webnovel

♥♡ CHAPTER 51 ♡♥

♡ Author's POV ♡

Pagkalabas nito sa kwartong pinanggalingan niya, agad niyang isinara ang pinto at napasandal sa pader. Nakayuko ito at ipinikit ang kanyang mga mata. Ang paghinga niya noong mga oras na 'yon ay hindi normal na tila ba anumang oras, malalagutan ito ng hininga habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya lahat ng sinabi ng presidente at ni Finn. Tears were about to escape her eyes but she knew that she had to be strong not just for herself pero para din kay Dean. Ang bigat ng loob na nararamdaman niya ay mas lalo pang bumibigat habang naaalala niya ang sitwasyon ni Dean. It really hurts habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang lagay ni Dean but she couldn't do anything to protect him. She knew that time na wala ng oras para pag-isipan niya pa ng matagal ang magiging desisyon niya. It's hard on her part but there's no other choice. 

Napalunok ito at nagbuntong hininga bago dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Instead of seeing a brighter side, sumalubong sa kanya ang napakadilim na hallway. There was not even a single light for her vision that time. She found out that time that sadness was slowly consuming her. Ang pinakamahirap sa lahat, when you need help the most, it's like nothing is there to help you...like you never exist. So you'll have no choice but to help yourself or else...you'll die alone and miserable. 

She didn't know what to do at higit sa lahat, wala siyang pwedeng pagsabihan if she still wants to protect him. Kahit gustuhin niya mang humingi ng tulong, she can't tell anyone about Dean Carson. She needed to bear the pain for the both of them. You protected me for a long time. It's now time for me to protect you. She stated to herself and a single tear went out of her eyes. 

Knowing that it was really dark across the hallway, nag-umpisa na itong maglakad paakyat ng third floor para balikan ang mga kasama nito at tignan ang lagay ni Julez. Mabagal ang paglalakad nito habang nakayuko. Hindi niya maipaliwanag kung gaano kabigat sa pakiramdam lahat ng natuklasan niya. Dahan-dahan itong umakyat hanggang sa marating niya ang third floor ngunit habang papalapit siya sa kwarto nina Dustin at Oliver kung saan nila nakita si Julez kanina, napansin niyang maingay ang hallway na tila nagkakagulo kaya napatingala siya. May nasasalubong siyang mga member ng Redblades at Phantoms na parang may hinahanap at hindi mapakali.

Nagsalubong ang kilay nito at nagmadaling pumunta sa kwarto nina Dustin at Oliver. Naabutan niyang nakabukas ang pintuan kaya nagmadali siyang pumasok sa loob ngunit nadatnan niya sina Roxanne, Icah, Maureen at Hadlee. Nakatayo silang lahat at hindi mapakali na mas lalo niya pang ipinagtaka at dahil sa presensya nito ay napatingin sila sa gawi ni Syden, "What happened?" nag-aalalang tanong nito na napapatingin sa labas dahil sa mga dumadaang miyembro ng grupo. Nang ibalik niya ang tingin sa apat ay napako ang mga mata nito sa bintana nang makita niyang basag na ito.

Agad na lumapit sa kanya ang tatlo at nauutal na nagsalita si Maureen kaya tinignan niya ito, "S-sy...s-si Julez ba...nakita mo?" hindi mapakaling tanong nito. Ramdam rin ni Syden na kinakabahan sila dahil sa tono ng pananalita ni Maureen. 

"Ha? Hindi, bakit?! May nangyari ba?" nag-aalalang tanong nito kaya nagkatinginan ang apat. Napansin ni Syden na agad umiwas ng tingin si Roxanne sa kanya, "A-anong nangyari?" with that, nag-umpisa na rin itong kabahan habang tinitignan ang apat. 

"Roxanne, anong nangyari kay Julez? Nasaan siya?" tanong pa nito kaya walang nagawa si Roxanne kundi tignan siya. Nilagpasan niya si Syden at naglakad papalapit sa pintuan habang nakaharap sa labas kaya napatingin sila sa kanya. Humugot muna ito ng lakas ng loob at nagbuntong-hininga bago hinarapan si Syden, "After you went out, we weren't able to keep him calm. Nag-umpisa nanaman siyang manginig at matakot ng husto kahit na wala naman kaming ginagawa. I-in fact, all of us tried to talk to him pero wala siyang pinapakinggan. I-i don't know what happened- bigla na lang siyang natakot ng walang dahilan...t-then nag-umpisa na siyang magwala. Nagsisigaw siya dito kaya nilapitan siya ni Clyde pero bago pa man siya makalapit kay Julez, bigla na lang sinuntok ni Julez ng malakas ang bintana kaya nabasag ito." nang marinig ni Syden ang sinabi ni Roxanne ay tinignan niya ulit ang bintana at nakita nga niyang bukod sa basag ito at may bahid pa ng dugo. 

