♡ Author's POV ♡
Pagkatapos niyang kumatok sa tapat ng pintuan ay hindi naman nagtagal pa ito sa paghihintay dahil bumukas rin kaagad ang pintuan at sumalubong sa kanya si Dave, "Oh Sy, anong ginagawa mo dito?" nag-aalalang tanong ni Dave na sandali pang tumingin sa likuran niya para silipin si Julez. Nakita ni Syden na nasa sulok ng higaan si Julez at tahimik na nakaupo habang walang kibo. Lumabas si Dave at isinara ang pinto. "May kailangan ka ba?" tanong pa nito kaya bahagyang ngumiti si Syden, "Uhmmmm....balak ko talagang pumunta dito sa kwarto...g-gusto ko kasing makausap si Julez." pahayag nito.
"Ganon ba?" nag-aalanganing sagot ni Dave na sandaling napaisip, "B-but I'm not just sure kung makakausap mo siya kasi..." napakamot ito sa ulo niya bago itinuloy ang pagsasalita, "Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagsasalita. Tinatanong ko kung gusto na ba niyang kumain o kung may kailangan siya pero hindi naman niya ako pinapansin." nag-aalalang pahayag ni Dave kaya napabuntong-hininga si Syden at napatango, "Alam ko naman. Siguro hindi niya pa talaga matanggap ang lahat ng nangyari."
"Pero sige kung gusto mo siyang kausapin, baka sakaling makinig siya sa'yo." dagdag pa ni Dave, "A-ayos lang ba sa'yo kung kaming dalawa muna ang mag-usap?"
"Of course, bakit naman hindi?" natawang tanong ni Dave na ginulo ang buhok ni Syden, "Don't worry, I'll just wait here. Hindi ko naman pwedeng iwanan kayo. Masyadong delikado." napatitig si Syden kay Dave na sumandal sa pader at may kung anong kinuha sa bulsa niya. Inilagay ni Dave ang sigarilyo sa bibig nito at sinindihan hanggang sa makita niyang nakatingin pa rin si Syden sa kanya. I am really thankful that I have this group. Masama man ang tingin ng karamihan sa kanila but for me, they are not actually bad people. Isa sila sa nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Date ang akala ko, they care for me dahil kay Dean. Pero ngayon ko lang napatunayan na kahit hindi ko harap-harapang makita, these people really care for me...especially ngayong wala si Dean. Hindi ko lang kayang isipin na nagagawa kong magsinungaling sa kanila. But just like them, gusto ko ring protektahan si Dean. I can't lose him...not now, not forever. Kaya sana...bumalik ka na sa amin. Saad ni Syden sa sarili niya.
"Don't look at Dave like that, baka bigla na lang siyang gilitan ng leeg ni Dean kapag nakita niyang nakatitig ka sa iba..." nagising na lang siya sa realidad ng marinig niya ang boses ni Dustin na halos kakarating lang, "Especially kung nakatitig ka sa isa sa mga members niya." pang-aasar pa ni Dustin na nginitian ng masama si Dave kaya aktong sisipain siya ni Dave ay umilag ito, "Relax bro! I'm just kidding!" saad nito kaya napangiti si Syden, "Ang dami na ngang problema, nakikidagdag ka pa." inis na saad ni Dave. Mas napangiti na lang si Syden nang makita niyang muntik ng magsuntukan ang dalawa kaya napatitig sila sa kanya, "Ano nga palang ginagawa mo dito, Sy?" tanong ni Dustin sa kanya, "Kakausap niya raw si Julez. Ewan ko nga sa batang 'yon hanggang ngayon hindi nagsasalita. Parang may kausap akong pipi." pahayag ni Dave kaya sinamaan siya ng tingin ni Syden, "Dave."
"I'm sorry, hindi naman kasi talaga siya nagsasalita eh."
