webnovel

CHAPTER 44 – Red and Green

V3. CHAPTER 10 – Red and Green

ARIANNE'S POV

Sigh.

Napabuntong hininga na lang ako matapos kong masuot ang costume ko.

Kasalukuyan akong nandito sa dressing room ng booth namin. Nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Tinitigan kong maigi ang sarili ko at na-realize ko na mukha akong… tanga.

Bwiset.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako kay Aldred. Ayoko siyang makita. Sinira niya ang araw ko kaya tinataboy ko siya pero ayoko naman siyang lumayo sa akin. Gusto ko na suyuin niya ako…

Nakangisi akong napailing ng ma-realize ko ang pinagsasasabi ko.

As in, Arianne?

Tumingin ako sa salamin at humiling na sana ay may bumatok sa akin ng malinawan ako sa mga pinagii-isip ko.

Anong klaseng kalokohan iyong pumasok sa utak ko? Kailan pa ako natutong mag-inarte? Magpabebe? Nakakairita!

I groaned.

"Aya, are you really okay?" tanong ni Pristine. Nag-reflect ang nag-aalala niyang mukha sa salamin. Kanina pa sila nagtatanong ni Bianca sa akin at ayokong mapag-alala ko sila.

"I'm okay, don't worry," nakangiting sabi ko ng pumihit ako paharap sa kaniya. She stared at me with suspicious eyes, not convinced by my answer.

"How about try to rest? Ako na sa entrance," Pristine suggested with her authoritative aura which only means that I can't say a "No".

Nanatili ako sa dressing room at umupo sa swivel chair ng adviser namin habang kinakalikot ko ang smartphone ko.

Nagbukas ako ng social media. My account was revealed first because of Aldred and now because of the tagged pictures. I'm overwhelmed by the friend requests I received. I scanned it, accept those whom I at least talk to and ignore those whom I don't.

Felicity Reign Cortez added you as a friend…

I chuckled when I saw this. This girl hates social media so much before but now… well I guess her brain really did a major knock-on.

Ala-una ng hapon at kakatapos lamang namin kumain (kahit na hindi naman ako halos kumain) kaya hindi ko maiwasang humikab. Nakarinig ako ng komosyon sa labas pero dahil sa nilalamon na ako ng antok ay pinagsawalang bahala ko na. Feeling ko ay nakatulog na ako ng biglang may mambulabog sa akin. It was one of my classmates at nakahawak siya sa pantog niya.

"Arianne, pwede bang ikaw muna sa may station 6. Ihing-ihi na kasi talaga ako e," pakiusap niya pagkabigay sa akin ng kaniyang costume sabay takbo. Nawala na siya nang pumasok ang manager ng booth namin.

"Where's Rina?"

Sinenyas ko ang pinto palabas at ang costume na iniwan sa akin.

Rina's costume is Jason from Friday the 13th. Enough for me to accept the role because of the mask that will conceal my face. Rina aka Jason's role is for him to follow and scare all our booth goers when they reach his station.

Madilim ang buong booth namin at tanging electric candle at mga pulang ilaw lamang ang nagbibigay ng liwanag. Naging malaki ito dahil sa pagpapahiram ng classroom ng section 3-B. Mas pinili kasi nilang mag booth sa labas. May 7 stations ang booth at ang akin ang pangalawa sa dulo. May disenyo ito ng mga putol-putol na parte ng katawan ng tao at medyo slimy na pulang likido sa paligid.

Nakatago na ako sa likod ng isang tabi noong marinig ko na ang tilian ng ibang mga pumasok. Sa totoo lang ay nao-OA-yan ako sa kanila. Alam naman ng lahat na peke ito pero grabe sila maka-react.

Dumaan ang isang grupo sa station ko kaya binulaga ko sila. Nagtititili sila kaya naasar ako't hindi lang habol ang ginawa ko sa kanila kundi pagwasiwas ng huwad na itak na hawak ko. Nakakatuwa rin pala.

Bumalik ako sa station ko nang makarinig muli ako ng panibagong batch ng tilian. Nawala ang hiya ko dahil nakamaskara naman ako at medyo nage-enjoy na rin sa role na 'to kaya excited ako sa susunod ko na mga tatakutin. I peeked and saw a bunch of girls together with a guy.

Nagtilian yung mga babae at kahit madilim ay kitang-kita ko kung paano sila magsiyakap doon sa lalaki. Walang gana ko silang sinundan ng tingin dahil feeling ko ay naglalandi lang sila. Ganoong mga galawan? Alam na.

Papalapit na sila noong may mapansin ako. Tinitigan ko yung lalaki, nakayuko lang siya at parang takot na takot. Duwag pala ang loko. Nakakatawa at the same time nakakaawa. Nakakainis din dahil tini-take advantage ng mga babae ang kahinaan niya.

