♡ Dean's POV ♡
I came out of my room na dala-dala pa rin ang sakit na nararamdaman ko. Mabigat sa pakiramdam pero kailangan kong labanan or else, I will totally lose.
Nadatnan ko na nakabantay pa rin sina Roxanne at Clyde sa labas at hinihintay ako, "So, what's your plan?" tanong ni Clyde.
"I need to talk to her twin-brother. Besides, sa lahat naman ng tao dito bukod sa akin, si Sean ang isa sa mga lubusan niyang pinagkakatiwalaan" tumango sila at nakita namin ang mga paparating na members ni Clyde.
Sinenyasan niya ang mga ito kaya lumapit din naman sila agad sa amin, "Bantayan niyo muna si Syden at kahit anong mangyari, huwag niyong iiwanan" saad nito kaya tumango naman ang mga members niya.
Nag-umpisa na akong maglakad dahil sigurado naman ako na susundin nila ang utos niya. Sumunod din naman silang dalawa sa akin at pupuntahan ko si Sean ngayon. Kailangan ko siyang makausap lalo na't aalis ako.
That is only for three days pero para sa akin, sobrang tagal noon. Hindi lumilipas ang bawat minuto na hindi ko siya hinahanap-hanap...my sweetie. Hindi ko maiwasang ngumiti nang maalala ko siya, yung mga ngiti niya. Hope she'll be fine sooner.
Pagdating namin sa tapat ng kwarto niya, kumatok ako at naghintay muna ng ilang segundo bago niya binuksan. Hindi na ako magtataka kung bakit may kasama siya, simula ng magka-aminan silang dalawa ni Leigh, hindi rin lumipas ang araw na hindi sila nagkasama. Parang nakadikit na sila sa isa't-isa and he became overprotective since binalikan ni Kevin si Leigh dati.
Kulang na lang, bakuran nila ang isa't-isa but I don't care, it's their relationship.
"Dean, bakit kayo nandito? May problema ba?" tanong nito na nag-aalalang nakatingin sa aming tatlo. Humakbang ako ng isang beses papasok pero hindi ko na rin sinara ang pinto dahil nasa labas sina Roxanne at Clyde...panigurado nagmamasid sila.
Nakatayo siya sa harap ko at nakaupo naman si Leigh sa kama nito. Halatang nabigla sila sa pagdating ko, "We need to talk...about your sister" saad ko dito.
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan dahil paniguradong maguguluhan sila. Hindi ko rin naman nasabi sa grupo ang plano ko pero alam na nila Roxanne at Clyde dahil minsan ko ng ikinwento ng palihim sa kanila. But soon, malalaman na rin ng buong grupo.
"Bakit? May nangyari ba?" pag-aalala niya pa.
"Nothing but...I just want to ask you a favor kung pwedeng bantayan mo muna siya habang wala ako" nalito siya sa sinabi ko at parang inaabsorb pa lahat ng 'yon.
"Ha?! Aalis ka? Saan ka pupunta?" nalilitong tanong niya.
"Kailangan kong iligtas si Julez. He badly needs my help. Hindi ko siya pwedeng pabayaan" alam kong magulo pero kailangan nilang malaman.
Kung alam lang nila, I don't want to leave my girlfriend in that situation lalo na't hindi pa siya okay.
"Bakit napunta si Julez sa usapan?" tanong pa nito.
"Didn't you hear the news about Curse building? Julez is the target. He might die there anytime" saad ni Clyde.
"Look Sean, I've been given a chance to save him because I am the only who is capable to do so. What I want is for you to give me a little time. With that little time, it would be a big favor and that's...that's to be with your sister. Konting panahon lang naman ang hinihingi ko"
"Wait! So, iiwan mo si Syden?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"It's not like that- "
"Kakasabi mo lang dba?! Humihingi ka ng panahon sa akin kasi iiwanan mo siya. Alam mo Dean at alam nating lahat dito kung sino ang pinaka-kailangan niya! At ikaw 'yon!"
And with that, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. D*mn hindi ba siya nakakaintindi?!