"Bakit? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang ang pakikipag-usap sa kanya? You should rest, Sy." saad pa ni Dustin kaya umiling si Syden, "Hindi eh. Kailangan ko siyang makausap ngayon." sambit naman ni Syden kaya nagkatinginan ang dalawang kasama niya, "Sige Sy, pumasok ka na sa loob. Ako na bahala dito sa lalaking 'to." sabay turo ni Dave kay Dustin kaya masamang nagkatinginan ang dalawa na parang mag-aaway ulit. Gustuhin niya mang makisali sa biruan ng dalawa ay hindi niya magawa dahil sa dami ng iniisip nito. Binuksan na ni Syden ang pintuan at sinilip si Julez na nakaupo pa rin sa sulok at yakap-yakap ang sarili niya. Tuluyan na siyang pumasok kaya napatingin sa gawi niya si Julez pagkatapos niyang isara ang pinto. Nilapitan niya si Julez at umupo sa tabi nito, "Balita ko hindi mo raw pinapansin si Dave?" saad nito kaya tumingin sa ibang direksyon si Julez.
"Mapagkakatiwalaan mo naman sila, Julez. There's no need to be afraid." dagdag pa niya pero hindi pa rin nagsalita si Julez. Napayuko ito at nagbuntong-hininga bago tinignan ulit si Julez, "Alam ko naman na nahihirapan ka pa rin sa sitwasyon mo ngayon, Julez. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari pero aalamin ko..." dahil sa sinabi niya ay napatingin sa kanya si Julez, "Paano?" mahinang tanong niya.
Sandaling natigilan si Syden bago ulit nagsalita, "Sa ngayon, kailangan munang maging maayos ang lagay ni Dean. Kapag nangyari 'yon, aalamin ko kung ano talaga ang totoong nangyari. May sinabi ang council sa akin kung anong nangyari sa inyong dalawa but I think meron pa silang hindi sinasabi kaya hindi ako makampante. I know that there are some missing information at 'yon ang aalamin ko kapag naging maayos na ang lagay ni Dean."
"What did they say tungkol sa nangyari sa aming dalawa sa Curse building?"
"I-i think it's better na huwag mo munang malaman. Kapag nakasiguro na ako sa lahat ng sinasabi nila at sa totoong nangyari, doon ko sasabihin sa'yo, is it okay with you?" sandaling nagkatitigan ang dalawa hanggang sa tumango si Julez kaya ngumiti si Syden, "Good."
"Pero paano siya gagaling?" tanong pa ni Julez na nakapagpatahimik kay Syden. Napayuko ito at napatingin sa mga kamay niya. Ito ang oras na pinakakinatatakutan niya. Kailangan niyang sabihin kay Julez ang totoo, "Hindi ba siya gagaling?" tanong pa nito ng mapansin niya si Syden. Tumingala si Syden at nakita ni Julez na lumuluha na ito, "Gagaling siya...pero wala akong kakayahan na gawin 'yon."
"Bakit? Ikaw lang naman ang kailangan niya dba?" umiling si Syden at pinilit na ngumiti, "Of course, I know he needs me more than I need him. His life depends on me now...that's why I have to sacrifice everything, our relationship and even myself in order to save him." at sa sinabi niyang 'yon ay nabigla si Julez kaya napahawak ito sa magkabilang balikat ni Syden, "What are you saying?! What do you mean by that?!" tumaas na rin ang tono nito sa pagsasalita at katulad ni Syden, may namumuo na ring luha sa mga mata nito, "Si Savannah lang ang may kayang pagalingin siya, naiintindihan mo ba ako Julez?"
"Anong si Savannah lang?! That bitch! Paano nangyari 'yon?!"
"Inexplain nila sa akin ang lahat at alam kong wala na akong magagawa para iligtas pa si Dean...t-this is the least that I can do for him." saad nito na umiiyak na pero pinigilan nilang marinig ng iba ang usapan nila dahil silang dalawa lang ang nakakaalam ng totoo.
"The least thing that you can do for him is to find a cure, hindi yung hahayaan mo ang babaeng 'yon?! Do you even know kung anong pwedeng mangyari kapag hinayaan mo siyang pagalingin si Dean-- "
"Julez pwede ba?! Wala na tayong choice! Wala na akong ibang mapagpipilian. Ito na lang ang paraan and I can't watch him die there all alone habang wala akong ginagawa para sa kanya!"
"Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman niya kapag nagising siya at nalaman niya ang totoo?!"
"I can't even think of that now! Ang gusto ko lang gumaling na siya dahil wala ng oras!" sandaling natigilan ang dalawa hanggang sa muling magsalita si Syden, "N-nakita ko siya....a-and I could feel how much it hurts. A-alam ko Julez na nasasaktan siya! Sumisigaw siya sa sakit pero wala ako sa tabi niya noong mga oras na 'yon." mahinang saad nito at sa mga sumunod niyang sinabi...nag-umpisa na ring lumuha si Julez kaya napatingin ito sa ibang direksyon, "I-ikaw ang kasama niya noong mga oras na 'yon, Julez. Alam kong alam mo kung anong klasing paghihirap ang dinanas niya. K-kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong isa sa mga dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon ay dahil alam mo at ramdam mo ang sitwasyon niya ngayon."
"But I wasn't able to do something that time..." sagot ni Julez kaya tumango si Syden, "That's right...and that's how I feel right now. I feel so helpless at kahit alam kong mahirap, kailangan kong gawin 'to para sa kanya. I-i can't lose him, Julez. Sana naiintindihan mo rin ang sitwasyon ko at kung bakit ko kailangang gawin 'to."
"Then what did that b*tch ask you to do?" galit na tanong ni Julez at masama ang tingin nito, "She wants me to let him go." dahil sa naging sagot nito ay napangiti na lang ng masama si Julez dahil expect na niya na mangyayari ito. That f*cking b*tch! Saad nito sa isip niya. Kumuyom ang kamay nito at nakita ni Syden na nagpipigil ito ng galit, "J-julez please. Don't interfere with my decisions...para sa kanya naman ang ginagawa ko. Kung talagang gusto mo siyang iligtas, you won't tell anyone about this." pakiusap nito kaya napapikit si Julez at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. Napalunok si Julez at muling iminulat ang mga mata niya, "Are you really sure about this? Hindi na ba kita mapipigilan?" tanong niya pa kaya tumango si Syden, "I don't want to do this...but this is the only way." sagot pa nito habang umiiyak, "Fine. If that's what you want, do what you have to do pero ayaw kong marinig mula sa'yo na pagsisihan mo 'to." saad nito na ipinagtaka ni Syden pero sigurado na siya sa desisyon niya. Jus like Dean, no one could stop her, "I-i won't regret doing this, Julez. Never."
"Time will come, don't tell me that I didn't stop or warn you." napayuko si Julez at dahil sa sinabi niya ay naisip ni Syden na galit na si Julez sa kanya pero nabigla ito ng tumingala si Julez at mapait na ngumiti, "Whatever happens, just trust him." dahan-dahang hinawakan ni Julez si Syden at pinunasan ang mga luha nito gamit ang dalawa niyang kamay. Pilit na ngumiti si Syden at tumango dahil sa sinabi ni Julez, "Kahit kailan, hindi ako nawalan ng tiwala sa kanya." niyakap ni Syden si Julez kaya ganon din naman ang ginawa ni Julez, "Always be careful." saad ni Julez.
.........
Habang pababa siya ng hagdanan papunta sa ground floor ay mas nakaramdam pa ito ng kaba at panlalamig ng katawan niya. Napakuyom na lang ang kamay nito at sandaling natigilan sa paglalakad ng makita niya si Savannah na nakatayo sa tapat ng pintuan ng abandonadong clinic. Seryoso itong nakatingin sa tapat ng nakabukas na pintuan ng clinic habang nakakibit-balikat at nang mapatingin siya sa gawi ni Syden ay ngumiti ito hanggang sa makarating si Syden sa harapan niya at nagkaharapan ang dalawa, "Did you tell Fortune?" tanong nito kaya tumango si Syden while Savannah seemed to be so happy about the situation, walang buhay na nakatingin si Syden sa kanya, "I went to the secret room bago ako pumunta dito." sagot niya kay Savannah kaya tumango din ito.
