webnovel

Unang pagsakalay ng mga halimaw!

Ang lugar na nakapalibot sa bayan ay isang malawak na bukirin ngunit dahil sa paghuhukay ng mga kung fu turtle sa paligid ay naging bako-bako ang mga lupa.

"Kailangan nating bilisan dahil malapit na dumating ang mga halimaw!" sinabi ni Ahoka habang patuloy na naghuhukay sa putik.

Ang oras ay tumatakbo habang ang minuto ay lumilipas. ang takot sa loob ng kanilang mga puso ay naging mas malalim dahil alam nila na ang mga halimaw ay malapit nang dumating.

Bumili si Ye Song ng maraming [Improvised Bomb] sa [Item Shop] at inutusan ang grupo na ilagay ito sa butas na hinukay nila at takpan muli ito.

Ang mga LEMONS ay hindi nagbagal-bagal at nagtanim agad ng maraming improvised bomb hangga't kaya nila. dahil dito ay nataniman nila ang hanggang dalawang daang metro ang layo mula sa mga hilagang pader.

Lumipas ang siyam na minuto ng napakabilis at nagtatanim pa rin sila ng mga bomba.

Hindi pa rin nagpapakita ang mga halimaw!

Ang lahat ay nakatingin sa malawak na bukirin at medyo naguguluhan sila dahil hindi nila alam kung ano ang nangyayari.

Ang alam nila ay sasalakay na ang mga halimaw sa loob ng siyam na minuto.

"Hindi kaya ang mga halimaw ay hindi na darating?"

Lahat ay nakadama ng kaginhawaan sa kanilang mga puso nang maisip nila ito. Kung sabagay, kapag hindi dumating ang mga halimaw ay magkakaroon pa sila ng mas maraming oras upang maghanda.

Nang makapag relax sila ng kaunti ay may isang malakas na kulog ang biglang umalingawngaw mula sa lambak di kalayuan kung nasaan ang bayan.

Ang ugong ay kumalat sa malawak na bukirin!

Nang marinig nila ang dumadagundong na kulog na nagmumula sa malayo, ang mukha ng lahat ay biglang nagbago!

"Sasalakay na ang mga halimaw!"

"Depensa!"

Narinig niya ang dagundong ng mga halimaw, si Ye Song at ang mga kasama niya ay mabilis na tumigil sa kanilang trabaho at pumasok sa gate ng bayan. binaba agad nila ang gate upang mapaghandaan ang pagsalakay ng mga halimaw.

Si Ye Song at ang mga LEMONS ay mabilis na umakyat sa pader ng kastilyo at tumingin sa malayo. sa patag na lupa na di kalayuan ay sunod-sunod na lumitaw ang mga itim na tuldok at mabilis na naging isang makapal na usok.

Ang lupa ay dumadagundong din na para bang isang kulog ang tumama dito.

"Isang legion ng mga halimaw"

Para sa lahat na nasa pader ng kastilyo namuo ang kanilang mga pawis sa noo at kinilabutan sila sa kanilang nakikita.

Hindi nila maisip na direktang harapin ang paparating na mga halimaw dahil sa takot!

Ang legion na ito ay binubuo ng isang malaking grupo ng mga halimaw. para silang isang alon na nilalamon ang lahat ng kanilang madadaanan. ang dahilan kaya bumuo ang mga halimaw ng ganitong legion ay upang lipulin ang mga bayan na may labis na kapangyarihan o may kakayahan na labanan sila. ang ibang dahilan ay para sa paglipat nila ng base camp o kaya ay upang mapabilis ang paghanap ng mga mabibiktima.

Ang uri ng halimaw na sumalakay ay mga beast type monster na natatakpan ng balahibo ang katawan mula ulo hanggang paa. magmula sa hilaga ay tumaas ang kanilang bilang na umaabot sa sampung libo at ang lahat ng ito ay tumatakbo patungo sa wala pang pangalan na bayan ni Ye Song!

Kung dati ay abot-tanaw mula dulo hanggang sa kabila ang mga tanawin, ngayon kung titingnan mo ito ay hindi mo na makikita ang dulo dahil napuno na ito ng mga halimaw.

Ang mga halimaw na ito ay umuungol habang sumusugod patungo sa kanila!

Ang galaw ng mga halimaw ay napakabilis, halos tatlong milya na lang ang layo nito mula sa pader ng bayan. mayroong iba't-ibang uri ng mga halimaw ang nandoon sa legion. ang ilan ay higit sa limang metro ang laki at mukhang nakakatakot.

Ang karamihan sa kanila ay rank D at rank C level na mga halimaw at may taas na dalawa hanggang sa limang metro!

Ang bilang naman ng boss level ay bahagyang mas mababa kumpara sa iba gayunpaman, ang kanilang laki ay karaniwang umaabot sa walo hanggang labindalawang metro at mahigit sa isang dosena ang mga ito. kapag pinagsama-sama ay makakabuo sila ng isang maliit na bundok!

Ang mga boss level monster na ito ang namumuno sa unang wave ng mga halimaw na sasalakay sa bayan!

"Roar!"

"Roar!"

"Roar!"

Nang matuklasan nila ang pader ng bayan sa dating rank D monster base camp ay galit na galit na umugong ang mga halimaw. ang bawat isa sa kanila ay nagsimulang sumugod ng mas mabilis patungo sa wala pang pangalan na bayan!

Ang nakasisindak na ungol ng mga halimaw ay tulad ng isang kulog na umusbong na naging sanhi ng panginginig ng pader ng bayan at mag labas ng alikabok.

Nang makita nila ang walang katapusang dami ng mga halimaw, ang LEMONS ay napanganga na lang sa kanilang kinatatayuan.

Nang sandaling ang mga halimaw ay dumaan sa sloped area kung saan itinanim nila ang mga bomba, ang bilis ng mga ito ay biglang bumagal. nang makita ito ni Ye Song ay mabilis niyang inutusan ang koponan na namamahala sa pag-trigger ng mga bomba.

"BOOM!"

"BOOM!"

"BOOM!"

"BOOM!"

Sunud-sunod na pagsabog ang umalingawngaw sa malawak na bukirin. ang mga pagsabog ay napakalakas at nakakapinsala kaya't hindi mapigilan na manginig ng lupa at magkaroon ng mga crater sa iba't-ibang bahagi kung saan nangyari ang pagsabog!

Ang mga halimaw ay napaungol sa matinding paghihirap at sa kaunting sandali lamang ay libu-libong halimaw ang namatay!

Ang natitirang mga halimaw ay galit na umuungal at marahas na sumugod sa pader ng bayan!

Ngunit handa sila para dito!

Agad na sinundan ng grupo ni Ye Song ang pag-atake matapos ang pagsabog!

Makalipas ang ilang sandali matapos ang mga pagsabog ay mabilis niyang inutos sa mga LEMONS na simulan ang pagpapakawala ng mga pana sa mga papasok na halimaw.

"Swoosh!"

"Swoosh!"

"Swoosh!"

"Swoosh!"

Sa isang iglap, lumipad ang mga arrow sa malawak na bukirin!

Hindi mabilang na mga arrow ang lumipad at tumama sa mga halimaw!

Ito ang pinaka brutal na tagpo na sinapit ng mga halimaw. sunod-sunod na namatay ang mga ito sa mga arrow na lumilipad sa kalangitan!

Hindi ito nagtapos doon, patuloy silang nagpakawala ng mga arrow na ang mga halimaw ay hindi nagkaroon ng pagkakataon upang gumanti.

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts
Próximo capítulo