webnovel

Slow

Chapter 50. Slow

   

   

KINABUKASAN, kahit na medyo nagdadalawang-isip pa si Sinned kung kakausapin na si Rellie o hihintayin pang humupa ang galit nito ay hindi siya umalis sa tinutuluyan ng magkapatid. Three-bedroom flat iyon at may kalakihan kumpara sa iba, moderno rin ang disenyo kung saan puti ang pintura at ang mga kagamitan ay naglalaro sa kulay ng black, grey, at puti. Sa isang nineteen-floor building sa Baker Street ang flat na iyon, sa Marylebone district ng City of Westminster. At nasa ika-siyam na palapag ang flat.

Bumangon siya nang may pabalyang naghagis ng tuwalya sa kaniyang mukha. Si Arc iyon. Kagabi ay nag-usap na sila nito habang nag-iinuman at nagpasya ang huli na huwag nang makialam sa kanila ng kapatid nito.

"Take a bath, you reek of alcohol," anito.

Tumango lang siya at akmang tutuloy na sa banyo malapit sa kusina.

"Huwag diyan, sira ang faucet. Doon ka na lang sa kwarto ng kapatid ko."

Kunwari ay wala lang sa kaniya ang sinabi nito kahit na gusto na niyang kumaripas ng takbo papasok sa silid ni Rellie. "Saan?"

Ngumuso ito sa direksyon ng isang pinto. Alam naman niyang doon ang iyon, napansin na niya kagabi. Magdamag niya 'atang tinitigan ang pinto bago hilahin ng antok. Sa sala kasi siya natulog, sa sofa, at kapagkuwa'y nagpatihulog sa sahig dahil masikip ang espasyo sa sofa.

"Siya nga pala, aalis kami ni Hapi. Magche-check in ako sa hotel; siya, hindi ko sigurado kung saan siya pupunta."

Hindi siya kumibo.

"Ah, oo, umalis na nga pala siya, kanina pa," pagbibigay-alam nito sa kaniya.

Doon siya bumaling dito. Nagtataka ang mga tingin kahit pa nga mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit.

Napakamot ng batok ang lalaki. "Damn it, Ash, napagalitan pa ako ng asawa ko dahil sa 'yo," reklamo nito at umakbay sa kaniya nang mahigpit, as if he was arm-locking him.

He immediately put his defenses up. Binalibag niya ito at napahiga sa sahig habang siya ay nasa ibabaw nito, pinipigilan ang anumang pagkilos nito.

Nakalolokong ngumisi lang ito. "My darling told me to apologize to you, but I rebutted, why would I apologize? You deserve it anyway. Pero pinagalitan pa ako. That's why I'm sorry, man. Okay na tayo, ah? Kaya nga susundin ko na ang payo ng asawa kong iwanan kayo ni Rellie rito para makapag-'me time' kayong dalawa," mabilisang paliwanag nito.

"Gago, anong 'me time', 'me time'? Dalawa nga kami?" Ano ba'ng pinagsasabi ko?

Ang lakas ng tawa ito. "Talagang iyan ang pinansin mo?" Inubo ito nang diinan niya ang brasong nakapatong sa bandang leeg nito. "Huwag po! Huwag po! Huwag ka nang tumigil, fafa!"

"'Tangina naman! 'Kadiri ka." Paano'y umakto ito na akala mo ay may gagawin silang kababalaghan. Pinatinis pa ng gago ang boses na nagparindi sa kaniya kaya mas diniinan niya ang brasong nakapatong sa bandang leeg nito kung saan kinwelyuhan siya nito kaya mas napalapit sila sa isa't isa.

Nasa ganoong posisyon sila nang bumukas ang pinto sa kwarto ni Rellie at naabutan sila roon. Nagpalipat-lipat ang nagtatakang tingin nito sa kanila at siya naman ay natigagal.

"Gising ka na pala. Kumain ka na riyan. Magmi-me time lang kami nitong si Ash, my baby," nakangising pansin ni Arc sa huli.

"'Tangina mo, Arc," he muttered lowly.

