webnovel

Chapter 17

Crissa Harris' POV

We survived day 3 of zombie apocalypse. And now we're facing day 4.

That morning, I was awaken by the savory, luscious, and scrumptious smell of my favorite corned tuna.

Chos lang. Lakas maka-english no? Sobra lang sa tulog kasi may aircon. Hahaha.

Pagdilat ko ng mata ko, agad tumambad sakin ang isang kumpol ng mga babae't lalaki na nagkakagulo sa isang sulok ng living room. Animo nagmamadali sila sa kanilang lihim na ginagawa.

Hmm. Ano kaya iyon?

"Dalian nyo. Habang tulog pa si Crissa."

"Oo nga. Pag iyon nagising at nalaman nyang nagpupuslit tayo ng corned tuna, alam nyo na mangyayari."

"Pati lata, ipapalunok nya satin."

"E kayo lang naman mababagal ah?"

Biglang nagngitngit ang panga ko sa mga narinig ko. Nagpupuslit pala ng corned tuna ha? Yari kayo sakin.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanila.

*Pak! Pak! Pak! Pak!

Taob sa sahig yung apat na timawang lalaki matapos ko silang pagbabatukan habang nakatalikod sila. Sila Harriette, Renzy at Alessa naman, gulat lang na napatingin sakin habang kumakain. Tapos si Sed at Ty naman, parang hindi nila alam kung tatawa ba sila o maaawa dun sa apat na nakahandusay sa sahig.

"Antayin nyo kong makatapos maligo at mag-uusap tayo!" sigaw ko sa apat sabay talikod.

Bago ako dumeretso sa banyo na nasa loob din ng living room na yun, dumekwat muna ako ng damit ni Harriette dun sa bag nya. Papalitan ko nalang mamaya tutal pwede na kaming magpunta sa third floor dahil cleared naman na yun.

Mga 30 minutes lang siguro, natapos na kong maligo. Paglabas ko ng banyo, tapos na silang magkainan. At yung apat na timawang lalaki, mukhang di naman mapakali na nakaupo dun sa isang couch na pang-dalawahan lang naman.

"So, sino ang pasimuno sa katimawaan na yun?" panimula ko. Nagtinginan naman silang apat tapos nag-umpisa ng magturuan.

"Si Christian." - Elvis

"Anong ako? Si Renzo kaya." - Christian

"Gwapo kong to, ako pagbibintangan nyo? Si Alex yun." - Renzo

"Aba, kung sino unang nagbintang, sya ang pasimuno." - Alex

"Oo. Si Elvis nga." - Christian

"Hindi ako. Si Renzo." - Elvis

"Bakit nanaman ako? Si Alex yun." - Renzo

"Aba talaga! At sa akin nanaman tumuloy?" - Alex

Minasahe ko ng mahina yung sentido ko at kinagat ko rin ng madiin yung labi ko.

"Manahimik na kayo utang na loob. Nakukuha nyo pa talagang magturuan no? Sarap nyong pagbabatukan." bulong ko na nagtitimpi.

"Binatukan mo na nga kami e." - Elvis

"Pakitignan nga sa sahig, baka naiwan dun yung ulo ko." - Renzo

"Feeling ko lumabas ang utak ko e." - Alex

"Pfftt. Hahaha." - Christian

Tumayo ako ng deretso at isa-isa ko silang tinignan ng seryoso. No choice ako kundi gawin talaga to. Para naman matuto sila. E isang kahon nalang kaya ng corned tuna ang natitira. Tsk.

"Christian, maiwan ka dito. At kayo, Elvis, Alex at Renzo, magprepare na kayo. Magra-run tayo para sa supplies natin ng pagkain. Tutal naman, kayong tatlo pinakatimawa dito." tinalikuran ko na sila at kinabit ko na yung holster at sheath sa katawan ko.

"Kami lang?" - Renzo

"Dapat si Chris din." - Elvis

"Oo. Sya talaga pasimuno e." - Alex

Dinampot ko yung baril at kutsilyo ko tapos nilagay ko sa holster at sheath. Dinampot ko rin yung club ko bago ko sila tinignan uli.

"Pag 5 minutes hindi pa kayo ready, kami nila Christian, Sed at Ty ang magra-run. Tapos kayong tatlo, bahala kayong maghanap ng pagkain nyo for three days."

Nagkagulo naman silang tatlo sa pagkuha sa mga weapons nila matapos kong magsalita. Kaya ayun, wala pang limang minuto, natapos na sila.

