webnovel

Island

Chapter 36. Island

      

      

MAY jetlag pa si Nicolea nang makarating ng Maynila. Almost ten hours flight hurt her back. Daig pa niya ang nag-gym ng buong araw sa pananakit ng katawan niya, lalo na ang pang-upo.

Mabuti na lang at may available na plane ticket kaninang umaga at kahit mahal ay g-in-rab na niya. Makapaghihintay ang mahaba-habang bakasyon niya. Halos dalawang buwan na rin naman siyang nagbabakasyon mula nang matapos ang misyon nila, siguro'y sapat na iyon, o bahala na kung itutuloy pa niya ang kalahating taong pamamahinga. At isa pa, mas kailangan siya ng kanyang kaibigan ngayon.

Pagkarating ng Maynila ay agad niyang t-in-ext si Rexton.

Nakatawag na rin siya sa mga magulang niya at sinabing hindi ulit siya makakauwi sa mga susunod na linggo dahil may bago siyang pupuntahang lugar. Nagtatampo na nga ang mga ito dahil mula noong iwan niya si Jave ay madalang na siyang umuwi, kadalasan ay tuwing Pasko hanggang Bagong Taon lamang. Natatakot kasi siyang makita ang lalaki noon. Hindi niya alam kung may mukha pa siyang maihaharap kay Jave kung sakaling magkita sila noon.

Masaya ring ibinalita sa kanya ng kanyang ama na maayos na ang negosyo nila. Kung paano? 'Tsaka na niya aalamin. Ang mahalaga ay hindi na sila magfa-file ng bankruptcy.

She also told them that everything about her and Hugh was just a prank. She couldn't forget his dad's anger and her mom's disappointment when she told them that she wasn't pregnant, and was never engaged. Halos dalawang buwan silang hindi maayos ng mga magulang niya. Idagdag pa na umalis siya kaagad noon para trabahuin ang misyon. Kahit nasa Davao ay nag-book pa rin sila ng hotel. Fortunately, one of Phoenix' agents was an hotelier and had a branch of their hotels in there.

Kung paano nila napaniwala ni Hugh ang mga magulang niya na peke ang lahat? Matapos magtrabaho ay bumalik siya kasama si Hugh para humingi ng tawad. With a twist. Baklang-bakla si Hugh nang bumalik sila.

Totoo nga siguro ang kasabihang hindi kailanman matitiis ng mga magulang ang sariling anak dahil agad siyang pinatawad noon. Kahit halata na may galit pa rin ang ama niya, kalauna'y humupa rin. Nakakataba ng puso, dahil mas nauna ang pagpapatawad nito kaysa alalahanin ang sariling emosyon.

She was really fortunate to have selfless parents. They were one of the main reasons why she grew up strong and brave enough to face any challenges. Because of her parents' unconditional love, she learnt how to love unconditionally, too.

Nang mga panahong iyon ay nabalitaan din niyang abala sa navy si Jave kaya nga ba hindi siya makapaniwalang na-discharge ito at ngayo'y hindi na under ng government. At alam niyang siya ang dahilan.

Habambuhay na yata niyang sisisihin ang sarili sa kinahinatnan ng lalaki. Sa isang iglap ay nawala ang pinaghirapan nito. He would never become an admiral now since he got already discharged. And he was now a total badass.

Kung hindi pa nag-ring ang cellphone niya ay paniguradong iniisip pa rin niya si Jave.

"Boss!" bati ni Nic sa tumawag.

"Nasaan ka na?"

"Airport pa. Bakit?"

"Susunduin ka raw ni Rexton nang maihatid ka sa ospital."

"Nasaan na ba siya? Magta-taxi na lang sana ako, eh."

"No!" agap nito. "Diyan ka lang sa airport. Malapit na rin naman si Rex."

"Copy!"

Dahil medyo nagugutom ay um-order siya ng burger at fries. Tatlumpung minuto na ang nakalipas nang dumating si Rexton.

"Wow! Nalaman mo kung nasaan ako," bulalas niya nang umupo lang ito sa harapan niya.

"Your device's tracker," tipid na sagot nito. "Tapos ka nang kumain?"

Tumango siya. "Let's go, I can't wait to see my friend."

Sumakay sila sa pulang SUV na maghahatid sa kanila sa ospital. Hindi siya makapaniwala nang binasa ang files tungkol kay Yvonne. Ang daming pumupuntirya sa kaibigan niya ngayon, kaya dadalhin ito sa isang isla para maging ligtas. Magiging bodyguard siya nito habang nasa Isla Prietto sila.

Ayon sa boss niya ay hindi lang siya ang magbabantay sa isla. Marami sila at karamiha'y pinadala ng Phoenix.

"...will be there, too. Nauna silang nagpunta sa isla. Ikaw ay makakasabay mo na sina JM at Yvonne."

"Okay," walang-ganang sagot niya kahit hindi naman talaga nakikinig kay Rexton. Nagpa-park na ang sasakyan sa basement parking ng ospital.

"Ihahatid na kita sa helipad."

"Kaya ko naman."

"Huwag ka nang maarte."

She rolled her eyes and just let him followed her.

"Nicolea," tawag sa kanya ni Rexton nang lulan na sila ng lift.

"Bakit, Kuya Rexton?"

"I'm sorry."

"Huh?" Nangunot ang noo niya sa pagtataka.

"Kung hindi kita dinawit sa misyon noon, nasisiguro kong pinakasalan mo na ang pinsan ko ngayon."

Napalunok siya't hindi nagpahalata na nasaktan siya. Dahil pawang katotohanan lamang ang binanggit nito.

"And I think you also know why he joined the agency."

Tumaas ang kilay niya. "Whatever the reason is, I don't care. That was his choice. Labas na ako roon." Pati ang mga sinabi niya ay labas sa kanyang ilong.

"Can you give him a chance?"

"Bakit ikaw ang nagtatanong niyan?" pagsusungit niya.

He chuckled lightly. "Right. It should be Jave."

She made a face upon hearing his name. Medyo banas pa rin siya sa ginawa ng huli.

"Mag-usap kayo. You'll have all your time to talk about you two."

"Busy ako. At wala kaming pag-uusapan."

Ngising-aso ang sinagot ni Rexton. "Thank me later."

Bumukas ang pinto ng lift at sa helipad na sila naghintay sa pagdating nina Yvonne at JM. Nang dumating ay nasa stretcher si Yvonne.

"Bakit wala siyang malay?!" pagalit at kinabahang tanong niya.

"She's just sleeping," sagot ni JM. "Let's go."

Lumulan sila sa helicopter at todo alalay siya kay Yvonne dahil baka mauntog ito habang nakaupo sila.

Nang makaratimg sa isla ay agad nilang dinala si Yvonne sa kwartong tutuluyan. Siya nama'y sa guest room sa ibaba ng villa.

Nakabibilib dahil kumpleto na ang gamit doon. Toiletries, small fridge and clothes that she knew that would fit her.

She took a shower and decided to wear a cute pair of pyjama. May disenyo iyon ng paborito niyang cartoon character na si SpongeBob SquarePants.

Napakislot siya nang mapansing may kasama pala siya sa kwarto. Bakit hindi niya napansin kaninang nagbibihis siya? She alerted herself and faced on the bed.

Próximo capítulo