Chapter 10. Tsaa
NATIGIL si Jasel sa pagmumuni-muni nang tumunog ang wind chime dahil sa pagbukas ng glass door ng shop, tanda ng may pumasok. Ang staffs niya ay abala na sa pag-i-inventory sa loob kaya siya na ang nagka-kahera ngayong malapit na silang magsara. She plastered her most sweetest smile before she greeted the customer.
"Kuya!" bati niya. May sumunod sa pagpasok nito. Kasama pala nito si Ice.
"Bakit hindi ka pa nagsasara? Akala ko ba, hanggang alas otso lang?"
"Ang higpit, ah? Hanggang alas nwebe kami."
"Good evening po," kinikilig na bati ni Mocha, ang isa sa mga staffs niya. May hawak itong basahan, mukhang magpupunas ito ng mesa.
"Paalala lang ulit, off-limits na si Kuya." Ngumuso siya sa pabirong humalukipkip na si Ice.
"Sayang naman," komento ni Mocha na alam niyang nagbibiro rin lamang.
"Umupo muna kayo." Iginiya niya ang dalawa sa malapit na mesa. She also asked what would they want to drink and eat.
"I want to try your Matcha Milk Teaand Cheesecake," si Ice.
Tumango siya at bumaling sa kuya niya. "Ikaw, Kuya?"
"Tubig lang."
"Kuripot! Libre ko naman."
Ngumisi lang ito. "Busog pa kasi ako."
She made a face. "Katulad na lang kay Ice ang sa iyo. I'll be right back."
"Magbabayad kami," si Ice.
"Libre ko nga. Ngayon lang ito, ah," biro niya.
"Business is business, Jasel. Baka mamaya, panay ang panlilibre mo sa mga kaibigan mo?" Hindi matanggal ang tingin ng kuya niya sa may entrance.
"That's okay. Si Ice lang naman ang kaibigan ko."
Naiiling na ngumisi si Ice. "How about them?" Her friend pointed at the entrance. Napailing siya nang makita kung ano-ano—o mas tamang sabihing, kung sino-sino—ang itinuro nito.
Parang mga turistang nagkukuhanan ng litrato ang mga kaibigan niya mula pa noong kolehiyo.
"You're still friends with them?" Kunot-noong tanong ng kanyang kuya. "I told you to stay out of the boys."
"They aren't boys anymore, Kuya. And you can't keep them away from me, they're my alalay." Bahagya siyang natawa. Totoo namang hindi na sila madalas magkita ng mga ito, pero patuloy sila sa pakikipag-komunikasyon sa isa't isa. "Sige na, pupuntahan ko na muna ang mga baliw na iyon."
Naiiling na nilapitan niya ang mga ito. Nakasandal si Stone sa pintuan at nakataas ang dalawang kamay, kuntodo ang pagpo-pose sa harap ng camera. Nang buksan niya ang pintuan ay halos matumba si Stone sa tiled floor ng shop.
"Hey, Jase! Hindi pa kami tapos mag-picture," reklamo nito.
"Ako naman!" si Sinned na basta na lang siya inakbayan at nag-peace sign.
Naiiling siya nang parang mga batang nag-agawan ang mga ito sa camera para tingnan ang litrato.
"Ano ba iyan? Bakit kalahati lang ang mukha ko rito?"
"Bakit kamay ko lang ang kinuhanan mo?" reklamo naman ni Stone.
"Kuhanan mo nga kami, Jasel," si Jave iyon na naka-uniporme pa.
"God, Jave Harold, bakit hindi ka muna nagbihis bago dumiretso rito?" sita niya mamg pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Umiling at pumalatak pa siya dahil nag-pose ito na parang modelo habang minamata niya.
"Don't mind my uniform. Saglit lang naman ako rito dahil kailangan kong umalis kaagad."
"Kung ganoon, pumasok na nga lang kayo kaysa nagkakalat kayo rito. Nakainom na ba kayo ng mga gamot ninyo?" biro niya.
Sabay-sabay silang natigilan sa pagbibiruan nang mamataan ang pamilyar na bultong papalapit sa kanila.
"Vince!" si Stone ang tumawag sa lalaki at kumaway-kaway pa.
Natulala siya. Oo nga't malaki ang posibilidad na magkita sila ng lalaki pero hindi naman sa ganoong sitwasyon niya naisip. Lalo pa't hindi siya sigurado kung maayos pa ba ang make-up sa mukha niya. Baka mamaya, nagmamantika na pala ang balatniya dahil sa maghapong pagsu-supervise sa mga bulk orders.
