webnovel

Chapter 10

Habang binabasa ni Myles ang tungkol sa black magic sa internet ay lalo syang kinilabutan.

"My gosh! Ito pala ang ginawa nya!" Bulalas ni Myles habang nagbabasa ng article tungkol sa black magic. Maya-maya'y biglang namatay ang ilaw at humangin ng malakas, at nang napalingon sya sa pinto, ay may nakita syang anino na nakaupo sa upuan. Nakayuko ito at nakasuot ng kanilang uniform. Napakislot sa kinauupuan si Myles, hindi sya makahiyaw dahil walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Tanging takot lamang ang makikita sa kaniyang mukha.

Maya-maya ay nagkaroon ng liwanag sa bintana mula sa bilog na buwan, at doon niya naaninag ang mukha ng babaeng nakaupo, at iniangat nito ang kaniyang mukha. At doon ay nalaman niyang ito ay si Jenny. Nanginig ang buong katawan ni Myles at di makakilos. Nakatingin lamang si Jenny na tila nanghihingi ng hustisya. At bigla na lamang itong nawala na parang bula. At sa sobrang takot ay nakalabas ng silid si Myles at sa silid ng mga magulang ito natulog…

Kinabukasan sa kanilang paaralan…

Hindi pumasok si Ely. "Bakit wala si Ely?" Kinakabahang sabi ni Myles.

"Naku, kapag di sya pumasok ng hanggang tatlong araw ay susulatan na sya ni Rihana, nag-aalala ako para sa kanya!" Nanlalamig na sabi naman ni Leila habang hinihimas ang kaniyang sariling mga braso. Maya maya lang ay dumating na si Rihana. Gaya ng dati ay wala silang magawa kundi maupo at mag leksyon ng may takot sa kanilang mga mukha. Umiiling ang ulo ni Rihana na tila may hinahanap. Alam na nila kung sino ang hinahanap nito, dahil wala si Ely.

Matapos ang klase, niyaya ni Myles si Leila at Thea sa library.

At doon ay kaniyang sinabi ang kaniyang natuklasan tungkol sa black magic.

"Alam nyo ba na sumamba si Rihana sa masama! Upang magkaroon sya ng black magic!"

"Papano ka nakakasiguro?"

"Nabasa ko sa internet! Nakasaad doon kung papano magkaroon ng black magic, sumamba sya sa masama at binenta ang sarili sa debil, lahat ng pangarap niya matutupad! At maaari din humiling na magpatuloy ang nais niyang mangyari kahit wala na sya sa mundo!"

"Pero bakit ito nagawa ni Rihana?"

"Ganoon kalaki ang pagkagusto niya kay Trevor! Kaya nung nawala sya ay naghahasik naman ng lagim! Para makapag higanti! At alam niyo ba? Nagpakita sa akin si Jenny, nanghihingi sya ng tulong!"

"Ano ang maitutulong natin?"

"Kailangang matigil na ang mga ginagawa ni Rihana!" Bulalas ni Myles.

"Pero walang makakapigil sa kaniya!" Sabi naman ni Thea.

"At papano na si Ely, natatakot ako para sa kaniya!" Sabi naman ni Leila.

Tinatawagan nila si Ely ngunit hindi nito sinasagot ang kaniyang cellphone.

Makalipas ang tatlong araw ay wala pa din si Ely. At nakita na nilang nagsusulat na si Rihana.

"My gosh, sinusulatan na nya si Ely!" Bulalas ng lahat.

Matapos magsulat ay biglang lumabas na si Rihana. At doon na nagkaroon ng usap-usapan.

"May duda akong si Ely ang naging kasintahan ni Trevor!" Biglang sabi ni Thea.

"Huh?" nabiglang sambit ni Myles.

"Papatayin din sya ni Rihana kahit saan sya pumunta, kaya bago ito mangyari kailangan na muna nyang umamin para matapos na to!" Sabi ni Thea.

"Tama! Sya nga!" Wika naman ni Leila.

"Pero papano ka nakakasigiro Leila?" Tanong naman ni Myles.

"Nung nakaraang mga araw, sinasabi ni Ely na kung sya daw ang kasintahan ni Trevor, hindi na sya papasok, at magtatago na lang sya sa ibang bansa, tiyak di na daw sya masusundan doon!"

"Sabi ko na sa inyo, kaya ganon na ang ginagawa niya ngayon! At tayo ang mauubos dito!" Ani Thea.

"Pero kahit saan sya magpunta, masusundan pa rin sya ni Rihana! Gaya ng nangyari kay Tess, nagtungo ito ng London pero nasulatan pa rin sya!"

"Pero di pa rin tayo nakakasiguro na si Ely nga ang naging kasintahan ni Trevor!" Sabi naman ni Myles.

"Sya man o hindi, tutal papatayin rin lang naman sya, aminin na nya ang totoo ng matapos na to, nang wala ng ibang madamay!" Giit ni Thea.

"Oo nga!" Wika naman ni Leila.

"Anong gagawin natin?" Kinakabahang sabi ni Myles.

"Puntahan natin sya! Para umamin na sya!"

Pinuntahan nila si Ely nung mga oras na yon, at napag-alamanan nilang hindi na ito papasok at on the way na ito papuntang aiport patungo ng Amerika.

"Pigilan natin sya! Kailangan nya itong aminin kung hindi ay mauubos tayong lahat sa section 1!" Bulalas ni Thea.

Pagdating sa airport ay nakita nila si Ely na nakapila papasok sa loob nito dala ang kaniyang bagahe at passport, at habang nakapila ito sa labas ay kanila itong pinigilan.

"Ely, huwag mong ituloy yan, masusundan ka rin nya!"

"Ayoko na! Di ko na kaya mga nangyayari!"

"Ely! ikaw siguro ang kasintahan ni Trevor, aminin mo na ng matapos na to, marami kaming madadamay!" Nakikiusap na sabi ni Thea.

Naggkakatinginan na ang mga taong nakapila. Sa kalayuan ay natanaw nila si Riana na nakatayo at masamang nakatingin. Nakaramdam sila ng takot at kanilang hinatak si Ely mula sa kinapipilahan nito. At mabilis silang naglakad hanggang nakarating sila sa isang kanto.

"Sinusundan tayo ni Rihana!" Takot na sabi ni Myles.

"Tulungan nyo ko!" Naghihisteryang sabi ni Ely.

"Sino ba kasi ang naging kasintahan ni Trevor? ng matapos na to!" tanong ni Myles.

Maya-maya'y biglang humangin ng malakas at nahawi ang suot na blouse ni Thea at biglang lumitaw ang suot nitong kuwintas. Nagulat sila nang nakita nila ito.

"Bakit nasa sayo yan?" nagtatakang tanong ni Ely.

Di nakaimik si Thea at biglang nangatog ang katawan nito..

"Ikaw ba Thea ang nagkaroon ng kaugnayan kay Trevor?" Curious na tanong ni Leila sa kanya.

At nakita nilang may nakasilid na sulat sa bulsa ni Thea.

"Ikaw na pala ang susunod my gosh!" Bulalas ni Myles at napaatras sya kay Thea.

"Tulungan nyo ko!" Biglang hagulgol ni Thea.

Nag atrasan sila ekay Thea.

"Tinapon ko na ang kuwintas na to pero laging nagbabalik sa leeg ko! Tulungan nyo ko!"

"Anong ginawa mo magtapat ka!" singhal ni Ely.

Próximo capítulo