PRESENT
Sabay na sumagot ang kambal ng "Yes!".
Lumapit si Trish sa kanila.
"The program is about to start. Kailangan na kayo sa stage."
Dale nodded and looked at her husband.
Hinawakan nito ang kamay nya habang karga nito ang anak.
Habang sya naman ay hawak sa kabila ang anak na isa.
PAST
Kinalas ni Dale ang pagkakayakap sa kanya ni Edward na mas lalong nagpahagulgol dito.
"Da...le..."
Lumuhod si Dale para magkapantay sila ni Edward.
Hinawakan ni Dale ang mukha nitong duguan.
Kitang-kita ni Dale ang hinagpis sa mga mata ng asawa.
Nagsusumamo ang mga mata nito.
Pilit na sinusuri kung ano ang nararamdaman nya.
Kapagkuwan ay pinunasan nito ang mga mata at pilit na ngumiti.
"Can I ask you one last favor?"
"A...ano...yon?"
"Can I have one last night with you?"
PRESENT
Habang naglalakad patungo ng stage ay hindi maiwasan ni Dale ang alalahanin ang lahat ng pinagdaanan niya bago nangyari lahat ng ito.
Napatingin sya sa asawa.
Ramdam ng lalaki ang pagtingin nya.
He lovingly smiled at her and mouthed the words, "I love you!".
PAST
Umiling si Dale.
Masuyo niyang hinawakan ang mukha ng asawa.
"I don't want just another night with you Edward!"
Pigil ang hininga ni Edward.
Naghihintay ng susunod na sasabihin ni Dale.
Pilit nyang pinapakalma ang puso nyang abot-abot ang kaba.
"Because..."
PRESENT
She smiled at him.
Nang malapit na sila sa stage ay nagsalita na ang host.
"Let us all welcome...Mr. and Mrs...."
PAST
"I want not just one night, but every night, every day, every hour, every minute and every second to be with you! I love you, Edward Barber! Always have and always will!"
Parang sasabog ang puso ni Edward sa sobrang saya.
Hinawakan nya ang mukha ni Dale.
"MAHAL NA MAHAL KITA!"
Yumakap si Edward sa kanya at tumayo.
Buhat-buhat sya nito.
Nagulat pa sya ng isara nito ang pinto sa unit nya.
"Bakit mo sinara?"
Hindi sumagot si Edward bagkus ay naglakad ito habang buhat-buhat sya.
"Saan mo ako dadalhin?!? Ibaba mo na ako! Gamutin natin yung sugat mo!"
Nasa harapan sila ng pinto ng katapat na unit ni Dale.
Edward punched in his key code.
"Dito ka nakatira?"
"Yes, I just got here a few hours ago before I knocked on your unit." sagot ni Edward na hindi pa rin sya ibinababa.
Nagpumiglas ulit si Dale.
Napangiwi si Edward.
Medyo napuruhan ang tagiliran nya sa suntok ni Marco.
"I'm sorry! Ibaba mo na kasi muna ako para magamot ko yung sugat mo! Sige na love..."
Natigilan si Edward sa sinabi nya.
"I won't pretend that I didn't hear what you said, but can you please repeat it?"
"Ang sabi ko...ibaba mo na muna ako para magamot ko yung sugat mo!"
Kumunot ang noo ni Edward.
"That's not what I meant and you know it! Say it again please..."
"Sige na love..."
Ngumiti ng pagkalapad-lapad si Edward pero hindi sya ibinaba nito.
Nagpatuloy ito sa paglalakad.