"Picture-an mo kami," utos ni Jave kay Vince. Kanya-kanyang puwesto ang tatlo at pilit siyang inakbayan. Si Jave ay walangpakialam, basta tumindig ito na para bang sinadyang ipakita ang suot nitong uniporme habang ang dalawa ay pinagitnaan na siya. Para tuloy siyang robot na pinag-aagawan ng mga ito.
Vince lazily clicked the shutter button and gave it to Jave. Walang sabi-sabing tumalikod ito at umalis.
"Saan ka pupunta?" pabulong na tanong niya subali't natabunan ang boses niya sa mga kaibigan.
"Hoy, bakit puro paa naman itong kuha mo? Ang pangit! Hindi man lang nakitaitong uniporme ko," si Jave.
"Gwapo ka lang pero mas gwapo ako." Sinned raised his middle finger to Vince.
"Ang pangit mo, Vince!"
Halos maghiyawan na ang tatlo sa pagrereklamo.
Kahit kailan talaga, hindi niya aakalaing mga propesyonal at nagtatrabaho sa isang prestigious security agency ang dalawa sa mga ito, bukod pa ang kanya-kanyang negosyong pinamamahalahaan. Paano'y kadalasan, parang mga bata kung umasta sa tuwing sila-sila lamang ang magkasama. At ano raw? Ang pangit ni Vince? Mga kalokohan talaga, oo.
Hindi naman na nagtagal ang tatlo. They just dropped by to congratulate her, and of course, bought some cakes and milk teas.
Sumunod na umalis ang kanyang kuya at si Ice bago pa man siya nagsara. May pupuntahan pa raw kasi ang mga ito. But she doubted it. Halata namang gusto lang masolo ng kuya niya ang kanyang kaibigan.
She was aboutto change the open sign to close one when she noticed a familiar built in front of the door. Si Vince. Napayuko ito nang mapagtantong sarado na sila. Still, she opened the door and asked if was there anything that she could help him with.
Umiling ito at nahihiyang ngumiti. "Sarado na pala, bukas na lang," komento nito at timikhim. "Congratulations on your new business."
She just nodded and went back inside the shop, calming herself down. Nang lumingon ulit siya sa labas ay nakita niyang bumuntong-hininga ito at pagkuwa'y umalis na.
Parang gusto tuloy niyang habulin at alukin ng makakain o ng tsaa. Pero bakit pa? Sarado na sila.
"Miss, kilala mo si Bossing?" tanong ni Caruso, ang isa sa dalawang male staffs niya. Apat ang staffs niya sumatutal—dalawang lalaki at dalawang babae. Shifting ang schedules ng mga ito. Ang dalawa'y opening habang ang dalawa'y closing. After the grand opening, she's planning to hire two more staffs for mid shifts. Sa ngayo'y sasanayin muna niya nang maigi ang mga staffs niya para kapag may bago ay hindi na nangangapa ang lahat.
"Ang gwapo. Hindi mo jowa iyon, Madame?" si Mocha na halatang tinutukso siya.
"'Miss' dapat ang itawag natin sa kanya," saway ni Caruso. Natawa na lang siya nang maalala kung paanong sinabihan ng kanyang uncle ang mga ito na tawagin siya 'Miss' noong soft opening ng Fraulin's Milk Tea Shop.
"Magsara na nga tayo," natatawang saway niya sa mga ito.
Habang nagsasara ay panaka-naka siyang sumusulyap sa pinto, baka kasi bumalik si Vince.
Asang-asa ka naman. Akala ko ba, iniiwasan mo?
Hindi ako umaasa, 'no! Kahit paano'y naging kaibigan ko rin naman siya.
Kaibigan lang? Hindi boyfriend?
Fine. Ex-boyfriend.
Napanguso siya at iwinaglit ang mga iyon sa isipan. Subali't hindi siya nagtagumpay dahil hanggang sa makauwi ay okupado pa rin ni Vince ang kaniyang isipan.
She took a shower, she thought of him.
She did her skin care routine, she thought of him.
She drank a glass of water, she thought of him.
She charged her cellphone, she thought of him.
She breathed, she thought of him.
Mababaliw na yata siya! Bakit ayaw lubayan ng lalaking iyon ang isipan niya? Matagal na siyang naka-move on, hindi ba?
Inis na napasabunot siya sa sarili nang maalala niya ulit ang pagkadismaya sa mukha nito kanina.
Dapat talaga, inalok ko nang mag-tsaa, eh!