Chapter 7. Like
KINABUKASAN ay pumasok pa rin si Rellie dahil hindi pa naman opisyal na nagsasara ang klase. Baka mamaya, kapag nag-petiks siya ay magkaroon ng problema at hindi niya maasikaso kaagad. Kahit sabihin pa ngang natapos na niya ang lahat ng requirements at naipasa na ay may posibilidad pa rin na baka magkaroon siya ng pagkakamali na maaaring maging mitsa sa kaniyang pagtatapos kahit pa nga ba sinigurado na niyang maayos ang lahat.
Katatapos lang ng oras ng klase nila sa isang minor subject nang lapitan siya ni Happiness.
"Gusto mo bang manood ng trial ng inaabangan mong kaso?"
"Ha?"
"I'm asking you if you want to. Nabanggit ko kasi kay Papa, at okay lang naman daw pala na manood. Ano? Sama ka?"
"Ah..." Napatango siya. "I'll be there with Cham. Pinsan niya pala kasi si Attorney."
Tumabingi ang ngiti nito at napatango na lang din. "Kumain na lang tayo ng burger? My treat. Or do you want to eat other food? I'm fine with anything. I am not maselan naman, alam mo iyan," pag-iiba nito sa usapan.
"Sorry, I can't. May usapan kami nina Jolene ngayon na kakain ng samgyup. Mahaba-haba pa naman ang vacant." Samgyup was a short term for samgyupsal. It's a famous Korean food: grilled pork belly with lots of mouthwatering side dishes like kimchi, egg soup, japchae—a savory and slightly sweet dish of stir-fried glass noodles and vegetables, etc.
"Unli?"
"Yup! Unlimited! Kaya baka abutin kami ng dalawang oras since igi-grill pa ang meat. Sa third hour naman, magpe-prepare pa ako for the next class kaya wala na talagang vacant. Ayokong mangamoy-siga bago pumasok, eh." She planned to take a quick shower on the girl's shower and locker room after eating grilled pork belly with her friends. Makapit kasi ang amoy ng pagkain sa damit kaya nasisiguro niyang hanggang pag-uwi ay amoy-siga at pagkain pa rin siya kung hindi siya magsa-shower o magpapalit man lang ng damit. Ayaw niya ring magwisik na lamang ng pabango dahil masangsang iyon para sa kaniya.
"Eh, 'di, huwag ka nang mag-samgyup! Sumama ka na lang sa 'kin sa C'est La Vie, masasarap ang mga pagkain doon. Hindi ba at gusto mo ang steak nila?" She was pertaining that famous hotel restaurant in the town.
"I'd love to, but, I can't. Naka-oo na kasi ako sa kanila. In fact, they're already waiting for me at the main gate."
Napakagat-labi ito at tumango ulit. Pagkuwa'y nagpaalam na. She wanted to invite her if would she want to go with her instead, but when she remembered she had a beef with Jolene, she refrained from asking.
Pero bumawi naman siya nang sumunod na araw dahil niyaya niya itong kumain sa isang buffet restaurant na malapit lamang sa University. Tuwang-tuwa siya nang mapansing napasaya niya ang bagong kaibigan.
"I really thought you were distancing yourself to me," amin nito nang kumakain na sila.
"Why would I do that?" takang-tanong niya na kaagad ding nakuha ang dahilan.
Saglit itong tumahimik bago nagpatuloy. "Because of your friends. Naisip ko na mas nauna mo silang naging kaibigan kaysa sa akin kaya para sa iyo, madali na lang na layuan ako dahil kailan lang naman tayo nagkakilala talaga."
"I don't take sides. At isa pa, labas ako sa issue ninyo ni Jolene." she paused for a while. "Ahm, if I may ask, Hapi, about the..." She stopped in her mid-sentence. How would she ask about that thing?
Ngumuso ito at tumango; nakuha ng gusto niyang itanong—na kung totoo ba ang kumalat. "Kind of."
She blinked twice. What kind of? Was it kind of true?
"But I wasn't the one who seduced him. It's the other way around. He even told me he's already single..."
"Naniwala ka kaagad?"
Lumungkot ang mukha nito at tumango. "I've got a crush on him since freshman year. So..."
"Ano pang sinabi niya sa iyo?"
"Na crush niya rin ako noon pa. Na kaya nakipag-break siya sa girlfriend niya ay dahil ako raw talaga ang gusto niyang ligawan. Huli ko nang nalaman na hindi pala totoo iyon, at..." Napaiwas ito ng tingin.