Bago kami lumabas, nagpaalam muna samin sila Harriette. At pati din si Sed, take care daw sabi nya sakin. Kinilig naman daw si ako. Si Ty, as usual pokerface lang at parang walang pakialam sa mundo. Pero yung magaling ko namang kambal, ayun sandamakmak na paalala ang binato sakin. Pero ang pinakapunto lang naman ng lahat ng sinabi nya e, wag ko raw paiiralin ang katangahan ko. See? Baliw din e.

Lumabas na nga lang kami nung tatlong pinakatimawa papunta dun sa may garage 2 nitong mansyon.

Sinadya ko talagang hindi isama si Christian dahil dapat isa man lang sa amin ang maiwan dun. Mahirap na kasi, baka magkaproblema dito sa mansyon tapos hindi nila alam kung ano ang gagawin nila.

"Whoa? Ano bang sasakyan natin? Hindi naman tayo literal na magtatatakbo lang sa paghanap ng pagkain diba?" - Renzo

"Hindi nga." - ako

"So ibig sabihin.. itong Porsche Cayman na to ang gagamitin natin?.." bago nya pa mahawakan yun, mabilis ko ng tinapik yung kamay nya palayo.

"Wag mong hahawakan yan kung ayaw mong hatawin ni Marion ng baseball bat yang mukha mo. Saka ayos ka lang? Two seater lang yan oh." inarapan ko sya tapos lumabas nako dun. Mali pala kami ng pinasukan.

"Eh anong gagamitin natin?" dismayadong sabi ni Renzo habang hinahabol ako.

Instead na sagutin sya, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa garage 3. Andun nga pala yung hinahanap ko. Hindi naman ako nabigo dahil pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa akin yung mga motorbike at bicycle na nakapark.

Dun kasi sa garage 1, mga van ang nandun. Mga family car. Sa garage 2, mga sports car at luxury car na collection nila Marion. At dito naman sa garage 3, mga motorbike nga at bisikleta.

"Whoa! Ducati Diavel Carbon! Eto gagamitin natin Crissa?" mabilis kong sinapak yung kamay ni Renzo na hahawak na sana dun sa motorbike na itim.

"Wag mo ring ita-try galawin yang mga yan. Kung ayaw mong matikman ang bagsik ni Zinnia Harris." sabat ni Elvis.

"Oo nga. Mabagsik pa kay Crissa Harris yun." dagdag pa ni Alex palibhasa natikman na nya rin minsan ang bagsik ng ate ko.

Natawa nalang ako sa isip-isip ko. Ayoko munang tumawa ng malakas dahil dapat inis pa rin ako sa kanila hanggang ngayon.

"Elvis, sa tingin mo marami na ring mga undead sa labas?" tanong ko.

Bigla namang sumeryoso yung mukha nya.

"Kung dito nga sa loob meron, ano pa kaya sa labas? I bet mas marami talaga dun. Saka sa tingin ko, sa labas talaga sila galing nung isang gabi bago mangyari ang lahat. Napasok lang tayo dito."

He's right. Talagang galing siguro sa labas yun at hindi sa mansyon nagsimula. Napasok lang kami. Pero ang tanong, paano? Paano kami napasok ng undead dito? Saka ano ba ang pinagmulan at puno't-dulo ng lahat? May mahika ba na biglang sumabog sa kalangitan tapos nagsilaglagan sa lupa kaya yung mga patay na nakalibing, muling nabuhay at nagsibangunan? O katulad nalang nung mga napapanood sa mga movies? Yung may virus na kumalat na kung saan kapag na-infect ka through kagat or kalmot ng taong infected, unti-unti ka na rin magta-transform sa pagiging ganon? Magiging zombie ka na rin tapos unti-unti nang kakalat hanggang sa lahat na ng tao sa mundo maging ganon?

Nakakainis! Bakit wala kaming alam? Bakit walang may alam? Isang gabi lang kaming nagstay sa basement tapos paggising namin, ganun na agad ang tatambad samin? Bakit hindi kami naging aware sa nangyayari nung oras na yun? Bakit ni isa man lang samin, walang nagising?

Napakarami kong tanong. Pero parang wala namang nakalaan na kasagutan sa lahat ng iyon.

"Crissa? Are you okay?" naputol ang pag-iisip ko nang tapikin ni Elvis ang balikat ko.

