webnovel

CHAPTER 1 - First Day

*tikk-tii-laaa-oook!!!!*

"Gising na anak, handa na ang almusal mo!"

Alas kwatro y medya ng nagmamadaling umaga, at siyang unang araw ng eskwela bilang First Year college, doon ako ginising ni inay para mag-agahan.

"Tapos na ang bakasyon, kaya kailangan mong maghanda para sa isang matinding bakbakan - struggle is real nak, mahirap ang buhay Kolehiyo pero makakabawi ka rin ng malaki pag nakatapos ka..." Payo sa akin ni Nanay Menang.

"Malay mo po nay, magiging katulad din po ni Mike Enriquez o matulad sa paborito ko pong propesor ko nay, sisikapin ko po ang lahat para sa pangarap ko para matulungan ko po kayo." aking tugon, sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit, at sabay naming pinagsaluhan ang aming agahan, na ang ulam ay Porkchop, Sunny Side Up at Sinangag, sabayan pa ng mainit na kape't gatas

Siyempre masaya kaming dalawa sa bahay, na kung saan si inay ay naglo-loading business, at siya na lamang ang natatanging kasama ko sa araw-araw. (pumanaw si papa dahil sa heart attack noong ako'y Grade 6 pa)

Ang mga kapatid ko naman, sina Ate Tina, Ate Marie at Ate Gennia ay pareho nang may disenteng trabaho - bilang mga Property Consultant and Unit Sellers sa France, Spain at Bulgaria, na kung saan kumikita ng malaki, at ang kalahati nun ay pinantutulong sa aming dalawa para sa mga gastusin sa bahay at sa aking pag-aaral, kahit na ako'y iskolar ng aming parokya - na kung saan binibigyan ako ng P15,000.00 na allowance kada buwan at sumasagot sa aking tuition fee at iba pang mga bayarin para mabawasan ang mga pasanin ni inay sa araw-araw.

Pagkaligo ko't deretso bihis ng aking uniporme, at tsaka bago ako umalis patungong eskwela, pinabaunan ako ni inay ng aking paboritong again, inumin at P150 na pandagdag (kinabukasan pa ang dating ng aking allowance at sweldo sa pagpapart time job ko sa isang sikat na fast-food chain malapit sa aking pinapasukan)

"nak, lagi mong tatandaan na pumapasok ka para mag-aral at mamulot ng iba't ibang kaalaman sa buhay ah, bawal ang tatamad-tamad, tsaka pumili ka ng kaibigan na makakatulong sa iyo, at huwag love life ang isipin - gawin mong inspiration ang taong magpapatibok ng puso mo kung may isang mapalad na magpapatibok ng puso mo..." muling pagpapayo ni inay.

"pramis nay, susundin ko ito dahil Alam kong makakatulong ito sa akin." tugon ko naman - sabay yakap sa kanya't kiss sa kanyang noo at nagpaalam.

Sobrang aga kong nakarating ng Cervantes Academy - alas sais y medya pa lang, at aking tinungo muna ang simbahan ng San Jose - katabi lang ng aming paaralan para magdasal sa altar ng aming patron. At bigla kong napansin ang best friend kong si Bennie sa unchanged upuan ng simbahan, sabay lapit ko't bati nya sa akin:

"Uyy Bradie! musta ka na? nakapagbakasyon ka ba?"

"Kasama ko lang naman si inay tumulong sa mga gawaing bahay." tugon ko naman

"Eto naman ako, nag-South Korea kami noong May buong pamilya, enjoy naman ang aming bakasyon." kanyang sharing sa akin.

Sumabay kaming pumasok ng eskwela at nakarating kami ng 7:16 ng umaga, at eto, tumambay muna kami sa patio sa aming eskwela at nagpalamig, habang ang ibang mga estudyante ay nagsisidatingan.

At tinungo namin ang Nuestra Señora dela O building na kung saan naroroon sa 3rd floor ang aming room - na may numerong 429. May 30 minutes pang natitira bago mag 8 para sa Flag Ceremony.