"What..." Hindi natuloy ni Rellie ang sasabihin nang mag-iwas ng tingin at dumiretso sa kusina.

"You're bloody heavy, Ash, my baby, get off of me," reklamo ni Arc at doon pa lang niya napansin na hindi pa siya umalis sa ibabaw nito dahil napako ang atensyon niya sa kapatid nito. Sinuntok pa muna niya ang balikat nito saka minura nang malutong bago umalis sa ibabaw nito.

Pagkatayo naman nito ay pinagpag-pagpag ang damit habang naglalakad papunta sa kusina.

Out of instinct, he walked towards the kitchen, too, and he heard the siblings' conversation.

"Aalis ako, may pinabibili ang Ate Hyra mo. Will you be fine here?" paalam ni Arc.

Hindi kumibo si Rellie dahil napansin ang presensya niya. Uminom lang ito ng tubig at nang hindi makuntento ay dinala na ang isang malaking pitsel at baso saka pumasok na ulit sa silid.

Akmang lilipad na ang kamao niya kay Arc nang mabilis itong nakaiwas. Humalakhak pa ito bago tinapik ang balikat niya.

"Pulang-pula ka, ah? Ituloy ba natin ang me time?"

He grimaced.

Mas lumakas ang tawa nito at tinapik-tapik ang balikat niya. Kaagad naman niyang tinaboy iyon at saka tinalikuran ito at dumiretso na sa may kaliitang banyo sa may kusina.

Hindi naman sira ang faucet gaya ng sinabi ni Arc kanina kaya makaliligo pa rin siya roon.

Matapos maligo ay saka niya naalalang wala siyang damit kaya nagtapis lang siya ng tuwalya.

Pagkalabas niya ay iiling-iling na umupo siya sa sofa at hinanap ang phone sa bagahe niyang ang alam niya ay nasa tabi lang ng sofa kagabi. Isang malaking sports bag lang iyon at nandoon ang cellphone niya. Pero nagtaka siya nang makitang nasa mesita ang cellphone, pero wala ang bag.

Anyway, he grabbed his phone. Akmang tatawagan niya si Arc via Messenger dahil hindi naman niya alam ang numerong gamit nito roon nang mapansin niyang may text messages siyang natanggap. He checked those out first, wala namang importanteng mga text; then, he saw a text message from an unknown number.

He read it:

I already went out. I'll be gone for two days, one night, and when I come back, I'm bringing Rellie back to the Philippines.

Kahit walang pangalan ay alam na niyang si Arc iyon. Napailing na lamang siya.

"Saan mo nilagay ang mga damit ko?" kausap niya na parang maririnig siya nito. By the way he read the latter's text message, he's giving him to days to make it with Rellie. But Sinned was confident that a day would be more than enough.

He just knew.

Tumungo na lang siya sa kwarto ni Arc pero nakasara iyon. Minura niya nang paulit-ulit ang lalaki sa kaniyang isipan. Maging ang kabilang silid ay nakasara kaya wala siyang makakalkal na damit.

He sighed and decided to just let it pass for now. Magtatapis na lang siya ng pang-ibabang katawan.

Sakto namang napatitig siya sa kwarto ni Rellie.

"Don't tell me..." Hindi natuloy ang sasabihin.

Napapikit siya nang mariin pero imbis na dumiretso roon at kumatok ay sa kusina siya nagtungo.

Pinaghanda niya ng almusal si Rellie dahil wala namang nakahapag sa mesa. Loaf bread lang saka peanut butter and jelly spread.

Habang nagpi-prito ng bacon and eggs na nakita niya sa fridge ay bumukas ang pinto at hindi na niya kailangang manghula kung saang silid iyon. Humarap siya at nakita ang natigilan na si Rellie sa paglapit sa kusina. Nakatitig lamang ito sa kaniya at parang tagos sa apron at tuwalya ang mga tingin nito.

"I'm cooking for breakfast, come and join me, I'm almost done," tawag niya sa pansin nito na nagpaiwas naman sa tingin nito sa parte niyang iyon. Pinigilan niyang mangisi.

"I'm not eating."

