webnovel

♥♡ CHAPTER 38 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

Pagkatapos naming mag-usap ni Dave, kumalma na siya lalo na't ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Pero sinigurado kong kami lang dalawa ang nakakaalam sa totoong intensyon ko kung bakit ako nakipag-kaibigan kay Finn.

Nakuha naman ni Dave ang ibig kong sabihin kaya sigurado akong bukod sa aming dalawa, wala ng iba pang makakaalam lalo na ang grupo, dahil ngayon kailangan ko sila sa plano ko at magiging epektibo lang 'yon kung hindi nila alam para magmukhang totoo ang lahat at tuluyan kong mapapaniwala si Finn.

Papunta kami ngayon sa bloody room ng Blood Rebels dahil pagkatapos naming mag-usap ni Dave, inaya niya ako doon dahil nagpapatawag daw ng meeting si Clyde. Tinanong ko siya kung para saan ang pag-uusapan pero wala naman raw binanggit si Clyde.

"Alam kong nahihirapan ka at mas mahihirapan ka dahil sa plano mo, but don't worry. I am just here anytime kung kailangan mo ng tulong." saad nito habang naglalakad kami sa hallway kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti, "I know, Dave. Thanks" tumango ako at itinuloy na namin ang paglalakad hanggang sa matanaw na namin ang bloody room lalo na't nasa labas ang ilang members na parang hinihintay pa ang iba.

Aktong papasok kami ni Dave ng matigilan kami dahil nakita namin si Raven. Natigilan din siya sa paglalakad at nagkatinginan lang kaming dalawa. Nakakapagtaka lang dahil hindi niya kasama si Leigh at siya lang mag-isa. Alam ko malungkot siya dahil nakikita ko sa mga mata niya, pero sino nga ba ako para pakielaman pa ang buhay niya kung nakalimot na siya.

Huminga ako ng malalim at tinignan ko si Dave, "Tara na" saad ko dito at nilagpasan namin siya pero natigilan ako ng magsalita ito, "Sy, pwede ba tayong mag-usap?" tinignan ko siya dahil doon.

"After all what you've done, natatandaan mo pa pala na may kapatid ka?" natatawa at mapang-asar na sabi ni Dave kaya tinignan siya ni Raven at tinapunan niya rin ng masamang tingin si Dave, "Pwede ba, Dave? Hindi ikaw ang kausap ko." seryosong sabi nito.

"I thought ako ang kausap mo..." tumingin si Dave sa taas na parang may iniisip, "As far as I know..." tapos tinignan niya ulit si Raven, "Pinagbawalan ka nga pala ni Dean na lumapit kay Syden or even talk to her." pahayag niya na ipinagtaka ko.

"What do you mean?" tanong ko kay Dave tapos tinignan ko si Raven na halatang umiiwas sa tingin ko at galit na galit itong nakatingin kay Dave.

"Tumigil ka na, Dave. Hindi ako pumunta dito para gumawa ng gulo." galit na sabi ni Raven.

Lumapit sa kanya si Dave at nagkatapatan silang dalawa, "Of course, hindi ka gagawa ng gulo...kasi gumawa ka na ng gulo. Tell her!" saad ni Dave na itinuro ako habang nagkakatitigan pa rin silang dalawa ng masama. Nag-umpisa na ring maglabasan ang ibang members dahil sa nangyayari at nakatingin sila sa aming tatlo.

"Tell your sister what did you do pagkatapos makiusap sa'yo ni Dean. Tell her!" dagdag pa niya hanggang sa tignan ako ni Raven.

"Raven, ano bang sinasabi ni Dave? Nakiusap sa'yo si Dean? For what?" naguguluhang tanong ko. As far as I know, never nakiusap si Dean unless it's really necessary. Tsaka anong ipinakiusap niya kay Raven?

Ilang segundo kaming natahimik dahil mukhang walang balak na magsalita si Raven kaya natawa si Dave at nginitian ng masama si Raven habang nagkakatapatan pa rin sila, "Look, you can't even tell her the truth. Sabihin mo sa kapatid mo kung paano mo sinigawan at sinagot-sagot si Dean noong nakikiusap siya sa'yo- " sigaw ni Dave at bigla na lang siyang natumba sa sahig ng biglaan siyang sinuntok ni Raven at nabigla kaming lahat sa nangyari.

