webnovel

Chapter 1.1

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya.

Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito.

Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito.

Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy.

Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

Sino ba naman kasi ang magsasayang ng salapi at pumunta rito ng walang pangarap na makapasok sa nasabing akademya. Every year lamang ito nagaganap at tanging ang mga nasa tamang edad mula labing-anim hanggang tatlumpo ang edad na tinatanggap rito upang magparticipate sa elimination round.

Mayroong sistema ng paglahok sa bawat round dito sa sentral na bayan ng Mitran na isa rin sa sentral na rutang pangkalakalan ng iba't-ibang parte ng mga bayan upang magpalit o maghatid ng mga kalakal sa iba't-ibang lugar.

Isa ito sa nangungunang bayan hindi lamang sa dami ng populasyong naninirahan sa lugar na ito kundi dito rin karaniwang nagaganap ang malalaking mga event o kung ano pa mang okasyon upang isagawa rito.

Magkagayon man ay may sinusunod na batas ang nasabing bayan na ito lalo na at pinaniniwalaang isang makapangyarihang summoner ang nangangalaga o namamahala sa lugar na ito kaya kahit na sobrang dami ng mga indibidwal rito maging ng mga dayo ay takot na takot at ingat na ingat ang bawat isa na gumawa ng gulo rito lalo na't batid nilang mabigat na parusa ang maaaring ihatol sa mga tunay na nagkasala.

Isa sa tanyag na bagay ang kinatatakutan ng lahat ay ay ang mirror of lies na kung sinuman ang magsinungaling sa harap ng pambihirang salaming ito ay kayang higupin ang consciousness mo dahilan upang mawala sa sariling katinuan ang sinuman. Whether if it's true or not, no one dared to question how powerful this village could be.

Katabi lamang ng sentral na bayan ng Mitran ang Dragon City, isang lungsod na protektado ng Azure Dragon Palace na dito matatagpuan sa nasabing siyudad.

Dragon City is one of the liveliest place at masasabing walang presensya ng anumang gulo o krimen. Takot lamang ng mga ito sa mga dugong bughaw na naninirahan sa paligid lamang ng siyudad na ito.

Mostly, lugar ito ng mga kilalang mga Summoners maging ang mga mararangyang pamilyang napasailalim sa batas ng Azure Dragon Palace na siyang pangunahing lakas ng siyudad. Nagmumula ang batas na nag-eexist sa Dragon city mula sa nasabing palasyo.

Magkaiba man ang pwersa ng siyudad sa mismong palasyo ay nabubuhay pa rin ang lahat ng matiwasay sa lungsod. Sa palasyo ang mismong tagapagtupad habang sa siyudad mismo nagsasagawa ng hakbang upang panatilihin ang kaayusan ng Dragon City.

Mabilis na bumangon si Evor dahil hindi siya maaaring mahuli sa gagawin niya ngayong araw dahil isa siya sa mga kalahok maya-maya lamang.

Istrikto pa naman sa oras ang mga nakatoka sa nasabing elimination round lalo na sa oras ng pagissimula maging sa dami ng taong lalahok sa nasabing elimination round.

Dinala ni Evor ang numerong magsisilbing patunay na kalahok siya sa nasabing elimination round kung saan ito ang oras upang mabawasan ang mga kalahok at matitira na lamang ang mga designated number ng mga kalahok ayon sa eksaktong bilang ng Azure Dragon Academy.

Evor didn't even dream to be on number one spot. Alam niyang hindi siya nangangarap ng gising para doon. Besides that, malay niya bang makakaharap niya ang bali-balitang magpa-participate din ang mga dugong bughaw na mag-aaral sa Azure Dragon Academy. Walang priority number dito at pantay kung tumingin ang Azure Dragon Academy sa magiging estudyante ng mga ito.

Ngunit isa lang ang gustong matiyak ni Evor, gagawin niya ang lahat sa abot ng makakaya niya upang magkaroon ng disenteng ranggo upang matiyak ang kaniyang opisyal na pagpasok sa loob ng Azure Dragon Academy kahit batid njyang malaki ang posibilidad na mababangga o makakalaban niya sa elimination round ang malalakas na mga Summoners liban sa mga dugong bughaw na mga summoners.

Madali niyang madi-distinguish ang mga dugogn bughaw lalo na sa taglay na mga abilidad ng mga familiar ng mga ito. Usually ay malalakas ang mga royal bloods na miyembro ng Royal Families.

Magkagayon man ay hindi siya basta-bastang susuko at magpapatalo lamang. Ang matalo sa royal bloods ay inaasahan na iyon ngunit kung makakaya niyang labanan ang mga ito ay gagawin niya.

Ayaw niyang masayang ang pinagpaguran niya sa pag-eensayo sa loob ng mahigit isang buwan matapos ang huling laban niya sa isang malakas na summoner na si Demosthenes. Kagaya nito ay inaasahan niyang merong mula sa mga simpleng bayan ang magpapakitang gilas at may taglay na kakaibang kakayahang maaaring maging banta sa mga royal bloods maging sa isang katulad niyang Summoner.

Ginawa na ni Evor ang morning routine niya. Inayos niya muna ang sarili niya upang paghandaan ang nalalapit niyang pagsalang mamaya sa elimination round. Hindi naman niya gugustuhing maging mabaho sa importanteng araw ng buhay niya.

Hindi naman habang buhay siyang mananatili sa lugar na ito at kailangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Próximo capítulo