"Why?" Mas lumapad ang pagkakangisi niya. Hindi pala niya kailangan ng isang araw para magkaayos sila ni Rellie. Isang oras lang siguro. Damn, she was only wearing a plaid black and red pyjama, and a black spaghetti-strapped crop top. Wala itong suot na bra kaya napalunok siya. Bumalik kaagad ang titig niya sa mukha nitong namumula na. Her hair was a bit messy and he wanted to tuck some at the back of her ear.

"Busog ako," tugon nito na nagpatigil sa kaniya sa pagtitig sa kabuuan nito.

"Nabusog ka na kaagad? Tinitigan mo lang ako, ah?"

Nag-angat ito ng tingin at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. Tama nga siya na sa pagkalalaki niya ito nakatingin kanina dahil kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi nito.

"Beautiful..." anas niya. He felt his shaft getting hard so he turned around and pretended to focus on frying the bacon and eggs. Muntik pang masunog kaya mabilis na inilikas na niya sa isang pinggan.

Isang malakas na singhap ni Rellie ang nagpatigil sa kaniya kaya pinatay na muna niya ang kalan bago ipagpatuloy ang paglikas sa kakainin nila.

Nang bumaling siya sa kinatatayuan nito ay wala na ito roon. Saktong sumara na ang pinto ng kwarto nito pagkatingin niya.

Napakamot siya ng batok at maglalakad na sana para ilagay sa mesa ang mga pinirito nang maapakan niya ang puting tuwalya na nakatapis sa kaniya kanina.

He licked his lower lip when he realized why Rellie gasped so loud awhile ago. Noon pa man ay pansin na niya ang pagkamangha nito sa bilugin niyang pang-upo, kaya hindi na siya magtataka kung napatitig muna ito sa parte niyang iyon bago pumasok sa silid.

Napangisi ulit siya. Alam na niya kung paano mapapaamo ang isang Rellie Prietto. Pangit mang pakinggan pero gagamitin niya ang katawan niya. Damn... he suddenly thought of those times wherein she's going crazy over his body—when she let herself to be dominated by him; to be owned by him. And she was losing all of it whenever he was controlling.

His manhood hurt just by reminiscing those sexy and wild times. He would not be surprised if he's as hard as steel right now and was having a precum already. So, he went to the bathroom again to shower—or more like, to have a release.

  

   

NAGPASYA si Rellie na lumabas na at kausapin si Sinned kahit nahihiya pa siya sa inasal niya kagabi. Pero wala ito sa kusina at narinig ang paglagaslas ng tubig sa banyo. Natigilan siya nang kasabay ng paglagaslas ng tubig mula sa shower ay ang kakatwang pag-ungol ng lalaki. Her eyes widened when he heard him utter her name as he was panting and she exactly knew what he was doing!

"H-hell..." Parang may bumara sa lalamunan niya at natuod sa kinatatayuan. Umalinsangan din ang pakiramdam niya at matagal na napatitig sa pinto banyo hanggang sa magdesisyon siyang bumalik na lang sa kwarto.

Pinilit niyang makatulog at nang gumising ay nakaramdam siya ng gutom. Lumabas siya at nakita ang nakahandang pagkain sa mesa, nakatakip iyon, at may maliit na note. It says:

I went out so you could eat peacefully. I'll be back at night.

Napakurap-kurap pa siya bago maalalang nandoon nga pala si Sinned. She ate the food after heating it in the oven and she texted her brother but he didn't reply. Maging si Hapi ay hindi nag-reply.

May nag-doorbell at pinagbuksan niya ng pinto. Isang pumpon ng tulips ang dala ng delivery man.

"Uh, thank you," aniya.

Natulala ang lalaki sa kaniya pero umalis din naman kaagad.

She sighed and went back to the kitchen. She washed the dishes before she slouched on the sofa as she was watching some random TV show. Hindi naman siya nanonood dahil nakatitig lang siya sa bouquet.

Sa ganoong posisyon siya naabutan ni Sinned at hindi kaagad niya napansin ang pagdating nito. Kung hindi pa tumikhim ay hindi siya matitinag.

