webnovel

♥♡ CHAPTER 9 ♡♥

♡ Icah's POV ♡

(Location: Death Building)

Konti na lang. Konting tiis pa at matatakasan ko na sila. 

Tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo sa hallway kahit na pagod na pagod at hinihingal na ako pero sa kabila ng lahat ng pagod na nararamdaman ko, nagawa ko pa ring ituloy ang pagtakbo para lang makatakas at hindi nila ako maabutan.

Habang tumatakbo ako ay marami rin akong nadaraanan na mga estudyanteng tumatakas at sinusubukang maghanap ng mapagtataguan. Death Building is not a safe place for us. Sinasabi ng ibang estudyante na napunta sa Prison at Curse building, na swerte kaming mga napunta dito, but they were all wrong.

Walang pinagkaiba ito sa dating sitwasyon ng eskwela, kung tutuusin nga mas grabe pa ang nangyayari sa amin ngayon dahil dati, malaki ang posibilidad na makatakas at makapagtago pa kahit saang dako ng eskwelang 'to, pero ngayon...naghahabulan at nagtataguan lang kaming lahat sa iisang building kaya walang ibang paraan kung hindi ang depensahan ang sarili namin at lumaban, kung hindi namin gagawin 'yon ay mamamatay kami ng walang laban.

But isn't it better to die doing something than to die doing nothing? Those are the words na pinananiwalaan namin ngayon dahil kailangan naming lumaban or else we'll die. 

Bigla akong napatigil sa pagtakbo ng makarinig ako ng kaluskos sa dinaanan kong classroom kaya napaatras ako at napansing nakabukas ng konti ang pintuan ng classroom na 'yon. Hindi ko maipaliwanag kung anong klasing tunog ang naririnig ko pero gusto kong malaman kung saan nanggagaling 'yon. Tinignan ko ang buong hallway, katulad ng dati, duguan ang sahig, ang pader at ang kisame pero hindi na bago sa amin ang mga ganitong bagay. 

Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob ng pintuan at nakita kong nanginginig ang kamay ko pero hindi ko na lang pinansin dahil kailangan kong lakasan ang loob ko ngayon at pati na rin ang mabilis at malalim kong paghinga ay naririnig ko.

Dahan-dahan akong sumilip sa loob at tuluyang pumasok. Muli kong isinara ang pintuan pero ang tunog na naririnig ko, tuluy-tuloy pa rin at palakas ng palakas. 

Nag-umpisa akong maglakad para hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na naririnig ko. Sinubukan kong pigilan ang takot at sobrang kaba na nararamdaman ko habang dahan-dahan na iniikot ang buong classroom. Nakita ko ang isang lamesa sa harapan ko at napansing may isang babae na nakaluhod sa kabila ng lamesang 'yon at nakayuko pa siya kaya hindi ko makita kung anong ginagawa niya. Binalak kong mas lapitan pa ito habang tuluyan naman akong nanginginig pero itinuloy ko pa rin ang balak kong alamin kung anong ginagawa niya. 

"More, more, more. I need more!" 

"See how beautiful it is! I love your lovely precious eyes, look at you...bathing using your own blood. You must be so sad, this happened to you? Huh?" 

Ilang hakbang na lang at makikita ko na kung anong nangyayari. Pagkakita ko pa lang sa babaeng 'yon ay napatakip na ako ng bibig at tuluyang nanlaki ang mata ko.

Parang mamamatay ako sa gulat at masusuka ako dahil sa dalawang babaeng nakikita ko. Natunghayan ko ang isang babaeng nakayuko at nakaluhod, puno ng dugo at may hawak itong kutsilyo na nababahiran din ng dugo. Sa harap nito ay isa ring nakahandusay na babae na halos hindi na mamukhaan sa sobrang dami ng dugo sa katawan nito. Ang isang mata nito ay nakabukas at wala ang isa niyang mata dahil...

Bigla ko na lang tinakpan pa ng isa kong kamay ang bibig ko dahil sa nakita kong mas nakakagulat pa. Dahan-dahang itinaas ng babaeng 'yon ang hawak niyang kutsilyo at sa dulo noon ay isang mata na punung-puno rin ng dugo. Ayaw ko mang isipin pero 'yon ang totoo dahil nakita ko mismo, na sinadya niyang tanggalin ang mata ng babaeng nasa harapan niya. Habang tinitignan niya 'yon ay kumikislap pa ang mga mata nito na parang tuwang-tuwa pa siya, "Your eyes look so good, my dear sister!" saad pa nito na mas lalong nagpakaba sa akin. 

