webnovel

Ikalabing-isang Kabanata

Huling Tubig

Ikalabing-isang Kabanata

Becca's POV

Paikot kaming umupo sa sahig. Pinagdarasal namin ngayon ang mga namayapa naming mga kaibigan. Sana'y kung nasaan man sila ngayon, maging masaya sila at hindi na makaranas ng sakit. Pagkatapos ng dasal, natahimik saglit ang paligid. Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Nathaniel.

"Bakit ka may dalang holy water?" tanong niya saakin. Yumuko ako. "Bago ko sabihin ang dahilan, pwede bang magkaroon tayo ng open forum. Nararamdaman kong kailangan natin itong gawin. Sabihin niyo lahat ng hinanakit niyo sa bawat isa. Huwag kayong mahiya, at kung may aamin, umamin na." sabi ko atsaka muna nanahimik.

"Go." sagot ni Lyneth. Mabuti't nakatulong ang first aid sakanya at hindi na masakit ang kanyang sugat. Speaking of Lyneth, according sa mga pagkakasunod ng mga pangalan susunod na siya. Kaya we need more attention at awareness sakanya.

"Geh." Sabi naman ni Jack. Ngumiti lang ang iba simbolo ng pagsali habang si Ashley, wala paring malay. "Since ako ang tinanong, ako na ang mauuna." sabi ko atsaka muna huminga ng malalim bago magsalita. "Mula noong naparalyze ako noong first year palang ako, I've been able to see ghosts." pagkasabi ko no'n nagulat silang lahat at nanatiling walang salita.

"Tell us, what happened?" tanong ni Rinnah na mukhang curious 'din sa kung anong nangyari saakin. "Dati, I used to play ice hockey. Week before ng competition, kinailangan naming magpractice. Habang nasa kasalukuyang nag-eensayo, nadulas ako sa yelo, nauntog ang ulo ko sa sahig. Nang magdikit ang ulo ko at ang yelo, doon ko nakita ang isang babae. Simula noon, hindi na ako tinantanan ng mga ligaw na kaluluwa at humihingi sila ng tulong saakin." Kwento ko. Nakita ko naman ang pagiging satisfied nila sa kwento ko.

"Pangalawa, I had a secret crush kay Jack, hindi ko lang sinabi sayo, Mikee. Baka kasi magalit ka." sabi ko. Nanatili naman siyang tahimik. Tumikhim siya.

"Ako naman, I really hate you, Becca. So, I'm sorry. Alam kong nagkagusto ka kay Jack. Besides, we don't have official relationship yet." sabi naman ni Mikee atsaka nagkunwaring nagsmirk. "Aww." Ang tanging naging reaksyon nila. Linapitan ko si Mikee atsaka siya yinakap.

"Crush lang naman, eh." Sabi ko sabay dikit ng mukha ko sa mukha niya. "Ang drama mo, tsk." sabi niya. Napatawa naman sila. "I have to tell you something. I once had a crush on Mikee. Hindi ko lang sinabi kasi akala ko wala siyang gusto saakin. Nang dumating si Becca, everything has changed." sabi naman ni Jack. Halos mabigla ang lahat kabilang ako sa narinig. Hindi ko mapigilan ang mga pisngi ko na mamula.

"Sabi ko na, eh. HAHA!" saad ni Nathaniel atsaka tumawa ng malakas. Napatingin kaming lahat sakanya, dahil siya lang ang natawa dahil dito. Ilang segundo ang lumipas ay nanahimik muli siya. "Ako naman--" Nadinig namin ang boses ng kung sino.

"Ayy, anak ka ng pusa! Ano ba naman, Ash. Bigla bigla ka nalang sumusulpot." bigkas ni Lyneth atsaka tinapik si Ashley. Gising na pala siya. "Oh, sige. Continue." sabi ni Lyneth matapos magulat sa pagsulpot ni Ashley. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Kung si Becca, may ability na makakita ng mga multo, ako naman, sinasabi man ng iba na matalino ako, I have a pathetic body. Madali akong saniban ng mga kaluluwa. You see what happened earlier?" sabi niya saamin. Halatang-halata sa ekspresyon nila na gulat parin sila.

"Naalala mo ang nangyari kanina?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya. Ilang saglit pa, nanahimik ang iba. Biglang umingay nang magsalita si Jerome. "Ako naman, may bago akong crush. I'm sorry, Becca ha?" sabi niya sabay pout with matching tingin sa taas sabay kurap-kurap. Yuck. Ang pangit talaga niya tignan. At the first place, alam ko na. Buntot kasi siya ng buntot saakin.

