webnovel

♥♡ CHAPTER 7 ♡♥

♡ Raven's POV ♡

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at ng makita ko siya ay nagsalita na ako, "Dave?" saad ko dito na nakaupo sa kama at seryosong nagyoyosi. Ts! Kailan niya pa ba naitigil yung bisyo niya?

"What is it?" napatingin ito sa akin at hinawakan ang yosing nasa bibig niya para ilayo sa mismong bibig niya sabay buga ng usok.

"I need your help"

"Saan?" pagtataka nito sa sinabi ko kaya napayuko na lang ako. D*mn! Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya, baka pagtawanan niya lang ako?

(T-T)

Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naisipian kong lapitan tapos ngayon parang naputulan naman ako ng dila sa harapan niya kaya hindi ako nakapagsalita.

Nakita ko na lang na natawa ito, "Kay Leigh ba? Tsk! Bakit anong tulong ang kailangan mo?"

"I-i just can't handle this anymore. I want to tell her the truth...with your help" I said to him.

"What the hell! Aamin ka sa kanya tutulungan pa kita? Mag-isip ka nga!" saad nito na nabigla sa sinabi ko. He was just asking me kung anong tulong ang kailangan ko tapos ngayon parang galit pa siya. Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Dave minsan. Ang gulo ng takbo ng isip niya! Tsk!

"Alam mo namang wala akong alam sa mga ganitong bagay dba? Kaya tulungan muna ako"

I never knew na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. What the hell?!

Napabuntong-hininga ito at iniayos ang upo niya habang nagyoyosi pa rin, "Bakit ba kasi hindi mo na sabihin sa kanya ng diretso? Bakit kailangan mo pa ng tulong?"

"It's just...n-nahihiya ako" nahihiya kong sabi kasi alam ko naman na pagtatawanan ako ng kumag na 'to and as expected, tumawa siya ng malakas. Sarap talagang itapon!

"HAHAHAHA!! Paano ka aamin sa kanya kung nahihiya ka? Lakasan lang ng loob yan pre!" sambit pa niya habang tumatawa at boses niya lang ang naririnig ko sa buong kwarto namin. Share kasi kami ng kwarto ng kumag na 'to.

"Anong gagawin ko?" tanong ko na naiirita na sa kanya at umupo sa tabi niya kaya kahit paano, tumigil na rin siya kakatawa.

"Give her chocolates, flowers and many more. Mga bagay na gustung-gusto ng mga babae" he said. Buti naman at bumalik na siya sa katinuan niya.

"Saan naman ako kukuha ng ganon, eh hindi nga tayo makalabas sa building na 'to! P*ste!"

"Walang problema 'yon basta sabihin mo sa amin kung may gusto kang ibigay sa kanya. Kami ng bahala doon" saad nito sabay kindat pa ng g*go! Tsk!

"Let's say bibigyan ko siya ng bulaklak. Kapag nabigay ko na 'yon anong sasabihin ko?" tila naiirita na rin siya sa tanong ko dahil sa itsura niya dahil napakamot ito.

"Ano pa?! Edi tanungin mo kung pwede mo siyang ligawan"

"I won't do that. Nakakahiya" sagot ko na ipinagtaka niya.

"Bakit?"

"Baka umayaw siya"

"Given na 'yon bro. Hindi naman lahat ng babae sa mundo mapapapayag mo"

"Kung pumayag siya?" hindi ko rin naman alam kung bakit ganito ang tanong ko kay Dave. F*ck this feelings! If I could just kill this.

"Edi ligawan mo na. Problema ko pa ba 'yon?" saad niya na naiinis na talaga.

"Baka hindi niya ko magustuhan?" it's my first time to do something like this sh*t kaya I still have doubts about possibilities that might happen ahead. I can't even blame this foolish self.

"Bahala ka nga! Kung puro ka ganyan, walang mangyayari!" tsk! Hindi ko rin naman alam kung bakit humihingi pa ako ng tulong sa lalaking 'to. Huwag ko na lang kayang ituloy ang balak ko? Pero paano kung pagsisihan ko rin sa huli kapag hindi ko pa ginawa ngayon? It's now or never.

Dahil sa sobrang pagkainis ni Dave sa akin ay muli na lang itong nagyosi at humarap sa may bintana. Napatingin ako sa paligid habang nag-iisip kung anong magandang gawin hanggang sa may mapansin ako sa gilid niya at may nakapatong sa kama niya.

