webnovel

Chapter 27

Crissa Harris' POV

Day 7 of zombie apocalypse..

Hindi rin ako makapaniwala na isang linggo na pala ang nakakalipas. Akalain nyo yun? Ang bilis dumaan ng araw. Ni hindi namin namalayan. Puro survival na lang kasi ang nasa isip namin.

That day, hindi ko na hinantay pa na may gumising sa amin. Nagkusa na akong gumising ng maaga. Mugto pa rin yung mata ni Renzy at Alessandra pagkagising nila. Halatang nakatulugan na na umiiyak.

Hindi ko sila kinampihan dahil bias ako at mas pabor ako sa kanila dahil kapwa ko sila babae. Kinampihan ko sila dahil hindi naman talaga maayos yung ginawa nung mga lalaki na yon.

Oo, given na na ang gusto nila ay matutong lumaban tong dalawa at wag umasa sa iba. Given na rin na ang iniisip lang nila ay yung kapakanan nitong dalawa. Pero yung paraan kasi nila e, maling-mali. Pwersado. Hindi man lang na-orient yung dalawa tapos binigla na lang nila ng ganon. Hindi effective yun. Imbes na makaisip ng mainam na paraan yung dalawa para depensahan yung sarili nila, mas natakot pa sila. E sino ba namang hindi matatakot kapag nakaharap mo na ng face to face yung mga halimaw na yun? Tapos wala pang may balak tumulong sayo? E nung first time nga din akong ma-corner ng undead nung day 1, hindi nako nakalaban sa takot. Buti nalang talaga nandoon si Sedrick.

Alam kong hindi nakatulong kay Alessandra at Renzy yung ginawang pagpwersa sa kanila nila Christian na lumaban. Kaya ngayon, gagawin ko ang lahat para matuto sila sa paraan na alam kong mas mabuti. Sa paraan na hindi sila malalagay sa panganib pero sigurado namang matututo talaga sila.

And I assure them. After I train these two, hindi na sila katulad nung dating Renzy at Alessandra. Yung dating takot at duwag, pagkatapos nito, malakas, matapang, at matatag na.

In-encourage ko silang tatlo na kumilos na kahit na mabigat pa yung mga loob nila, lalo na si Renzy at Alessa. Nakakatuwa lang dahil hindi ko na kinailanging pilitan pa sila dahil nagkusa na rin naman sila. Pagkatapos kumain, naligo na kami. Pero nung magbibihis na sila, pinigil ko muna sila saglit. Dinala ko sila sa kwarto ni Zinnia dahil balak kong may baguhin sa outfit na susuoutin namin.

Dumeretso kami sa walk-in closet ni Zinnia at hinayaan ko silang mamili kung anung susuotin nila. Puro jeans, shirt, fitted long sleeves, sweatshirt, hoodie at leather jackets lang ang andun kaya kahit na ano namang piliin nila, okay lang.

Kumuha silang tatlo ng hoodie at jeans. Pero ako, mas pinili ko nalang na isuot yun leather jacket ni Zinnia na nakita namin sa kwarto ko. Tapos sando yung nasa ilalim. Parang mas komportable kasi ako pag ganon. Nagjeans nalang ako na pangbaba. Pero instead na running shoes ang isuot naming sapatos, iniharap ko naman sila dun sa mga shoe rack ni Zinnia na kung saan nakalagay yung mga iba't-ibang klaseng boots nya. Hinaltak ko sila dun sa rack na combat boots specifically ang nakagay. Matitibay lahat ng to dahil pina-customize talaga to ni Zinnia.

Nung nakakuha na sila ng gusto nila, kinuha ko naman yung isa na parang namumukod-tangi sa mata ko. Medyo brownish sya at below the knee yung taas. Familiar na familiar sa akin to dahil ito yung madalas suotin ni Zinnia.

Ewan ko pero pakiramdam ko din, fit na fit sa akin to.

Matapos kaming makapagbihis, pinagmasdan uli namin yung mga itsura namin sa salamin. And I admit, we look fiercer with this kind of outfit. Idagdag pa yung mga weapon na hawak-hawak namin.

But sana, sana hindi lang basta hanggang outfit at weapon yung pagiging fierce namin. Sana pati attitude and skills din..

