V1. CHAPTER 7 – Strawberry Panic!
ARIANNE'S POV
"Thank you for coming Ma'am," the guard said after he opened the door for me. I shyly looked and smiled at him before leaving.
"Milk, vegetables, fruits, and Pristine's favorite carrot cake, of course, my own optical mouse. Mission complete."
Naubusan na kami ng supplies sa dorm kaya nandito ako ngayon sa Central District. Dapat ay duty 'to ni Pristine pero dahil sa may sakit siya ay ako na muna ang gumawa.
"Ouch!"
"Sorry Miss!" The man apologized when he realized that he accidentally stepped on my shoe.
Monday is my favorite day because it's a Freedom Day for me. Nakakahinga ako ng maluwag. Medyo nakakatamad pa kasi 'pag Monday para sa ibang tao kaya hindi sila masyadong active. Their Monday sickness is my advantage; I can go shop, play, eat, etc. without a crowd of people on my way.
But why is it? Ano bang meron ngayong Monday?
Napaikot ang tingin ko sa paligid.
"Monday ngayon pero ba't ang daming tao?"
"Wait, Miss!"
Magpapatuloy na sana uli ako sa paglalakad nang may marinig akong tumawag sa'kin. Napalingon ako sa likod at doon ko nakita yung lalaki na nakaapak sa sapatos ko.
"Gusto mo 'bang maging model?" agaran niyang tanong. He smiled at me showing me his beautiful pearly whites. He is so manly. Well-built body figure, defined jawline, sharp eyes, broad tip nose, and full mouth— in short, celebrity-like.
"AYAW," mabilis kong tugon kasabay ang iling. Halos mapaatras pa nga ako dahil sa pagkabigla sa tanong niya.
"Miss, ang bilis mo naman sumagot. Wala pa bang nakapag-alok sayo? Bagay na bagay ka talaga kasi e... Commercial model, Ramp model or Clothing model. You have looks and... your body is nice," he grinned, then hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napasingkit ako, "Sorry pero ayoko po talaga."
I'm starting to get anxious. I wanted to get out of our conversation immediately but I can't see myself being the one to end it. We are in the middle of the way so we surely get attention from a lot of the public which is what I do not like to have.
Napalihis ako ng tingin at malalim na lumagok. Nagsisimula ng manikip ang dibdib ko.
"Baka naman iniisip mo niloloko lang kita ha. Don't worry. See this crowd? Kanina kasi may event kami dito. Maraming gustong pumasok sa agency pero metikuloso kami sa pagtanggap. Malay mo maging artista ka pa. Think twice, minsan lang 'to," paliwanag niya.
"Ayo— " Napatigil ako ng pumihit ang tingin niya patalikod.
"Sir! Dito po. Kanina pa po nila kayo hinahanap."
Thank God.
"Ganoon ba? Sorry naman haha," the man replied to the guy who called him. Ibinalik niya ang tingin sa akin.
Bumuntong hininga ang lalaki, "Mukhang di talaga kita mapipilit ngayon ah. By the way I'm Roel Manansala, manager from Star One Modeling Agency. Kapag nagbago isip mo, i-search mo na lang sa internet. Sige, hope to see yah!"
Napaluwag ako ng hininga nang umalis na siya. Nakasunod ang mga mata ko kay Mr. Manansala hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Good opportunity but... never mind.
Umiling ako.
♦♦♦
Quarter to five noong makarating ako sa terminal ng jeep. Simula dito pabalik sa SNGS ay isang sakay lamang ang kailangan na aabot ng 10 minutes.
"Apat pa dito Miss o, sakay na."
Napatingin ako sa loob ng jeep.
Apat pa raw...
Napangisi ako. Nilingon ko ng masama yung barker. Anyway, sige na pwede na. Hindi ko akalaing apat na tao na pala ako sa lagay kong 'to.
Doon sana ako sa medyo dulo pu-pwesto para hindi ko na kailanganin lakasan yung boses ko kapag nagpara pero nakakahiya kasi sa lalaki. Bigla na lamang siyang umusog ng sobra pagilid para magkaro'n ng space.
"Bayad po, sa St.North po estudyante."
