webnovel

Harun

The wind is howling furiously as we continue to advance forward.

Ramdam ko rin ang sobrang lamig ng hangin na tumatama sa mukha ko. Napatingin nalang ako sa lugar na nilalapitan namin pero hindi ko ito masyadong makita ng dahil sa lakas ng hangin.

Tahimik lang ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na hangin at ang huni ng mga paa ng mga kabayo na sinasakyan namin.

We continue to advance forward hanggang sa madaanan namin ang mga ruins na yun. May mga luma at sira-sirang buildings na natatakpan na ng makapal na snow at sa nakikita ko ay mukha itong city na itinayo noong unang panahon. Semento pa ang kalsada nito kaya nakikita ko ang dating karangyaan na mayroon ang lugar na ito. Pero ang tanging natira nalang dito ay ang mga lumang structures sa paligid.

"What is this place?" ang naitanong ko kay Maalouf na nasa likuran ko.

Ngayon ay nasa gitna na kami ng mga sira-sirang buildings at mga bahay na yun. Hindi ko pa masyadong makita ang paligid ng dahil sa kapal ng fogs na pumapalibot sa amin.

"Vedra, ito ang dating lugar ng mga Argons" he answered.

My brows met.

"Then what happened here? Bakit nasira ang mga bahay?" ang curious kong tanong habang tumitingin parin sa mga nasirang bahay na yun.

There was a long pause kaya nagtaka ako.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nakita kong nakikinig lang sila. Parang walang may gustong sumagot ng tanong ko na iyon kaya mas nagtaka ako.

"There's been a fire. And it destroyed the whole city and killed hundreds of Argon Vampires" si Raven na nasa harapan namin ang sumagot.

Natigilan ako nang dahil sa narinig ko.

Fire?

Na sumira sa buong lugar na ito at kumitil ng buhay ng Argon Vampires?

Pero teka lang...

"Namamatay din sa sunog ang mga bampira?" I asked.

This time ay si Maalouf na ang sumagot.

"It's not an ordinary fire" he answered at seryoso na ang boses nya. "It was called the blue fire. Or the strongest fire in the whole vampire's world"

Nabigla ako. May ganuon palang klase ng apoy? At ganun ba kalakas ang apoy na yun at nakasira pa ito ng buong city at nakapatay ng hundreds of argon vampires?

Nagtaas ako ng mukha at nakita kong malapit na naming malampasan ang old city and ruins na yun.

"Then saan galing ang blue fire na yun?" ang curious ko paring tanong.

"Hindi saan, kundi kanino..." si Andromeda.

Nabigla ako at mabilis akong napalingon sa kanila.

"Kanino?" ang takang tanong ko.

Her emotionless eyes turned to me and what she said next made me tremble.

"It's from Alburz. The strongest vampire in the whole Vampires world" she said.

I was speechless.

"He is the only Argon vampire who have the power of the blue fire" si Cornelius. "Sya ang pinaka-kinatatakutang bampira next to the original Vampires ancestor na si Demon"

"His blue fire is so strong that no one in the vampire's world could able to defeat him" Si Jared naman na naging seryoso narin. "And just by hearing his name, I couldn't help but to tremble with fear"

Hindi ko sya masisi. Maski ako na nakikinig lang sa pagkukwento nila tungkol sa bampirang iyon ay nakakaramdam narin ng takot.

"Then...sya ba ang sumunog sa buong city na 'to at pumatay sa maraming bampira?" ang tanong ko.

"Yes" si Alex na nagsalita narin mula sa likuran namin. "Sya ang sumira ng city na 'to"

I turned to him and looked at his handsome face.

"Pero bakit nya ginawa yun? Bakit nya sinunog ang buong lugar na 'to? Masama ba syang bampira?" ang tanong ko.

"Because Lucian ordered him" si Raven ang sumagot mula sa harapan ko. "Naging magkasabwat sila sa pagsira nito dahil alam nilang loyal ang mga Argons na nakatira dito sa Titanians. They did that to lessen the vampires who are loyal to the family of Titanians at para magtagumpay sila sa pagsasagawa ng plano nilang pag-dominate ng buong mundo"

My brows met.

"So he is one of Lucian's men?" ang tanong ko.