Pinunasan ni Dave ang labi niya gamit ang kamay niya at ng tignan niya ito, nakita niyang may dugo kaya alam niyang dumugo na rin ang labi niya dahil sa suntok ni Raven. Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang tumayo si Dave at ginantihan din ng suntok si Raven kaya siya naman ang natumba sa sahig.

"Pwede ba tumigil kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan din ako sa mga sinabi ni Dave dahil parang napaka-imposible naman atang gagawin ni Raven 'yon kay Dean. Pero kung totoo man ang lahat ng 'yon, mas maganda siguro kung si Raven na mismo ang nagsabi sa akin ng totoo bago ko pa nalaman sa iba. He's just giving me enough reason para mas sumama pa ang loob ko sa kanya.

Kahit ilang beses akong sumigaw, nagtuluy-tuloy pa rin silang dalawa sa pagsusuntukan at kitang-kita ko sa mata nilang dalawa ang sobrang galit. Pinigilan na rin sila ng ibang members, especially yung mga members ni Clyde pero kahit sila ay hindi nakasingit sa pag-aaway ng dalawa. Masyado silang agresibo. Ang problema, hindi pa dumadating sina Clyde at ang mga Vipers dahil mas malaki ang posibilidad na sila lang ang makakapag-patigil dito sa dalawa.

"Tumigil na kayo pwede ba!!" sigaw ko pero parang wala silang narinig.

Napupuno na rin ng dugo ang sahig dahil sa mga sugat na natatamo nila at bugbog sarado na silang dalawa pero tuluy-tuloy pa rin sila sa pagsusuntukan. Aktong susuntukin ni Raven si Dave ay nabigla na lang kami ng pareho silang mapahiga sa sahig, "WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?!" galit na tanong ni Clyde.

Halos kakarating lang nila ni Roxanne at sa likuran nila ay yung mga Vipers. Si Clyde ang sumuntok kay Dave at si Dustin naman ang sumuntok kay Raven kaya napahiga sila sa sahig at napahawak sa mga tiyan nila.

"BALAK NIYO BANG MAGPATAYAN DITO?! WHAT IF MAY MAKAKITANG IBA?! ANONG SASABIHIN NG IBA HA?! NA TAYO MISMONG MAGKAKA-GRUPO NAG-AAWAY?! DID YOU EVEN THINK NA KUNG SAKALING DUMATING SI DEAN AABUTAN NIYA TAYONG GANITO?! NAG-IISIP BA KAYO?!" sigaw nito kaya natahimik ang lahat. Si Roxanne nagkibit-balikat at napailing na lang na parang hindi makapaniwala. 

"Pare-pareho tayong malilintikan sa kanya kung ganyan kayo" dagdag pa ni Roxanne. Si Dave at Raven ay inalalayan naman ng ibang Vipers para makatayo pero tinapunan lang nila ng masamang titig ang bawat isa.

"All of you, get inside! Kailangan nating magusap-usap!" sigaw ulit ni Clyde na nauna ng pumasok sa loob kaya sinundan siya ni Roxanne. Pagkapasok ng iba sa loob, muntik pang mag-away ulit sina Dave at Raven pero pinigilan ng ilang members kaya hindi 'yon natuloy. Bago kami lahat pumasok, masama pa rin ang tinginan nina Raven at Dave. 

Pagkapasok namin, naghanap ang lahat ng pwesto at umupo sa sahig dahil wala namang laman ang bloody room. Ang iba nasa gitna, habang ang iba naman, nakaupo at nakasandal sa pader, sina Roxanne at Clyde naman nasa pinakaharap at pareho silang nakatayo habang hinihintay ang iba. Nang makapasok na kaming lahat, isinara ko ang pinto dahil ako ang pinakahuli, umupo na lang ako malapit sa pintuan na medyo malayo sa kanilang lahat at sumandal ako sa pader hanggang sa magsalita si Clyde. 

"Siguro naman may idea kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat?" saad nito habang tinitignan kaming lahat, "Simula ng umalis si Dean, nagkagulo na tayo because of misunderstandings. May mga problemang kaya namang ayusin..." sinamaan niya ng tingin sina Raven at Dave na nakaupo lang sa magkabilang-sulok ng kwarto malayo sa isa't isa, "Pero pinapalaki pa." sabi niya sa kanilang dalawa kaya iniwasan nila ang tingin niya tapos hinarapan kami ulit ni Clyde. 