Agad na iniabot ng lalaking katabi ko ang bayad. Nagdampi ang mga kamay namin at halos kilabutan ako sa di ko mawaring dahilan. Saglit lang pero parang masyadong conscious ang pag-iisip ko sa galaw niya.
Napahugot na lamang ako ng hininga para umayos ang pakiramdam ko.
No, it's not that I am conscious…
I have this habit of bowing my head when I'm riding a jeepney because of the people on the other side. I can't stand facing them and hindi ako mapakali kapag may nakatingin sa akin.
Though I wish I am… much better than being this anxious…
I tried to look outside the window at my side but it was no use. Instead, almost tumama yung ilong ko sa ilong ng katabi ko.
What the hell?!
God! Agad uminit ang pisngi ko. Diniretso ko ang naninigas ko na leeg dahilan para makita ko ang kabilang side. Lahat sila ay nangingisi at natatawang nakatingin sa amin nung lalaki.
Nakakahiya, nakakahiya, NAKAKAHIYA!
Yumuko ako. Sa sobrang hiya ay gusto ko ng magpalamon sa kinauupuan ko.
Paanong nangyari 'yon?
Sumulyap ako sa lalaki. Pulang-pula ang mukha niya. Masikip sa jeep at halos magkasingtangkad kami kaya katulad ko ay kailangan niyang yumuko. Naiintindihan ko na kailangan niyang yumuko pero hindi ko maintindihan kung paanong umabot sa punto na nagtama ang ilong namin.
Tinitignan niya ba ako?
Inaral ko yung lalaki at nakadiretso na ang tingin niya pero hindi nakalagpas sa akin ang side profile niya – okay, gwapo siya.
Nilipat ko ang tingin ko sa kamay niya. May mahahaba at slender siyang mga daliri, malinis at pinkish na mga kuko. Overall ang ganda ng kamay niya, yung tipong makukumpara o baka nga matatalbugan pa ang kamay ng babae. Ang napansin ko lang na kakaiba ay ang panginginig nito.
"O, yung taga St. North dyan. Dito na o."
Masyado akong napako sa pagi-isip kaya di ko na namalayan na nasa SNGS na pala kami.
"Para po."
Buti na lang at nagsalita yung driver. Muntik ko ng makalimutan bumaba. Minadali ko ang pagbaba ko para maiwasan ang tingin ng mga pasahero. Sumakit ang likod ko dahil sa sobrang pagyuko kaya nag inat-inat ako para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Ang sakit sa likod,"
"Bakit ka kasi nakayuko?"
Napatigil ako bigla. I heard a voice at my back. A man's voice specifically. Unti-unti akong tumalikod para tignan kung sino iyon.
"Ikaw? Ikaw yung..." Umiling ako bago talasan siya ng tingin, "Parang narinig ko kanina na di ka naman dito bababa," I said while slowly moving myself away from him.
He smiled.
He's handsome, really handsome but I realized his face annoys me. He has a charming smile that can surely arrow a girl's heart but it annoys me. He looks like a model because of his height and built but yeah... It's annoying. He's annoying. Why is he here in the first place?
"You're Arianne right?"
Uminit bigla ang pisngi ko.
What? How did he know?
Tinikwasan ko siya ng kilay.
"Ah... Yeah!" I answered timidly with a bit of annoyance.
Hey, Arianne! You're not Arianne! You're an idiot! Why did you answer "Yeah" to a stranger!
I turned my face away from him. Honestly, how could I not answer after hearing his voice? He may look annoying but I admit that his deep velvety voice is really pleasant to the ears.
I glanced at him. He was wearing a white polo and gray pants. NIA's uniform.
"Arianne, Arianne. Hindi ko 'to expected. Hindi ko alam yung sasabihin ko."
Napatitig ako sa kaniya.
Anong problema nito?
Nagkamot siya ng ulo.
"Ganito pala 'yon," sabi niya pa. May kakaiba sa aksyon niya kaya nabahala ako. Napaatras ako dahil sa takot.
May topak ata to. Kinakausap yung sarili.
Hindi ko na siya pinansin pa. Nagmadali ako maglakad papasok ng gate pero agad din niya akong napigilan.
"Wait!"
Halos ma-out of balance ako ng hawakan ng lalaki ang braso ko. Liningon ko siya ng matalim.
"A—Ano, anong ginagawa mo?! M—May curfew sa dorm namin k—kailangan ko na makauwi kagad."
