Chapter 26. Babae
NANG makabalik si Sinned sa VIP Room ay may kausap na si Arc sa cellphone.
"No, love, mom said you should stay home. Hindi biro ang stalker mo."
Nangunot ang noo niya sa narinig. He never heard of Arc having a girlfriend. Ang sweet pa nitong magsalita at gusto niyang kilabutan dahil hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa torpeng ito na magaling lang sa kama, pero bokya sa panliligaw. Hula niya'y ang kausap pa nito ang nanligaw rito kaya nagkarelasyon.
"Who's that?"
Bahagyang tango lang ang isinagot nito sa kaniya at nagpatuloy sa pakikipag-usap.
"Hindi ka nga pwedeng lumabas nang walang bodyguard."
Ibinaba nito ang cellphone sa pabilog na mesa at ni-loudspeaker iyon para mabuksan nito ang bote ng tequila. Hindi pa pala ito tapos mag-inom.
"Pero, Kuya, ang sabi mo naman, may bodyguard akong nakabantay sa malayo?"
Napakurap-kurap siya nang mabosesan ang nasa kabilang linya. "Rellie?" he murmured.
"Kahit na. Saka gabi na. Bukas ka na lang lumabas."
"I just want some fresh air!"
"Bukas na nga. Sasamahan kita."
"Kuya naman, eh. Promise, hindi ako mapapahamak."
"Aurelia, no." Mababa ang tinig ni Arc na parang pinal na ang desisyon nito.
Rellie groaned to protest. Parang umakyat ang init sa katawan niya nang maalala ang nangyari sa kanila noon. Damn, that was his best sex so far. He could still feel her scent on his body whenever he thought of her. At matagal na rin mula niyon! Bakit ba hinayaan niyang matigil iyon?
He clenched his jaw because she had a stalker. Bakit hindi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon? At bakit hindi na ito panay tawag nang tawag, o text sa kaniya? Was it possible that she already found someone to fulfill her sexual fantasies? Kaya ba nagpupumilit itong lumabas ngayon para puntahan ang lalaking makakasama?
Pinatay ni Arc ang tawag pero hindi siya nagtanong. Kusa naman itong nagkuwento.
"I thought my sister's having a secret affair since she's always smiling while looking on her phone. She's not that type of a person, so I investigated. Pero 'tangina, iba ang nahanap ko: may stalker pala siya at hindi niya man lang namalayan. The fucking stalker tried to abduct Rellie the day she went back from Europe."
"Binugbog mo ba iyong lalaki?" Napainom lang siya ng brandy.
"Babae," he corrected.
Naibuga niya ang iniinom.
Napamura si Arc dahil nalagyan ang damit nito. Walang sabing tumayo siya at sinabing uuwi na. He grimly went out and left Arc in the club. He rode a taxi since he didn't bring his car. Nakisabay lang siya kay Arc kanina dahil hiniram ni Stone ang sasakyan niya. Na-flat-an kasi ito ng gulong.
Pagkauwi ay dumiretso siya sa shower, pero hindi rin nagtagal sa pagligo dahil hindi mawaglit sa isip niya ang babae.
May stalker pala ito, bakit hindi sinabi sa kaniya?
Bahagya lang siyang nagpunas at nagtapis ng tuwalya saka lumabas na ng banyo. Kinuha kaagad niya ang cellphone at d-in-ial ang contact number ni Rellie. Ilang ring lang ay sumagot na ito.
"K-Kuya Sinned!" She sounded surprised and excited at the same time.
"Kuya?" Ayaw niyang naririnig na tinatawag siya nito na Kuya.
"Why? Should I call you Attorney ?"
"No. Why are you not contacting me anymore?"
Saglit itong natigilan. "Ahm... naisip ko lang kasi na b-baka istorbo na pala ako. I know you're a busy person, that's why I decided to just wait for you to contact me."
"What if I didn't contact you? Hahabul-habulin mo ba ulit ako?" Bakit parang gusto niya pang mangyari iyon?
"Hindi siguro. K-kasi..."
Kasi ano?
"Uh, kumain ka na ba?"
"Kasi ano, Rellie?" tinanong na niya ito.
Matagal bago ito sumagot. Parang nagdalawang-isip pa. "Kasi, ramdam kong naiirita ka na sa 'kin. Alam ko naman kung saan lulugar..."
Hindi siya sumagot. Totoong nairita siya sa pagiging clingy nito, pero hindi sa babae mismo.
"My friend advised me to stop being clingy and that, I should act like a professional," she added lightly.
"What's the name of that friend?" Hindi dapat nito pinakinggan iyon.
