Chapter 13. Ulan
BUMALIK ang tingin ni Nami kay Stone nang i-back nito ang naka-flash sa screen. Now, that mythical creature bird, Phoenix, was back on the screen.
"Do you believe me now?" he idly asked.
"So, you're really a secret agent. I knew it."
"Why didn't you ask me if you're so curious about it?"
"Kumukuha pa ako ng tiyempo."
"Aren't you scared?"
Umiling siya kahit hindi siya sigurado. Nakaramdam kasi siya ng takot kanina, pero dahil lang naman siguro iyon sa hindi niya inaasahan ang nalaman na ito ang boss ni Romano, at, oo, dahil na rin sa nag-ibang presensya nito kanina. Kahit saang anggulong tingin, parang prank lang talaga.
"I'm glad. Because I grew fond of you."
Hindi yata siya masasanay sa pagiging prangka nito minsan. Iniba niya ang usapan at tinanong kung bakit ito nagpakilala nang husto.
"I want to recruit you, Nam."
"Recruit? Me?" Nang mapansing seryoso ito ay bumunghalit siya ng tawa kahit hindi naman natatawa. "You're kidding, right?" dagdag pa niya kahit halata namang hindi.
"I'm not. Thats the reason why I approached you after that incident."
She sighed and to her dismay, he may didn't really want to be friends with her.
"What are you thinking?"
She voiced it out. "I thought you are my friend already."
Napamaang ito at mukhang doon lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Kaagad itong nag-iwas ng tingin at bumaling sa laptop screen.
She sighed. "Uuwi na ako."
Bagsak ang balikat niyang tumayo at tumungo sa pinto. She did not want to go but she suddenly wanted to cry. At hindi siya iiyak sa harap ng lalaking ito.
Hindi siya makapaniwalang sa maikling panahon ay nagkaroon siya ng heartbreak. Totoong kaibigan ang turing niya rito, at mas masakit mawalan ng kaibigan.
Sa hallway pa lamang ay napansin na siya ng mga nagtatrabaho roon pero dahil hindi niya napigilan ang pamumuo ng luha ay halatang paiyak na siya. Kaya siguro tumabi ang mga ito para mabigyan siya ng mas malawak na dadaanan.
Tinawagan kaagad niya ang kaibigang si Kanon at nang palabas na ay sumagot ito, saka roon pa lamang bumuhos ang kaniyang luha.
That very moment, she sworn to herself that she would never open up herself for another friendship anymore. That she'd be contented having just one true friend. Kahit marami pa siyang maging kaibigan o acquaintances, hindi na niya papayagang makalapit pa ang mga ito sa kaniya para lamang masaktan siya nang husto.
"What happened?" nag-aalalang tanong ng kaniyang kaibigan.
Nagsumbong siya rito na parang bata habang naglalakad. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya.
"Nasaan ka?" tanong nito matapos ng ilang sandali. "Pupuntahan kita."
Mabilis siyang umiling at sinabing siya na lang ang pupunta rito. She ended the call and it rang again. She thought it was her friend so she answered it.
"Where the heck are you?" si Romano.
Pinatayan niya ito ng tawag. Her phone rang again and this time, it was Stone Herrera. She rejected his call and shut down her phone.
Kamalas-malasan ay makulimlim at mukhang uulan. Hindi siya makakapagpara ng taxi dahil wala siya sa waiting shed. Ganoon kasi sa lugar na iyon, bawal pumara ng pampublikong sasakyan kung wala sa waiting shed.
She was still sobbing as she walked to the nearest waiting shed. Pero imbis na sumakay ng sasakyan ay nanatili siyang nakaupo sa bandang dulo ng bench at isinandal ang ulo sa pole doon.
Napaisip tuloy siya. "Mabilis ba akong magtiwala sa ibang tao?"
She suddenly thought of her high school friend. She trusted her too much that she didn't realize she was already being back stabbed. Pinagkalat nito na totoong nalubog na sa utang ang ama niya, dinagdagan pa nito ang kwento kung saan nalulong sa sugal at siya'y balak na ibugaw kaya siya idadala sa Maynila.