Nagsisimula na akong mag-stutter. Sa tuwing kinakabahan kasi ako ay nauuwi ang pagsasalita ko sa pag-uutal.
"Ganoon ba? Pero saglit lang. I won't do anything bad. I am just confirming kung ikaw ba talaga 'yan." Nangangatal ang boses niya.
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
Nagtaka ako. Sa jeep pa lamang ay nagawa ko ng tignan ang mukha niya pero wala namang nag-struck sa akin na kung ano bukod sa gwapo siya. Tinignan ko siyang muli, bawat bahagi ng mukha niya.
Ah, makapal yung kilay niya, mahaba yung pilik, super black ng iris, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi tipong naka-lip balm, at may pares ng dimple sa mapupula niyang pisngi.
Noong una ay puno ng kasiyahan ang mukha niya pero habang tumatagal ay unti-unti itong bumabagsak. Nang marahan akong umiling ay lumagapak ito sa kalungkutan.
"Ano, h—hindi, pasensya na."
Bumitaw siya dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.
Pinagmasdan ko yung lalaki at pansin ko ang paghaba ng nguso niya matching pagbaba at pagsalubong ng kilay. Ewan pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang nasaktan ito noong makita ko ang ganoong ekspresyon niya.
Sira ka Arianne! What the heck is wrong with you?! Why are you concerned?!
I shook my head aggressively. Humugot naman siya ng malalim na hininga.
"Hindi mo ba talaga ako nakikilala? I'm Aldred, Aldred Cuzon," he said in a very low tone.
Napakurap ako ng mga mata.
"I'm so—sorry pero hindi ta—talaga kita kilala," sabi ko habang dahan dahan ng lumalayo, "N—nice to meet you na—na lang Aldred."
A moment of silence formed between us. Tinignan ko siya ng maigi. I don't like to mind this but... his expression. Did I say something wrong?
"So hindi mo pala ako maalala," sabi niya sa bigong tono. Hindi ko alam pero noong makita ko iyong parang dejected niyang mukha tapos lalo na noong marinig ko yung tono ng pagsagot niya ay parang nagi-guilty ako.
"Okay lang, ngayon lang naman kasi talaga tayo nagkita in person," bigla siyang ngumiti dahilan para kumunot at magsalubong ang kilay ko. Nagtaka ako sa sinabi niya kaya masusi ko siyang tinignan.
Napangiwi ako.
"Ahh... kaya naman pa—pala. Aldred, sige a kailangan ko na talaga pu—pumasok mag si-six na o. Sa may pa—pagkakataon na lang."
Itinuro ko sa kaniya ang oras sa relo ko. Naisip ko na ito na ang pagkakataon para makaalis kaya kahit wala akong nakuha na sagot ay hinayaan ko na lamang.
Paalis na sana ako ng haltakin niya ang kamay ko.
"San—sandali na lang," pagpipigil niya na ikinaalarma ko. Doon ay di ko na napigilan ang sarili ko. Sinuntok ko siya gamit ang free hand ko pero nasalo niya iyon.
"Wha—what is your problem?"
"Problem? Wala, I'm just ecstatic. Don't worry, it's just ok I won't do anything bad. May gusto pa kasi akong sabihin sayo."
Napatiimbagang ako.
Hell! This guy is a freak! Ok? What's ok? This is not OK.
Nangangamba akong luminga-linga sa paligid.
Nasaan ba si Manong Guard? Bwiset! Ang ganda ng timing! Bakit walang dumadaan na tao? Bakit parang biglang nawala na yung mga sasakyan na bumabyahe?
Nabalik ang atensyon ko sa kaniya nang pisilin niya ang palad ko.
Creep!
"Ah, your hand is so soft," sabi niya sabay ngiti na parang isang bata.
Bigla ay dumagundong ang puso ko sa di mawaring dahilan. What the hell?! Ipinilig ko ang ulo ko para mabura iyon at tinuon sa kinaapakan namin ang tingin ko.
"Can you please let go of my hand?" I asked before looking at him.
Nag-react yung mga mata niya at binitawan ako.
"Ah, I'm sorry," saad niya, "Am I making you uncomfortable? I'm sorry, I tried to resist myself. Sabi ni Mama, rude na basta na lang humawak sa babae lalo na kung walang permiso pero hindi ko matiis na hindi ka hawakan kasi parang panaginip na bigla na lang nasa harapan kita."