"I know! Alam ko 'yan pero wala akong choice! Tingin mo ba ginusto kong mangyari lahat ng 'to?! I can't let Julez die out there!"
"So mas uunahin mo siya kaysa sa kapatid ko?!"
"What's happening here?" dinig ko ang boses ni Dave at alam kong lahat ng Vipers nandito na rin at nagtataka sila kung anong nangyayari. Tabi-tabi lang naman ang mga kwarto namin kaya hindi malayong marinig nila ang sigawan namin lalo na't agresibo sila sa lahat ng bagay.
"Of course, not! Everyone knows na ayaw kong iwan si Syden kaya nga nakikisap ako sa'yo dba?! Mahirap bang intindihin 'yon?! Palibhasang inaatupag mo pa kasi yung relasyon niyo kesa sa kapatid mo. Can't you see, hindi natin alam kung ano talagang nangyari? Your sister can't talk!"
"Bakit pati relasyon namin pinapakeelaman mo?! Ni minsan hindi ko kinwestyon ang relasyon na meron kayong dalawa ng kapatid ko?!" at tinulak niya ako.
F*ck!
"Bakit mali ba ako?! Hindi ba mula noong araw na nangyari 'yon kay Syden, minsan muna lang siya binibisita kasi busy ka na sa girlfriend mo?! Oo, maling makielam ako pero nakalimutan mong may kapatid ka!"
"Huwag mong dinadamay yung girlfriend ko dito!"
"Hindi ko siya dinadamay, Sean! Sinasabi ko lang na alam mo na yung sitwasyon ni Syden pero dahil nandyan si Leigh, nakalimutan mong may kapatid ka. Hindi lang ako ang kailangan niya dito. Kailangan ka din niya!"
"Hindi ako nakalimot!"
"Really?! I could see you're lying" at napangisi ako. Anong patutunguhan ng usapang 'to? sh*t!
"Bakit!? Ano bang alam mo?! Hindi lahat ng bagay sa mundong 'to alam mo!"
"Wala akong sinabi na alam ko lahat. Ang simple lang naman ng hinihiling ko, bakit hindi mo magawa?!" I badly want to punch him, pero hindi ko magawa dahil kakambal siya ni Syden.
My body started to tremble in anger.
"Ikaw yung kailangan niya! Sa tuwing umiiyak siya at nahihirapan, sino lang ba ang kaisa-isang tao na nakakapag-pakalma sa kanya?! Hindi ba ikaw?! Sinisisi mo yung sarili mo sa nangyari sa kanya tapos eto nanaman, iiwan mo nanaman siya?!"
"I can't just leave Julez out there to die!! Tandaan niyo kung anong ginawa ni Zorren para sa grupong to! Two members sacrificed their lives at si Julez lang ang binilin ni Zorren sakin! 'Yun lang ang kaisa-isang hiling niya before he died. I promised to take care of Julez!"
"At bakit ngayon mo lang naisip na gawin' yan?" at parang natawa siya, "So you're concern now about someone's life? Wala ka namang pakielam kung sinong mamatay dba?! Kaya nga takot lahat sa'yo?!" sagot niya sa akin.
Good reason para mapatayo si Leigh at hawakan ang braso ni Sean para pigilan ito.
"Sean Raven, stop" singit ni Clyde kaya napatingin siya dito.
"So yung dati mong kaaway, kakampi mo na ngayon?" at muling natawa. Ibinalik ang tingin sa akin...
"Since when did you become like this, Sean Raven?" tanong ni Roxanne.
"So ngayon, pinagtutulungan niyo ako?" hindi makapaniwalang tanong nito. G*ddamn!
"Raven, tumigil ka na" pakiusap ni Leigh sa kanya.
"Kung ayaw mo Sean, simply tell him na ayaw mo. Hindi yung kung anu-ano pa yung pinagsasasabi mo dyan. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo at kapatid mo ang pinag-uusapan dito. If you're not that concern to her, huwag ka na lang magsalita ng kung anu-ano and please stop being so selfish this time" pahayag ni Dave.