"B-bago makalapit si Clyde sa kanya, he was already holding a part of that broken window. H-he threatened us that he would kill himself kung magpupumilit kaming lumapit sa kanya that's why when our members insisted na pipigilan nila siya, Clyde stopped them dahil baka kung ano pa ang mangyari knowing that Julez is an aggressive guy. Slowly, tinangka niyang lumabas ng kwarto habang nakatutok sa amin ang hawak niyang salamin. We didn't try to make any move para walang mangyaring hindi maganda and we let him go away but the thing is..." natigilan ito at napaisip kung itutuloy niya pa ba ang sasabihin niya habang nakatingin siya kay Syden but obviously, Syden was waiting for an answer, "While we were trying to catch him, bigla na lang siyang nawala at hindi pa namin nahahanap hanggang ngayon. It's already been 3 hours." she stated. Muling huminga ng malalim si Syden dahil sa mga narinig niya. Napaupo siya sa kama at napahilamos ng mukha gamit ang parehong kamay nito. 

"Ngayon lang namin nalaman na nakabalik na pala siya. We were informed by the group kaya agad kaming pumunta dito." umupo si Icah sa tabi nito at kinausap siya kaya napatingin siya dito, "Don't worry mahahanap din natin siya." she tried her best to comfort Bliss Syden pero  kahit na isang matipid na ngiti ay hindi lumabas sa mga labi niya.

"I'm just really worried. Someone told me that we should keep him. Kapag nalaman ng mga estudyante dito na nandito si Julez who was in Curse building before, surely they would kill him." pahayag niya. Napatayo ito sa kinauupuan niya habang nakatingin pa rin kay Icah, "That's why we need to find him first bago pa siya makita ng iba." at tinignan niya sina Roxanne, Maureen at Hadlee. Without hearing their response, mabilis itong lumabas ng kwarto at nag-umpisang maghanap. Even though there were students sa ibang kwarto na nadaanan nito, she didn't care much at pinagbubuksan lahat ng pinto para lang makita si Julez. 

Bawat pintong dinadaanan nito ay binubuksan niya kaya natatakot naman ang karamihan dahil sa ginagawa niya. Nang wala siyang mahanap sa third floor ay inakyat niya ang forth floor pero ganon pa din. She still couldn't find Julez kaya inakyat niya ang fifth floor. Naisip niyang wala rin si Julez doon dahil may mga Phantoms at Redblades siyang nakasalubong na tila kakatapos lang i-check ang buong lugar. Walang pinagbago sa mga itsura nila kaya alam niyang hindi pa nila nahahanap si Julez. 

Nang malagpasan na nila siya ay naiwan itong mag-isa habang nakatingin sa buong hallway. Kahit medyo madilim at iilang ilaw ang nakabukas, nakita niyang nakabukas lahat ng pintuan. So he's not here either. Saad nito sa sarili niya. Bahagya siyang napalakad habang walang ganang tinitignan ang paligid at sandaling napasandal sa isang locker. Muli siyang napapikit at naramdaman nanaman niya ang lungkot at sakit. Ang bigat ng pakiramdam na alam niyang hindi basta-basta mawawala. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? I'm tired. Mahinang sambit nito. Deep inside, alam niyang sa laban na 'to, bawal ang sumuko. Muling pumasok sa isip niya si Dean kaya kahit papaano ay nabuhayan ito na lumaban. Kahit hindi na para sa sarili niya, but to fight for him. 

Nakasandal pa rin siya doon at dahan-dahang binuksan ang mga mata nito. She might lose her sanity anytime pero pilit niyang nilalakasan ang loob niya. It is not the right time to give up everything. I've went this far, ngayon pa ba ako susuko? Tanong nito. Pilit niyang pinakalma ang sarili dahil kahit gusto niyang umiyak, alam niyang sa mga oras na 'yon hindi siya matutulungan ng mga luha niya. She had to take a deep breath many times hanggang sa unti-unting nawawala ang takot na nararamdaman niya. Ang mabilis na pagtibok ng puso nito ay bumabalik sa normal. She stood up properly at naisipang ituloy ang paghahanap. All of a sudden ay natigilan siya sa paglalakad ng may marinig ito. Muli siyang napatingin sa likuran niya at sa hindi inaasahang pagkakataon, kusa siyang napatingin sa locker na pinagsandalan niya. 

