webnovel

Chapter XXXVII

Inabot ni Rivero ang kamay nya para tulungan tumayo si Edward.

Nag-aalangan man ay inabot na rin ito ng binata.

"Thanks!"

"No problem!"

"Bakit nga pala nandito kayo?" tanong ni Maymay.

"Meron kasing naghahanap sayo!"

At saka lang napansin ni Edward ang lalaking kasama nila.

Nagulat si Maymay sa nakita.

Biglang lumapit ang bagong dating na lalaki at niyakap sya ng mahigpit.

Inikot-inikot pa sya nito.

Natatawa naman si Maymay sa ginagawa nito.

Si Edward naman ay hindi na maipinta ang mukha sa inis.

"Donato, ano ba! Nahihilo na ako!" Pero tumatawa pa rin ito sa binata.

Malapit si Rivero kay Edward kaya inakbayan sya nito at binulungan.

"Yan na yung totoong karibal mo!" ang biro nito kay Edward.

Tiningnan naman ito ng masama ni Edward at inalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

Ibinaba na ni Donato si Maymay.

"Namiss kita! Sobra!" at hinawakan pa nito sa magkabilang pisngi ang dalaga.

Nakita ni Maymay si Edward sa likuran nito na nakasimangot.

"Namiss din kita!" sabi nya sa binata.

Ngumiti sa kanya ang binata.

"Parang hindi naman!" at lumingon pa ito kay Edward.

"Mukhang busy ka nga eh!" at ngumuso pa ito.

Naalala naman ni Maymay yung muntik ng mangyari bago sila dumating kaya pinamulahan sya ng mukha.

"Tigilan mo nga ako! Pareho talaga kayo ng kuya mo! Lakas mang-asar!"

Ngumisi lang sa kanya ang binata.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa boyfriend mo?" sabay tingin nito kay Edward.

"He's not my boyfriend!" ang tanggi ni Maymay.

"Donato bro!" sabay abot ng kamay nya kay Edward para makipagkamay.

"Edward" inabot naman ito ng binata.

"Ako nga pala yung first love ni Mary Dale!" at ngumiti ito ng nakakaloko.

Nagsalubong naman ang kilay ni Edward sa sinabi nito at napahigpit ang hawak sa kamay ni Donato.

Lumapit si Maymay at siniko si Donato.

"Shut up!"

Napaigtad ang binata kaya binitawan na ni Edward ang kamay nito.

Napangisi sya sa ginawa ni Maymay.

"Bakit totoo naman ah! Ikinakahiya mo na ba ako ngayon porke't may Edward ka na?" ang kunwari'y nasasaktan na tanong nito.

"Kapag ikaw hindi tumigil sa kalokohan mo tatawagan ko si Shar at isusumbong kita!"

"Wag ganon! Ang pikon mo pa rin hanggang ngayon!" at napahawak sa batok si Donato.

Nagtawanan sila Rivero, Marco at Juliana.

"Lakas mong mang-asar bro, takot ka naman pala kay Shar!" si Marco.

"Nagsalita ang hindi takot kay Juliana!" si Rivero.

Siniko naman sya ni Juliana.

"Biro lang babe!" at nagpeace sign ito sa dalaga.

"Umayos ka Marco Antonio!"

"Paktay! Binanggit na ang buong pangalan!" at nagtawanan na naman sila.

Napansin naman ni Maymay ang pananahimik ni Edward.

Nilapitan nya ito.

"Okay ka lang? Sorry sa kakulitan ng dalawang mokong na 'to!" nginitian nya ang binata.

Natunaw naman ang inis ni Edward sa ngiti ng dalaga.

"Okay lang!" at ngumiti na rin sya dito.

Hindi nya napigil ang sariling itanong sa dalaga ang sinabi ni Donato.

"Is it true?"

"Ang alin?"

"That he's your first love?"

Nahiya naman ang dalaga.

"Ah eh oo! Sa kasamaang palad!" at tumawa sya para mapagtakpan ang pagkahiya.

Napatango ang binata ng dahan-dahan.

"Ganon ba!" ang mahinang sabi nito.

Hindi nya alam kung bakit nalulungkot sya sa pag-amin ng dalaga.