Lumunok ako at kumagat sa labi ko. Maling-mali na in-entertain ko ang siraulo na 'to. I have a lot of suitors pero ngayon lang ako naka-encounter ng kagaya nito. He looks really perfect pero parang nakulangan ata ng turnilyo sa ulo.
"Ma—Makinig ka sa Mama mo. Ta—Tama yung sabi niya."
Tumango yung Aldred.
"Yup, pero…"
Biglang hinawakan ng isang kamay nung Aldred yung pisngi ko.
"Ang ganda mo Arianne," ngumiti siya at parang biglang huminto lahat ng maaaring gumalaw maliban lang sa isang bagay— ang puso ko.
Aldred smiles so brightly… so warm… para siyang isang inosenteng bata na nabigyan ng gusto niya. Sa kainosentehan nga ng reaksyon niya ay muntik ko ng makalimutan na mali, mali ang nangyayari.
Tumigil ang puso ko at gumalaw ang paligid.
"Arianne, I love you,"
"Huh?"
"Ayoko mang aminin pero tama si Carlo, I love you at first sight."
"Huh?!"
Hindi na ako naka-react pa ng biglang hawakan niya ang baba ko. Pumasok sa isip ko ang balak niya pero nagkandabuhol-buhol ang utak ko dahilan para maparalisado ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga mata ni Aldred. Sobrang dilim nito na maihahalintulad sa isang black hole. Nakaka-hypnotize at nakaka-hatak. Paglunok na lamang ang tanging nagawa ko bago isarado ni Aldred ang labi ko ng kaniya.
Naipit sa pagitan naming dalawa ang mga dala ko at naglaglagan. Doon ko na-realize na inilagay niya ang mga kamay niya sa ulo ko at balakang.
"Your lips are soft too," I heard before I came to my senses. He smiled after he parted his lips away from mine.
Hindi ko alam kung sino siya, kung bakit niya 'to ginawa, kung ano bang balak niya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko malaman kung dahil iyon sa kaba, takot o... hindi, hindi ko nagustuhan yung ginawa niya. Tinulak ko siya. Pinunasan ko ang labi ko bago titigan siya ng masama.
"Arianne, I love you," sabi niya uli pero wala ng ngiti sa kaniyang mga labi. Sa halip ay seryosong ekspresyon ang ipinakita niya sa akin.
"Go to hell…"
"Huh?"
"I said go to hell!" bulyaw ko kasabay ang pag-angat ng tubig sa mga mata ko. Galit ko siyang tinignan ngunit namumungay ang mga mata ko at nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ako makapag-focus.
"Arianne..." saad niya. Saglit na nanahimik ang pagitan naming dalawa bago lumuhod siya.
"Patatas, kamatis... Hmmm, hmmm. So bumili ka na pala ng mouse. Eh? Arianne, you're too careless to drop a carrot cake. Na-deformed na tuloy. O eto na."
That guy placed the handle of the shoulder bag in my hand. Parang wala lang sa kaniya yung ginawa niya.
"Arianne. I know this is really sudden hindi pa nga tayo nagkakakilala pero pero ayoko kasing pakawalan yung opportunity... Arianne, hindi ko talaga akalain na magkikita tayo ka agad."
Galit ako sa ilang mga karakter sa mga telenobela. Minsan kasi ay natatangahan ako sa kanila. I always thought that it's easy to slap a person after he did something rude like in television and movies but now that I'm in that situation I understand them now.
"Arianne, I love you. Please be my girlfriend."
Did I like what he did? Definitely not. I just don't know how to react; After all, I'm not mentally & emotionally prepared for this. What should I do? I don't know, maybe cry? Yes, those waters are on the verge of falling. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa sila nahuhulog.
"Arianne, sorry I ruined your lipstick,"
Suddenly, I felt a gentle touch on my lips. That action made me smell the sweet fragrance of the strawberry-flavored lip balm I'm always using. Odd, this only smells when my lips are moist.
I want to talk. I want to shout. I want to curse so much but I'm hesitating to move my mouth. The possibility of tasting what his lips taste like is what I currently feared the most.
♦♦♦