webnovel

♥♡ CHAPTER 70 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

Pagkatapos kong iwanan si Dean, nagmadali akong umakyat para hanapin sina Finn at Julez. Kailangan kong makasiguro na hindi na tatakas pa ulit si Julez dahil paniguradong magbabalak nanaman siyang takasan kami. Habang papunta ako doon, nakasalubong ko si Finn sa hallway, "Si Julez?" tanong ko sa kanya.

"Naihatid ko na sa kwarto ng kakambal mo." saad nito kaya napatingin ako sa kwarto nina Dave at Raven na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin at napatango, "Pasensya ka na pala sa inasal ko kanina. Ayaw ko lang na madamay pa kayo sa gulo." hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti, "It's okay. I understand." saad niya kaya ngumiti na rin ako.

"So what happened? Nagkausap ba kayo ng maayos?" tanong pa niya kaya umiling ako, "Mas maganda kung 'yon na ang huling usapan namin." pahayag ko na alam kong ipinag-alala ni Finn. Ibinaba niya ang kamay niya at napayuko siya na ipinagtaka ko. Nagbuntong hininga ito bago ako ulit tinignan, "Sy, natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sa'yo noon? Whatever happens, trust him." pagpapaalala niya kaya sandali akong napaisip. Ni hindi ko nga alam kung bakit niya 'to sinasabi sa akin. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi madaling kalimutan ang lahat. Hindi madaling kalimutan ang sakit.

"Not all the time you could trust people, Finn." sambit ko, "Pagod na akong umasa at magdepende sa ibang tao. Hindi ko alam kung bakit mo 'to sinasabi sa akin but I hope that you also understand my situation." pahayag ko. Tumango siya at muling napayuko, "I know. Huwag mo na lang isipin ang sinabi ko, I should leave now." tinalikuran na niya ako ngunit nang magsalita ako ay natigilan siya at muling napaharap sa akin, "Finn, can I ask something?"

"Anything." maikling sagot niya kaya't nagtama ang mata namin.

"Tungkol sa ginawa ni Savannah kay Dean...may alam ka ba?" matagal ko ng pinag-iisipan 'to pero hindi ko alam kung ano talaga ang totoo. Gusto kong pagkatiwalaan si Finn pero hindi ko alam kung dapat ba.

"No." maikling sagot niya kaya nagtanong ulit ako, "Eh si Fortune? Alam niya rin ba?"

"Hindi ko alam. Simula kasi noon, hindi ko na siya nakikita at nakakausap. Believe me, wala akong alam sa nangyari and I'm sorry if you were deceived." may pagkabahalang sagot nito kaya umiling ako, "Don't be sorry. May tiwala ako sa'yo, Finn. Huwag mo sanang sirain." pakiusap ko sa kanya na ikinatango naman niya, "You can always count on me." saad niya kaya bahagya akong ngumiti at tumango.

Tinalikuran ko na siya at diretsong pumunta sa kwarto nina Dave at Raven. Kumatok ako sa pintuan at hindi nagtagal ay bumukas naman ito, "Sy, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Dave, "Si Julez? Kamusta siya?" tanong ko dito na sumilip sa kwarto nila at nakita ko si Julez na tahimik pa rin na nakaupo sa dulo ng kama.

"Kakahatid lang sa kanya nung Phoenix dito, hindi ko nga alam kung bakit sila magkasama eh. Kakausapin mo ba siya?" tanong ni Dave kaya umiling ako, "Gusto ko lang makita ang lagay niya. Can you do me a favor?" dagdag ko pa na ikinatango naman ni Dave, "Sure."

"Pwedeng pakibantayan mo muna si Julez? Huwag mo siyang iiwan ng mag-isa at huwag mo siyang papaalisin." mahinang saad ko kaya tumango naman si Dave. Ayaw ko kasing marinig ni Julez ang tungkol dito, "Sige, makakaasa ka." sagot nito kaya kahit papaano, nabawasan ang mga iniisip ko, "Si Raven nga pala?" bigla kong tanong dahil hindi ko pa nakikita ang lalaking 'yon, "Ang sabi niya sa akin pupuntahan niya daw si Kai." baka sinamahan niya si Kai na hanapin ang kuya niya?

"Aalis ka ba, Sy?" tanong nito kaya tumango ako.

"Saan ka pupunta? Gusto mo ba magtawag ako ng-- " nag-aalalang sambit nito ngunit hinarangan ko siya at umiling ako, "Hindi na kailangan Dave. May kailangan lang akong kausapin. Don't worry, I'll be fine."

"Sigurado ka ba, Sy?" nag-aalalang tanong pa niya kaya tumango ako, "Basta dito ka lang at huwag mong iiwan si Julez." sambit ko.

Tumango naman ulit siya hanggang sa bigla akong may naalala, "Dave, may napapansin ka ba kay Dustin nitong mga nakaraang araw?" tanong ko sa kanya kaya nagkasalubong ang kilay nito, "Para kasing nag-iba ang kilos niya?" dagdag ko pa. Napansin ko lang kase simula nung lusubin silang dalawa ni Oliver, biglang may nagbago sa kanya. Parang may kakaiba sa ikinikilos niya.