Dahan-dahan siyang lumapit doon dahil sa hinala nito. Maayos niyang tinignan ang locker na medyo malaki kumpara sa normal locker na ginagamit nila dati. The locker also contains a number written on the right side of it na napansin rin ni Syden. It says 'number 4'. Dahan-dahan niyang hinawakan ang handle nito. Malaki ang hinala niya na may tao sa loob dahil sa naririnig niyang mahihinang hikbi. Kumuha siya ng lakas ng loob at mabilis na binuksan 'yon. Her eyes widened in shock ng mapatunayan niyang tama ang hinala niya, "What are you doing there?" nag-aalalang tanong niya na napaluhod naman para tapatan si Julez. He seemed to be so scared at parang walang nakikilala. He was also crying and shaking.  

Sinubukan niyang hawakan si Julez pero umiwas ito kaya agad niyang inilayo ang kamay niya. Hindi siya tinitignan ni Julez at nakayuko lang ito. Pinagkasya nito ang sarili niya sa loob ng locker kaya umupo siya sa loob nito habang yakap-yakap nito ang sarili niya, "Ano bang nangyayari sa'yo, Julez?" tanong pa niya pero hindi pa rin sumagot si Julez. 

"It's fine. Wala ka na sa Curse building. You are in other building. No one can hurt you here dahil nandito kami." dagdag pa niya. Dahil sa sinabi niya, dahan-dahang napatingin si Julez sa kanya. 

"You're safe here."

"But he's not." sagot ni Julez habang umiiyak kaya nagsalubong ang kilay ni Syden, "What?"

"Dean. I-i was able to come here...b-but I don't even have an idea kung nasaan siya and how is he right now. I witnessed how he suffered so much because of me." his eyes were full of hatred towards himself. That's how he feels sa sarili niya kaya umiling si Syden. 

"No, you're wrong. His sufferings was not your fault. He wanted to save you but it doesn't mean na kasalanan mo ang paghihirap niya."

"His sufferings started because of me. You know why?" tanong nito. Tuluy-tuloy pa rin siya sa pagluha because he was blaming himself, "I didn't know that everything would end up like this. I-i just wanted to have a normal life that's why I stopped being a demon. I wasn't able to enjoy every second of my life within these walls. When I was separated from all of you, naisip kong kailangan ko ng itigil ang pagpatay dahil ayaw ko na, I was tired...so d*mn tired! I was able to control my temper and just like how I wanted, for a while I was able to live in peace. Someone fell in love with me and I just couldn't believe it, I was never interested. I rejected her many times and because of that, she cursed all of us and the people around me. That day hell came in my life again. Everyone died because of different accidents and they believed that I am the source and the source must be killed. Dahil ayaw ko ng dungisan ng dugo ang kamay ko, I had to bear the pain kahit gaano kasakit. Tiniis ko lahat ng paghihirap sa building na 'yon kahit na lahat sila pinagtutulungan ako. Do you know the feeling?" diretso silang nakatingin sa isa't isa at kusa na lang tumulo ang luha ni Syden. She could also feel Julez's sufferings.

"That you didn't even do something wrong, pero ang tingin ng lahat sa'yo, isa kang pagkakamali...that you shouldn't have existed from the start. That even a single move you do, mali na sa paningin nila. Bawat kilos at galaw ko, mali. Until I started to think that I should have never existed. Bumaba ng bumaba ang tingin ko sa sarili ko, I started blaming myself for all of this. I-i started to blame my existence to the point that I wanted to end the pain. Itatanong mo na lang sa sarili mo kung anong nagawa mong mali para parusahan ka ng ganito. Na kahit anong gawin mong tama, mali ka pa rin sa paningin nila. I really wanted to tell anyone how I really feel, but no one was there to listen. I started to question my existence and I simply want to end it."

"But we're here now, Julez. I am here to listen." mahinang saad ni Syden. 

Umabot muna ng ilang segundo bago ito nagsalita, "Would you still listen kung sasabihin kong kasalanan ko ang lahat kung bakit hindi maganda ang sitwasyon ni Dean ngayon? If he didn't plan to save me, hindi magiging malala ang sitwasyon niya at hindi malalaman ng mga estudyante. They knew his situation so instead of killing me, they wanted to kill him. It was my fault." he blamed himself kaya umiling si Syden.  