"Crush ko si Lyneth." sabi niya na ikinagulat naman ni Lyneth. Napansin naming medyo namumula siya. Ibinuka niya ang bibig niya para magsalita. "Salamat naman. Ang tagal ko kayang hinintay na sabihin mo 'yan. Crush din kita." sabi niya atsaka lumapit kay Jerome atsaka yinakap ito. "Ayieeeeeeee!" tili nila.

"Ako?-" panimula ni Nathaniel atsaka tumingin kay Lyneth. "Crush ko si Lyneth. Since nalaman kong may gusto siya kay Jerome, magpaparaya nalang ako." sabi niya atsaka tinakpan ang kanyang mukha at nagkunwaring umiiyak. Lumapit sakanya si Jack atsaka siya yinakap. "Saaaa bawaaaat sagliiiit. Handaaaang masaaaktaaaan. Kahiiiiiit dimoooooo alaaaaam." Kanta ni Jack. Natawa naman kaming lahat.

"Ayieehh." tili ng mga kaibigan ko. "Yaoi. Support lang ako." sabi ni Rinnah. Natawa kaming muli sakanila. "Wala na akong kailangang sabihin. I'm an open book you know." sabi ni Rinnah atsaka nagpatuloy sa pagtawa.

Ilang saglit pa, we remained silent at kinain nalang ang mga dala nilang delata kanina. Buti, kahit saglit nakalimutan nilang isang kakila-kilabot na lugar ang eskwelahan na ito. Sana magrest-in-peace na ang mga kaibigan kong namatay. Sa mga oras na ito, hinihiling kong may dumating ng tulong.

We turned ourselves for the day. Natatakot parin ako hanggang ngayon, sino bang hinde. Nakita ko mismo sa harapan ko ang dalawang patay na katawan ng kaibigan ko. Walang nakakaalam sa mga susunod na mangyayari. Hindi namin alam kung tama ba ang mga sinusundan naming mga clue. Sana wala ng biktima. Sana wala ng buhay ang malalagas saamin.

We (Lyneth) kept ourselves awake para walang mangyaring masama saamin. Nagkwentuhan lang kami buong gabi, hanggang sa makatulog kami.

Nagising ako, pero bagsak parin ang mga eyelids ko. Naradaman kong may papalapit saakin. Tumaas ang mga balahibo ko. Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Kadiliman, 'yan lang ang nakikita ko. Hindi na ako mapakali. Nilalamig na ang buong katawan ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang may yumakap saakin. Naamoy ko ang pamilyar na amoy na nanggagaling sa isa sa mga kaibigan ko. Naalala ko ang kaparehong amoy na nagmumula kay Rinnah. Buti nalang talaga, dahil sa yakap na iyon, nawala ang takot ko.

--**--

Ikaanim Na Araw

Kasama ang mga pamilya ng iba pa, pinuntahan nila ang eskwelahang ito para sunduin sana ang mga estudyante. Laking gulat nila nang papalapit na sila sa gate ay may kakaiba silang naamoy. Isang bulok na bangkay.

Halos mapaupo ang mga magulang ni Liza nang makilala nila ito dahil sa bracelet na bigay ng Lola niya. Kaagad silang tumawag ng tulong, idinila sa punenarya ang bangkay atsaka naman inumpisahang sibakin ang gate. Sinigaw nila ang mga pangalan ng kanilang mga anak. Maging sila'y hindi na makampante matapos makita ang bangkay ni Liza.

Pilit nilang kinausap ang guwardiya, ngunit wala silang natanggap na sagot. Ang sumunod nilang ginawa ay gibain ang gate. Hindi nila ito masira kahit anong gawin nila. Wala silang magawa dahil para bang isang matibay na bagay ang nagpipigil dito kaya hindi nila mabukas.

Sinubukan nilang gumamit ng mga transportasyon tulad ng helicopter, ngunit sa huli, dahil pinipilit nilang pumasok, nasunog ang mga ito sa hindi malamang dahilan. Naglagay sila ng ilang paalala. Na bawal lumapit sa eskwelahan sa kadahilanang may kakaibang nagpoprotekta rito upang hindi sila makapasok.

Sa kabilang dako, nariyan ang walong batang nakakulong sa loob ng eskwelahan, inaalala 'din ang kanilang mga magulang. Pilit nilang sinasabi sa kanilang sarili na sana, hindi na sila pumasok sa eskwelahang ito kung gano'n 'din lang naman pala ang mangyayari.

--**--

"Ano nang gagawin natin, guys? Mananatili parin ba tayo dito sa library?" tanong ni Ashley saamin. Nagkibit balikat lamang sina Jerome at Nathaniel. "Ano 'yung naaamoy ko?" tanong ni Rinnah. Suminghot siya at hinanap kung saan nagmumula ang amoy. Napatigil siya sa harapan ni Jerome. "You need to take a bath." bigkas niya. Natawa naman sila.