Nanatiling nakasunod ang mga mata ko sa kanila at noong makarating sila sa station 6 ay hindi ko na sila tinakot pa ng husto. Kahit hindi nila nakikita ay napasingkit ako ng tingin sa kanila dahil nagtilian pa rin sila sabay akap sa lalaki.

Naiirita ako sa loob-loob ko pero ng iangat ng lalaki ang mukha niya't naluluhang nakatitig sa akin ay nainis ako. Saktong tumapat kasi ang mukha niya sa electric candle kaya't nakilala ko kung sino siya.

Suddenly my eyes saw red katulad ng atmosphere ng booth at parang sa traffic light which means stop or tumigil. Tinignan ko isa-isa ang mga babae at sinundan kung saan naka-angkla ang mga braso nila and now I see green in the middle of our dark horror house. Hindi lang wasiwas ang nagawa ko sa itak kong hawak kundi tuluyan ko ng hinampas silang nakakapit sa kaniya hanggang sa mag-alisan sila.

"Huwag ako. Ayoko na, ilabas niyo na ako dito, please!" he cried while covering his face. Napatiimbagang ako nang ituon ko ang atensyon ko sa kaniya.

"Parang bata," I blurted out which made him stop. Inalis niya ang kamay niya sa kaniyang mukha't tumitig sa akin.

"Ikaw ba 'yan, Arianne?" Hindi ko siya sinagot at hinila lamang ang kwelyo niya patungo sa tinataguan ko. Nakatago kaming dalawa. Wala dapat akong balak tanggalin ang mask ko pero bigla ay tinanggal ito ni Aldred dahilan para masilayan niya ang masama kong pagmumukha.

"Alam mo naman na takot ka sa mga gan'to tapos pumasok ka pa?" masungit kong tanong sa kaniya.

Pinunasan niya ang kaniyang mukha't yumuko saka nagnguso.

"Sabi kasi ni Pristine kapag nakalabas daw ako dito sasabihin niya kung nasaan ka e," he answered. Poor guy dahil pinaglaruan lang siya ni Pristy. I doubt na sasabihin niya kung nasaan ako kahit makalabas si Aldred dito.

Tinitigan ko siya. Ang cute niya pero nang maalala ko yung mga babae kaninang nakakapit sa kaniya ay bigla na lamang uminit ang dugo ko.

"Ang dami mong kasama na babae ah," pahaging ko sa kaniya. Saglit siyang lumingon sa akin bago naglihis ng tingin.

"Sumabay ako sa kanila. Natatakot kasi ako e," I huffed at his answer. Para siyang nang-iinis dahil pasulyap-sulyap pa siya sa akin.

"Oh, I see, sa sobrang takot mo nga hindi mo na napansin kung paano sila makayakap sayo."

"Actually, napansin ko naman, hinayaan ko lang kasi kahit papaano natatanggal nila yung takot saka lamig ng katawan ko."

Napahawak ako ng mahigpit sa itak dahil sa sinabi niya.

"KYAAAH!" Habang nababalot ng panibagong tilian ng mga nag-iinarteng estudyante ang paligid ay nababalot din ako ng inis. Siningkitan ko ng tingin si Aldred sabay hampas sa kaniya ng itak.

"Aww!"

Nagnguso siya bago mahinang natawa.

"Nagseselos ka ba, Arianne?"

Huh? Ako nagseselos?

"In your dreams!" singhal ko.

Handa na uli akong pukpukin siya dahil sa tanong niya nang bigla niya na lang akong hilahin sa may tago na sulok saka niyapos ako mula sa likod.

"W—What the hell are you d—doing?" pabulong at nagpa-panic kong apela. Nasa may station ko na ang mga costumers at isang malaking eskandalo kung may makakakita sa amin sa ganitong pwesto at posisyon.

"A—Al—Aldred!" Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa likod ko. 

Nagpumiglas ako pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya.

"Arianne, tell me. Are you mad at me?" tanong ni Aldred. Nakasandal na ang noo niya sa balikat ko.

Galit ako kay Aldred. Naiinis ako sa kaniya pero habang yakap-yakap niya ako ay tila kasabay noon ang pagtupok niya sa nararamdaman ko. As expected ay bumilis na ang tibok ng puso ko. Ayoko nito. Ayoko ng pakiramdam na 'to kaya't pinipilit kong makaalis sa yakap niya.

"Aldred," I grumbled. Umikot ako paharap sa kaniya para sana komprontahin siya pero ang nangungusap niyang mga mata ang sumalubong sa akin. Napalikot na lamang ako ng tingin dahil ayokong ma-hypnotize sa titig niya.

