webnovel

Drunk

Chapter 4. Drunk

(Present Time)

"HOY, GISING!"

Napatuwid ng upo sa kaniyang swivel chair si Jasel sa sigaw na iyon ng kanyang kaibigan na si Ice. Fraulin Ice had been her best friend since the latter joined the company as the Executive Assistant to the President of the hotel, Kieffer Sandoval.

After she graduated, became one of the boardof directors, and she chose to work in that hotel as well, as the General Manager.

Her brother wanted her to just follow him abroad and help him manage their businesses, but she chose to start from the scratch. Kung hindi nga siya natanggap bilang manager ay mag-a-apply ulit siya bilang housekeeping. May National Certificate naman siya niyon dahil tuwing summer vacation noong college siya ay kumukuha rin siya ng mga short courses upang madagdagan ang skills niya. She just couldn't rely on her family's fortune, right? Pero nunca payagan siyabg magtrabaho sa ganoong posisyon. Hindi sa minamata ang posisyong iyon, pero kasi, sa estado ng buhay nila, kahit magtayo siya ng sariling negosyo ay siguradong hindi na siya mahihirapan sa pang-kapital niya.

"Tulo-laway, ah," sita ni Ice na nagpabalik sa kaniyang diwa. "Kanina pa kita minamasdan, nananaginip ka pa 'ata."

Umiiling-iling na pinunasan niya ang gilid ng kanyang bibig. Wala namang ebidensiya na nakatulog siya.

"Bakit ka nga ba nasa opisina ko?" kunwaring pagtataray niya.

"I just guessed you didn't eat your lunch yet. At tama nga ako dahil tinutulugan mo na naman ang lunch break mo. My goodness, kaya ka nangangayayat, e!" panenermon ng kaibigan.

"This isn't nangangayayat, Ice, slim ang tawag sa katawan ko. Slim."

"Ewan ko sa iyo. Pasalamat ka at malaman ang pwet mo. Pambawi sa pader mong dibdib."

"Hoy! These aren't flat! I just don't wear wired bra," depensa niya.

"Akala mo naman, may magbabago kung magpu-push up bra ka." Then, she changed the topic. "Kailan ang balik ng kuya mo?"

Here we go again.

Alam niyang pang-asar lang ng kanyang kaibigan ang sinasabing atraksyon na nararamdaman nito para sa kanyang kuya. Kaya hangga't maaari ay ayaw niyang mapalapit ang dalawa. Was she childish? She did not know. Basta, kilala kasi niya ang kuya niya na hindi seryoso sa mga naka-relasyon.

"Tantanan mo si Kuya. Baka mamaya,isama ka lang niya sa long-list of ex-flings niya."

Ngumiwi ito sa kanyang sinabi. "But it's true. I really like your brother."

"'Sus, parang noong nakaraan lang, naiiyak ka na sa inis dahil nakita mo ang gunggong mong ex-boyfriend sa simbahan."

Napakurap-kurap ito nang banggitin niya ang pangyayari. Para itong nawala sa sarili.

"Okay ka lang?"

Natauhan naman ito. "O-oo. Naalala ko lang kasi na parang nakita ko na naman si Noel kahapon habang nag-aabang ako ng taxi."

"Seryoso ka? Bakit napapadalas na naman 'ata iyan? Na-trigger ka ba noong nakita mo ulit siyang kasama ang pamilya niya? Kaya ba parang feeling mo, nasa paligid na naman siya?"

"Siguro nga... But I'm serious. I feel that I'm seeing him everywhere."

"'Kaloka ka! Uso naman ang mag-move on. It's been what? Three years?"Baka nga mali pa ang bilang niya sa taon.

Nag-iwas ito ng tingin at iniligaw ang usapan. "K-kumain ka na. Heto, pinag-take out ka namin ng sushi ni Kieffer." Iniwan lang nito ang hitbit na paper bag sa lamesita at umalis na.

Naiiling siya nang sinundan ng tingin ang papalayong bulto nito.

Tumayo nasiya at tumungo sa sofa; umupo roon at binuksan ang pagkain.Saglit siyang natigilan maalala na naman ang lalaking nagpatibok sa puso niya noon.