"Lahat tayo may pagkukulang dito. Ikaw ang nilalapitan ni Dean kasi bukod sa kanya, ikaw ang may kayang pagalingin si Syden at ibalik sa dati. Kung hindi mo pa rin maintindihan, huwag na tayong magsayang ng oras dito. Just spend your time with your girlfriend" dagdag pa ni Dustin. Pagkatapos noon, umalis na silang dalawa ni Dave na halatang dismayado.
"Hindi na kita kilala. Nakuha mo lang ang gusto mo, nagbago ka na. If you're not really concern to my girlfriend. Hindi na kita papayagang lumapit sa kanya. Just do whatever you want to do" sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran na siya kaya sumunod na rin ang iba sa akin maliban kay Roxanne na nagpaiwan sa hindi ko alam na dahilan.
Tumigil na lang ako sa paglalakad ng mapunta ulit ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. I stood there steadily for a few minutes, thinking what should I do.
Until I slowly held the door knob. I was about to open the door when Clyde came na kasama na si Roxanne. Tinignan ko sila and I knew that they were patiently waiting for me to open the door...curiously thinking what I would do next pero binaba ko ang kamay ko and beside the door, sumandal ako sa pader.
"Why don't you go in?" Roxanne asked at nagsalubungan ang kilay.
I smiled bitterly and sighed heavily, "I really wanted to...but for now" napayuko ako, "I can't. Baka hindi ko na ituloy ang plano kong pag-alis kapag pumasok ulit ako ngayon. She might stop me again at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na huwag siyang iwan"
Gusto kong ako ang katabi mo, pero kailangang iwanan muna kita...babalik din naman ako. I just want to save our little brother.
"Pinuntahan ko lang naman si Sean para kausapin because I know na isa din siya sa mga taong kailangan ni Syden...but I never knew that everything would end up like this" at tinignan ko silang dalawa.
Napabuntong hininga si Roxanne at nagsalita, "Don't worry. Kinausap ko na si Leigh about kay Sean Raven. I don't know but since naging sila, they are too clingy and almost forgot everything. The way he talked to you, I didn't like it. You should have had beat him" saad nito na parang nadismaya sa nangyari. Well, I didn't expect him to act like that too.
"I couldn't hurt him because I know that Syden really loves her brother" and I smiled pretending that it was really okay while obviously not. Good to know that I somehow managed to control my temper nowadays.
"You know that I don't really want to leave...i-it's just that I can't let our younger brother die out there. Everyone is aiming for him"
"But you are the only who is capable of saving Julez right kaya ikaw lang ang pinapayagan? I know mahihirapan ka, but we're here for you. You can do it and I'm sure na pagbalik mo, magkakausap na kayo ng girlfriend mo. We take the blame too because of what happened to her. Sorry, Dean" she said.
"We're all just the same. The whole group blames itself for what happened to her. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari...but tell me, am I not enough to completely heal her?" sadly, I just have to accept na hindi siguro ako sapat.
"You're more than enough, Dean. It's just that...paano siya gagaling kung siya mismo hindi niya matanggap ang nangyari?" Clyde said.
"First of all, siya dapat ang mauunang tatanggap sa nangyari. If she can't accept it, she won't really realize na may mga taong nandyan para sa kanya. You've fought enough para sa relasyon ninyong dalawa. It's time to test her too...kung hanggang saan ka niya kayang ipaglaban despite of what happened" -R
I gave them a true smile, "I believe in her. She might look weak but actually, she's a strong and brave girl. Alam kong malalampasan niya 'to. Siya yung klasi ng taong madaling mahirapan pero mahirap sukuan. That's how much I love her"
"You should tell her that when you get back" saad naman ni Clyde kaya pareho kaming ngumiti until someone approached us at nakilala ko siya.
It's Amber Samson.
Her secretary.
"It's now time" she said to me. Muling siyang tumalikod kaya sumunod na ako, "Take care of her. Iiwan ko muna siya sa mga kamay niyo. Please, don't let her cry alone...kahit magkalayo kami, I want her to feel safe and secured" I said to them kaya tumango sila at ngumiti kaya't tuluyan ko na rin silang tinalikuran.
Get well soon, sweetie. Your muffin is desperately waiting for you.
I love you, my queen.
To be continued...