"That's good to hear." humarap muli si Savannah sa clinic kaya ganoon na rin ang ginawa ni Syden. Maliwanag sa loob ng clinic ngunit hindi nila matanaw si Dean dahil sa puting kurtina na nakaharang, "Do as you have promised." napatingin si Syden sa katabi niya ng magsalita ito kaya muling nagtama ang mata ng dalawa, "I've decided..." nagbuntong-hininga si Syden ng hindi inaalis ang tingin sa kausap niya, "And that's what I'm gonna do. Just make sure na magiging maayos ang lagay niya." ngumiti si Savannah dahil sa sinabi ni Syden.
"Don't worry. I promise to keep my words. I'm really sure na hindi masasayang lahat ng sakripisyo mo." sarkastikong saad nito na ngumiti ng masama kaya muling napakuyom ang kamay ni Syden. This b*tch! Saad nito sa sarili niya. She's really taking advantage of our weakness. If there's only another option, I wouldn't choose to be in this situation.
She knew na kung magtatagal pa siyang tignan ang babaeng nasa harapan niya, baka may magawa pa siyang hindi maganda dito kaya nilagpasan na niya si Savannah at tuluy-tuloy na pumasok sa loob...in order to bid her farewell. Nag-umpisa siyang makaramdam ng takot noong mga oras na 'yon kaya habang papalapit ito sa kurtina. She felt cold and her body started shaking. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kurtina habang nanginginig ang mga kamay nito at unti-unti 'yong binuksan. Tumambad sa kanya ang nanghihinang katawan ni Dean na nakahiga pa rin at tila hindi pa nagigising. Bago niya tuluyang nilapitan si Dean ay muli niyang isinara ang kurtina para walang makarinig sa lahat ng sasabihin niya. Sa tabi ng higaan nito ay may upuan kaya't umupo siya doon at hinawakan ang malamig na kamay ni Dean. Katulad ng date, naririnig din niya ang tunog ng monitor na nakakonekta sa katawan nito at pansin niyang bumaba lalo ang heart rate ni Dean base sa ipinapakita ng monitor.
"This is the second time that I came here...pero hindi ka pa rin nagigising." saad nito na bahagyang ngumiti. Sa likod ng mga ngiti nito, puno ng kalungkutan, hinanakit at paghihirap, "But you know what? Soon magigising ka na rin at hindi mo na kailangang maranasan ang lahat ng 'to. I will be here for you no matter what happens." sandaling natigilan ito at pinunasan ang luha niya na kusang tumulo habang nagsasalita siya.
"Ang sakit lang isipin...n-na kahit alam kong ako ang gusto mong makasama at ako ang kailangan mo...I-i can't help you anymore...t-that's why I had to do this and I am asking for your forgiveness." pahayag niya.
"Sinubukan akong pigilan ni Julez...pero alam kong wala ng iba pang paraan para iligtas ka. I-i'm sorry, muffin. H-hindi ko na rin alam ang gagawin ko. I just know one thing that I can't lose you!" hindi na nito napigilan ang sarili niya at napaiyak na siya. Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang isang kamay ni Dean, "I-i can't even move even a little without you! Dahil sa takot...takot na baka magkamali ako at may mangyaring hindi maganda sa'yo." kung gaano kalamig ang kamay ni Dean ay ganoon din kalamig ang mga kamay ni Syden. Both of them felt one another's pain.
"T-that's why..." napalunok ito at tinitigan si Dean na hindi pa rin nagigising, "I had to sacrifice my happiness in order to save you. H-hindi ko na kasi alam kung paano ako mabubuhay kapag nawala ka! I didn't want to do it but I had to! Kaya nandito ako ngayon not because I want you to see me once you wake up...b-but because I'm here to bid my farewell, Dean Carson." tuluy-tuloy lang ito sa pag-iyak at wala na siyang nagawa kundi sabihin lahat ng gusto niya. This would be their last bonding together.
