webnovel

Our

Chapter 19. Our

    

    

MAY video man o wala, alam ni Kanon na sasama't sasama pa rin siya kay Dice matapos nitong aminin na gusto talaga siya nitong makasama. She didn't even treat what he did as sexual harassment just as how she thought she'd do, but that didn't justify that what he did was just alright. Ni hindi nga niya sigurado kung tama ba na hayaan itong makalapit sa kanya dahil sa nangyaring iyon pero hindi niya naman masuway ang sarili.

She calmed herself down and decided to let everything pass. Kahit hindi niya ito sabihan, ang balak niya'y magsimula sila sa umpisa. Walang nakaraang magiging hadlang sa tuwing makakasama niya ito mula ngayon.

"Saan tayo kakain?"

Natigilan ito sa pag-start ng kotse at napatitig sa kanya.

"What?"

"Pumapayag ka na?"

"Pumapayag akong kumain tayo sa labas ngayon. Don't bring anything about that video or your proposition."

He sighed. "Pinagbibigyan mo lang ako ngayon, kung ganoon?"

"Paano kung ganoon nga?"

Saglit itong nag-isip. "Can I ask you something?"

"About what?" Nanatiling diretso ang mga titig niya.

"Back in High School—"

"Can we not talk about that? Matagal ko nang kinalimutan iyon."

"But I didn't. I still didn't. I'm still sorry about what happened."

Bumaling siya rito't bakita ang sinseridad sa mga mata nito. Pero parang nawalan naman siya ng amor dahil sa nalaman.

"Kung iyan lang ang dahilan kung bakit nagpupumilit kang pumasok sa buhay ko ngayon, kalimutan mo na. Wala na sa akin iyon, Dice. Parte na lang ng nakaraan ko."

"Kung iyan ang gusto mo."

He finally started the car engine and drove her home. Tahimik sila habang nasa daan.

"Akala ko ba kakain tayo?" tanong niya nang pumarada ito sa tapat ng residential condo na tinitirhan niya. Naihatid na siya nito minsan, nang maiwan silang dalawa sa bahay ni Nami halos dalawang buwan na ang nakaraan, kaya alam nito kung saan siya nakatira.

He only smiled but humor wasn't in his eyes. "Don't worry, there's no video."

"I'm not worr—"

"Hindi na kita guguluhin pa."

Pero imbes na umibis ng sasakyan ay nanatili siyang nakalulan doon.

Ito na ang nagtanggal ng seatbelt niya subalit hindi siya natinag. Akmang bababa na ito para pagbuksan siya ng pinto nang hinawakan niya ang kanang braso nito para pigilan ito.

"That's not what I meant when I told you to not bring up the past."

Sumandal ulit ito sa upuan at lumingon sa kanya. Naghihintay sa mga susunod na sasabihin.

She cleared her throat and now, her tongue wouldn't just speak. He took that opportunity to talk.

"It wasn't because I was sorry," panimula nito, diretsong nakatitig sa kanya. "It's because I think I still like you."

You think? She wanted to voice out, feeling a bit disappointed. Pero aaminin niyang ganoon din naman ang nararamdaman niya. Iniisip niyang baka gusto niya pa rin ito kaya hindi niya magawang magalit nang tuluyan.

"Sa totoo lang, naguguluhan ako. All these years, I've forgotten everything about you. Or just so I only thought I did."

"Maybe it's your conscience who's talking."

"No, it's not about my conscience. Pero inaamin kong na-guilty ako noon dahil sa ginawa ko'y mas lumala ang bali-balita tungkol sa iyo."

"Pero wala kang kasalanan. Hindi mo kailangang ma-guilty dahil totoo namang nakita mo ako sa hotel noon, kasama si Lemuel. Pero naging maayos naman ang buhay ko matapos niyon. Madaling makalimutan ng madla ang tsismis basta may bagong tsismis na dumarating. At isa pa, Lem was there for me."

"Why are you saying his name so casually?" kunot-noong tanong nito.

"H-he's my... ex," amin niya. Lemuel was actually her first boyfriend.