"Now, let me take that other one!! HAHAHA!" sambit pa nito na tumawa ng malakas at tinanggal ang matang nakatusok sa kutsilyo niya gamit ang kamay niya.

Nilapitan niya ang mukha ng babaeng nasa harapan niya at biglang tinusok ang kabilang mata nito gamit ang kutsilyo. Dinig na dinig ko ang ginagawa niya at kitang-kita ko kung paano niya unti-unting tanggalin ang kabilang mata ng babaeng nakahandusay dahilan para matalsikan siya ng maraming dugo, "Remember, how much I love you. But you never loved me the same way. Paulit-ulit mo akong pinahiya sa harap ng maraming tao. Itinangging kapatid mo ako at sinabing salot at malas sa buhay mo. Did you know how much it hurts, my dear sister? Mas mahal mo pa yung bestfriend mo kaysa sa akin, why?! Ginawa ko naman ang lahat, kulang pa ba para mahalin mo ako?!" saad nito na parang nababaliw na at kinakausap ang isang taong patay na. 

Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya ngunit bigla rin itong ngumiti ng masama, "But you know what? I ended your bestfriend's life just like how...she ended your life. Are you proud of me now? Ipinaghiganti kita, hindi ba? That's how much I love you!" sambit nito. 

Bigla naman akong nakaramdam ng sobrang kaba ng mapatingin ito ng dahan-dahan sa direksyon kung nasaan ako kaya muling nanlaki ang mata ko at kusa kong naibaba ang dalawa kong kamay lalo na ng mapansin kong dahan-dahan itong tumayo. Tumakbo na ako para lumabas sa classroom na 'yon pero ng mahawakan ko ang door knob ay ayaw mabuksan ng pintuan kaya't ilang ulit ko itong ipinaikut-ikot para lang subukang buksan ito pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mabuksan. 

"Sad to know, someone heard me" sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kutsilyong hawak niya bago ako tinignan. Muli sa kutsilyong 'yon ay may tumutulo pang dugo.

"You heard it, right? I really have a sad and painful story? Tell me, what's yours?" tanong nito pero hindi ko siya sinagot. 

"Don't you have a story?" tanong pa nito kaya umiling ako lalo na ng makita ko siyang humahakbang papalapit sa akin at masamang nakangiti, "Huwag kang lalapit sa akin!" saad ko dito at paulit-ulit kong sinusubukan na buksan ang pintuan pero wala pa ring nangyayari. 

"What if lumapit ako sa'yo? What will you do?" sarkastikong tanong niya kaya kahit nanginginig ang kamay at paa ko ay kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang kutsilyo ko pero mas kinabahan ako ng wala akong makapa. Sh*t! Nahulog pala kanina habang tumatakbo ako!

Habang papalapit siya sa akin ay umatras na lang ako hanggang sa masandalan ko ang pintuan at sinubukan kong tumingin sa paligid para maghanap ng pwedeng gamitin laban sa kanya pero wala akong makita, "Tell me your story, before I get a hold of your eyes!" dagdag pa nito kaya nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko lalo na noong masama siyang ngumiti at diretsong tumingin sa mga mata ko. Thinking what she did earlier, tuluyan akong hindi nakagalaw. 

Bigla nitong hinawakan ang leeg ko kaya napatingala ako at muling nagtama ang mga mata namin, "P-pakawa...pakawalan mo ako!" pinilit kong magsalita at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay para pigilan siya.

"Fine, but let me take your eyes!" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nakita ko na lang na papalapit na sa mata ko ang hawak niyang kutsilyo kaya pumikit na lang ako dahil wala na akong magawa at hindi ako makagalaw.

Ilang segundo ang lumipas at wala akong maramdaman na sakit kaya't dahan-dahan kong binuksan ang mata ko na siya namang unti-unti niyang pagbitaw sa leeg ko. Diretso itong nakatingin sa akin hanggang sa nakita kong may saksak ito sa leeg habang hawak niya ang kutsilyong nakasaksak sa leeg niya. Did she just stab herself?