"I know that there are lot of things that we have to discuss...a lot of things to do together....happy memories that we have to remember...and talk about the past..k-kung paano tayo nagkakilala...k-kung paano tayo nag-umpisa and especially...kung paano natin natagpuan ang isa't isa. A-ang sabi mo sa akin..gagawin natin lahat ng 'yon hindi ba? P-pero bakit ganito?! I-i'm sorry for not being with you when you needed me the most. Alam kong marami akong pagkukulang sa'yo pero kahit na isang beses, hindi ka nagalit sa akin. You never wanted me to be controlled by you. Even though we are in a relationship, hindi ko naramdaman na naging makasarili ka. You are such a selfless person. You always care for me kahit na anong mangyari. I-i...want to do a lot of things together with you. Gusto kong bumawi sa'yo sa lahat ng pagkukulang ko pero paano ko gagawin 'yon kung nakikita kitang ganito?! Huh?! Tell me, Dean Carson, paano?! I don't want to do this pero kailangan, but we can still fix this kung susubukan mo akong tignan sa mga mata ngayon. Stop me from doing such things kagaya ng kung paano mo ako pigilan date! I...I-i just need you to wake up right now and tell me exactly what to do." tumigil ito sa pagsasalita at kahit pa ilang luha ang lumabas sa mga mata nito ay tila hindi siya nauubusan ng luha at kulang na lang ay mawalan na siya ng hininga dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman niya. Sandali itong napahawak sa dibdib niyang naninikip na unti-unting nagpapabigat sa pakiramdam niya.
"Can you please do me a favor, muffin?" tanong nito na dahan-dahang tumayo sa kinauupuan niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Dean. Nilapitan niya ito at diretsong tumitig sa mga mata niyang nakapikit pa rin. Nakita niya ang pagkaputla ng balat nito at ang nanlalamig niyang pawis na tuluy-tuloy sa pagtulo. Nakikita niya rin ang pagdaing ni Dean dahil sa sakit na nararamdaman niya ngunit hindi pa rin nito iminumulat ang mga mata niya kaya't nagpumilit na ngumiti si Syden, "I-i have to leave now...but can you please open your eyes and tell me that it will be alright?" tanong nito na halos mawalan na ng boses dahil sa pag-iyak niya. She knew that moment na kung matupad man ang hiling niya kay Dean ay mababawasan ang sakit na nararamdaman nito...but she only waited for nothing kaya mapait itong ngumiti. Napatingin siya sa monitor na nasa tabi nito at napapansin niyang bumaba pa lalo ang heart rate ni Dean kaya nag-umpisa na itong manginig, "I-i love you, my Dean Carson." lalo siyang lumapit kay Dean at dahan-dahan itong hinalikan sa noo habang tuluy-tuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya tinignan niya ulit si Dean, "Farewell, muffin." 'yon na lang ang mga huling kataga na nasabi nito bago tuluyang tumunog ng malakas at mabilis ang monitor. Bigla niyang naramdaman ang pwersahang paghila sa kanya papalabas ng clinic ng dalawang taong hindi niya makilala. Wala siyang ibang marinig o makita noong mga oras na 'yon kung hindi si Dean na nakahiga lang habang tuluy-tuloy pa rin siya sa pagluha.
Nanlaki na lang ang mata nito dahil bago pa man maisara ng tuluyan ang kurtina ay tila huminto ang oras dahil nakita niyang unti-unting bumukas ang mga mata ni Dean. Habang hinahawakan siya ng dalawang lalaki ay nagpumiglas siya para makalapit kay Dean na unti-unti namang tumitingin sa gawi niya, "Ilayo niyo na siya dito." saad ni Savannah habang napako kay Dean ang mga mata ni Syden at wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya dahil isang tao lang ang nakikita niya. She wanted him to see her that moment ngunit bago pa man makatingin si Dean sa gawi ni Syden ay tuluyan ng nagsara ang kurtina. Tila kusang tumigil ang oras ni Syden habang pwersahan itong hinihila palabas hanggang sa matagpuan niya ang sarili niya na nasa labas ng clinic at isinara na rin ang pintuan nito.
Hindi pa man nag-uumpisa ang laban pero pakiramdam niya talo na siya.
"Even for the last time, fate didn't let us meet." wala sa sariling saad nito habang nanlalabo ang paningin dahil sa mga luha niyang patuloy sa pag-agos.
To be continued...