Umayos siya ng upo at inipit ang takas ng buhok sa kaliwa niyang tainga.

"Akala ko, gagabibin ka?" tanong niya, pilit na itinago ang kabang nadama.

"Gabi na..." tanging sagot nito.

"Huh?" Napatingin siya sa wall clock. Alas sais y media na ng gabi. "Oo nga."

"You got the flowers. Did you like it?"

Bumalik ang tingin niya rito at napansing presko itong nakangiti. He also shaved his stubble and he looked so fresh.

"Sa iyo pala galing?" Kahit alam naman niyang dito nga galing ang mga iyon.

"Yes." Naningkit ang mga mata nito nang pasadahan siya ng tingin. "You still didn't shower?"

Nangunot ang noo niya. "Why? Do I smell?" kinabahang tanong niya kahit na kadalasan ay confident naman siya sa personal hygiene niya.

Hindi ito sumagot. Napatayo naman siya at akmang papasok sa kwarto para makapag-shower nang pigilan siya nito.

"M-maliligo lang ako, mamaya na tayo mag-usap."

"It's fine." Mas lumapit ito sa kaniya. "You still smell sweet. But, did you receive the flowers wearing only that?"

Kahit lito ay tumango siya. "Why?"

"Damn..." he muttered.

"Can you let go of my arm? Maliligo na nga ako. Hindi ko naman napansing napasarap ang tulog ko kanina kaya akala ko, hapon pa lang ngayon."

"Okay. I'll wait for you here. Kumain ka na ba? Magluluto ako."

Umiling siya, at tumango rin. "Kanina. Kinain ko iyong niluto mo."

He smiled sheepishly and her eyes were glued at his smile. Why was he shy? Marunong palang mahiya ang lalaking ito?

"Nakakahiya at iyon lang ang iniluto ko. You must have been starving," amin nito.

Anong nakakahiya roon? Masarap naman ang pagkaka-prito, hindi sunog, sakto lang. Saka, hindi rin naman siya gutom na gutom, kaya okey lang kahit iyong tira pa niya kanina ang kainin niya. Pero siyempre, hindi niya isinatinig iyon dahil masarap sa pakiramdam ang ipagluto siya nito. Para ngang hindi pa rin siya makapaniwala.

Sa huli ay iniwan niya ito para makapag-shower na.

Pagkatapos ay hindi pa rin ito tapos sa pagluluto na ikinataka niya. Tinagalan na nga niya sa banyo. Kaya napatingin sa mesa, magulo roon.

"What are you cooking?"

Bahagya itong napapitlag at humarap sa kaniya. Tila tuksong lumipad ang utak niya sa naabutan kaninang umaga pero hindi na niya binigyan ng pansin lalo pa't nakita niyang napangiwi ang lalaki ngayon.

"Bakit ang kalat sa mesa?"

He licked his lower lip before he responded, "I messed up. I don't know how to cook this pasta."

"Pasta?"

"Yes. Pappardelle."

"Bakit ba kasi iyan?"

"Isn't it your favorite?"

Napamaang siya. "You remember?"

Umiling ito. "I asked your brother. I honestly thought you like spaghetti."

"Ah..." Napatango siya. "Nasaan pala si Kuya?"

"They went out to give us some privacy."

"What?" Ni hindi man lang nito naisip na magpalusot, sinabi talaga nang deretso ang dahilan kung bakit wala ang kuya niya, at si Hapi na rin. "Magkasama ba sila?"

Umiling ito. "I don't know where are they, though."

Napatango ulit siya. "Take a shower," utos niya; pag-iiba sa usapan.

"Later, I will. I'll just finish this quickly."

"Huwag na. Mukhang kulang na ang ingredients mo. Let's just eat outside."

"Okay lang sa iyo?"

Tiningnan niya ito at napansing nananantiya pa rin ito. Mukhang hindi sigurado kung galit pa ba siya o ano.

"Well, then, I'll take a quick shower."