"Napansin ko rin na hindi na siya gaanong nagsasalita. Parang ang lalim ng iniisip niya tsaka ano..." pahayag ni Dave na napakamot sa batok nito at natigilan, "Ano?" tanong ko dahil mukhang pinag-iisipan niya pa ang sasabihin niya.

"Hindi ko alam kung nag-away ba sila ni Oliver pero hindi sila nag-uusap tapos madalas ko ring nakikita si Dustin na lumalabas ng madaling araw. Tama ka nga na parang may nagbago talaga sa ikinikilos niya." napaisip na lang ulit ako ng sabihin ni Dave 'yon hanggang sa bigla ko na lang naalala yung sinabi ni Dean.

"I too was loyal to you, right? Your members could also do the same to you, Bliss Syden. There's a lion among the pack."

"May alam ba siya na hindi natin alam? O may ginagawa siya na hindi natin alam?" wala sa sarili kong sabi na ipinagtaka ni Dave, "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Aalamin ko ang totoo, Dave. Naaalala mo pa ba yung natuklasan natin noon sa bloody room?" mukhang nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin.

"Ibig mo bang sabihin yung singsing?" tanong niya na ikinatango ko, "Kailangan nating malaman kung kanino 'yon, Dave. May traydor talaga sa grupo natin."

"And do you think it's him?" tanong pa nito at iisang tao na lang ang tumatakbo sa isip namin ngayon.

"Maghahanap pa ako ng sapat na ebidensya para mapatunayan natin sa grupo na tama nga ang hinala natin. Alam kong lubos ang tiwala natin sa kanya at baka hindi maniwala ang iba kapag wala tayong ipinakitang ebidensya." sa totoo lang, I need to confront him at hindi ko sinabi kay Dave dahil alam kong magpupumilit siyang sumama.

"Just call me if you need help." saad pa ni Dave kaya tumango ako at nagsalita bago ko siya tinalikuran, "Sige, aalis na ako."

Mabilis akong naglakad para puntahan siya dahil alam kong kailangan ko siyang kausapin tungkol sa bagay na 'to. Kung siya nga ang traydor, hindi na siya pwedeng magtagal pa sa grupo. Natigilan ako hindi kalayuan sa kwarto nilang dalawa nang makita kong lumabas ito mula sa kwarto niya. Hindi niya kasama si Oliver at base sa itsura nito, alam kong malalim nanaman ang iniisip niya. Iniisip niya ba kung paano niya didispatsahin ang buong grupo? Kung ganon nagkakamali siya.

Nagtago muna ako sa isang sulok nang magmasid siya sa paligid at nang masiguro niyang walang tao, nag-umpisa na siyang maglakad papalayo kaya dahan-dahan din akong tumayo habang nakatingin sa daan na tinahak niya. Nang mag-umpisa akong maglakad ay bigla ko na lang naramdaman na may tao sa likuran ko kaya mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa bulsa ko at itinutok sa kanya, "Sy!" gulat na sigaw ni Icah na kaagad namang iniharang ang kamay niya.

"Ako lang 'to." saad pa niya habang takot na tinitignan ang hawak kong kutsilyo. Gusto ko sanang ibaba ang kamay ko hanggang sa may naalala ako. Bigla ko siyang itinulak sa pader at itinapat sa leeg niya ang kutsilyo na alam kong ikinabigla naman niya, "A-anong ginawa ko?" kinakabahan nitong tanong sa akin kaya mas nilapitan ko pa siya, "Anong ginawa mo noong araw na 'yon?" seryoso kong tanong sa kanya. Hindi ko pa rin makakalimutan na nakita ko siyang duguan noon, sigurado akong siya yung nakita ko na masama ang tingin sa buong grupo.

"Sy, pwede ba kumalma ka? Ako 'to si Icah!"

"I know, kaya sagutin mo ang tanong ko."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Noong nasa tapat kami ng kwarto nina Stephen at Caleb, nakita kita. Sigurado akong ikaw 'yon. Bakit ka duguan? Anong ginawa mo?" tanong ko pa sa kanya na alam kong kinakabahan na sa ikinikilos ko.

"W-wala akong alam sa sinasabi mo, Sy! Bakit ba galit na galit ka sa akin?"

"Kung ganon bakit ka duguan? May pinatay ka ba? Sino?" dagdag ko pa habang masama ang tingin sa kanya na hindi naman makagalaw, "Wala talaga akong alam sa sinasabi mo, Sy. Hindi naman ako umaalis sa kwarto at kung lalabas ako, palagi kong kasama sina Maureen at Hadlee." paliwanag niya na ayaw ko namang paniwalaan.

"Anong nangyayari dito?" napatingin kaming pareho kina Maureen at Hadlee na kakarating lang at halatang nagulat sa nakita nila. Nakatingin silang dalawa sa akin kaya sinamaan ko ng tingin si Icah at ibinaba ang kamay ko, "Kapag nalaman kong may tinatago ka sa akin, humanda ka." simula nung makita ko si Icah noong araw na 'yon, hindi na ako mapakali.Tinalikuran ko na sila ngunit muli akong natigilan ng magsalita si Maureen, "Nahanap niyo na ba si Oliver?" tanong niya kaya humarap ako sa kanya na puno ng pagtataka, "Anong nahanap, Maureen?" tanong ko kaya't nagkatinginan sila habang nalilito.