"Actually, pinsan mo siya."
"Pinsan?" takang-tanong niya.
"Si Cham. Charmaine dela Paz."
Nangunot ang kaniyang noo. "Wala akong kilalang Charmaine dela Paz." dela Paz ang middle name niya pero wala siyang kilalang Charmaine sa mga kamag-anak niya.
"What?" Mahihimigan ang pagkalito sa tinig nito. "But she told me that you, two, are cousins—"
NAIWANG nakamaang ang bibig ni Rellie nang may mapagtanto: gin-ood time siya ng mga kaibigan. Hindi naman siguro magsisinungaling si Sinned tungkol sa mga kamag-anak nito.
"Hey, are you alright?"
"I'm... Sandali lang, Sinned, I forgot I still have to do something."
Kaagad na tinawagan niya ang kaniyang Kuya pagkababa sa tawag ni Sinned.
"What is it this time?" Mukhang nakainom ito.
"May pupuntahan ako bukas pagkatapos ng ramp. Pinapauna ko na sa iyo para hindi mo ako paharangin sa bodyguard ko."
"Sige."
Lasing na nga. Ni hindi na naglitanya.
Kinabukasan ay sinurpresa niya si Cham sa bahay ng mga dela Paz. Nagulat pa ito nang babain siya sa sala.
"Rels! Bakit hindi ka nagpasabi na bibisita ka?" bati nito at bumeso pa sa kaniya pagkalapit.
"You said that Sinned's your cousin." Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
Napamaang ito. "Who?"
"Sinned. Si Attorney Hipolito."
Her mouth formed an "O" when she recalled the man. "Hindi nga. Kaya nga sinabi ko sa iyo na huwag ka nang maging clingy sa kaniya kasi hindi naman natin kilala. Paano kung i-take advantage ka niyan at buntisin, 'tapos ay iwanan?"
She could not believe what she was hearing.
"Ang akin lang naman, pino-protektahan kita."
"Gaga ka ba? Anong protekta? Eh, nagsinungaling ka sa akin."
"It wasn't entirely my idea; it was Jolene's. Pinag-trip-an ka lang naman namin at hindi ko inakalang seseryosohin mo. Ang tagal na rin naman niyon, ah?"
Nasaktan siya sa ginawa ng mga ito. Mababaw na dahilan, pero masakit sa pakiramdam ang mapaglaruan.
"Look, we found out that Attorney's maiden-name is coincidentally the same with my surname, kaya ayun, naisip naming biruin ka," paliwanag pa nito.
"Biro? Ang biro, dapat, nakakatawa, Cham."
"Wait, dinidibdib mo talaga?" Hindi makapaniwalang bulalas nito. "Totoo ring tinanggap niya ang offer na maging subject mo?"
Napatiim-bagang siya. Mukha ba siyang nagpapantasya?
"Oh, my Gosh! I'm sorry, Rellie! Akala ko kasi, binibiro mo lang kami sa pagkukwento mo niyan, kaya sinasakyan ko—namin ni Jole. We know you have a crush on him, and I honestly thought you're just fantasizing those things about him."
Hindi siya kumibo.
Halatang guilty naman ang kaibigan. "I'll understand if you get mad at me. I'm really sorry... Hindi na mauulit."
She felt Cham was sincere. Kaya kahit nakakunot noo ay tumango siya.
Her friend pouted. "Babalik na ako ng New Zealand niyan, I hope you let it pass now? Ayaw ko namang umalis ng bansa na, alam mo na, magkagalit tayo."
"Oo na," mabilis na sagot niya. Kung hindi lang niya kilala ito ay iisipin niyang hindi totoo na nakokonsensiya ito. But, she knew her better. "Feeling ko lang kasi, napahiya ako nang sabihin kong kaibigan ko ang pinsan niya..."
Cham's eyes widened. "You casually talk with him?" Impit na napatili ito. "Grabe ka! Hindi ako makapaniwala sa powers mo! Talagang in-attract mo na maging modelo si Attorney, 'tapos ngayon, parang close na kayo, ah?"
Bahagya siyang ngumiti. "Law of attraction?" biro niya. Kung alam lang nito ang ginawa nila ng lalaki, ilang buwan na ang nakalipas.
"Dito ka na kumain! I'll call my cousin and tell her to go here, too. She needs to apologize to you as well!"
Nagbiro siya. "Huwag ka na ngang magpanggap. Alam kong gusto n'yo lang ng tsaa." She actually meant 'chismis'.
"Of course, chismis is life!" ganting-biro naman nito.