"A—Aldred, h—hindi ako galit k—kaya tigilan mo na 'to," sabi ko para sana tumigil na siya. Akala ko okay na dahil inalis niya nga ang pagkaka-akap sa akin pero inalis niya lang pala ito para ilipat sa magkabila kong pisngi ang kaniyang mga kamay.

Aldred cupped my cheeks bago iangat ang mukha ko sa kaniya. Bigla akong kinabahan kaya sinubukan ko na ilihis ang paningin ko pero dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa ay nasakop na niya pati ang peripheral vision ko.

"Did I made you sad?" he asked, worry is all over his face. Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya bago umiling. Balak kong isalita ang sagot ko pero hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na sumagot pa ng magsalita muli siya.

"I am an idiot. Sinubukan kong layuan ka para mapatunayan sa sarili ko na mahal kita pero hindi ko naramdaman yung sinabi mo. Ayokong pagdudahan yung sarili ko pero siguro nga tama ka, baka nga hindi pa kita gano'n kamahal," sabi niya na biglang nagpakirot sa puso ko. Tinuon ko ang atensyon ko sa kaniya at ewan ko ba't parang gustong lumuha ng mga mata ko ng sabihin niya yung mga katagang iyon.

Nilapat ko ang mga palad ko sa dibdib ni Aldred. Gusto kong tanungin niya kung nasaktan niya ba ako dahil isang malaking OO ang isasagot ko. Yumuko uli ako't nagbalak na itulak siya pero bigla ay niyakap niya ako.

"Pero kahit tama ka hindi ako maniniwala sayo kasi alam ko namang ayaw mo sa akin e."

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Baka pakana mo lang yung sinabi mo kagabi para layuan kita kaya napagdesisyonan kong ako na lang yung maghahanap ng tunay na kahulugan ng pagmamahal ko para sa iyo."

Napatitig ako kay Aldred. Nakakairita yung tono niya pero his words never ceased to amazed me. He's really bizarre together with his feelings. I am hurt because of what he said but at the same time, I want to laugh at him. It's like his firing shooting stars in my heart na dahilan para magulo itong puso ko.

Sa totoo lang ay gusto ko ng sabihin sa kaniya na baka mahal ko na siya pero natatakot ako. Nabanggit niya nga lang na baka hindi niya ako mahal ay nasaktan na ako. Paano kung biglang magbago ang isip niya? Bata pa si Aldred, bata pa kami. Hindi niya lang ako sinabayan kanina ay nag-inarte na ako sa buhay. Paano kung tuluyan akong dumepende sa kaniya tapos bigla na lang siyang mawawala? What if I was left hanging? Wala pa akong karanasan sa pag-ibig at marahil yung nararamdaman ko ngayon ay wala pa sa kalingkingan ng mga nasaktan dahil sa pagmamahal. Ganito ba talaga kasakit?

"I realized that words are not enough to prove myself so I won't say I love you for now but, I won't break my promise, as long as I know that your heart does not yet belong to someone else. If I do not love you enough to feel what you said about love then I will look for its other meaning. After all, love is abstract, right? I'm sure that there are other ways for me to prove my love to you."

Aldred was a stranger when we first met. He came unexpectedly into my life and said that he loves me out of nowhere. I didn't believe it because for me it was ridiculous. How can he love at first sight without knowing anything about me? Then things went upside down, like Bianca said, it's like the world sets us up. He started to know me and still his feelings never wavered. I started to know him and he made me crumble in a way that I never imagined. I am guilty of falling in love and I think it's terrifying.

Napatitig ako kay Aldred and blink for a couple of times. I want to encourage him, because I want him to really prove it to me para maglaho na ang takot ko.

"I will wait," sabi ko na nagpakislap sa mga mata niya.

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at parang malapit na akong kombulsyunin dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Puno ng pagkamangha ang mga mata ni Aldred at napakaganda nitong tignan. Hindi ko na napansin ang sarili ko na titig na titig dito hanggang sa mapansin ko ang paglapit ng mukha niya.

"He is going to kiss you," I said to myself.

Alam ko ang balak niya kaya napalunok ako. Gusto kong itulak siya pero ayaw ng katawan ko. Is this what Sato said vulnerable? I am in daze at para bang hinihintay na lang ng labi ko na ilapat niya ang labi niya dito. I closed my eyes until...

"Kuya?"

Eh?

Parehas kami ni Aldred ay napalingon sa nagmamay-ari ng tinig. Unti-unti ay nanlaki ang mga mata ko ng madatnan ko kung sino ito. Isa, dalawa at tatlo ay nag-usok ang buong katawan ko't sa tanang buhay ko'y unang beses akong napatili.

"Mo-Monique? What are you doing here?" Nagulantang na tanong ni Aldred.

♦♦♦ 

Próximo capítulo