"I-i...k-killed myself" saad nito at unti-unting bumagsak sa harapan ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin siyang malagutan ng hininga dahil sa gulat. Bigla akong may napansin kaya't napatingin ako sa mismong harapan ko. Kahit madilim sa classroom kung nasaan ako, kitang-kita ko ang kagandahan ng isang babaeng nasa harap ko. Maiksi ang buhok nito at tinatangay ng hangin kaya't hindi ko makita ng maayos ang mga mata nito, "Ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na dyan" saad nito at seryoso siya.

"B-bakit niya ginawa 'yon?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa babaeng nakahandusay sa harapan ko.

 "I did that to her" sambit nito kaya nagtaka ako pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil sa lahat ng nangyayari ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Bago ka pa man niya masaksak, kinuha ko ang kamay niya at isinaksak 'yon sa sarili niya" bored na sagot nito.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" 

"If I didn't do that, patay ka na ngayon sa harapan ko" saad niya kaya natahimik ako at diretsong napatitig sa kanya. She's so beautiful pero ang angas ng dating.

"By the way, I'm Khai" saad nito at inilahad ang kamay niya sa akin pero nagdadalawang-isip ako dahil baka siya naman ang pumatay sa akin. Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala..

"Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga taong gusto kong patayin" dagdag pa niya kaya nagulat ako dahil parang nabasa niya ang nasa isip ko. Tumingin ulit ako sa mismong kamay niya at dahan-dahan ko na ring hinawakan 'yon, "Icah" maiksi kong sagot at bahagya itong ngumiti. 

"Nice to meet you, badly at times like this. We need to leave now, masyado ng delikado dito" sambit niya kaya tumango ako at sumunod sa kanya.

"Paano ka nga pala nakapasok dito?" tanong ko dahil nakita kong nakasara naman ang pintuan habang papalapit kami doon.

"Kanina pa ako dito before that crazy woman came. Nasa sulok ako kaya hindi niya ako napansin" bored na sagot niya na ikinagulat ko nanaman.

"Ano?!" huminto siya sa paglalakad at hinarapan ako, "Paano kung nakita ka niya edi baka ikaw naman ang tanggalan niya ng mata?!"

"Kung nakita niya ako, I would kill her pero dahil hindi niya ako nakita, pinili kong manahimik na lang sa sulok para matulog kaso dahil sa lakas ng pagsigaw mo, nagising ako kaya ayon...pinatahimik ko na siya para matahimik ka na rin" yung itsura niya, halatang bored sa pinag-uusapan. Wala ata siyang kinatatakutan, kung ako ang nasa posisyon niya lalabas ako ng classroom at tatakas pero siya natulog pa?!

Tinalikuran niya ko at sinipa yung door knob. Agad naman nasira ito kaya sinipa niya yung pintuan dahilan para bumukas. Babae siya pero galaw lalaki. Sabay kaming lumabas na kung kanina ay tahimik sa hallway, ngayon magulo na at puro sigawan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang mabilis kaming naglalakad at masusi niyang tinitignan ang paligid kaya napatingin siya sa akin.

"Kailangan nating magtago" saad niya.

"Salamat sa tulong mo pero hindi ako makakasama sa'yo" sambit ko na ipinagtaka niya kaya habang nagmamadali kami ay pareho kaming napatigil at humarap siya sa akin.

"Bakit naman?"

"Yung mga kaibigan ko. Kailangan ko silang hanapin. Hindi ko kayang magtago habang iniisip kung ano ng kalagayan nila" nag-aalala kong sabi.

"They must be so lucky then" sagot niya na ipinagtaka ko naman.

"Why?"

Napabuntong-hininga ito at nagsalita, "At least they have friends na nag-aalala sa kanila at alam nilang hahanapin mo sila. Not like me, may hinahanap ako pero hindi niya alam na hinahanap ko siya. Worst, hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin" saad niya kaya naguluhan ako.

"What?"

"Nevermind. Huwag muna lang isipin 'yon. So saan tayo mag-uumpisa?" tanong niya kaya mas lalo akong nagtaka. This girl is kinda weird.

"Ha?!"