Exact 5 am, bumaba na kami sa may entrance ng mansyon. Buti naman wala dun yung mga lalaki. I don't know how will we react kapag nagkita-kita na uli kami matapos yung nangyari kahapon.

"Stretching muna tayo." nakangiting sabi ko dun sa tatlo. Ibinaba namin yung mga weapons namin sa isang tabi tapos nag inat-inat na nga kami.

This is the best way to start a training. Hindi yung mabigat na agad. Beginner palang kami tapos bibiglain na agad kami? Tapos ang gusto pa nila, pro na agad agad pagkatapos? KALOKOHAN!

After 10 minutes of stretching, nabuhay na agad yung katawang-lupa namin. Kaya isinunod ko na yung running. Pero hindi ko sila pwinersa na mag 5 rounds. Sapat na yung 3 rounds.

"Okay lang kayo?" tanong ko habang nagpapahinga kami saglit.

"Yep. Tamang-tama lang. Ano na next nating gagawin?"

"Nice question, Harriette. But wait, ready ka na ba?" I said giving her a hint. Tumango sya kaya si Renzy at Alessandra naman ang tinignan ko. Parehas naman silang nagshrug at umiling. Tinapik ko yung balikat nila at ngumiti ako.

"Kayo naman oh.. Hindi to kasing hirap at kasing delikado ng iniisip nyo, okay? Just trust me. Hindi ko naman kayo pababayaan. Tara na dun sa likod.." hindi ko na sila inantay pa na makasagot at hinaltak ko na agad sila. Nagpahaltak din naman sila sakin.

Binitawan ko yung kamay nila nung nasa tapat na kami nung shooting range namin na kung saan, sa pagkakatanda ko ay may walo pang undead na nakatago. Huminga ako ng malalim at saka ko sila hinarap.

"New look, new life diba? Alam kong mahirap at hindi madaling mag-adjust sa nangyayari sa paligid natin. Pero willing naman kayong matutong lumaban diba? E dapat ipakita nyo rin na willing talaga kayo. Kung hindi nyo nagustuhan yung approach nung mga lalaki sa pagte-train sa atin, pwes ako, iba ako. Wag kayong matakot."

"Crissa, natatakot pa kasi kami e.."

"At isang maling galaw lang, maaari na naming ikamatay.."

"Sus. Ganyan din ako nung una. Paano nyo mao-overcome yung takot nyo kung hindi nyo haharapin diba? Kung nakaya ko, kaya nyo rin. Si Harriette nga e, nakaya. Kayo pa ba magpapahuli? Diba, Ms. Kobayashi na mula sa angkan ng mga samurai?" inakbayan ko si Harriette tapos ngumiti naman sya dun sa dalawa.

"Crissa's right. I admit, nung time na may nakaharap nakong undead, gusto ko na ring tumambling palayo dahil sa takot. But nung malapit na akong maatake talaga nung undead, dun biglang nag sink in sakin lahat. Kung gusto mong mabuhay, aba lumaban ka. Kaya ayun, sinaksak ko sya ng spear sa lalamunan. At alam nyo, truth be told, ang sarap sa feeling kapag nailigtas mo yung sarili mo sa kapahamakan. At ang sarap din pala sa feeling na pumatay ka tapos alam mo na hindi ka naman makukulong. Hindi na illegal kasi wala nang batas batas. Hahaha." binatukan namin sya sabay-sabay pero natawa na lang din kami.

"But seriously, be brave. Kasi yun lang ang magliligtas satin e. Saka promise, pag nagawa nyo nang makapatay ng isang undead, para kayong magugutom at nandun yung feeling na gusto nyong makapatay uli. Iba yung feeling e, overwhelming." full of confidence pa na saad nya. Convincing naman dahil napangiti uli yung dalawa.

Inakbayan ko sila.

"Saka anong akala nila? Duwag at lalampa-lampa kayo? Well, let's prove them wrong."

"Ang galing nyong makahawa. Sige na, gagawin na namin." nakangiting sagot ni Alessandra

"Yep. Basta ba kayo ang magtuturo sa amin e." dagdag pa ni Renzy na parang nabuhayan na talaga ng loob.