He removed the apron and went to the bathroom that's near the kitchen. Oo nga pala, saan ito nakakuha ng damit? Napansin kasi niya kanina na nasa kwarto niya ang bag nito. Nagkibit-balikat siya at nagpasyang ikuha na ito ng masusuot at maayos na inilatag iyon sa kama. She chose a simple dark blue shirt, dark jeans, and, uh, his dark underwear.

Pagkuwa'y bumalik siya sa kusina para ligpitin ang mga kalat. Tinapon na lang niya ang lahat. Nagpupunas na siya ng mesa nang matapos ito. Talaga binilisan lang nito ang pagligo dahil wala pang sampung minuto mula nang tanggalin niya ang mga kalat sa mesa.

"Why are you cleaning that?" tanong nito.

Nag-angat siya ng tingin at tumutulo pa ang tubig sa katawan nito. "Wala lang. N-nasa kama pala iyong damit mo. Doon ka na lang magbihis."

Tumango ito at sinundan niya ng tingin, napansing sa silid ng kuya niya papasok.

"Hindi riyan, nasa kama ko," paglilinaw niya.

"Ah," tanging nasambit nito bago pumihit pakaliwa.

Sandali lang itong nagbihis kaya umalis din sila kaagad. Nagpalit din siya ng  Naabutan pa nilang bukas ang kainan at um-order ito ng pasta na lulutuin sana nito kanina.

"Pappardelle with 8-Hour Beef Shin Ragu..." Narinig niyang sinabi nito sa waiter bago bumaling sa kaniya. "Ikaw?"

"Same. And a pear and almond tart. I also want diet coke," she replied. Narinig naman ng waiter kaya hindi na kailangang ulitin pa ni Sinned.

While waiting for their food to be served, she asked him where did he go the whole day.

"Namasyal lang. I'm checking the places before asking you to go with me."

Why was he so straightforward?

"I will still court you, Rellie," bulalas nito.

"If I say no?" hamon niya kahit ang totoo ay nabigla sa sinabi nito.

"I am not asking for your permission. I'm telling you that I am going to court you all over again until I gain your trust. I know that you love me, I can feel it, but you don't trust me that much."

Napaiwas siya ng tingin. Kailangan pa ba iyon? May tiwala naman siya rito, hindi nga lang umiral kagabi. Iniba kaagad niya ang usapan. "What happened in San Salvador?"

Nagsimula itong magkwento, kahit nang ma-i-serve ang pagkain ay nagkukwento pa rin ito.

"Wait, so you're saying that they aren't the real Mr. and Mrs. Escobar?" putol niya sa pagkukwento nito nang mabanggit na nagpanggap lang ang mag-asawang nagpahirap sa kaniya.

"Yes."

"Nakulong na ba sila?"

Napaiwas ito ng tingin at nagtaasan ang balahibo niya. Why did she have a hunch that the two met their ends already? In a brutal way? She recalled how her brother described Sinned in the agency before—on how he ferociously punished those sinners who did not deserve to live. Nagbago na lang daw noong naging opisyal nang abogado at idinaan na sa batas ang pagpaparusa.

"Let's just eat," iwas ni Sinned sa usapan.

Binitiwan niya ang kubyertos at inayos sa paraang tapos na siyang kumain. "B-busog na ako."

Hinuli nito ang tingin niya at pagkuwa'y na-guilty. "I'm sorry. I shouldn't have brought that conversation up. Nawalan ka ng gana."

"No. It's alright. Marami na rin naman akong nakain." Totoo naman iyon dahil kanina pa sila nagkukwentuhan habang kumakain.

He sighed and he stopped eating as well. He paid for the meal as she's waiting at the parking lot.

"Let's go home?" anyaya niya pagkalabas nito.

"Home?"

Tumango siya.

"You're not mad anymore." Hindi iyon tanong pero sumagot siya.

"I'm sorry for acting that way last night. I should have listened to you first but instead, I acted like a brat."

"I honestly wanted to kiss you right away because I missed you, you know."

"Then, why did you not?" Natapik niya ang sariling noo. "Ah, oo, naggalit-galitan nga pala ako."

Ngumisi lang ang huli. "It's fine for me, though. A while ago, I realized, you were just jealous."

