webnovel

MOVING AWAY

NATHAN's POV

Nakaupo lang ako sa may bleachers ngayon habang pinapanood ko ang aking mga kasama na naglalaro ng basketball.

"bro, ano na? ayos ka lang?" sabi ni Markus nang mapansin niya akong nakaupo lang sa gilid.

"sinabi ko na kay Aikka na layuan niya na ako."

"and anong sabi niya?"

"hindi ko na siya hinayaan pang magsalita kasi bro, ayaw kong mahalata niya na mahal na mahal ko siya at hindi ko siya gustong ipagtabuyan. Pero kailangan eh" sabi ko habang ginugulo-gulo ko ang aking buhok.

Naiinis na kasi ako sa aking sarili. Hindi ko na alam kung tama ba talaga ang naging desisyon ko.

"siguro, for now, iyon na muna ang mas makakabuti para sa inyong lahat. Saka bro, naniniwala naman ako na kung kayo talaga ang para sa isa't-isa... kayo talaga kahit ano pang mangyari. Kaya cheer up okay? Lilipas rin iyan, maglaro na lang tayo" tapos pinikpik niya ako sa balikat at bumalik na sa court.

(sighed)

Tumayo na rin ako para sana maglaro nang makita ko si Miss Alvarez na nakatayo lang sa may gate nitong gymnasium kaya nilapitan ko siya.

"Princess, a_nong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"ah..gusto ko lang sana itong ibigay sa iyo as a thank you for being worried to me kanina" tapos iniabot niya ang tumbler na may tubig.

"wala iyon. Ayaw ko lang maulit ang nangyari sa iyo noong Saturday." sabi ko.

"sorry huh if I called you. Kung hindi sana kita tinawagan for help noong araw na iyon, hindi ka sana nakausap ni Jenna and...hindi sana magtatampo sa iyo si Aikka" malungkot na sabi niya.

"wala kang kasalanan Princess kaya huwag mo nang problemahin iyon, ang importante..ligtas ka na" sabi ko.

"salamat Nathan. I just wish for your happiness kaya sana, dumating ang time na maayos niyo ito at maging kayo na ni Aikka" tapos umalis na siya.

Napahinga ulit ako ng malalim kasi sa totoo lang....

Hindi talaga madali ang magpanggap na hindi ka naapektuhan lalo na kung ang taong pilit mong nilalayuan ay siya namang lumalapit sa iyo ngayon. And....parang dinudurog ang puso ko ng dahil doon. Siguro tama si Miss Alvarez, kung hindi ko lang sana nakausap si Jenna noong araw na iyon...

(flashback)

Saturday na at kakarating ko lang ng apartment pagkagaling ko sa bukid. Nagmadali na akong nagbihis kasi nangako ako kay Aikka na pupunta ako sa bahay nila kasi sabi rin ni Elaine na pinag-effortan talaga iyon ni Aikka kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta.

Paalis na sana ako ng mga oras na iyon nang may biglang tumawag. Akala ko si Aikka iyon kaya agad kong sinagot ang tawag.

"N_Nathan....h_help" umiiyak siya at hindi ko alam kung bakit.

"ah...sino ito? nasaan ka?" tanong ko para tulungan siya.

Nang maibigay niya ang address kung nasaan siya, agad akong nagtungo sa lugar na iyon.

Laking gulat ko na lang ng makita si Miss Alvarez na nakagapos ang mga kamay at nakatakip ang bibig.

Lalapitan ko na sana siya para kalagan nang biglang nagsalita si Jenna sa bandang itaas nitong warehouse. Sinasabi ko na nga ba eh. Mga wala talaga silang puso!

"Ano na naman ba ang kailangan mo Jenna?!"

"calm down. I'm just here to negotiate" tapos bumaba siya sa may hagdan kasama ang mga tauhan niya.

Naririnig ko pa ang pag-iyak ni Miss Alvarez dahil sa takot niya. Pati ang inosenteng tao, dinamay pa niya sa mga kalokohan niya.