"Syempre naman. Sino pa bang mag-tuturo sa inyo diba? Hehehe. O ano, start na tayo?" lumakad ako papalapit dun sa may shooting range. "Alam nyo na kung anong laman nyan. Kaya once na binuksan ko yan, at lumabas na yung laman nyan, we have no other choice but to face and kill them. But don't worry, ako muna. I wouldn't just tell you what to do and how to do it. Instead, I will show and teach you."

Naging seryoso yung atmosphere namin habang seryoso rin akong naglalakad papalapit sa pinto ng shooting range. Yung excitement, hunger at lust na makapatay ng mga undead ay nararamdaman ko na sa kanila ngayon. Nakakabilib. Ang tagal kong inantay na makita silang ganito. Ang astig astig. Nakakapanindig balahibo. Nakakakila---

TOINKS. Spell waley.

Bigla nalang akong nagpapadyak na parang baliw doon nung makita ko na nang malapitan yung pinto. Bigla ko nalang ding nasabunutan yung sarili ko sa sobrang inis. At nung magets nung tatlo kung bakit, mangiyak-ngiyak na sila habang pinagtatawanan ako.

"Hahahaha. Sige, Crissa. Pano mo mabubuksan yang tatlong lock na yan kung walang susi?" - Harriette

"Crissa naman e.. Ang ganda na nung momentum oh. Huhuhu." - Renzy

"Damang-dama ko na yung kaastigan na bumabalot sa paligid e. Naputol pa hahahaha." - Alessandra

Natigilan kami sa pag-iinarte at paglulupasay nang biglang may sumulpot na kaaya-ayang nilalang mula sa kung saan. Grabe ang aura ng isang to. Para syang ipinadala ni San Pedro para pakiligin ang katawang lupa ko.

Si Enrique Gil.

Oh, wag magreact. Joke lang yun. Di hamak naman na mas pogi si Sedrick Hilton no.

"Hi Sed! Ano sadya mo dito? Hehehe." bati ko sa kanya.

"Hinahanap nyo yung susi ng shooting range diba? Eto oh." inabot nya sakin yung tatlong susi. Pano nya kaya nalaman na hinahanap namin to?

Naputol yung pag-iisip ko nang magsalita sya uli.

"Saka nandito rin ako para bantayan at i-check kung okay lang kayo. Sabi rin kasi nila Christian---" pinutol ko na agad yung sasabihin nya.

"Ay, ano ka ba Sed? Alam kong tagos hanggang pancreas ang kabaitan mo. Pero hindi mo na kailangang pagtakpan pa yung mga kaibigan mong yun. At alam ko rin naman na kahit walang mag-utos sayo, pupuntahan at pupuntahan mo pa rin kami para lang masigurong okay lang kami. Ganyan ka kasi kabait diba? Kusa, hindi pilit. Hehehe." di ko na sya inantay pa na makasagot at binuksan ko nalang yung tatlong lock. Ayoko munang pag-usapan yung tatlong lalaki na yun.

Naramdaman ko na parang tinutulak nung mga undead yung pinto para makalabas sila. Kaya ko namang pigilan e, pero not for a long time. Kailangan dalawang tao ang humarang dito. Hindi rin naman pwedeng ako dahil magde-demonstrate ako kila Renzy.

Hmmm..

"Uy, Sed! Hehe. Tulong naman oh. Ikaw nga tumao dito sa pinto. Okay lang?"

"Sure. Yan talaga ipinunta ko dito. Para tulungan ka.." sabi nya habang tumatakbo palapit sakin. Hindi ko naman narinig yung huling sinabi nya dahil parang humalo na yun sa hangin sa sobrang hina.

Nalipat naman ang atensyon ko dun kay Harriette na tumakbo din papalapit samin.

"Dito na rin lang ako. Back up ni Sed." sabi ni Harriette habang nginingitian ako ng nakakaloko at habang tinatapunan ako ng tinging mag-usap-tayo-mamaya.

Ano yun? Parang baliw. Tss. Bahala nga sya.

Tumayo ako ng deretso tapos hinawakan ko ng mahigpit yung club ko. Mabuti nang makapagsimula. Perfect timing dahil pasikat na rin yung araw. Ang astig tuloy ng ambience ng paligid. At mas ginaganahan tuloy akong magpasikat kay Sed. Hehehe.

Próximo capítulo