdam siya ng relief ng marinig ang sagot ng asawa. She also love to have a big family, but not too big. Dahil natatakot siyang magkulang ang atensyon at pagmamahal na maari niyang ibigay sa mga anak.

"Pero may lahi kaming twins, so maybe time 2...6 is enough."

"Mahal!" Nahihindik niyang sabi dito.

"Joke lang! Joke lang!" Natatawa nitong pigil sa pangungurot niya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at mariin itong hinalikan.

"Alam kong dadating tayo sa punto ng pagsasama na'tin na may kaunti tayong pagtatalunan, kaunting sama ng loob, o pag-aawayan. Pero ito ang tatandaan mo, ako ang pamilya mo. Ganoon din ako. Ikaw ang pamilya ko. Ano mang magyari, ikaw ang uuwian ko."

Nanlalabo ang mata niya dahil sa sinabi nito. He also give her that intense stare that made her fall over and over again.

"Nangako ako sa harap ng puntod ng nanay mo na hindi kita pababayaan. At wala akong planong biguin ang nanay mo. Masyado ka ng maraming pinagdaanan, mahal."

"M-Mahal." May gusto siyang sabihin dito pero hindi niya magawa. Masyadong nilalamon ng emosyon ang puso niya ngayon.

"Ngayong nandito na ako. May masasandalan ka na. Hindi lang ako, pati na din ang mga magiging anak natin. Pamilya na tayo, mahal." Muli siya nitong hinalikan at mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Alam kong ayaw na ayaw mong nangangako ang tao sa'yo. Pero ito ang pangakong tutuparin ko, namin, ng mga anak mo."

He put his hands on her nape, making her look into his Hazel brown eyes. Those eyes she will never get tired of looking at.

"Palagi tayong magkasama. Walang ka ng paskong malungkot. Iiyak ka man ay dahil sa saya."

Siya na ang sumugod ng yakap dito.

"S-Salamat."

Hinalikan siya nito muli sa ulo.

"Huwag kang magpasalamat, dahil deserve mo 'to. Deserve mong maging masaya. At sobrang swerte ko kasi ako ang binigyan mo ng pagkakataon na tuparin ang mga pangarap mo."

"Mahal na mahal kita." Bulong niya sa dibdib nito.

"Ditto"

~ * ~

KASABAY ng pag patay sindi ng mga masasaya at makukulay na ilaw sa kanyang paligid ang pagtulo ng kanyang luha.

Almost 5 years and she's still trapped.

Siguro nga may kasalanan din siya kung bakit hanggang ngayon ay nakatali pa din siya sa tanikala ng nakalipas na limang taon. But could you blame her?

May parte sa kanyang gustong nang ibaon sa limot ang lahat. Lahat ng iyak, lahat ng sakit, lahat ng hinagpis sa mga bagay na binato sa kanya ng tadhana. Pero meyroong mas malaking parte sa sarili niyang ayaw bitawan ang mga iyon.

Bakit?

Dahil nasa mga ala-alang iyon ang bagay na sobrang nagbigay sa kanya ng dahilan para lumaban sa buhay.

Sa nakalipas na limang taon, bumalik sa dati ang mga pasko niya. Sa totoo lang ay mas lalong lumungkot ito dahil nadagdagan ang masakit na alaala.

But her life must go on. Hindi dapat dito huminto ang pag-ikot ng mundo niya. Kahit wala na ang sariling mundo niya.

She's about to leave the department store when something, more on someone, caught her attention. Likod lang nito ang kita niya at may kalayuan din ito sa kanya pero hindi makakailang kilalang kilala niya ito.

He looks dashing in white long sleeve polo paired with maong pants in blue loafers. He is in casual, hindi siguro ito pumasok sa opisina.

He is talking to someone on the phone.

She doesn't know what happened to her but she was rooted in the same place the moment she saw him.

Naglalakad ito ngayon papalapit sa kanya while looking left and right. Meron ata itong hinahanap.

She can't take her eyes on him, sinusundan niya ang bawat kilos nito. Halos malagot naman ang hininga niya ng lumapit ito sa kinaroroonan niya. But he took the ther aisle.

Mas malinaw niyang nakita ngayon ang mukha nito. He's happily talking to the person on the other line of the phone.

Hindi na siya nagpakita dito at agad ng umalis. While walking with a pained heart due to the memories she had, she remembered an old friend. Matagal tagal na din ng huli niya itong nadalaw. Maybe tomorrow is a perfect time.

For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)

Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)

Follow me on my social media platforms!

Facebook Page: RNL Stories

https://www.facebook.com/RNLStories

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelistlady@gmail.com

RomanceNovelistcreators' thoughts
Próximo capítulo