Chapter 6. Guest
"L-LUNA...?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Kanon. Kaagad itong tumayo at bumaling sa kanya. Natigil naman ang pagbaba niya ng hagdan nang makilala ito.
For how many days she tried to reach out for her but she wasn't responding at all. Inakala nga niyang wala na itong balak na magpakita pa dahil kagaya niya ay hindi ito pumapasok sa eskwelahan.
"Why are you here?"
"Kanon... I'm sorry... I'm really sorry..."
"W-why are you saying sorry?"
Surprisingly, they were both alone in the living room. Luna went closer to her as she repeatedly apologized.
"Luna, bakit ka nandito?" Kalmante niyang tanong.
"Buntis ako... Magda-dalawang buwan na."
Para siyang napipi nang hindi makaapuhap ng sasabihin. Hindi na siya magtataka kung sasabihin nitong ang ama ay ang pinagsisilbihan nito.
"Alam ko na ngayon na nakita mo kami noon..."
"Hindi ko kayo nakita literally. But I heard... We heard..." Tuluyan na siyang bumaba ng hagdan at pareho na silang nakatayo sa paanan niyon.
"I'm sorry..."
"Bakit ka nagso-sorry? I thought you liked what happened? I heard you say that afterwards, Lu."
Napakagat-labi ito. "But you were blamed because—"
"Shh... as long as you're okay, I'll be fine."
"But I've been hearing news about you! People are saying you've gone crazy and that you're pregnant. Ni hindi nga raw sigurado kung si Dice ba ang ama—Shit! Dapat sinabi mo na lang ang totoo..."
She felt a lump in her throat. Dahil hindi totoong okay siya. Matinding trauma ang idinulot ng mga bali-balitang iyon tungkol sa kanya at unstable ang mental health niya.
"I will tell the truth to everyone, Kanon. Kaya ako nandito ay para sabihin sa iyong magiging maayos na ang lahat."
"But you don't have to do that! Ang sabi mo'y buntis ka, at b-baka makaapekto sa kalusugan mo."
"Nathan denied me... He betrayed me. Ngayong nabuntis ako ay umalis siya ng bansa para mag-aral kunwari sa Germany... At ang pamilya niya, alam ding buntis ako..."
"Pero bakit pinaalis nila ng bansa si Nathan?"
Napalunok ito, tila nagpipigil na maiyak.
"Lu, bakit?"
"T-they don't believe me. I was called a social climber, Kan."
She shook her head. "Hindi ka social climber, mataas lang ang pangarap mo."
"Hindi, alam kong totoo iyon pero hindi ko magagawa iyong mga paratang nila. Sinabi nilang ginagamit ko ang pagbubuntis ko para mapikot si Nathan, at nang gumanda na ang pamumuhay namin."
Wala siyang maapuhap na salita.
Naglandas ang mga luha sa mata ng kanyang kaibigan. She wiped those tears using the back of her palm.
"D-dito ka na lang tumira, kayo ng mama mo. Kaya namin kayong alagaan, at sasabihin ko kila Mama na—"
Umiling ito na nagpatigil sa pagsasalita niya. "Kaya ako nagpunta rito ay para magpaalam na rin sa iyo."
"Bakit?"
"Uuwi na lang kami ni Nanay sa probinsya."
Her tears fell when she noticed that her friend's decision was firm.
"H-hindi ko kayang magtagal dito lalo na kapag nalaman na ng lahat ang totoo. Natatakot ako hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa anak ko. Ayaw kong lumaki siya na kinukutya... Alam kong iyon ang mangyayari kapag iniluwal ko na siya't nakapaligid kami sa mga taong nakakaalam sa nangyari..."
She embraced Luna tightly for she knew that no words could comfort her.
Ilang sandali lang ay lumapit ang Mama niya, iginiya sila upang maupo sa sofa at inasikaso.
True to Luna's words, she spoke up the truth and Kanon was immediately cleared by those harsh and baseless rumors.
Her mom kept apologizing to her as well for not listening when she told her countless times that that guy was innocent. Nang tanungin niya kung saan nito dinala si Dice ay nalaman niyang sa Tuazon Psychiatric Hospital na pagmamay-ari ng nasirang asawa ng kanyang Tita sa probinsya. Doon ito ikinulong na parang isang tunay na baliw para pagbayarin ito sa mga kasalanang ginawa sa kanya.
He was immediately released the moment her mom realized she was wrong, and Dice was truly wronged. Her mom even told her grandfather that she already let Dice go, pero ang totoo'y nanatili pala ang binata sa ospital.
Hindi na siya magtataka kung kakasuhan ang kanyang Mama at Tita sa nangyari.
She still didn't see him because he was now being kept and taken care by his family in Japan. Mukhang kung ano-anong mga gamot din ang itinurok dito noong dalhin sa ospital.
Ilang araw, linggo at buwan na ang nakalipas nang wala pa rin silang natatanggap na subpoena gaya ng inaasahan ng kanyang ina. At nang subukang makipagkita sa mga Usui para makahingi ng tawad ay nalaman nilang hindi pa rin umuuwi ng bansa ang mga ito.
She only hoped that Daisuke was doing just fine.
Shortly after her sixteenth birthday, everything fell back on its right places. What happened afterwards was just as a tidal wave that washed away all of those things that were connected to the happenings.
Mabilis na nakalimutan ng lahat ang mga nangyari noong nakaraang taon. Luna was also forgotten by the others.
"NARINIG n'yo na ba?"
Napaangat ng tingin si Kanon nang marinig ang matinis na boses ng class mayor nila. Mukhang may nasagap na naman itong tsismis.
"Ang alin?"
"Ang gwapo!"
"Sino?"
"May transferee na estudyante sa kabilang section," bulalas ng Class Mayor.
"Sino?"
Napailing na lang siya at nagpasyang makinig ng music. She put on the earphones so she could listen to music peacefully. Ayaw na niyang nakikinig-kinig sa mga tsismis dahil kadalasan ay wala namang katotohanan ang mga iyon.
Nang lunch time na ay hindi na siya lumabas ng classroom para kumain sa cafeteria. She just ate the lunch box her mom made for her. Sinabi kasi nitong ito na ang maghahanda ng pagkain niya dahil marami na itong oras para sa kanya.
Her mom, the fashion icon Katerina del Rio quitted the industry to focus on her.
At kahit na gusto niyang sabihin na maayos lang siya at okay lang na huwag na itong mag-resign ay hindi niya ipinabatid. Dahil sa totoo lang, mas kailangan pa rin niya ang kalinga ng kanyang magulang. Sa mga susunod na taon ay sisiguraduhin niyang kaya na niya't babawi siya sa mama niya.