"Yes" Raven answered. "At hilingin natin na sana ay hindi sya ang ipadala na tao ni Lucian para hanapin ka. Because if he do, aaminin ko ng mahihirapan kaming protektahan ka, my lady"

Natahimik ako at hindi ko na alam kung paano magri-react sa mga nalaman ko.

Kung ganun...may ganuong klase ng bampira na nabubuhay sa mundong ito? And to think that he is one of Lucian's men? At tama si Raven. Kung talaga ngang ganun sya kalakas ay mahihirapan kaming kalabanin sya. I'll just wish na hindi sya ang ipadala ni Lucian para kunin ako dahil ayoko ring saktan nya ang mga Arcadian Knights. And when that time comes ay mas gugustuhin kong sumama kaysa sa masaktan ang mga kasamahan ko.

Nagtaas ako ng tingin at nakita kong nalampasan na namin ang lumang lugar na yun at sa harapan namin ay paparating na naman kami sa isang city.

So ito ang Sorrow. Ang bagong city ng mga Argons.

But then may naalala akong itanong.

"Bakit nga ba Sorrow ang tawag sa City na 'to?" I asked them.

There was a silence.

But then Maalouf answered me.

"After the City of Vedra was destroyed, this city was built to replace it. And it was called Sorrow for that was the first time at that time, Argon Vampires felt that emotion"

*****************

Madilim parin ang kalangitan at mukhang tatama sa lugar na 'to ang isang malakas na bagyo.

Tumigil na sa pag-ihip ang malakas na hangin kaya hindi na ako namumublema na baka tangayin nito ang hood ng cloak ko na nagtatago ng human scent ko.

Pumasok kami sa city na yun at hindi na ako nagtaka sa nadatnan ko.

Unlike sa Maleya o yung unang lugar na pinuntahan namin na may maaliwalas na atmosphere at may mga merchants na bampirang nagtitinda sa paligid ay kakaiba naman sa Sorrow.

There is a gloomy atmosphere in here at nakadagdag pa ang madilim na paligid.

Other vampires would look at our direction cautiously at mukhang hindi sila sanay na makakita ng mga bagong bampira sa lugar nila. Hindi pa sementado ang basang daanan nila kaya puro putik ang nadadaanan namin.

I can also hear clanking and loud noises around. Napalingon ako sa paligid at nakita kong may mga blacksmiths na gumagawa ng mga espada sa paligid. Maihahantulad ko ang lugar na 'to sa mga lugar noong mga dark ages sa mundo ng mga tao.

"After this place was built, the population here became not only purely Argons but there are also Aletheans and Corrigans. Blacksmithing here became popular because of the Aletheans who are known to be the best blacksmiths in the whole vampire's world" ang biglang sabi ni Raven mula sa harapan namin.

"Of course" ang pagmamayabang naman ni Maalouf sa likuran ko. "You Argons are nothing compared to Aletheans when it comes to battle strategy and blacksmithing. I can even make you the finest sword out of mud"

"Weh? Di nga?" si Jared ang nag-react. "Kaya mong gumawa ng espada mula sa putik? Sige nga, gawan mo nga ako"

Natahimik naman si Maalouf at mukhang napaisip.

Tsk. Sinasabi ko na nga ba. Puro yabang lang ang alam ng Prinsipeng ito. Sino namang blacksmith ang makakagawa ng espada out of mud?

"Saka na. Busy pa ako" ang palusot nya.

"Busy saan?" si Jared.

"Busy sa pagmamahal kay Annah. Ahihihi." ang parang kinikilig pa nyang sabi.

Silence.

Oo. Walang nag-react sa amin ng dahil sa sinabi nyang iyon. Maski ako ay nandiri narin sa banat nya. At kailan pa ba natutong bumanat ng Prinsipeng ito ha?

"Kiligin kayo sa sinabi ko please. That's an order from your Prince" he said with authority just to save his face.

"So..." si Bea ang unang nag-react. "Ito na ba yung part na magsasabi ako ng 'ayeeee....'?"

Cornelius turned to her and with a smirk on his face, he spoke.

"At ito narin ba yung part na ako naman ang magpapakilig sayo?" si Cornelius.

Bea made a sarcastic laugh.

"HA-HA. NAKAKATAWA. HA-HA." she said sarcastically. "I'm having goosebumps. Ew."

"No babe, I know you love me" si Cornelius.

Pero agad ng sumingit si Raven.