Mabuti na lamang at nakaalis na siya sa probinsya kaagad dahil naisangla naman na ang farm na pagmamay-ari nila.
Naalala niya rin ang nangyari sa ama niya noong ipinagbubuntis pa lamang sila ni Glaze ng kanilang ina. Naloko rin ito ng itinuring nitong matalik na kaibigan.
Attorney Victor Jacobs was her father's childhood friend. Anak ito ng family lawyer ng side ng kaniyang ama at nakatira malapit sa ancestral house. Nang mamatay ang nakatatandang Jacobs ay ito ang pumalit bilang lawyer ng mga Quiroz. Ilang taon lamang ay yumao na rin ang kaniyang lola, sumunod ang kaniyang lolo.
Bilang panganay na anak ang kaniyang ama ay naiwan dito ang pamamahala sa mga properties. Pero naloko pala ng pinaka-pinagkatiwalaan nitong tao.
Iyon ang dahilan kung bakit umalis ng probinsya ang mga magulang niya at lumipat ng Maynila.
Growing up, she always witnessed her parents fought over her father's mistake. Na kaya ito pinakasalan ng mama niya ay dahil sa yaman ng mga Quiroz, pero nawalang parang bula. Na dapat sana ay marangya ang pamumuhay nila kung hindi lang daw ito naging uto-uto.
Hindi naman niya masisisi ang ama niya dahil higit pa sa isang matalik na kaibigan ang turing nito kay Victor kaya ng husto.
Ang mga kamag-anak naman nila ay nagsipag-alisan na rin ng probinsya. Nang mapagtantong wala na talagang magagawa ay lumisan ang mga ito para harapin ang bagong kapalaran. Pero kahit hindi sinabi sa kanila ng mga magulang nila ay alam niyang sinisisi pa rin ng mga ito ang ama niya. Patunay na lamang iyon sa hinaing ng kaniyang ina sa hindi pag-iimbita ng mga ito sa kanila tuwing may family reunion noong bata pa sila.
She sighed and stared blankly at nothing.
"NASAAN si Nami?" kunot-noong tanong ni Romano nang maabutang mag-isa at nakatulala si Stone sa loob ng silid. Nakatitig ito sa projector screen pero mas masasabinh nakatitig ito sa kawalan.
"I recruited her, but she stormed out..."
Nangunot ang noo niya. "What recruited?"
Doon niya nakuha ang atensiyon nito ay ipinaliwanag ang napag-usapan ng dalawa sa loob kanina.
"Gago ka ba? Bakit mo nire-recruit? Walang alam iyon sa trabaho!"
"I think she's crying..." wala sa sariling utag nito imbis na sagutin ang tanong niya.
Mas lalong kumunot ang noo niya't itatanong ang dahilan kung bakit nang maisip niya ang posibleng rason.
Nagtagis ang mga bagang niyang lumapit kay Stone.
"She treated you as her friend. Sabik iyon sa kaibigan tapos malalaman niyang gusto mo lang pala siyang gamitin?" Nagtimpi siyang kuwelyuhan ito dahil nirerespeto niya pa rin ito bilang boss ng ahensiya.
Lumabas na lang siya roon para ipagtanong kung nakita ba ng mga nagtatrabaho roon ang babae pero umiling ang mga nadaanan niya.
Sa gwardiya siya sumunod na nagtanong, "Nakita n'yo bang lumabas iyong babaeng ko kanina? Iyong matangkad, morena... maganda."
Bahagyang natigilan si Vermont na isa sa mga guwardya at may naalala. "Ah, si Miss! Oo, hindi ko na nga nabati kasi umiiyak. Mukhang na-basted ni Boss!" Nakakaloko pa itong tumawa.
Sinamaan niya lang ng tingin ang gwardya kaya tumigil ito. Nabaling ang atensiyon niya sa labas dahil malakas ang ulan.
"Shit!" Napamura siya nang mapagtantong walang dalang payong si Nami at maaaring basang-basa na ito sa ulan.