Hindi nga ako hinayaan ni mama na tumulong sa kanya. Imbes pinagtulakan nya pa akong kausapin si Elijah.
Eksaktong palaba na ako ng kusina nang makasalubong ko sya.
"Can we talk?.." di ko na sya sinagot. Basta lumabas na ako sa bahay at bahala sya kung susundan nya ako o hinde.
Naglalakad na ako palayo ng maramdaman ang mga yabag nya.
"Babe.." tawag nya sakin ng mahinahon. Humihingi ng tawad at sumamo.
Di ko sya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Babe.." tumakbo sya palapit sakin saka hinuli ang palapulsuhan ko.
Alangan naman kasing ako ang maghintay. Diba sya naman ang umalis. Kaya dapat lang na sya ang maghabol ngayon.
"Are you mad?.." umikot ang mata ko sa kanya. Wala ba syang narinig kanina o pakiramdam noong iniwan nya ako?.
"Sinong hindi Elijah?.." galit kong sambit. Nagpumiglas ako upang makawala sa kamay nya ngunit lalo lang yung humigpit.
"I'm sorry.."
"Hindi mabubura ng sorry mo ang lahat ng sakit na naramdaman ko.." tumalim ang mata ko. "Ginawa mo akong tanga!.. Alam mo ba ang pakiramdam nang umaasa?. Iniiwan ng walang paalam?.." pumutok na ang galit ko!. Pasensyahan nalang tayo! "Hindi kasi manhid ka!!.." turo ko sa dibdib nya. Dinuro ko sya hanggang sa magsawa ako. Hinayaan nya rin akong gawin iyon sa kanya. "Hinintay kita. Kahit isang text o tawag lang para magpaliwanag pero... wala Elijah.. hindi ka nagparamdam!!."
bumuhos na ang luha saking mata dahilan para manlabo ang aking paningin. "Wala ba akong halaga para lang balewalain mo ng ganun?. Akala ko ba gusto mo ako kahit di ako maganda?. Ginamit mo lang ba iyon para bolahin ako?. Para mahulog ang loob ko sa'yo tas iiwan mo nalang bigla?. Para maging astig ka ha!? Para mas lalong lumakas ang dating mo at gumwapo sa mata ng iba huh!?.."
Nag-unahan ang luah pababa saking pisngi. Hayun lamang sya at hinahayaan akong maglabas ng hinanakit at galit sa kanya. Kahit sinasaktan ko na sya physically. Di pa rin sya gumalaw o nagsalita. He just let me burst in anger.
"Akala mo ba madali ang mga araw na iyon sakin noong umalis ka?. Hinde!.." muli kong sinuntok ang dibdib nya. Nanghihina. Doon nya lamang sinalo ang aking kamao saka hinaplos. "Damn you Elijah!. Hindi ka naman gwapo! Feeling mo lang!!." mas nag-apoy sa galit ang aking mata ng masilayan ang tumutubong ngiti sa gilid ng kanyang labi. Hindi ko alam kung paano nalang basta natunaw ang galit at inis ko ng tuluyan ng mahulma ang maganda nyang ngiti. "I hate you! I hate you Elijah!!" tinulak ko sya ng buong lakas. Napaatras lamang sya ngunit hindi nya binitawan ang dalawa kong kamay.
"Hurt me like you've been hurt. I don't care if I'm hurt. Just hurt me until you don't feel the pain I've caused you.." natigil ako at napatulala sa kanyang mukha. "Alam kong kasalanan ko.. naging mahina ako sa pagpili ng desisyon.. ang buong akala ko, maiintindihan mo ako, hindi masasaktan sa ginawa ko... pero mali pala ako.. maling mali na iniwan kita na parang estranghero.." hinigpitan nya ang hawak sa mga kamay ko. Saka humakbang ng dalawa at hinila ako palapit upang mayakap ng mahigpit.
