webnovel

Sorry

Chapter 11. Sorry

         

        

"HINDI po!" Magkapanabay na sagot ni Nicolea ni Jave.

"Alright, then." Umaliwalas ang itsura ng kanyang ama.

"Pinakaba n'yo kami nang husto, anak. Akala nami'y sasabihin ninyong magkaka-apo na kami."

"H-Hindi naman po kami mapusok ni Jave, 'Ma. Hindi kami darating sa puntong iyon ngayon."

"And I respect your daughter so much, Tita, Tito," bulalas ni Jave na magalang ang boses. "I will wait for the right time. We're still focusing on our studies and our growth now."

Her dad satisfyingly smiled and her mom sighed her relief.

"Tama si Jave. Napag-usapan na rin naman na uunahin din namin ang career. Para sa future naman namin."

Tumikhim ang kanyang mama. "You already thought that far?" she impressively asked.

"Let's go to the dining," anyaya ng haligi ng tahanan.

Mag-a-alas sais pa lamang ng gabi pero nakahapag na ang mga pagkain.

"So, what're you going to say?" tanong ng kanyang mama nang makaupo na sila sa hapag matapos magsipag-hugas ng kamay.

"Na boyfriend ko na po si Jave," dire-diretsong bulalas niya.

"I see," her dad, as if he already expected that answer.

"What?!" her mom. Hindi ito makapaniwala dahil halatang may gumugulo sa isipan. Ang akala pa naman niya'y nakuha na nito ang ibig nilang sabibin kanina. "I t-thought..."

"Thought what, 'Ma?"

"Nothing. Let's just eat." Them, she stated, "I just can't believe you have a boyfriend now."

"Mas okay na iyong boyfriend, 'Ma, kaysa girlfriend."

"Nicolea!" her mom shrieked in horror. "Don't tell me... y-you're..."

Jave chuckled awkwardly. "Hindi po lesbian ang anak ninyo, Tita."

Nanlaki ang mga mata niya. Nangunot naman ang noo ng kanyang ama.

"Oh!" Naiilang na tumawa na lang din ang kanyang mama.

"Iniisip mong tomboy ang anak natin?" Hindi makapaniwalang bumaling ang kanyang ama sa esposa. Natigilan siya sa pagkain at pinatong ang kamay sa hita. Naikuyom niya ang kanyang mga palad.

Sa pakiwari niya'y pinagpawisan siya ng malagkit. Kung tutuusin ay wala namang kasalanan ang mama niya sa pag-iisip niyon kaya nakokonsensya siya sa paraan ng pagtitig ng papa niya rito. He was like he's accusing her mom for thinking that way to her.

Her mom pouted like a lost child. "Well... she wanted to be a captain of the ship. She doesn't wear girly outfits like she used to anymore. And lately, she's been acting different... like, a bit manlike."

"But that doesn't mean she's—"

"I'm sorry," she guiltily interrupted. "S-Sinadya ko po kasi talaga na magkilos lalaki sa tuwing kaharap ko si Mama."

"Why did you do that?!" Dumagundong ang malalim at malaking boses ng kanyang ama sa dining room. Napalingon pa ang mga kawaksi sa kanila, at sa paraan ng pagtingin ng kanyang Yaya ay mukhang iniisip nitong baka buntis nga siya. Mabilis siyang nag-iwas at nagbaba ng tingin.

Jave, on the other hand, reached for her hand and gently pressed it, sending her his thoughts that it was just alright. She gulped.

"At first, I thought it's just because I want to prank all of you... that I am a lesbian," panimula niya.

"I know you are a prankster but I never expected you'd go this far, Nicolea."

Bahagya siyang yumuko. Ngayon niya napagtanto ang mga sinabi ni Jave noon, na tigilan na niya ang kalokohan na kanyang naisip. Ngayon ay gusto niyang magsisi kung bakit hindi siya nakinig dito. Na dapat pala'y sa simula pa lang, hindi na niya tinuloy ang binalak na kalokohan.

"Don't get mad at her," malambing na anang mama niya sa kanyang papa. Her dad sighed harshly.

"I'm done eating." Tumayo ang kanyang ama at naiwan sila sa hapag. Marahil ay para maiwasan na ring masigawan siya ulit.

"Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo, Nicolea. Baka pagod lang din sa trabaho."

Napakagat-labi siya, nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Bakit nga ba pinagpatuloy mo pa ang pagpapanggap, Nikki?" Her mom sometimes called her 'Nikki' as an endearment. "In fairness, anak, ah, magaling kang artista. Ipasok kaya kita sa Acting School?" she added, slightly chuckling.

She smiled faintly. Alam niyang pinagagaan lang nito ang usapan.

Natapos ang hapunan at nagpaalam na si Jave. Inalok ng kanyang ina na matulog na lang sa kanila pero magalang itong tumanggi. Hinatid niya ito sa garahe, habang naghihintay sa pagsundo ni Manong dito.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong nito.

"Oo naman. Medyo nakakahiya lang kasi nasigawan ako ni Papa sa harap mo."

"I'm sorry..."

"Why?" takang-tanong niya. But she had a hint why he's saying sorry.

"Dapat hindi ko na sinabi kay Tita iyon." May pagsisisi sa mukha nito. "I should have just waited for you..."

"Don't be sorry!" Bahagya niyang tinampal ang balikat nito. Bumaling naman ito sa kanya. "Kung hindi mo sinabi iyon, baka makalimutan ko na ang tungkol doon at hindi na makapagsabi kay Mama."

He bit his lower lip and avoided her gazes. Mukhang nahihiya nga ito't sinisi ang sarili kung bakit siya nasigawan ng kanyang ama.

"Ang swerte ko talaga na ikaw ang boyfriend ko! Hindi ako maliligaw ng landas."

Hindi man nakangiti ay nakita naman niyang nangislap ang mga mata nito.

"Don't blame yourself, okay? At bukas na natin aralin ang mga librong hiniram natin sa library."

Tumango ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang sundo nito.

"Mag-iingat kayo!"

Kumaway siya hanggang sa makalayo na ang mga ito.

She went upstairs, in her room, and took a shower. Ilang sandali pa siyang magtagal sa loobg ng banyo bago labas at nagbihis. Pabalik-balik siya sa paglalakad sa hallway, nagdadalawang-isip ulit kung kakatukin ang Master's Bedroom. Sa huli ay nanaig ang kanyang konsensya. Hindi siya makakatulog nang may hindi sila pagkakaunawaan ng ama.

Kumatok siya sa pinto.

"'Pa... ako po ito," masuyong tawag niya. Ang kanyang ina ang nagbukas ng pinto.

"Wala ang Papa mo."

"Saan siya nagpunta, 'Ma?"

"May flight siya ngayong gabi. She have a business meeting in Manila tomorrow at breakfast."

Tumango siya't nagmadaling tumungo sa kwarto kinuha niya ang naka-charge na cellphone para tawagan ang kanyang papa. But his phone was already out of reach so she guessed he already boarded the plane.

She typed in:

Sorry po, Papa. Hindi na mauulit. Mag-iingat po kayo sa biyahe. Mahal ko po kayo! Pasalubong ko, ah.

Sa pag-uwi ng kanyang papa ay hihingi ulit siya ng paumanhin dahil sa kalokohang ginawa.

Próximo capítulo