"Is this yours?" kinuha ko yung isang box na nakalagay sa kama niya kaya napatingin siya sa akin.

"Yup" maiksing sagot niya. Binuksan ko 'yon at nakitang chocolate ang laman kaya kukuha sana ako pero inilipag niya agad sa lamesa ang sigarilyong hawak niya at mabilis na tumayo. Hinablot niya ang hawak kong box kaya nabigla ako at napatingin sa kanya, "Akin 'to" saad niya kaya nagtaka ako.

"Alam ko. Saan mo naman galing 'yan?"

"May nagbigay sa akin" pagmamayabang niya.

"Iyon ba yung isang batalyon ng mga babae kanina na pumunta dito?" tanong ko. Nakita ko kasi kanina na may mga babaeng pumunta dito sa kwarto namin.

"Iba talaga kapag gwapo Sean. Actually..." saad niya na tuwang-tuwa pa. Feeling gwapo ang g*go! May kinuha pa siyang isang box sa kabilang gilid naman ng kama niya at sapilitang iniabot sa akin kaya nagtaka ako at napahawak doon.

"That's yours" sambit nito na kinindatan pa ako. What the hell?! Naaawa ba siya dahil walang nagbibigay sa akin ng ganito kaya ngayon binibigay niya sa akin 'to? Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking 'to. I don't even know how we became friends.

"I know what you're thinking dude. May nagpapabigay kanina, nahihiya daw sayo kaya huwag mo akong titigan ng ganyan baka matunaw ka haha!" pagyayabang niya.

"G*go!" sigaw ko sa kanya kaya natawa nanaman siya.

Umupo ulit ako at tinignan yung box ng chocolate na pinapabigay 'daw' sa akin. Sino namang magbibigay sa akin ng ganito?

"Kanino galing?" tanong ko.

"Tignan mo baka may pangalan" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinignan ko ang ilalim ng hawak kong box na kakaiba sa hawak ni Dave pero wala namang nakalagay na ibang pangalan bukod sa pangalan ko.

"Wala eh"

"Hanapin mo na lang yung nagbigay sayo niyan tapos 'yon na lang yung ligawan mo ng sa ganon sigurado kang sasagutin ka. Tsk! Puro ka kasi baka ganito, baka ganyan. Edi doon ka na sa sigurado ka" saad nito na seryosong kinakain yung chokolateng hawak niya.

"Eh wala ngang pangalan. Paano ko naman hahanapin?"

"Nakapagisip-isip ka na ba kung itutuloy mo yung plano mo kay Leigh?" tanong naman nito. Nakaugalian na talaga na pabagu-bago ang takbo ng utak ni Dave. Hindi na normal ang isang 'to. Malaki na sayad sa utak.

"Samahan mo na ako ngayon" saad ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ngayon na? Aamin ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya. Talagang tuwang-tuwa pa ah!

"Eh kailan pa?" pagkatapos kong sabihin 'yon ay ipinatong ko sa lamesa ang hawak kong box at lumabas na.

"Fine, fine" saad niya na sumunod na rin naman sa akin at ipinatong din yung hawak niyang chokolate sa lamesa.

Pagkalabas namin sa kwarto ay naglakad na kami para hanapin siya. Hindi ko rin naman alam kung paano ko siya kakausapin pero hindi ko na kayang itago 'to. I don't know, basta bigla ko na lang naramdaman 'to. It's my first time. Sa tuwing nakikita ko siya, yung mga ngiti niya, natutuwa na rin ako. Am I really in love? Pathethic!

"Sean Raven, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" dinig kong sabi ni Dave kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Para kang tanga. Pangiti-ngiti ka dyan mag-isa! HAHAHA! Iba talaga kapag inlove no bro?!" saad nito na inakbayan ako at nakangiti ng masama with matching pataas-taas pa ng kilay na parang nang-aasar. Doon ko lang narealize na nakangiti pala ako. Sh*t! What's happening to me? Lately, kapag naalala ko si Leigh, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko nga alam bakit ganon.

"Pwede ba tigilan mo ako, Dave Axelle?" hinarapan ko siya at sinamaan ng tingin kaya lumayo ito ng konti sa akin. Kaasar eh! "Easy bro. Baka mapatay mo ako niyan? Masyado kang seryos- " bigla na lang itong natahimik habang nakatingin sa likuran ko kaya nagtaka ako. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?