Vince always pampered her with her favorite foods and always made her feel loved.

Napabuntonghininga na lamang siya dahil hindi naman na maibabalik ang nakaraan.

Sinimulan na niyang kainin ang dala ni Ice pero hindi niya rin naman naubos iyon. Kada kuha kasi niya ay parang tuksong bumabalik sa kanyang isipan ang mga alaalang matagal na niyang binaon sa limot. Napapadalas din ang mga panaginip niya at minsa'y gumigising ng madaling-araw dahil sa mga panaginip na iyon tungkol sa lalaki.At, natatagpuan niya ang sariling umiiyak sa matinding pangungulila rito.

Now, sighed heavily thinking about the past. Dahil nag-shift siya ng kurso noon, nahuli siyang g-um-raduate kaysa sa mga ka-batch niya. It was already her last year when she parted ways with Vince. She was twenty-two while he's turning twenty-seven, already finished his med school and was ready to be a resident in a hospital abroad.

She shook her head to drive those thoughts away. It'd lead her nowhere if she kept on reminiscing. Masasaktan lang siya.

Good thing it was Friday today and she could party all night again. Bukas pa sila lalabas ni Ice dahil magkaiba ang day off nilang dalawa. Not that she became alcoholic, she just liked the taste of the alcohol. Blame those old friends of hers. Nasanay siyang nakikilag-inuman sa mga ito noon lalo na noong mawasak ang puso niya. At imbia na pigilan siya sa pag-inom ay sinabayan pa siya hanggang sa mahasa at tumaas ang kanyang alcohol tolerance.

Instead of reminiscing, she went to the restroom to wash her face. Pagkatapos namang magtrabaho ay umuwi muna siya para makapag-freshen up. Ngunit hindi pa naman talaga siya nakapag-ayos nang dumating ang kanyang kuya, lasing na lasing.

"Kuya? Ang aga mo namang naglasing?" biro niya.

"I like your friend, Jasel."

"But she doesn't." Tumiim ang bagang niya.

"Damn it. I'll make sure she'll get crazy for me."

Natutop niya ang bibig. Hindi naman siguro prank ito, 'no? She checked if her brother was really drank and she realized he was! Mabilis na nilapitan niya ang kanyang kuya at inalalayan papunta sa kwarto nito.

"No, I'll stay in the guest room."

"Kuya?" nagtatakang-tanong niya.

Tinaboy nito ang kamay niyang nakaalalay sa braso nito at dumiretso sa kwarto malapit sa hagdanan.

Natutulalang sinundan niya ang kanyang kuya at para itong tanga nang kausapin at yakapin nito ang mga unan na ginagamit ng kanyang kaibigan sa tuwing makikitulog ito sa kanila.

"You always tell me you like me... But why the fuckdo you still think of that bastard ex of yours?

Natawa na naawa siya sa kanyang kuya. Minsan na nga lang umuwi ng Pinas, ganoon pa ang nangyari. Nawala ang imahe ng isang masungit at ma-awtoridad na kuya niya ngayon.

She smirked evilly. Yayayain niya ulit na tumira ang kaibigan niya sa kanila upang baliwin lalo ang kuya niya. In that way, kahit mahulog nang tuluyan si Ice dito ay hindi na niya aalalahanin pa na maghihiwalay ang mga ito. Na walang masasaktan, walang mawawalan ng kaibigan. Perfect!

Her jaw dropped when her brother kissed the pillow so she went inside to castigate him but even before she could, he already passed out because he was too drunk.

Pagak na natawa siya. Magkapatid nga sila nito. Naalala niya noong mga panahongilang beses na naglasing siya nang husto at nakatulog din sa kalasingan. She even passed out on the road while puking on a trash bin. At kung gago ang mga kaibigan niya'y nasisiguro niyang iniwan na siya ng mga ito, o hindi kaya'y pinagsamantalahan na ang kahinaan niya. She was really fortunate for having friends like them—caring and protective towards her.

She sneered becauseof those good but bitter old days. She suddenly missed the boys. Mula nang magtrabaho kasi siya'y hindi na niya gaanong kinikita ang mga ito.

Próximo capítulo