"Nagkakaproblema tayo hindi lang sa grupo, kunti pati na rin sa relasyon natin sa iba. Whether you like it or not, aayusin natin 'to ngayon dito." pahayag ni Clyde. 

"May mga bagay na mahirap ng ayusin." biglang singit ni Dave kaya napatingin kami sa kanya.

"Or baka ayaw mo lang ayusin?" sagot naman ni Raven habang nakangiti ng masama kaya muling napasigaw si Clyde, "You two! Could you please shut up or else palalabasin ko kayong dalawa dito?!"

"Sinusubukan nating ayusin 'to kaya huwag niyong umpisahan." saad ni Roxanne na sinamaan naman ng tingin ang dalawa.  

"If Dean is back, siguradong maaayos ang lahat ng 'to. Kailan ba siya babalik?" tanong ng isang member ni Clyde. 

"That's exactly the reason kung bakit tayo nandito. Mas maganda, bago siya bumalik maayos na ulit ang grupo. If hindi pa siya nakakabalik, we'll find a way to take him back. Pero paano natin gagawin 'yon kung tayo mismo nagkakagulo at ang iba, hindi magkasundo?" tinignan ulit ni Roxanne sina Dave at Raven ng masama.  

Bigla na lang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat doon. Nagtaka na lang ako kung bakit hindi sila magkasama ngayon samantalang madalas naman silang magkasama. Pagkapasok ni Leigh, dahan-dahan niyang isinara ang pinto at hinarapan kami, "S-sorry. I'm late." mahinang sabi nito habang nakayuko siya at nanginginig ng konti kaya nag-alala ako. Nakita kong tumingin siya sa sulok kung nasaan si Raven pero nag-iwasan din silang dalawa ng tingin bago umupo si Leigh sa tabi ko pero hindi masyadong malapit sa akin. 

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Bahagya siyang ngumiti at yumuko din naman agad. Pansin kong matamlay siya pero hindi ko na lang pinansin lalo na't nagsalita ulit si Clyde, "I'm sorry kung makikielam ako sa mga personal na buhay niyo but we need to interfere para maayos natin 'to, because of our personal problems, nadamay ang samahan na meron tayo sa grupo and this must be the first thing that we should fix. I hope you understand." tumango naman kaming lahat ng sabihin ni Clyde 'yon hanggang sa magsalita si Roxanne. 

"We'll confront you with this problem. Isang sagot, isang tanong...we need an honest answer. Kung gusto niyong maayos 'to, you should cooperate." tinignan ni Roxanne ang paligid na parang may hinahanap pero una niyang nakita si Raven. 

"Sean Raven" sabi niya kaya napatingin kaming lahat kay Raven na napatingala at tinignan niya si Roxanne. 

"Lately, your relationship with Gwen is not doing well and I know that. You almost forgot about the group which is not good at umiiwas kayong pareho. Can the both of you fix it or do you need our help?" tanong ni Roxanne kaya nagkatinginan sina Raven at Leigh. Ilang segundo silang nagkatitigan pero hindi ko alam kung bakit parang nag-aalala si Raven habang nakatingin kay Leigh. May nangyari bang hindi maganda sa kanilang dalawa? Hindi rin sila magkasama ngayon. 

Hinintay rin namin ang magiging sagot nilang dalawa hanggang sa tumango si Leigh at pilit na ngumiti kay Raven na parang sinasabi na maaayos nila ang problema nila. Sandaling napayuko si Raven bago tinignan si Roxanne at tumango, "Don't worry. We can handle this together." binalingan niya ulit ng tingin si Leigh pero yumuko lang ito at hindi na tinignan si Raven. Gustung-gusto kong magtanong kay Leigh pero may pumipigil sa akin para magsalita. 

"If you say so. Then, what about your problem with Dave?" tanong pa ni Roxanne na tinignan si Dave. 

"Makikipag-ayos ako kay Dave..." saad ni Raven pero bigla niya akong tinignan kaya nagtaka ako, "But I need to talk to my sister first. Hindi lang ako sure kung kaya nilang makipag-ayos sa akin but I can't blame them too." dagdag pa niya. 