"That's not true. You should just appreciate what he did to save you instead of blaming yourself, Julez."

"But I don't know how I came here and where he is right now." Julez might look strong but we can't deny that sometimes, our weaker side shows itself. Syden thought about something at sandali niyang pinag-isipan kung sasabihin niya ba ang totoo. Napatingin siya sa paligid at nang masiguro niyang walang makakakita o makakarinig sa kanila ay tinignan niya si Julez. She had to think of another way kung paano niya makukumbinsi si Julez na sumama sa kanya upang maitago ito.

"Listen to me carefully. If you are looking for him, don't worry. Dean Carson is somewhere here." mahinang saad nito kaya natigilan si Julez at nagsalubong ang kilay nito, "W-what?" 

"You heard it right. He's somewhere here in this building."

"Then how is he?" halata sa tono ng pananalita ni Julez na nag-aalala siya. 

"He's still regaining his strength but this should just be a secret. Naiintindihan mo ba Julez? Sa ating dalawa lang 'to. No one must find out even the group so that we can protect him." tumango naman si Julez dahil sa sinabi ni Syden, "And you also need to protect yourself."

"Fine. I won't say anything." sagot naman ni Julez na ikinatango ni Syden at bahagyang ngumiti, "Good."

"So Dean Carson is here?" Syden's eyes widened in shock ng marinig ang nagsalita. Dahan-dahan itong napatingin sa hallway at naaninag ang isang lalaking may hawak na kutsilyo ngunit hindi niya makita ng maayos ang mukha nito dahil medyo madilim. 

"I heard that he was in Curse building and he's already weak. I've been longing to kill him."

Dahan-dahang tumayo si Syden at isinara ang locker kung nasaan si Julez para protektahan ito, "Who are you?" masamang tanong nito at naging seryoso ang mga mata niya. Clearly, matagal ng nakikinig ang lalaking 'yon sa usapan nila ni Julez kaya nalaman niya ang tungkol kay Dean.

"I'll let everybody find out about this." saad ng lalaki na tinalikuran na si Syden kaya nakaramdam ito ng kaba. Nang makita niyang mabilis na naglalakad ang lalaki papalayo sa kanya ay madali niyang hinabol ito at inipit ang leeg nito gamit ang braso niya kaya napasigaw ang lalaki na pilit inaalis ang braso ni Syden sa pagkakaipit sa kanya. Nasa likuran naman ng lalaki si Syden, "No one must find out about this." masama at madiing sabi nito. Napalitan ng galit ang mga mata ni Syden.

"No one could stop me. Ipapaalam ko sa lahat ang tungkol sa boyfriend mo. We'll definitely find where he is and we will kill him." dahil doon, mas hinigpitan pa ni Syden ang pagkakasakal dito, "Don't you dare, you f*ckin bastard!" pilit na inaalis ng lalaki ang braso ni Syden sa pagkakasakal sa kanya ngunit hindi niya magawang gumalaw.

Dahil sa paglilikot ng lalaki ay naiharap ni Syden ang lalaki sa may locker kung saan nakatago si Julez. She was trying her best para hindi makawala sa kanya ang lalaking hawak niya. After a second, ang pagpupumiglas ng lalaki ay biglang naglaho. Tila nanghina ito na ipinagtaka ni Syden hanggang sa makita niyang nakabukas na ang locker at kakalabas lang ni Julez doon pero nakakatakot ang tingin nito sa lalaki. Tinignan ni Syden ang lalaki at nabigla siya ng makitang may saksak ito at may nakatusok na kutsilyo sa bandang dibdib nito hanggang sa maglabas siya ng dugo sa bibig niya. Unti-unting bumagsak ang lalaki kaya binitawan siya ni Syden. It was clear that Julez had to throw the knife towards the man. 

Tinignan niya lang ang lalaki hanggang sa unti-unti itong maputulan ng hininga. Lumapit si Julez doon at pareho silang nakatitig sa lalaki hanggang sa tignan niya si Syden kaya nagtama ang paningin ng dalawa. Julez's words directly turned her into her own demon habang seryoso ang tinginan ng dalawa, "Accept the fate. We need to kill in order to protect. That's what we have to do now...to kill or let him be killed." Syden only thinks about one thing and that is...

to protect him. 

To be continued...

Próximo capítulo