webnovel

Chapter 47

Crissa Harris' POV

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila.

"A-anong nangyari sayo Elvis?.." di makapaniwalang tanong ko habang pinapasadahan ng tingin yung balikat nya na may tumutulong dugo. Hawak-hawak nya yun gamit ang kanang kamay nya.

"N-nasugatan lang ako habang lumalaban sa undead. Pero wag kang mag-alala. Hindi naman kagat yan. S-saka mababaw lang naman.. Simpleng sugat lang.." nakangisi pang sabi nya pero halata namang iniinda rin yung sakit. Halos mabutas na kasi yung labi nya sa sobrang diin ng pagkakakagat nya. Tsk tsk.

Tinanggal ko yung kamay nya na nakatakip doon sa sugat nya. Tumambad naman sakin kung anong itsura nun. Sanay na ako sa mga ganito kaya wala nakong pandidiri o takot.

"Kaya mo bang maglakad? Tara doon sa may mga upuan.." tumango sya sakin kaya ako na yung umakay sa kanya para makaupo.

"Christian, kumuha kayo ni Renzo ng mga panglinis at panggamot doon." itinuro ko yung drug store na nasa kabilang side. "Tyron, tawagin mo naman si Harriette. Mas mainam kung katulong ko sya dito.."

Sumunod naman agad silang tatlo kaya tinignan ko uli yung sugat ni Elvis.

Hindi to simpleng sugat na sumabit o nahiwa lang sa kung saan. Maaaring daplis lang to. Pero sa itsura nito, masyadong imposibleng sabihin na aksidente lang na nangyari to. Dahil sigurado akong sinadyang gawin to.

At masasabi ko talagang sadyang may nagtangka sa buhay ni Elvis..

***

Tapos na naming magamot ni Harriette si Elvis at kasalukuyan na syang nagpapahinga ngayon. Nag-alala ang lahat sa kanya pero ipinaliwanag ko naman na okay na talaga sya at kailangan lang talaga ng pahinga. Ipinaliwanag ko rin na hindi muna pwedeng mapwersa yung braso nya dahil baka bumuka yung tahi.

At ngayon, kasalukuyan na silang kumakain ng hapunan. Sinusubuan ni Harriette si Elvis ng pagkain dahil medyo hirap syang kumain mag-isa. Dominant hand nya kasi yung kaliwa at yun pa yung nasugatan sa kanya. Pero mukhang back to normal naman na uli dahil maingay at nagpapakatimawa na uli yung iba. Including Elvis.

But as for me, hindi talaga ako mapakali. Nandito ako ngayon sa glass door ng convenience store at nakatanaw sa malayo.

Iniisip ko pa rin kasi yung tungkol sa nangyari kay Elvis. Mas lalo lang kasing nagdagdagan yung hinala ko e. At mas tumibay din yung conclusion na nabubuo sa isip ko.

"May problema ba? Kumain ka muna.."

Lumingon ako sa kaliwa ko at tumambad agad sa akin ang nakangiting mukha ni Tyron. May hawak-hawak syang plato na may lamang carbonara na luto nila Renzy at Alessandra. Kinuha ko naman agad yun at ngumiti ako pabalik sa kanya.

Automatic na talaga kong napangiti nung makita ko sya e.. Lalo pa nung makita ko yung ngiti nya. Parang nakakawala ng stress at pagod..

"Salamat Tyron.." bulong ko.

Inumpisahan ko nang kainin yun. At habang kumakain ako, nakikita ko sa sulok ng mata ko na sumusulyap sya sakin. Medyo nahihiya pa nga ako e pero di ko nalang pinansin dahil gutom na gutom na rin ako. Nung malapit nakong matapos kumain, umalis sya saglit. Pagbalik nya, may dala-dala na syang mogu-mogu na lychee flavor.

"Oh, uminom ka muna. Baka mabulunan ka nanaman e.." inabot nya sakin yun at nagningning naman ang mata ko habang kinukuha ko yun.

"Salamat ah?.. Favorite ko to e." sabi ko in between nang pag-inom ko.

"I know.."

Takha akong lumingon sa kanya at kung hindi ko lang napigil, maibubuga ko rin sa kanya yung nainom ko.

"A-alam mo? Paano?.."

Ngumiti naman sya sakin tapos tumingin din sa labas.

"Palagi kitang nakikita sa school na umiinom nyan e.."

Palagi?.. Palagi rin ba nya akong tinitignan kapag nakikita nya ako?.. Tsk. Malamang. Makikita ka ba nya kung hindi ka nya titignan? Ano yun, may mata sya sa likod? Saka sa buhok? Hayyy.. Ang utak mo talaga minsan Crissa.. Nag-eevaporate sa himpapawid.