Napansin iyon ni Maymay.

"Pero hindi naging kami! At tsaka mga bata pa kami non!" ang agad na paglilinaw nito.

Biglang singit naman ni Donato sa kanila.

Inakbayan nya si Edward.

"Wag kang mag-alala bro! Matagal ko nang binasted yan si Mary Dale!"

"Sira-ulo ka talaga!" at binatukan ni Maymay si Donato.

Natawa na rin tuloy si Edward.

Nagkayayaan silang magpicnic para makapagkwentuhan pa bago umalis ang magkapatid na si Rivero at Donato.

Umuwi na muna sila Maymay, Juls, Marco at Dodong sa mansyon para makapaghanda sa picnic nila.

Pagkadating ng mansyon ay naroon si Atty Ricardo.

"Dad!" humalik si Juliana sa ama.

"Tito!" si Maymay.

"Atty!" si Edward.

"Dad!" si Marco.

"Dad ka dyan!" siniko ni Juliana si Marco.

"Bakit? Magiging daddy ko rin naman sya pag kinasal na tayo!" at ngingiti-ngiti pa ito ng nakakaloko.

"Ewan ko sayo!" pero namumula ang mukha nya sa hiya.

Naiiling na lang si Atty sa dalawa.

"Speaking of kasal, Dale we have to talk."

Napatingin naman kay Maymay si Edward sa sinabi ni Atty.

Tumingin din si Maymay sa kanya.

"Excuse us guys." at pumunta si Atty at Maymay sa office ng dalaga.

Pagkaalis ni Maymay at Atty Rick ay nagtanong si Edward kay Juliana.

"Do you know what they're going to talk about?"

Juliana shrugged her shoulders.

"You'll have to ask Maymay about that."

He looked at Marco.

"Marco?"

"I have no idea!"

"Mabuti pa magpahinga na muna kayo." pag-iiba ni Juliana ng usapan.

"Mabuti pa nga! Tara na bro!" yaya ni Marco kay Edward.

Hinayaan na lang ni Edward na hilahin sya ni Marco papuntang kwarto.

Sa kwarto nya ay humiga na lang muna sya.

"Ano kayang ibig sabihin ni Atty Rick?"

Samantala sa opisina ni Maymay...

Hindi mapakali si Maymay sa upuan nya.

"I came here to discuss what we've talked about last time."

Nataranta naman si Maymay sa sinabi ng abogado.

"Ahm, attorney...." alangan na pagputol nya dito.

"Yes? May problema na naman ba tayo? Don't tell me nagbago na naman ang isip mo? Need I remind that you only have a few weeks left before your birthday?"

Napakunot ang noo ni Maymay sa sinabi nito.

She tried to open her mouth to speak but no sound came out.

"Meron bang kinalaman si Mr. Edward Barber sa pagbabago ng isip mo?"

Shock registered on her face but she slowly nodded.

"I see..." tumalikod sa kanya ang abogado bago muling nagsalita.

"Do you love him?"

Nagulat na naman si Maymay sa tanong nito.

"Love?" ang alanganin nyang sabi.

"Mahal na nga ba nya ang binata?" ang tanong nya sa isip.

Humarap ulit ang abogado sa kanya at pinagmasdan syang mabuti.

Hindi naman pansin yun ni Maymay dahil iniisip pa rin nito ang nararamdaman para sa binata.

"Paano ba nalalaman kapag mahal mo na ang isang tao?" ang tanong nya sa sarili.

Noong bata pa sya ang buong akala nya ay mahal nya na si Donato.

Pero hindi pa pala.

Napagtanto nyang mababaw pa lang ang pakahulugan nya sa love noon. Nang maging magkasintahan si Donato at si Shar ay hindi man lang sya nakaramdam ng kirot sa puso nya. Bagkus ay naging sobrang saya nya pa para sa dalawa.

"Eh pag nagkaroon ng ibang girlfriend si Edward magiging masaya ka pa rin ba?" tanong ng isip nya.

Nalungkot agad sya sa isipin na yon.

May kung anong kirot syang naramdaman sa puso.

Napatayo syang bigla.

"Hindi ako makakapayag!"

Próximo capítulo