"I will help you find your friends"

"Bakit naman?" tanong ko.

"Is it bad to help?"

"Hindi mo ba naisip na delikadong tulungan ako?"

"Hindi mo ba naisip na mas delikado kung walang tutulong sa'yo?"

Napabuntong-hininga na lang ako. She has a point.

"Fine, fine. Kung 'yan ang gusto mo, may magagawa ba ako? Ano, tara na?" tanong ko dito at pareho kaming ngumiti. Tumango rin naman siya kaya mag-umpisa na kami sa paghahanap. Mas gumaganda siya kapag nakangiti.

Marami kaming mga nakakasalubong na ibang estudyante at halatang naghahanap rin sila ng mapagtataguan. Here in Death Building, nagpapatayan ang mga tao. Walang tigil, walang humpay at kahit kailan walang sawa sa pagtatago. Nasanay na kami sa ganitong sitwasyon at kapag mahina ang loob mo, talo ka. Kagaya ng nangyari sa akin kanina, muli nanamang humina ang loob ko kaya hinintay ko na lang na matapos ang buhay ko but thanks to this beautiful girl, she just saved my life.

Hindi ko maiwasang mag-alala dahil simula ng magkahiwa-hiwalay kami kanina, hanggang ngayon wala pa akong nakikita ni isa sa kanila. Dahil 'yon sa mga grupong may dala-dalang armas kanina at duguan sila habang nakangiti ng masama kaya alam namin na balak nila kaming ubusin. Doon na nag-umpisa ang kaguluhan at walang araw na naranasan namin ang katahimikan. Walang araw na hindi kami nakakita ng dugo.

Pagkaliko namin ni Khai, nabigla ako ng makita ko si Hadlee na duguan at nanghihina din siya kaya hindi makatayo ng maayos, "Hadlee?! Anong nangyari sa'yo?!" nag-aalala kong tanong kaya napatingin siya sa akin lalo na't inalalayan ko siya.

"O-ok lang ako" saad niya kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa para alamin kung may sugat ba siya o ano dahil puno siya ng dugo.

"Sigurado ka ba?!"

"Ok lang talaga ako. N-natakasan ko sila"

"Ano bang nangyari?!Si Maureen?!" tumingin ako sa likuran niya pero wala siyang kasama.

"H-hindi kami magkasama"

"Ha?! Pero dba nasa likod mo lang siya kanina bago tayo nagkahiwa-hiwalay?!"

"O-oo pero nagkahiwalay din kami. Hindi pa kami nagkikita" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinignan ko ang paligid sa sobrang pag-aalala. Kailangan naming hanapin si Maureen.

"Hahanapin ko siya, pero kailangan mo munang magtago" saad ko kaya napatingin siya sa akin ng may pagtataka.

"Hindi. Ayaw ko. Sasamahan kita sa paghahanap sa kanya!"

"Pero nanghihina ka!"

"Kaya ko, Icah" sagot niya kaya diretso kaming nagkatinginan, "Sige, hahanapin natin siya" ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko. Humarap na ako kay Khai na nakatingin sa amin at hindi ko alam kung bakit pero kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanya. Bago kaming nakapaglakad, may humarang sa amin kaya natigilan kami at humakbang paatras.

Grupo sila ng mga babae na duguan. Ang nangunguna sa kanila may hawak na baseball bat habang ang iba naman ay kutsilyo. Masama silang nakangiti kaya sinamaan namin sila ng tingin, "What do you need?" I was just thinking kung bakit hindi nila kasama ang leader nila.

And yeah, kilala namin sila.

Humarang si Khai sa aming dalawa ni Hadlee habang nakaharap sa kanilang lahat kaya nagtaka kami, "Mauna na kayo, susunod ako" sambit niya na ikinagulat ko.

"Ano bang pinagsasabi mo- "

"Umalis na kayo!" sigaw niya at tumingin sa gilid niya kaya side view niya lang ang nakita namin. Noong mga oras na 'yon, seryoso ang mukha niya at alam kong napakadelikado niya. Tila pamilyar sa akin ang mga mata niya pero hindi ko alam kung paano lalo na't ngayon ko lang siya nakilala.

Khai?

A very mysterious girl na bigla na lang lumitaw.

To be continued...

Próximo capítulo