"Would you mind being silent even for awhile? We're here to look for the esylium, remember that" ang mukhang naiinis nyang sabi.

Agad naman kaming natahimik lalo pa na't minsan lang syang mainis ng ganun. Raven is a kind person but sometimes he loses his temper especially on his comrades. At hindi ko rin sya masisi. Sya ang tumatayong leader namin sa paghahanap ng esylium at ramdam ko rin na minsan ay pressured sya.

"Sorry..." Bea said then turned to us. "Pero saan naman natin makikita ang pangatlong esylium?"

"Sky shed tears. Sword thy cries. Crowd shall cheer. Second is on the stone." I chanted. "Yan ang sinabi ng oracle"

Napatigil muna kami sa isang sulok habang nakatingin parin sa amin ang ibang bampirang nanduon saka kami nagkatinginan.

"Sky shed tears. Sword thy cries. Crowd shall cheer. Second is on the stone." Jared chanted too at mukhang nag-iisip narin sya. "What is the meaning of that?"

Nagsalita si Andromeda.

"Maybe it's---"

Pero naputol ang sasabihin nya nang bigla kaming lapitan ng isang grupo ng mga kalalakihan na yun na may mga dalang armas at lumapit sa amin.

Mukhang natakot pa ang mga kabayo namin kaya bigla silang nagwala pero agad din naman namin silang napahupa.

Saka kami humarap sa mga kalalakihan na yun na nakapalibot sa amin habang nakatutok sa amin ang mga matutulis na mga bagay na yun. They are wearing black armors at mukha silang mga guards ng lugar na 'to.

"WHO ARE YOU?! OUTSIDERS ARE NOT ALLOWED TO ENTER THIS CITY!" ang sigaw ng nangunguna sa kanila.

I heard Bogs growled from my back at dahil sa laki nya ay mukhang natakot ang mga kalalakihan na yun. Napaatras sila ng dahil sa sobrang takot.

But Raven rose his right hand dahilan para mahupa ang mukhang nagta-transform into a vampire na si Bogs. Then Raven spoke.

"We are merchants who wished to----"

"Where is your leader, Harun?" ang biglang putol sa kanya ni Maalouf then turned to the men. "Tell him that Prince Maalouf of the Kingdom of Maleya wish to speak to him"

Mukhang natigilan ang kalalakihan na yun nang marinig ang pangalan ni Maalouf. Nakita kong humupa bigla ang mga galit sa mga mukha nila at nagkatinginan.

"P-prince M-maalouf?"ang parang nauutal pang sambit ng isang lalaki.

Maalouf gave them that happy grin.

"Yes, tell him that his beloved friend would love to see him" he said.

Agad namang ibinaba ng lalaking kaharap namin ang matulis na bagay na itinutok nya sa amin at parang natataranta pang sinabihan ang isang tauhan nya.

"Please tell Master Harun that Prince Maalouf has come to see him!" ang sigaw ng lalaking nangunguna sa kanila.

And then like a fast wind, his one man disappeared on sight at mabilis na tumakbo paalis.

I blink. Minsan ko lang kasi makita ang isang ability na yun ng mga bampira lalo pa na't hindi naman yun masyadong ginagawa ng mga kasamahan ko ng dahil din sa aming dalawa ni Bea. They know that fast running is not a human thing.

Agad na yumuko ang kaninang mukhang galit na leader nila sa harapan namin at nagsalita.

"Forgive me for my insolence, your highness" he said while bowing.

Samantalang nagtataka naman kaming nagkatinginan ng mga kasamahan ko. Kilala pala ni Maalouf ang leader ng lugar na 'to?

At ngayon ko lang din naalala. Dapat ay walang makaalam sa lugar na 'to kung sino ba talaga ako dahil baka makarating kay Lucian na nandito ako sa lugar na 'to.

Hindi nga naglaon ay nabigla ako when out of nowhere, that handsome vampire appeared right in front of me and with a big grin of his face, he greeted.

"MAALOUF!" ang sobrang sayang sigaw nya.

Bumaba naman mula sa kabayo namin si Maalouf at masayang nakipag-bumpfist sa bagong dating na bampira.

"Hey, what's up men?!" ang sigaw naman ni Maalouf at nakikita kong close na close silang dalawa.