"Sean, it's her" bulong nito na doon pa rin nakatingin kaya tinignan ko na rin kung saan siya nakatingin at nanlaki ang mata ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Why do I always feel something like this whenever I see her? Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang makagalaw.

"Akala ko ba kakausapin mo siya?" tanong ni Dave.

"Sa susunod na lang kaya?" tanong ko lalo na't magkasama si Leigh at Roxanne. Nag-uusap sila habang naglalakad at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Dude, nandito na tayo. It's now or never" saad nito at nagkatinginan kami.

Ano bang gagawin ko? Shall I continue or retreat?

Napakamot na lang ako ng ulo at napayuko, "Fine. Basta hintayin mo ako dito" sabi ko sa kanya.

"Of course. Good luck dude. Kaya mo 'yan" mahinang sabi niya na hinawakan pa ang balikat ko kaya tinalikuran ko na siya para lapitan si Leigh.

Nag-umpisa na akong maglakad papalapit sa kanilang dalawa, "What do you think?" dinig kong tanong ni Roxanne kay Leigh. Hindi ko nga alam kung anong pinag-uusapan nila eh. Baka maka-istorbo pa ako lalo na't natigilan silang dalawa sa paglalakad at seryosong nagkatinginan sa isa't-isa. 

Itinuloy ko na lang ang balak ko na kausapin na si Leigh kaya napatingin silang dalawa sa akin ng makalapit na ako sa kanilang dalawa, "Can we talk?" tanong ko sa kanya at napansin kong napangiti si Roxanne. Napansin ko rin naman na nagulat si Leigh ng makita niya ako. May problema kaya siya sa akin? Baka naman ayaw niyang nakikita ako o baka natatakot siya sa presensya ko? Sh*t!! Wrong move pa ata ako?

"Well, I guess I should leave now. Bye, my dear Gwen" saad ni Roxanne kaya napatingin kaming dalawa sa kanya ng talikuran at iwanan niya kami. 

"May kailangan ka ba?" tanong ni Leigh kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko lalo na ng marinig ko ang boses niya. 

"M-may gusto sana akong sabihin" saad ko na hindi makatingin ng diretso sa kanya. 

"Ano 'yon?"

Kailangan ko na ba talagang gawin 'to ngayon? Sh*t! I'm nervous. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, "K-kasi ano...p-pwede ba kitang..." nauutal kong sabi at kitang-kita ko ang paghihintay niya sa sasabihin ko. Dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko, pati ata bawat pagtulo ng pawis ko, naririnig ko. 

"hmm?" paghihintay niya sa akin. 

"P-pwede ba kitang- "

"Hi babe. Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kaibigan mo?" bigla na lang akong nakaramdam ng kirot ng may lumapit sa kanyang lalaki at inakbayan siya. Nakita ko rin naman na ngumiti si Leigh kaya mukhang masaya siya. Parang naputulan ako ng dila dahil sa nakikita ko sa harapan ko. 

"A-ahhh Sean, b-boyfriend ko nga pala" saad nito na tuluyang nakapag-patahimik sa akin.

"Kamusta bro?" tanong nito sa akin pero wala akong magawa kundi panoorin silang dalawa na masaya pang magkayakap sa harapan ko.

"Sean, ano palang sasabihin mo?" tanong ni Leigh kaya napatingin ako sa kanya. Why am I even here? Nagkamali pala ako. Akala ko ok lang, pero hindi pala. Bullsh*t!

"W-wala next time na lang" saad ko dito at napayuko ako. I don't even want them seeing me like this! 

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinalikuran ko na silang dalawa para maglakad papalayo. Hindi ko alam pero ang sakit at ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klasing sakit! Habang nakayuko akong naglalakad ay nadaanan ko si Dave na hinihintay ako at alam kong napansin niya rin 'yon, "Sino 'yon?" tanong niya pero hindi ko na lang siya sinagot at tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalakad kaya sumunod na rin siya sa akin. Napakuyom na lang ang kamay ko habang naglalakad.

"Huy, sino ba 'yon? Anong nangyari?" 