Nagtagis ang bagang nito. He must be thinking now that everything was true. Pero bakit parang ayaw niyang patuloy nitong pag-isipan siya ng ganoon? Tila gusto pa rin niyang magpaliwanag dito ngayon kahit taon na ang mga lumipas.

"Pero college na noong maging kami. I was on my second year," agap niya.

"College?"

Tumango siya. Nangunot ang noo nito. That confirmed her hunch. He was thinking about what happened back in Senior High. Kaya nga nabuksan nito ang usapin tungkol doon kani-kanina lamang.

"N-noong nakita mo kami sa hotel, he was actually helping me..."

"Helping you? Magulo ang buhok mo noon, pati makeup mo halos humulas na. It seemed to me that you were forced to—"

"We did that while filming!"

"Filming?!"

Napalunok siya. "Anak si Lemuel ng may-ari ng ka-kompetensya ng FastEx..."

Nagsimula siyang magkwento kung saan inutusan ng ama ni Lemuel na makipaglapit sa kanya, at gawan siya ng masama. But the young Castillo couldn't do it. Inamin nito sa kanya na kung hindi siya masisira ay ipagkakalat ng ama ito ang sikreto tungkol sa pamilya nila. But she didn't want that to go in public, so she connived with him to make his father believed that she was a gullible young girl and fell on their trap.

"And that fake scandal video was your last resort?" Dice was scowling as he stated those words.

Tumango siya. "Kailangan, eh. Para hindi na guluhin ang pamilya ko. Pati iyong pagbaba ko sa basement parking, kasama sa plano. May nakasunod sa aming tauhan ng Papa niya. We did that for them to take videos..."

"And I meddled in. Mas lumala ang sitwasyon."

Umiling siya. "You actually helped us. Big time. Because of that, Lem's dad trusted him, and gave him all the power to handle the Castillo Courier." Pinakalat noon na ia-acquire ng CC ang FastEx kaya humina ang kanila't nagsilipatan sa CC ang madla sa pag-aakalang palubog na sa utang ang FastEx. Mabuti na lamang at nakabawi sila nang si Lemuel na ang namahala sa CC.

"CC? Didn't they file bankruptcy years ago?"

Tumango siya. "That was Lemuel's doing. I was in sophomore year then. T-that was when he's still my boyfriend."

"Ilang buwan ang itinagal ng relasyon ninyo?"

Tumikhim siya. "Two years..." Teka, bakit napunta roon ang usapan?

"Did you kiss? Fuck! Of course you did!"

"Why are you mad? Ain't kissing normal for couples?"

"I am not mad!"

"But, you are shouting," maliit na tinig na aniya.

Napanganga ito, hindi alam kung ano ang sasabihin.

"What if we kissed?"

"Do you still have feelings for him?"

Honestly, yes. But not as deep as what she could feel whenever Dice was around.

"You still have," siguradong sagot nito.

"Matagal din kasi kaming—"

"I don't want to hear it," parang batang sumabad ito sa sasabihin niya.

"He was my home when I felt so lost. Siya ang dahilan kung bakit kinaya kong manatili rito sa kabila ng mga nangyari."

"Bakit siya?"

"Because he was there for me? I don't know. Really."

"Kung hindi ba ako lumayo, ako ang nasa posisyon niya?"

"Bakit ikaw?"

"Bakit hindi?"

She sighed. "As I've said, that was all in the past. Let's just move on and—"

"But the past will always be a part of your life. Our lives. Kung sasabihin mong kalimutan ko na lang iyon, para mo na ring sinabing kalimutan kita."

"Hindi naman. I was just saying—or mere suggesting that we should start anew without looking back."

"But I want to look back, Kan. I always wanted to look back."

"Don't you want to look ahead of our future instead? Kasi wala na tayong magagawa sa nakaraan, nangyari na iyon."

Ang nakakunot nitong noo ay unti-unting kumalma. "Our future..." tila nakalutang nitong usal.

Namula siya nang mapagtanto ang sinabi. Hindi na natuloy ang balak na hindi ipapaalam dito ang balak na magsimula silang muli.

Próximo capítulo