"Favorite ko rin kasi yan e. Tapos pag bibili nako sa may cafeteria, palagi nang sold-out yung lychee flavor. May pumapakyaw daw kasing magandang nursing student sabi nung tindera.." nakangiting sabi nya.

Napaiwas ako bigla ng tingin.

Ako ba yung tinutukoy nya o assuming lang talaga akong maganda ako? Pero nursing student din ako at ako yung palaging namamakyaw ng mogu-mogu na lychee sa cafeteria namin araw-araw.. Kinokontrata ko na nga si Aleng Mercy doon para palaging ireserba para sakin lahat ng lychee flavor e..

Nagpatuloy sa pagsasalita si Tyron. Medyo nakakapanibago lang din dahil ngayon ko lang sya nakausap ng ganito. Ang tipid nyang magsalita dati pero ngayon, ang daldal nya. Para syang isang pre-school na nagkkwento sa mommy nya nung mga nangyari sa kanya sa buong araw.

Okay. Mukha na pala akong nanay..

"Nagpaplano na nga akong bugbugin yun namamakyaw na yun e. Pero nung malaman ko naman na kakambal pala yun nung kaibigan ko, nanahimik nalang ako. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko kayang saktan to." natatawa-tawang sabi nya kay medyo natawa rin ako.

Ako nga talaga yung tinutukoy nya.. Nakakatuwa naman..

"Oo.. Takot mo lang na bugbugin ka ng kakambal ko diba? Hahaha. Mahal na mahal ako nun e."

"Sort of.. Malakas pa namang manapak si Christian. Hahaha. Saka honestly, isang beses palang naman akong nanakit ng babae e.. Physically.." deretsong sabi nya na hindi talaga kakikitaan ng hesitation.

Totoo ba to? Hindi ako makapaniwalang inamin nya sakin na minsan na syang nanakit ng babae. Hindi nya ba iniisip kung ano yung maaari kong maisip at maramdaman kapag nalaman ko yun? Babae rin ako syempre..

Pero bakit ganun? Parang hindi nga naman ako naoffend, natakot o nainis sa kanya dahil sa sinabi nyang yon? Para ngang natuwa at naastigan pa ako sa kanya e..

Ang cool kaya non. At for sure, may sapat naman syang dahilan kung bakit nya nagawa yun..

"Hehehe.. Bakit ka nanapak?.." tumatawang sabi ko. Medyo nagulat pa nga sya nung makita akong tumatawa e. Pero ngumiti rin sya agad.

"Ginantihan ko lang naman sya nung saktan nya yung special na babae para sakin."

Special na babae? Baka kapatid nya? Naalala ko naman bigla yung ginawa ni Christian para sakin dati. Hahahahaha. Bwisit na yan. Mahal na mahal nga talaga ako ng kakambal ko.

"Bakit ka tumatawa?.." bulong ni Tyron habang mukhang natatawa na rin. Pinunasan ko naman yung ilang tulo ng luha sa mata ko.

"Wala. Naalala ko lang kasi yung ginawa ni Christian dati.. May isang babae kasi sa school natin na out of the blue, bigla nalang akong pinagsasapak sa gitna ng maraming tao sa cafeteria. As in halos malamog talaga ako nun dahil hindi ako makaganti. Bukod kasi sa bawal umasal ng ganon kaming mga nursing students, may sakit din ako nung time na yon. Buti nalang at dumating si Harriette kaya tumakbo paalis yung sumapak sakin. Later that day, umuwi ako samin nang madumi at parang basahan. Ang dami kong sugat. At dahil sa hindi naniwala si Christian nang sabihin kong nadulas lang ako, nagulat nalang ako kinabukasan pagpasok ko. Naabutan ko yung babaeng nanapak sakin sa gitna ng cafeteria na puno rin ng sugat. Dun din mismo sa spot kung saan nya ko sinapak. Pinagtatawanan pa nga sya nung ibang students e. Wala ring nagtangkang tumulong sa kanya dahil natakot sila na baka saktan din daw sila nung lalaking gumawa nun. At alam kong yung kakambal ko yun. Hahahahahaha!!.." pagkukwento ko at napahagalpak na uli ako ng tawa.

Hahahah. You can't blame me. Isa talaga to sa pinaka hindi ko makakalimutang ginawa ng mahal kong kakambal para sakin. Rude mang isipin pero sa tingin ko, deserve naman talaga nung babae na yun ang masapak pabalik. Just imagine this, ni hindi ko nga sya kilala e. Tapos bigla nalang akong sinapak? I was like, what the hell!? Baliw ba to?

Hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung bakit ako sinapak ng babae na yun..

But thanks to my beloved twin brother at iginanti nya ako.. Bwahahaha. Priceless talaga yun!

"Actually, ako talaga gumawa non. Pinagtakpan lang ako ni Christian.."

"Ha? May sinasabi ka ba? Hahahaha.." may narinig pa kasi akong ibinulong ni Tyron e. Hindi ko lang narinig kasi ang lakas ng tawa ko.

"Sabi ko, andyan na si Christian.. Iwan muna kita. Mukha kasing kakausapin ka nya e.. Sige." kinuha nya yung pinagkainan at pinag-inuman ko tapos naglakad na sya paalis.

Sakto ngang sumulpot si Christian out of nowhere. Kapansin-pansin din yung nakakalokong tingin at ngisi na naglalaro sa magaspang at nagpuputik nyang mukha.

Oh joke lang! Pogi yang kakambal ko ha! Makalaglag panty yan! Hmp..

"I saw that. Pfffttt.." sabi nya na namumula na ang mukha sa pagpipigil ng tawa.

Bigla naman akong nainis tuloy.

"You saw what!? Tigilan mo ko kambal ah? Baka sapukin kita." masungit na sabi ko sabay layas. Lakas kasing makapanira ng moment e! Nag-uusap kami ni Tyron. Tsk.

"Teka. Joke lang yun. Alam kong may gusto kang pag-usapan natin." hinablot nya ako sa braso.

Humarap naman ako sa kanya at seryoso na yung itsura nya.

"Meron talaga." seryoso ding sabi ko.

***

Dumeretso kami ni Christian doon sa drug store na andito rin sa loob ng mini grocery. Medyo tago kasi dito at malayo sa iba kaya tahimik. Talagang makakapag-usap kami ng maayos dito.

"I know what you're thinking.." panimula nya. Iniitsa nya pa sa ere yung hawak nyang pistol.

"And we really have to talk about it now. Hindi ako mapalagay Christian.." seryosong sabi ko.

Nakita kong itinigil nya yung ginagawa nyang paglalaro dun sa baril. Tumingin din sya ng seryoso sakin.

"Go ahead.. I'll listen.."

Huminga ako ng malalim bago ako nag-umpisang magsalita.

"First of all, I know hindi talaga aksidente yung nangyari kanina kay Elvis. Someone attempted to kill him right? Pinagtakpan nyo lang yung nangyari para hindi kami matakot. Christian, I knew it. Simula palang nung tulungan natin si Danna, meron na akong kutob na may mga mata nang nagmamatyag satin. At sila rin yung dahilan kung bakit tayo na overrun ng mga undead sa mansyon. Yung limang container van na nasa labas ng village natin, undead ang nasa loob nun. At sigurado akong sila talaga ang nagpakalat nun.. Huli ko na nga lang napagtanto na tama talaga yung hinala ko.." paliwanag ko. Bigla naman syang ngumisi sakin.

"Napagtanto mo lang nang lubos nung makita mo tong nakaipit sa may side mirror ng van natin nung araw na nagpasaway ka kahit may sakit ka?.." nakangisi pa ring sabi nya habang inaabot sakin ang isang pamilyar na maliit na puting papel.

"P-pano napunta sayo to? At paano mo nalaman ang tungkol dito?.." gulat na gulat na tanong ko. Binuklat ko yung papel na yon at mahinang binasa sa isip ko yung mga nakasulat doon.

Samantalahin nyo na yung mga oras na kumpleto pa kayo. Dahil unti-unti namin kayong uubusin.

At katulad nalang nung una kong mabasa iyon, lumakas nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko talaga maiwasang matakot dahil lahat kami, nasa alanganin pag nagkataon.

"Nung time na nawalan ka ng malay dahil sa pagkakauntog mo, bumalik si Tyron sa labas matapos ka nyang buhatin papasok sa loob. He felt something weird. So nagmatyag at nag-imbestiga sya. Then he found that crampled paper sa lapag. Eventually pagkauwi namin nila Alex, he told me about that. At yung figure ng tao na nakita mo sa labas ng bahay nila Renzo the day before, we suspect na sya ang naglagay nyan sa side mirror nung van. Nung time na nakita mo sya, he's spying us. And si Tyron din ang nagsabi sa akin nyan. Sinundan ka nya nung hinabol mo yung nakita mo diba? At hindi mo man halata, alam na rin nya ang tungkol dun. Nagpanggap lang sya na walang alam para hindi ka gumawa ng move without my knowing.."

Próximo capítulo