"Hindi pa ba nasasabi ni Dustin sa inyo?" tanong ni Hadlee, "Ang alin?" may alam ba sila na hindi alam ng grupo?

"Hindi kasi mapakali kanina si Dustin tapos nung tinanong namin siya, ang sabi niya nawawala daw ulit si Oliver."

"Sinabi namin sa kanya na tutulungan namin siya sa paghahanap kaso ang sabi niya huwag na daw. Siya na rin daw ang magsasabi sa grupo at mas maganda raw kung mananahimik na lang kami para hindi madamay sa gulo." dagdag pa ni Maureen na ipinagtaka ko. Nakausap ko si Dave kanina pero wala naman siyang nabanggit. Ibig bang sabihin wala ring alam si Dave na nawawala si Oliver?

Sh*t! Si Oliver!

Tinalikuran ko sila at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto nina Oliver at Dustin na malapit lang. Nabuksan ko naman ang pinto kaya dire-diretso akong pumasok at nadatnan kong tahimik ang kwarto nila dahil pareho silang wala. Napatingin ako sa kama ni Oliver hanggang sa may mapansin akong isang maliit na papel. Lumapit ako doon at kinuha 'yon para basahin ang nakasulat. Meron pang mga patak ng dugo ang papel kaya't nagtaka ako.

"Come to death alone or death will welcome you along with your friends."

- Dark Eagle Society

Nakaramdam ako ng kaba nang mabasa ko 'yon kaya't binaligtad ko ang papel para basahin pa ang nakasulat sa likod nito.

"It's about time to pay. You knew that the Viper Queen would be in danger in that club but you chose to keep quiet."

Nanghina ako noong mabasa ko 'yon. Napatakip ako ng bibig gamit ang isa kong kamay at nanigas ako sa kinatatayuan ako. It was all planned from the start. Oliver knew that I would be raped pero bakit hindi niya sinabi? Bakit?! All this time, akala ko totoo siya sa akin pero bakit hindi niya sinubukang sabihin sa akin ang totoo na mangyayari 'yon?! Anong rason niya para gawin 'to?! Obviously, this paper is meant for him dahil nakalagay sa kama niya. Paano nangyari ang lahat ng 'to??

Muli akong napaisip ng mapatingin ako sa kama ni Dustin at sandaling natigilan. Nakalagay sa kama ni Oliver ang papel at imposibleng hindi niya 'to mababasa at makikita lalo na't kakagaling niya pa lang dito. Kusa ko na lang nabitawan ang hawak kong papel habang nararamdaman ko ang pagkamanhid ng katawan ko dahil sa lahat ng nalalaman ko. Unang-una hindi niya pa kami sinasabihan na nawawala si Oliver. Pangalawa, hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang ikinikilos niya. Pangatlo, kung nabasa niya ang nasa papel bakit hindi niya kami sinabihan. Ayaw niya ring magsalita sina Maureen tungkol sa pagkawala ni Oliver.

"Si Dustin ang naglagay ng papel sa kama ni Oliver?" wala sa sariling tanong ko. Kaya ba agad rin siyang umalis?

"Sy, may problema ba?" napansin kong lumapit na rin sina Maureen at Hadlee sa akin dahil sa pagtataka. Dahan-dahan ko silang hinarapan na dalawa habang nasa may pintuan si Icah, "M-may napansin ba kayong mali kay Dustin?" mahinang tanong ko lalo na't nahihirapan na rin akong huminga dahil sa lahat ng natutuklasan ko na hindi ko naman alam kung tama ba ang hinala ko o hindi. Bakit sobrang gulo?

Nagkatinginan ang dalawa bago ako sinagot ni Hadlee, "Hindi ko alam pero nung huling beses na nakita ko silang dalawa ni Oliver, hindi sila nag-uusap." nag-umpisa lahat ng 'to simula ng lusubin sila ng grupo ni Dean. Doon na nag-iba ang kilos ni Dustin kaya ba galit na galit si Dean kay Oliver noon? Dahil kasabwat ni Dustin si Savannah? At galit si Dean kay Oliver dahil baka nalaman ni Oliver ang totoo at ayaw nilang magsalita siya?

Pero kung si Dustin ang traydor, bakit hindi sinabi sa amin ni Oliver ang masamang balak sa akin sa club noon? Why did he let them insult me? Sino sa kanilang dalawa ang dapat kong kausapin at paalisin?

Dahil sa dami ng iniisip ko at mga tanong na hindi ko masagot-sagot, nakaramdam na lang ako ng pagkahilo at lalo pa akong nanghina kaya't muntikan na akong matumba kung hindi lang ako hinawakan agad nina Maureen at Hadlee at pinaupo sa kama.

To be continued...

Próximo capítulo