This time ako naman ang tinignan ni Roxanne kaya nagtaka ako. Until I realized na naghihintay silang lahat sa sagot ko kaya nagsalita na rin ako at tumango, "I'll talk to my brother. Marami din naman akong gustong itanong sa kanya." sabay tingin ko kay Raven na nakatingin din sa akin. Why do we feel like we are all guilty?

"How about you, Dave? As I could see, parang wala kang interes na makipag-ayos?" tanong naman ni Clyde kay Dave na parang wala pa rin sa mood. 

"I just can't believe that he would act like that infront of Dean...but as long as magiging okay silang dalawa ni Syden, willing din naman akong makipag-ayos..." tapos tinignan ni Dave si Raven na nakatingin din naman sa kanya, "I just need an explanation" saad nito at inialis na ang tingin kay Raven.  

"Well all of us need to hear that explanation" pagsasalita ni Oliver habang nakatayo at nakasandal sa pader, tinignan niya rin si Raven kaya alam na namin na gusto ng explanation ng vipers sa kanya pero hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-explain, for what reason?

Tinawag din ni Roxanne ang ilang Phantoms at Redblades na may mga problema rin sa isa't isa. There are these two Phantoms na inlove sa isang Redblades kaya nagkakagulo rin sila but good to know that they will be going to fix it. Ngayon ko lang napag-alaman na bukod pala sa main members, nagkakaproblema rin ang mga nasa baba. Coincidence lang ba talaga ang lahat ng 'to? 

Pagkatapos ng usapang 'yon, magpapaalam na sana sina Roxanne at Clyde hanggang sa may magsalita kaya bago kami nakatayo, natigilan kami, "How about Bliss Syden?" tanong ng isang Redblades kaya natahimik kaming lahat na lubhang ipinagtaka ko. 

"W-what?" tanong ko dito. Tuluyan kaming napatayo ng dahan-dahan habang nasa akin lahat ang atensyon nila, "Aren't you going to ask her if may relasyon ba talaga silang dalawa ni Phoenix Vernon, araw-araw kasi magkasama sila. Imposibleng wala silang ginagawa. "

"At ano naman sa tingin mo ang ginagawa naming dalawa?" sagot ko dito. 

"Who knows, eh nag-start lang naman ang pagsasama ninyo simula ng hindi makabalik ang  boyfriend mo, right?" pagtataray nito sa akin kaya natawa na lang ako as expected. 

"Right, could you please give us some explanation para naman maliwanagan kami kung bakit bigla na lang kayong nagkaroon ng unknown relationship ng lalaking 'yon?" curious na tanong ni Roxanne. I've seen all of them kung paano nila ako tignan. I didn't like it. The way how they used to look at me before is different from now, simula ng mangyari sa akin 'yon parang maraming nagbago, especially kung paano ako pakitunguhan ng ibang members. Iwas ang iba sa akin. Yung iba, halatang nandidiri. So what?

Natawa na lang ulit ako dahil doon, "Believe what you want to believe, alam ko kung anong tumatakbo sa isip niyo ngayon at hindi ko responsibilidad na mag-explain...dahil wala akong ginagawang masama. If that's what you think about me now, wala na akong magagawa." pinag-taasan ko sila ng kilay dahil kahit alam kong may isa sa kwartong 'to ang nakakaintindi sa akin, hindi ko pa rin maiwasang mainis kaya pagkatapos kong sabihin 'yon, umiling ako habang nakangiti ng masama at mabilis na lumabas. Iniwanan ko na silang lahat pero alam kong may sumunod sa akin sa paglabas ko sa bloody room dahil naririnig ko ang bawat yapak nito sa likuran ko. 

Itinuloy ko ang paglalakad at mas binilisan ko pa ng hindi ko tinitignan kung sino ang nakasunod sa akin. Bago ko pa man malagpasan ang katapat kong classroom, naramdaman kong hinawakan nito ang braso kaya napaharap ako sa kanya. Nagtaka na lang ako kung bakit siya pa ang nagbalak na sundan ako, "What do you need?" seryoso kong tanong sa kanya.

Napayuko muna ito bago ako ulit tinignan, "P-pwede ba tayong mag-usap?" kinakabahang tanong ni Leigh sa akin kaya tinitigan ko muna siya ng ilang segundo bago ako tumango, "Sige."

To be continued...

Próximo capítulo