*school bell rings*

"Mukhang flag ceremony na ah..." tanong ni Bennie

"Oo, 8:01 na nga, grabe daming estudyante dito eh!" tugon ko naman.

Napuno ang Plaza Merced ng mga estudyante mula sa iba't ibang Grade level at College year level para sa unang Flag Ceremony na mismong Chancellor ng aming eskwela ang nagpasinaya - si Fr. Orjan Dominikus Fredriksson OP.

Marami ring mga galing Public na mayayaman at kakaunti ang mga pobre, isa na ako dun, ngunit marami rin talaga ang mga mabubuting puso at ang iba naman ay medyo badboy. Nakasama ko rin doon ang mga batchmates ko dati sa Santa Rosa de Lima Academy na pinasukan ko hanggang sa naging Junior High School completer, sina Franz, Andy, Jodee, Vika (Russian-Filipina) at Faye (si Bennie rin na batchmates ko't bestfriend)

Natapos ang nasabing seremonyas, sabay kaming bumalik sa aming mga classroom.

(few minutes later...)

Medyo maingay ang aming klasrum at biglang...

"Good morning class..." bungad ng aming unang guro.

"Gooooooooooood Moooooooooorniiiiiiiiing poooooooo Maaaaaaaam..." tugon namin na parang nage-Gregorian Chant.

"Mukhang mali yata napasok kong room...hindi ata Senior High ang pinasok ko eh, kindergarten" msdyo dismayado nyang tugon

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"So I'm your new adviser for this school year HUMSS, my name is...

(sabay sulat sa blackboard)...

"pssssst...kamukha nya si Ivana Alawi 😂😂😂" sabi naman ng katabi kong badboy

"parang..." sagot ni Vico

"I'm Miss Vanessa Astudillo, 21 years of age, and I'll be your new adviser and Filipino teacher for this school year 😊"

Siyempre, gaya ng nakagisnang tradisyon....kabi kabilaang introduce yourself ang nangyayari dito...

"Sino yung gustong magpakilala at magpakita ng talent dito...don't be shy guys...sige ako naman ang pipili..."

At ang lahat ay kinakabahan at lumalakas ang kabog ng aming mga dibdib...

"hmmmmmm..."

...at kapag minalas malas ka nga naman, ikaw ung iuuna...

"ikaw sir sa likod!"

...biglang tumigil ang mundo ko, at parang halos na-starstruck ako dahil fresh from auditions pa ako sa Starhunt, days before pasukan (kaso di ako natanggap), at inumpisahan ko nang magpakilala ng plain...

"Hello po Miss Vanessa, and to all for you my classmates, I'm Mr. Travis Dominic Magbanua, Grade 12 student under the strand of Humanities and Social Sciences, currently residing at Barangay Mariana in Quezon City."

"So Mr. Magbanua, what's your favorite statement in life?"

"The world is indeed a a very vast super library, with in every person has a library of his own stories 💖 We are born to inspire others and get inspired from them to become channels of good vibes to others" tugon ko naman

"Now Mr. Magbanua, show us your talent"

Buti dala ko ang gitara ko at guitar chords ng Vulnerable ng sikat na duo noon na Roxette.

Doon ako nagwika...

"Bago ko awitin, gusto ko lamang ialay sa taong magpapatibok ng puso kong sobrang nanlumo simula nung niloko ako ng ex ko..."

"Boooom!!!" sigaw ng madla

"Everywhere I look, I see her smile

Her absent minded eyes

And she has kept me wonderin' for so long

How this thing could go wrong

It seems to me that we are both the same

Playin' the same game

But as darkness falls this true love falls apart

Into a riddle of her heart..."

-o-

"Medyo may pinaghuhugutan itong si Travs..."

Bulong ni Bennie kay Vika.

"Maybe Bens, I'm just smiling to make this prince charming happy" Medyo nakakaflirt niyang sagot.