"Sagutin mo nga ako, ano bang nangyari? Sino yung umakbay sa kanya?" pangungulit ni Dave kaya irita ko siyang hinarapan, "Boyfriend niya! Ano okay na?!" sigaw ko dito kaya natahimik siya at tinalikuran ko na lang siya ulit.  

"What?!" hindi makapaniwalang tanong ni Dave. Tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalakad para bumalik na sa kwarto namin. Hindi ko na kayang magtagal pa dito sa labas dahil baka kung ano pa ang magawa ko.

"Paano nangyari 'yon?!" tanong pa niya.

Pagkarating namin sa kwarto, binuksan ko ang pinto at umupo sa kama. Hindi ko rin naman maiwasang mapahawak sa ulo ko lalo na't hindi maganda ang pakiramdam ko. "Bro, ang sakit pala!" mahina kong sabi.

Narinig kong sinara ni Dave ang pintuan at umupo din sa kama niya kaya ngayon magkatapat na kami, "Seriously?! Hindi naman natin alam na may boyfriend na pala siya. Alam ba ni Syden?"

"Ewan ko din. Akala ko may pag-asa ako" bigla ko na lang nasabi 'yon kahit na wala akong balak na magsalita.

"Kung nasasaktan ka, edi mahal mo nga si Leigh" saad naman ni Dave kaya napatingin ako sa kanya.

"Siguro nga" saad ko bago tumayo. Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng isang bote ng alak at binuksan ko 'yon, "What are you doing?" nagtatakang tanong niya.

"Can't you see? Para makalimot sa problema" saad ko dito, "Kung alam ko lang hindi ko na sana itinuloy" dagdag ko pa bago uminom ng alak.

"Well, ganyan talaga. At least sinubukan mo dba but that's not the answer" aktong kukunin niya yung iniinom ko, tinignan ko siya ng masama at agad na iniiwas sa kamay niya yung hawak kong bote ng alak.

"Back off, Dave" uminom ako ng marami at napailing na lang siya sa ginawa ko. Ilang minuto kaming natahimik pero muli akong nagsalita, "Mahal ko na siya eh. Paano ko siya kakalimutan ngayon?"

Tapos inom ulit.

"Hindi naman madaling makalimot" sagot niya.

"Anong gagawin ko?"

"Alam ba ni Syden na may boyfriend si Leigh?"

"Hindi ko alam. She didn't mention anything about this" humanda talaga yung kakambal kong 'yon kapag nakita ko siya.

"Gusto mo ba tawagin ko siya?" tanong ni Dave kaya napatingin ako sa kanya at nakaramdam ako ng galit.

"No!" sigaw ko.

"Bakit naman? Huwag mong sabihin sa akin na magpapakalasing ka kaya ayaw mong tawagin ko siya?" tanong nito.

"Tsk! Kapag nakita ako noon na ganito, pagtatawanan niya ako!"

"Tingin mo ba matutuwa 'yon kapag nakita niyang nagkakaganyan ka?"

"Tingin mo ba natutuwa ako sa nangyari ngayon?"

"Ang sa akin lang nama- " hindi pa man siya natatapos ay hinarangan ko na siya, "Basta ayaw ko ng kasama ngayon. Umalis ka muna dito Dave. Ayaw kitang makita, naiinis ako nor do I want to see anyone" pahayag ko at nakita kong hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. Nakakarindi siya!

"What?! Pinapaalis mo ako?! Baka nakakalimutan mong kwarto ko din 'to? Tsaka bakit ka naman maiinis sa akin eh hindi naman ako ang nanakit sayo?!"

"Basta umalis ka muna dito!" hinila ko siya papatayo sa kama niya para pwersahing lumabas siya dahil ayaw niya. Daming satsat!

"What the hell?! Seriously?! Kwarto ko 'to papaalisin mo ako?!" tanong niya pagkatulak ko sa kanya sa labas ng kwarto.

"The hell I care!" pagkatapos kong sabihin 'yon ay sinara ko ng pabagsak ang pintuan at naiwan siya sa labas. Bahala siya sa buhay niya!

"Humanda ka sa akin, Sean Raven! Isusumbong kita sa kakambal mo!" saad nito bago ko tuluyang ininom ng diretso ang hawak kong bote ng alak.

It badly hurts, babe.

To be continued...

Wassup majesties, hope you're having a great day everyday! Weekly updates po tayo! Love lots!! 😘😍

Próximo capítulo