"pakawalan mo na si Miss Alvarez, ako na lang ang saktan mo" sabi ko.

"ssshhh.. don't worry, wala akong balak na saktan kayo. As what I've said, I'm here to negotiate" tapos ipinakita ang isang brown envelope na dala niya, sa akin.

"ano bang gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko sa kanya.

"follow me" tapos pumunta siya sa may sulok kung saan may dalawang upuan ang nakahanda doon.

Sumunod ako sa kanya at umupo na rin. Iniabot niya sa akin ang brown envelope.

"ano ito?"

"open it" sabi niya.

Binuksan ko ito at tiningnan kung ano ang laman, nagulat ako kasi may picture ni tatang sa loob.

"anong ibig sabihin nito Jenna?!"

"well.... I've discovered some interesting facts about your father."

"ano bang pinagsasabi mo, diretsahin mo na ako Jenna"

Tumingin siya sa akin ng sobrang talim. Yung parang gusto na niya akong patayin pero nagpipigil lang siya.

"you're father is a robber and a murderer!"

Ano? Nasisiraan na ba talaga siya ng bait?

"bawiin mo ang sinabi mo Jenna! hindi mamamatay tao ang tatang ko!!" lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ng mga tauhan niya.

"really? tss. shut up stupid, alam mo ba kung sino ang nabiktima ng tatay mo? ha? para sabihin mong hindi siya murderer? Its our mom! And buhay pa sana siya until now if not because of your father!!!" galit na sabi niya.

Hindi ako naniniwala sa mga bintang niya. Kilala ko si tatang at hindi niya magagawa iyon.

"hindi ako naniniwala! ikaw ang mamatay tao! kayo ng kapatid mo!!" sabi ko.

Nang dahil sa sinabi ko, sinampal niya ako bigla.

"you're too noisy Nathan at hindi iyan ang pagkakakilala ko sa iyo. If you don't want to believe me, I'll let him speak for himself. Sige, palabasin na siya!" sabi niya sa iba pa niyang tauhan dito sa baba.

Ilang saglit pa, nakita ko si tatang na kinakaladkad nila sa harapan ko.

"tatang!" agad kong nilapitan si tatang na nakahiga at duguan ang mukha.

"now, ikwento mo sa kanya ang totoong nangyari tanda kasi kapag hindi mo sinabi ang katotohanan, mapapahamak ang dalawa mo pang anak sa bahay ninyo" tapos ipinakita niya sa amin ang video sa laptop. Nasa loob nang bahay namin ang mga tauhan ni Jenna. Kasama ang mga kapatid ko.

"huwag mo silang....sasaktan.." sabi ni tatang habang namimilipit pa sa sakit.

"magbabayad ka Jenna! wala ka talagang awa!" sabi ko sa kanya.

"huwag nang masyadong maraming drama! sabihin mo na tanda!"

Tapos tumingin si tatang sa akin.

"anak...patawarin mo ako..." tapos biglang tumulo ang kanyang mga luha.

"tatang, wala po kayong kasalanan"

"malaki ang naging kasalanan ko anak....lalo na sa kanya....hin_ hindi sana sila mababalot ng poot kung...kung hindi ako sumama sa k_kanila"

"tatang, tama na. Hindi iyan totoo!" umiiyak na rin ako ngayon kasi ang sakit nang pakinggan ang mga sinasabi ni tatang.

Sobrang taas pa naman ng tingin ko sa kanya noon pero ngayon, unti-unti na itong nawawala.

"makinig ka anak....noong..bata ka pa....sobrang masakitin ka....at kahit magkanda_ magkanda-kuba kami ng nanay mo sa pagtatrabaho, hindi namin kayang tustusan ang mga bayarin sa ospital lalo na ang mga gamot mo. Nagkakasakit na rin ang nanay mo sa pagod...kaya naisipan kong humingi ng tulong sa mga kaibigan ko. Kaya_ kaya naisipan naming magnakaw sa bahay nila para lang maisalba ang buhay mo anak"

Nang marinig ko ang mga iyon, bigla akong nanghina at nagalit sa sarili ko.