"Nagsisisi ako dahil wala akong ginawa kundi piliin ang bagay na masasaktan ka.. sorry.. di ko sinasadya.." tahimik na akong umiiyak sa balikat nya. "Sorry kung nasaktan kita.. sorry kung naparamdam ko sayong wala kang halaga...sorry for not telling you kung saan ako pupunta.." napaungol ako sa isang hagod na ginawa nya sa likod ko. "Sorry for saying sorry babe.. hate me, but please don't say na di ka maganda kasi nasasaktan ako sa panliliit mo sa'yong sarili.."
Pareho kaming tahimk sa lumipas na minuto. "Namiss kita babe..." lalong humigpit ang kanyang yakap. "Mabuti nalang at andyan si Bryle. Kada linggo nagpapadala sya ng larawan mo.."
"What!?.." namamaos ko pang tanong. Kumalas ako ng yakap sa kanya ngunit hawak nya pa rin ang aking likod. Ngumisi sya at kumindat. "I can't get over you kaya inutusan ko sya.." ngiti nya.
"What?.."
"Babe, gustong gusto kitang puntahan at yayaing magdate kaso andito na ako nakatura... pano ko gagawin yun?. Kaya naisipan kong kausapin sya. Humiling ako na sundan ka kahit saan man magpunta.."
"What!?.."
"Hahaha.. stop asking babe.."
"You mean-?. Kaya pala pakiramdam ko, parang laging may nakamasid sakin. Si Bryle yun?.." tumango sya habang kagat ang labi. "You!.." muli kong duro sa kanya. "Akala ko nababaliw na ako. Napapraning.. ikaw lang pala ang may pakana.."
"Hahahaha.. like what I've said.. I can't get over you nga kasi babe.. hehehe.."
"I hate you!.."
"Na uh!. I love you!.." Anya sabay nakaw ng halik sa tungki ng ilong ko. "Di mo ba tatanungin kung pano ako nainlove sa'yo?.."
"Paano?.."
"Kasi, we're destined.."
"Ang korni.." irap ko. Yakap pa rin sya.
"Korni pero gwapo.." naglaro ang dalawa nyang kilay. Pataas baba.
"Psh!. asa.." irap ko.
Nagtaway kami just like the old times.
"So, are we cool now?.."
"Ano sa tingin mo?. Di kita yayakapin kung hindi noh?.." arte ko. Yung higpit ng yakap nya kanina. Lalo iyong humigpit na kulang nalang di ako makahinga.
"My stranger babe, pwede ba kitang maging kasintahan?.." ngumuso ako. Nakita kong bumaba ang paningin nya sa labi ko at huli na ng natanto kong mali pala yun dahil nahalikan na nya ako.
"Say yes please.." ngumuso lang ako at kunwaring nag-isip.
"Or can I marry you instead?.."
"Elijah?.."
"Will you marry me babe?..."
"Eli?.. you're joking right?.." umiling sya at may kinuha sa kanyang bulsa.
"Marry him!!." mula sa malayo ay may sumigaw ng ganun. Nang nilingon ko ang gawi ng tao. Sina tita at ang buo naming pamilya.
Noon ko lang napansin na nakaluhod na pala sya sa harapan ko. "Will you marry me?.."
"Yes.." naluluha ko na namang sambit. Agad nyang isinilid ang hawak na singsing sa palasingsingan ko saka ako hinalikan sa labi.
"Yes!. finally!. I'm marrying my stranger babe!!.."hiyaw nya saka ako binuhat at pinaikot habang yakap yakap.
I never thought na pagtatagpuin muli kami ni tadhana. At sa mismong dream destination ko pa! Ganun nga siguro ang buhay. Kung para sa'yo ang isang tao, gagawa at gagawa ang kapalaran para mapunta sayo ang dapat na pagmamay-ari mo. Planado mo man o hinde. Nabigo man ako noong una. Naging masaya naman ako nitong huli dahil finally. I met him again. That, I'm marrying the stranger who stole my heart away.
He's my stranger babe, now... and forever!.
The end. . .