The new guy who came is wearing a black armor too and he has this pair of beautiful silver eyes and he has black hair. Mukhang kaedad lang din namin sya.

Napalunok pa ako nang bigla syang nagtaas ng mukha at tinitigan ako.

"Man, I didn't know you'd bring present for me" he said that with his perverted smile.

Okay.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nabigla na pareho rin silang pervert ng Prinsipeng ito. -_____-

"Actually..." Maalouf said at napatili nalang ako nang bigla nya akong buhatin mula sa kabayo at ibinaba.

I even heard the clanking of my comrades sword na mukhang agad na naglabas ng espada nang dahil sa ginawa nyang iyon.

Pero hindi sila pinansin ni Maalouf at inakbayan pa nya ako sa harapan ng lalaking yun.

"She's my bride to be" Maalouf said then turned to me. "His name is Harun, the ruler of this place and he is one of my closest friend"

Napangiti nalang ako ng hilaw lalo pa na't hindi ko alam kung paano magre-react.

Uh...okay.

Ano bang gagawin ko?

"Uh...hi?" ang awkward kong bati.

He smiled at me pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagawi ang tingin nya sa mga kasamahan ko.

And instantly, I saw of how the expression on his face changed when he saw my comrades.

His face hardened at katulad ng sa mga tauhan nya ay mukhang nagalit din sya.

"I didn't know that you'd bring other vampire here" Harun said through gritted teeth.

Maalouf turned to him and spoke.

"Man, they are with me so---"

"I'm sorry but we cannot trust them" Harun cut him then turned to his men. "SEIZE THEM!"

And in a blink of an eye, his men surrounded my comrades habang nahila naman ako ni Maalouf sa tabi nya.

"Raven!" ang naitili ko.

Maalouf turned to Harun and spoke.

"Com'on man, they are my friends---"

But Harun just turned to him and with a grim expression he spoke.

"Ever since the Vedra has been burned into ashes, we have learned how not to trust to anyone." he said in a grim expression then turned to my comrades. "You will stay inside the dungeon until your true motives has been heard. Now, SEIZE THEM!"

Nakita kong agad na naglabas ng kani-kanilang kapangyarihan ang mga kasamahan ko, ready for any attacks. At ganun din ang mga tauhan ni Harun na ngayon ay nakapalibot sa kanila.

I can hear them growling and snarling to each other at unti-unti kong nakita ang pagpula ng mga mata nila at ang paglabas ng mga pangil nila. They all turned into vampires.

But Raven rose his right hand dahilan para matigilan ako pati narin ang ibang kasamahan namin.

"If that's what you want, we will do anything you wanted us to do" ang kalmadong sabi ni Raven with his usual calm voice.

Then Raven turned to our other comrades at agad naman silang tumalima.

Tinanggal na nila ang mga kapangyarihan sa mga kamay nila as a sign of surrender at bumalik narin sila sa dating anyo. But I can see that they are still looking at me with their worried faces. Kahit na labag sa kalooban nila ay mas nangingibabaw ang tiwala nila sa leader nila. And that's what I'm feeling too. Raven knows what he's doing and all we need to do now is to trust him. Lahat kami ay nagtitiwala sa kanya.

But except, of course, kay Alex na hindi parin tinatanggal ang apoy na nasa kamay nya. He's gritting his teeth so hard while looking at Harun then his red eyes turned to me and our eyes met.

At doon ko nakita ang pinaghalong pag-aalala at galit. Nakikita ko pa ang horizontal lines na nasa kanang pisngi nya na laging lumalabas kapag ginagamit nya ang kapangyarihan nya.

"Alex" Raven called him. "Please trust me. Even just this once"

Pero hindi parin sya natinag.

I felt Maalouf's hand on my shoulder kaya nabigla ako. Saka sya nakangiting lumingon kay Alex.

"Hayy...pasalamat si Annah at magiging asawa ko sya kaya walang makakapanakit sa kanya. Diba..." then he turned to Alex at binigyan sya ng makahulugang tingin. "...Alex?"

Doon ko na nakita ang paghupa ng galit sa mga mata nya at tinanggal na nya ang apoy na nasa kamay nya.

And after he did that ay doon na nga sila ginapos ng mga tauhan ni Harun habang wala akong ibang nagawa kundi ang panuorin ang pagkuha sa kanila.

to be continued...

Próximo capítulo