"H-hindi ako nagselos," kaila niya.

"Right. Naniniwala ako," he teased.

"Fine. Nagselos ako. That's because we don't have a label and it's frustrating me. I should have just said yes to you before leaving the Philippines so I have the right to feel this way."

Natigilan ito at imbis na sumagot ay pinagbuksan siya ng pinto. "Let's get in first," anito.

Pagkapasok sa sasakyan ay inayos kaagad niya ang seat belt. Sinned hopped in the driver's seat and turn on the car's engine, but he did not drive yet.

"Ikaw lang naman ang hinihintay ko, Rellie." Ginagap nito ang kaliwang palad niya at hinuli ang kaniyang tingin. "And I want you to know that your feelings are valid. Nagselos ka dahil may nararamdaman ka sa akin. Ako rin naman, ganoon. Mas madalas pa nga akong magselos noon dahil napaliligiran ka ng mga kalalakihan. They're younger than me, too."

Bakit nabaliktad ang sitwasyon? Bakit parang si Sinned ang umaaktong selos na selos ngayon? "Eh, ano naman? Saka, noon pa iyon. Natural, college ako, kaya college boys ang mga nakasalamuha ko."

"I know."

"Wait, nagseselos ka na noon? Bakit hindi halata? I thought I was just your fuck buddy?"

"That's what I thought, too. That's why I made sure I fucked you hard whenever we met."

"Ha?" Idinaan nito sa sex ang hindi mapangalanan na nararamdaman noon? Bakit?

Ah, yes, she remembered he was torn between her and his childhood sweetheart back then. She heaved a sigh.

"Ngayon ba, sigurado ka nang mahal mo ako?"

"Yeah..."

Ano ba namang sagot iyon? Bakit parang labas sa ilong? At hindi naman na ito nakatingin sa mukha niya.

"Aren't you cold? Why did you wear that dress?" biglang pag-iba nito sa usapan.

Teka, pagbabawalan ba siya nito?

"Don't get me wrong. It's just cold outside."

She's wearing a mauve sleeveless mini dress, medyo mababa nga ang neckline pero desente naman. "Pangit ba?"

"Anong pangit? You're a temptress. Kanina ko pa gustong dukutin ang mga mata ng mga lalaking napapatingin sa iyo."

"Nagseselos iyan?" biro niya.

He bit his lower lip and eventually smiled as he's still biting it.

Damn. So hot.

"Gusto mo bang mamasyal muna?"

Instead, she said, "Uh, Sinned, I'm not mad anymore."

"Yeah, I can see that."

"And I trust you."

"I doubt that."

"Totoo nga. Pero hindi iyong tiwalang-tiwala. Hindi mo naman ako masisisi."

"I know."

Bakit ba sagot ito nang sagot? "Kaya nga hindi na ako galit 'kako."

"Yeah."

"Can you just shut up and kiss me already?"

Natigilan ito at napamaang.

Nagpatuloy naman siya. "Don't you know how to read between the lines? Kagabi, sabi mo, hindi mo ako hinalikan kasi nga, galit ako. Kaya nga sinasabi ko ngayon na hindi na ako galit para—"

Her words got drowned when he immediately claimed her lips, he started kissing her intensely, until he slowed down, as if he was making her feel how much he longed for her. Then, he closed his eyes and continued kissing him softly. And the moment she closed hers was the moment she responded to his soft and feathery kisses.

"I love you," he murmured in between the kiss. She opened her eyes just to witness him, eyes were still closed, and a tear fell on his cheek as he smiled while kissing her.

She gasped and she deepened the kiss but he remained on kissing her gently.

Hindi siya sanay na ganoon kayumi ang halik ni Sinned, mas nasanay siya na parang hayok ito at halos papakin na ang kaniyang labi mula noon. Kaya tila lumundag ang puso niya sa pinaramdam nito sa kaniya ngayon.

His kisses were full of loving and she knew in her mind that that would stay forever in her heart.

With heavy breathing, she ended the kiss and replied, "I love you, too..."

Próximo capítulo