"Okay lang ako. So, anong mainam na gamitin nating transportation? I mean, maghahakot tayo ng maraming pagkain at kung anu-ano pang supplies. Kailangan natin ng malaking space na paglalagyan. Pero mahirap naman kapag gumamit tayo ng kotse. Baka maka-attract pa tayo ng undead dahil sa tunog ng engine."

"Yun nga rin ang iniisip ko e." bulong ni Elvis at sumalampak sa sahig.

"Teka lang. Saan ba kasi tayo magra-run?" sabi ni Alex at umupo na rin sya sa sahig. Umupo na rin kami ni Renzo sa tabi nila.

"Hindi pwedeng sa mall. Kasi sa pagkakatanda ko, 45 minutes away pa yung pinakamalapit na mall dito. Hindi talaga pwede kasi wala tayong idea kung ano nang sitwasyon sa labas." sabi ko.

"I agree with Crissa. Hindi tayo pwedeng lumayo dahil masyadong delikado." - Elvis

"Hmm.. Last Friday night kami nagpunta dito. And sa pagkakatanda ko, may nadaanan kaming convenience store sa labas ng village nyo." - Renzo

"Oo nga. Nakita rin namin yun ni Alessandra. Dun pa nga sya bumili nung mga pfftt.. canned goods. Hahaha." - Alex

Hindi ko nalang pinansin yung pagtawa nya. May mas dapat pang pagtuunan ng pansin bukod dun.

Umayos ako ng upo at tumingin ako kay Elvis.

"Yeah. May convenience store nga sa labas ng village namin. I think, mga 10 minutes away lang yun mula dito. Kapag nakasakay ka sa kotse. Ewan ko lang kapag nilakad."

"So, malapit lang naman pala. Okay na yun. Pwede na siguro tayong gumamit ng kotse. Mabilisang galaw lang ang gawin natin." sabi nya. Tumango naman ako dahil may naalala ako.

"Wait. Sa pagkakaalam ko, nasa 100 lang na bahay ang nandito sa village namin. Kaya lang lumaki nang ganito to dahil exclusive village to. Lahat ng lupa at bahay na binibili dito, hindi bababa sa 5,000 sqm."

"Edi ang ibig mong sabihin nyan Crissa, malalaki lang talaga mga bahay dito pero konti lang naman yung population?"

"Exactly, Alex. At dahil nga exclusive village to, mataas yung walls na nakapaligid dito. Mahigpit din yung securities sa mga gate. Kaya posible na hindi ganon karami yung undead na nandito." sabi ko na nabubuhayan ng loob.

Nagtayuan na yung tatlo at inalalayan naman nila ako para makatayo rin.

"Oh, ano pang hinihintay natin? Tara na." sabi ni Renzo at nanguna na sa paglabas.

"Palibhasa kasi sya pinakatimawa dito e." bulong ko at lumabas na rin kami.

Pinangunahan ko naman sila sa pagpunta doon sa may garage 1 kung saan nakapark yung mga family car namin. Huminto ako sa tapat ng isang pick-up truck at sumandig ako dun.

"Wow! Ford Raptor!" tumakbo si Renzo at hinimas-himas yun.

"Oh, may susi ka ba nyan, Crissa?" hindi ko nalang pinansin si Alex at pumunta nalang ako dun sa box na nakasabit sa pader. Kinuha ko dun yung susi para sa pick-up truck.

"Dito nakalagay yung mga susi sa mga family car namin. Tutal naman, pili lang ang nakakapasok dito sa mga garage. Kung napansin nyo kanina, nabuksan ko yung mga pinto through scanning my fingerprints."

"Astig naman talaga, Crissa! Sino magdadrive nyan?" - Renzo

Nagshrug nalang ako. Sa GTA (Grand Theft Auto) at NFS (Need For Speed) lang naman ako sanay magdrive e. Hindi sa totoong buhay.

"Ako nalang." sabi ni Elvis.

"Oh sanay ka ba?" - Renzo

"Oo sanay yan. Drug racer yan e." - Alex

"Baka naman drug pusher lang? Hahaha." - Renzo

"Gago." - Elvis

Bago pa may magkasapakan, hinaltak ko na agad si Elvis at ibinigay sa kanya yung susi. Nung mailabas nya yung pick-up truck sa may garahe, kinaladkad ko na papasok yung dalawa. Four seater naman to kaya lahat kami nasa loob. At dahil si Elvis nga yung nagdadrive, dun ako umupo sa may passenger's seat. Yung dalawa naman ay nasa backseat.

Nag-umpisa nang paandarin ni Elvis yun.

Próximo capítulo