"At?"
"Pinagpustahan lang pala nila ako ng mga kaibigan niya."
Her eyes widened. "What a jerk! Jolene should kno—"
Kaagad na umiling si Hapi. "I don't want another scandal."
She felt bad for her. The latter was branded as 'mang-aagaw' when Jolene caught them kissing on his car. After that, a short video regarding that incident was posted online. However, it was immediately taken down. Hindi na siya magtataka kung malaki ang binayad ng mga Devila upang ma-take down ang video bago pa man tuluyang kumalat.
"I also know that it wasn't Jolene who posted the video. That just didn't make sense since she wasn't holding any camera, or even her phone nang sumugod siya."
She knew that. Aksidente lamang ang pagkakakita ni Jolene sa mga dalawa pero ito pa rin ang napagbintangang nag-video kasama ang kasabwat sa panghuhuli nitong nagloloko ang dating boyfriend.
Hapi went on explaining, "My family investigated, the IP address was located from one of Alistair's friends' computer. 'Tapos, nalaman na nga namin ang totoo. Na pati ang pagdaan ni Jolene Bucu sa parking ay hindi pala nagkataon. Kaya nga may camera nang naka-standby..."
She only sighed and tried to divert the topic. Hapi seemed to still not over with what happened. That's why she tried to cheer her up onto inviting her to go to their house next weekend. Available ang kuya niya at maglalagi lang sa bahay dahil sa pakiusap ng mommy nila.
ALMOST two weeks had passed and the day Rellie was looking forward had came. Ang aga niyang nagising dahil kinalkula niya ang biyahe, idagdag pa na alas diyes ng umaga ang oras ng hearing. Kaya nama'y inaaghan niya talaga at alas nueve pa lamang ay nakarating na siya sa lugar na pinag-usapan nila ni Cham kung saan sila magkikita.
Pero nabura ang ngiti niya nang mag-text ito at sinabing hindi na matutuloy. Napasimangot siya't sinubukang tawagan si Happiness dahil naalala niya nabanggit nito na manonood ito ng trial, pero hindi naman nito sinagot ang tawag.
"Nakakahiya namang pumasok dito," bulong niya sa sarili. Kaya nang mapansin niya ang mga media ay sumabay na siya dahil naisip niyang maaaring ico-cover ng mga iyon ang trial at para marami-rami siyang makasabay sa pagpasok sa korte.
Anyway, trials and most other hearings in Provincial Court were open so she could go in as long as there's an available seat. Pero dahil wala na sa bandang likod ay sa bandang gitna na siya pumwesto. Katabi niya ang isang staff ng media galing sa sikat na broadcasting system sa bansa.
Nagtatakang lumingon pa sa kanya ang lalaki.
"Ay, occupied na po ba ito?"
Umiling ito.
Why, he's good-looking! Pero mas malakas ang dating ng lawyer ko, 'no!
"Lawyer mo?" sarkatiskong bulong niya sa sarili.
"What was that, Miss?"
"Ah, eh... W-wala po, Sir."
"Are you an intern?"
"Po?"
"So, you're not," he concluded.
Ah, tinatanong pala nito kung intern siya sa VBS, ang broadcasting station kung saan ito nagtatrababo.
"Are you acquainted with the accused?"
Umiling siya.
"So, you're just a curious citizen?"
Tumango na lang siya para matapos ang usapan. Pero madaldal ang huli. Tsismoso yata ang tunay na trabaho nito at hindi reporter.
"I know the accused and I don't believe she did that."
Lumingon siya rito at kumunot ang noo. "Bakit? Isa ka ba sa mga fuck buddies niya?" Damn. She immediately looked down and bit her lower lip.
Hindi magandang ugali ang ganiyan, Aurora Aurelia! You're judging a person by some baseless rumors. Get yourself together, hindi ganiyan ang turo ng mga magulang mo sa iyo, Kastigo niya sa sarili.
"I'm not," the man seriously uttered.
"S-sorry," maliit ang tinig na aniya.
"It's fine as long as you give me your number."
"My what?!" Namula siya't napaangat ng tingin dito.
"Your contact number, Miss. I'd like to get to know you more."
Napamaang siya rito.
Will be having another update later. I'll be busy for the following days kasi. Stay safe, everyone!