"patawarin mo ako anak pero hindi naman sinasadya ng kasamahan naming mabaril ang nanay niya kasi_"

"itigil mo na iyan tatang! ayaw ko nang pakinggan ang mga sinasabi mo! nagsinungaling ka sa akin kaya parang-awa mo na, itigil mo na tatang ang mga sinaaabi mo" tapos tinakpan ko ang aking mga tenga sa pagkakataong iyon.

Sobrang sakit sa pakiramdam na, kikitil sila ng buhay ng ibang tao para maisalba lang ang buhay ko?

Ang unfair nun. At hindi ko masisisi si Jenna kung bakit siya nagkakaganyan.

At ang buhay na meroon ako ngayon? Hindi ito karapat-dapat para sa akin. Matagal na dapat akong wala dito sa mundo. Kaya_

Tumayo ako at inagaw ang baril sa isa sa tauhan ni Jenna. Nang magtagumpay ako sa pag-agaw nito, itinutok ko iyon sa aking ulo.

"Anak! huwag mo iyang gagawin! Kasalanan ko ito at hindi ikaw ang magbabayad nun! Ako na lang ang barilin mo..."

"kung hindi dahil sa akin tatang! hindi mo iyon gagawin...kaya.....paalam na. Alagaan mo ang sarili mo" ipuputok ko na sana ang baril nang magsalita si Jenna.

"don't even dare! papalampasin ko ang ginawa ninyong kasalanan sa pamilya namin.." seryosong sabi niya.

Nang mabaling ang aking atensyon sa kanya, agad namang binawi ng mga tauhan niya ang baril na hawak ko.

"And you don't need to kill yourself. Hindi matutuwa si Spade kapag nalaman niya iyon. So, ganito na lang....just do this favor for me and quits na tayo" tapos ngumiti siya.

"a_anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"simple....layuan mo na si Aikka."

Si Aikka? Bakit nadamay na naman si Aikka dito?

"ano bang problema mo kay Aikka at sobra ang galit mo sa kanya?"

"compared to my mom? mas nasaktan ako ng mawala si Lawrence.. kasi si mom, alam ko naman na ang paborito niyang anak ay si Spade eh kaya nakamove on na ako doon. But when we talk about Lawrence, if not because of Aikka? kasama ko pa sana ang taong tanging nagpapasaya sa akin ngayon"

"iniisip mo ba na kapag nilayuan ko si Aikka, makakaganti ka na sa kanya? Alam mo, nahihibang ka na talaga"

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Baliw na talaga siya.

"You don't get me. Ganito na lang, I'll tell you the truth, okay let's start with our plan, ang lahat ng planong pagpatay kay Aikka, ako naman talaga ang may pasimuno ng lahat ng iyon eh....haha! but that bitch is so lucky! Nakuha niya ang loob ng kapatid ko so...to make it fair, papayag ako sa gusto ng kapatid ko in a way na hindi na nya kailangang mamimili between us and hindi na niya kailangang kalabanin ako."

"hindi kita maintindihan Jenna" sabi ko.

"hitting two birds with one stone stupid! Magiging masaya ang kapatid ko sa kanya but siya ay magdurusa, kasi alam ko naman na ang talagang gusto niya ay ikaw. And I know na ang best thing to do if you really wanted to hurt somebody, is to strike him inside kasi forever niya iyong dadalhin even until her death."

Ang sama niya talaga! Ang sama-sama niya.

"so, its an easy task Nathan. And kapag hindi mo iyon ginawa, ipapakulong ko ang father mo and I'll make sure na mas lalo pang gugulo ang buhay nyo pati na ang kay Aikka. So you just choose Nathan"

(end of flashback)

Próximo capítulo