Siguro, ito, may crush ito sa akin simula noong kami naging Senior High, kasabayan kong nakilala ni Bennie, I really don't forget her gift na notebook, na hanggang ngayon ay bitbit ko, kahit puno na ito ng aking mga sulatin. Naalala ko pa nung nilibre niya ako sa McDo sa tapat lang ng Simbahan, at kahit Russian Orthodox siya, nakakasabay siya sa akin mag-Simbang Gabi.

"Travs is indeed a very nice and handsome guy I'd ever met. Now I hear him singing my favorite song ever since my childhood." She complimented.

-o-

Naiyak rin ako habang inaawit ko itong chorus...and I ended it up crying, remembering all of the pains that I experienced. As if parang sinaksak ako ng maraming karayom na kala mo ako'y ina-accupuncture.

But, Bennie placed his arms on my back, means gusto nya akong i-comfort.

"Sabi ko na nga ba eh, dapat di ka naglilihim, tignan mo itsura mo ngayon, para kang binugbog nina Linda't Berna eh" pang-aasar nyang sagot.

"Oo na pre, ikaw talaga, para kang si Bitoy mangjoke." sagot ko medyo natatawa.

And after that drama, sunod-sunod na ang tawanan dahil makwela rin itong iba kong mga kaklase kong kenkoy. Yung pinakahuli eh kamukha pa ni Joaquin Montes na nangkarate sa CR, ayun, pinagbabato na siya ng papel (siyempre di ako kasama,medyo goodboy na medyo badboy HAHAHAHAHA 😂) dahil lang sa sigaw ni Dong Montreal na kaklase ko: "HINDI MO KAMI MALOLOKO JOAQUIN MONTES!"

And then si mam, ayun, nilabas nya ung hard hat niya para di siya madale pero...

"wow si Mam, galing construction site" sigaw ni Bimbo Zerrudo

"HAHAHAHAHAHAHAHA" mala-Senyora Santi añes na tawa ni mam.

"Ay award" sabi naman ni Khey na katabi kong bading.

Ayun, nagmistulang comedy bar na ung klase namin, kulang na lang, maging kaklase namin sila Super Tekla at Boobsy.

Until...

"Okay class, since ang lahat ay nagtatawanan na, ako naman ang magpapakilala't magseshare."

Ayun, everything went silent...

"Share ko lang class, kapitbahay ko naman yung isa nyong classmate na si Pochi (Kenneth Benavides) na nagpasok sa akin sa Frontrow and minsan andami ko ring raket, pinasok ko yung networking, and then kumita ako ng P10,000,000 during my college days, though scholar ako ng parish namin na katabi lang naman ng school natin (San Jose Parish) dahil ang course ko ay BS in Secondary Education, major in Filipino sa Colegio de Santa Pudenziana sa probinsya namin. Remember guys, mga malalaki na kayo, may kanya-kanya tayong utak na dapat gamitin, at hindi palamuti sa mga bao, and dapat sa tuwing gumagawa kayo, wag mo laging kalilimutan ang Diyos sa buhay mo. Kahit na iwan kayo ng mga jowa nyo, siya lang, kasama ang kanyang nanay ang mananatili sa tabi mo, kaya wala kang dahilan para maging malungkot ka ng ganito."

After the sharing, all eyes were glued on Pochi...

"Mayaman rin yun si Pochi" bulong sa akin ni Benniw

"Inaya ako nun sa Frontrow pero marami ring kontrabida, kahit sarili kong kapatid." medyo nalulungkot kong sabi.

"Okay, for tomorrow class, please bring a picture of yours and a 1/4 index card since we have an activity. Sa subject requirements naman, just only a notebook, basta masipag lang kayo dapat magsulat, magrecite at mag-aral para marami kayong mababawi okay?"

"Okay po Miss." sagot namin.

"Closing prayer na tayo guys...who will lead"

"Mam, ako na lang po..." pagkukusa ko.

At sabay na namin tinapos ang aming klase dahil excited na rin kasi kaming kumain.

Travis - "Grabe sobra kong namiss yung pinakaunang beses na tayo nagkakilala at naging friend mo pa."

Bennie - "Ganun din, ang bilis nga naman ng panahon

Próximo capítulo