Inamoy-amoy ni Jerome ang kanyang sarili. Hindi niya mapigilan ang sarili na sumang-ayon sa sinabi ni Rinnah. "I need a bath." Inulit ni Jerome ang sinabi ni Rinnah. "Guys, I have a suggestion." Sabi ni Rinnah. Natuon ang atensyon namin sakanya.

"Masyadong malawak itong library. Why don't we evacuate in a place where it isn't that much spacious. Nang sa gano'n mas kampante tayong nakikita ang isa't isa." dagdag niya. "Saan naman tayo lilipat?" tanong ni Nathaniel sakanya. "Maybe, one of the classrooms?" sagot niya.

"You're right, Rine. We need to evacuate to a safer place." pag-sang-ayon ni Ashley. Inumpisahan na ni Jack at Nathaniel ang pagbitbit sa mga gamit namin. "Tara na?" bigkas nila. Napatango lamang sina Ash at Rinnah. Habang ipinapasok ang mga gamit namin sa loob ng bag ay naghintay ang iba. Matapos maayos ang lahat, akmang bubuksan na ni Nathaniel ang pintuan nang may maiwan si Ashley sa itaas ng mesa.

"Bakit ganito ang pakiramdam ko." bigkas ko. Napaharap silang lahat saakin. "Huwag mong bubuksan ang pinto, Nath. Masama ang kutob ko." Sabi ko. Tumawa lang siya saakin. "Bakit naman?" tanong niya. Tumitibok ng malakas ang puso ko.

Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ko, at binukas niya ang pinto. Napapikit lamang ako. "Ano?" tanong niya. "Wala namang nandito, Becca." dinig kong bigkas ni Jack. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. "Oh, ano?" sabi ni Nath sabay bukas-sara pa sa pintuan. Sa ikatlong pagkakataong ibukas niya ito ay nabitawan niya ang hawakan nang makita ang imahe ni Ma'am Carmelita sa harap ng pintuan. Napasigaw kaming lahat, hindi na namin alam ang gagawin kaya tumakbo nalang kami papasok muli ng library.

"Akala ko bang patay na si Ma'am Carmelita?" tanong ni Nathaniel saakin. "Patay na siya. Siguro'y kaluluwa niya iyon." sabi ko habang tumatakbo. "Saan ba tayo papunta?" tanong ni Jack.

"Ang alam ko, may isa pang labasan ang library na 'to, kaya doon nalang tayo lalabas." sagot ko naman atsaka kami nagpatuloy sa pagtakbo. Nang marating namin ang daan papalabas, doon ko lang napagtantong wala na sina Jerome, Ashley, Lyneth, at Rinnah. Hinihingal namin silang hinintay. Ilang saglit pa, lumabas sila sa isang parte ng mga shelves.

"Tara na. Lumabas na tayo dito. Lintik na Carmelitang 'yan." bigkas ni Jerome atsaka na kami tumakbo papaalis. Pagkalabas namin, sumalubong saamin ang amoy ng mga damo. Nakalabas kami at malayang tumakbo sa soccer field. Unti-unti naming dinamdam ang init na nanggagaling sa araw. Ang sumunod na nangyari ay bumagsak si Mikee sa lupa.

"Mikee!" sigaw naming lahat sa pangalan niya. Nilapitan namin siya atsaka inalalayan. "Tubig." Hindi namin siya maintindihan. "Kailangan ko ng tubig." sabi niya. Mabilis na nangalkal si Nath sa mga bag na bitbit niya. Nakita niya doon ang mga boteng wala ng laman.

Mula sa kalayuan ay nakita namin ang clinic. "Tara, ipasok natin siya sa clinic." sabi ni Ashley. Binuhat siya ni Jack at Nathaniel at ipinasok siya sa loob ng clinic. Pagpasok naming lahat ay mabilis na kinandado ni Jerome ang mga pinto. "Tubig." bigkas ni Mikee. Nangalkal na sina Ashley at Lyneth sa clinic. Pagkabukas ni Lyneth sa gripo ng lababo ay laking gulat niyang may lumabas na tubig dito.

Mabilis siyang kumuha ng baso atsaka ito nilagyan ng tubig. Tinikman niya muna ito bago siya muling naglagay ng tubig. Iniabot niya ang tubig kay Mikee at mabilis na pinainom. Ikinagulat namin ang mga sumunod na nangyari.

Unti-unting nawala ang liwanag sa mga mata ni Mikee, at bumagsak ang kanyang katawan sa puting kama.

Próximo capítulo