webnovel

SINO?

Now, finally, it's really over!"

Nakangiting sambit ni AJ matapos ibalita sa kanya ni Fidel na nakakulong na si Cong. Mendes.

"Talaga? Ibig bang sabihin nito pwede na tayong mag swimming? Kahapon pa ako swimming na swimming eh!"

Sabi ni Mel.

"Yes, Mel Buddy makakapag relax na rin tayo! Diba?"

Sabi ni AJ sabay tingin sa mga girlfriend nila.

"Oo naman!"

Sagot ni Eunice at Kate.

"Buti pa AJ Dude, tara na mag ready na tayo! Magpapalit na ako ng pang swimming! Sa wakas, masusuot ko na rin ang bigay sa akin ni Kate MyLabs ko! Hehe!"

"Okey sige, balikan na lang namin kayo dito!"

"Okey...!"

At excited ng umalis ang dalawa.

Pag alis ng dalawang lalaki nagkatinginan sila Kate at Eunice.

"Nakita mo ba ang hinahanap mo?"

Tanong ni Kate

"Yes Ate, but right now, I don't think that she's a threat! So I guess pwede na tayong mag relax! Hehe!"

Sagot ni Eunice.

"Okey! Pero saglit lang, hihiga muna ko!"

Masayang masaya sila AJ at Mel pagbalik ng silid kung saan nila iniwan sila Kate at Eunice. Nagtatalo pa ang mga ito kung ano ang uunahing gawin, parehong excited na finally, makakapagenjoy na sila kasama ang mga girlfriend nila pero ....

Pagbukas ng pinto, parehong tulog ang dalawa.

"Haaay naku akala ko pa naman makakapag swimming na tayo!"

Sabi ni Mel.

"Shhhh! Huwag kang maingay! Hayaan na lang natin silang matulog, mukhang napagod sila ng husto!"

Suway ni AJ

"Kung sabagay, mas masaya silang pagmasdang matulog kesa mag swimming! Hehe!

Si Kate MyLabs ang cute matulog oh!"

"Oonga! At si Coffee ko tingnan mo, parang baby!"

"Ehem!"

Nagulat ang dalawa sa biglang pagdating ni Edmund.

"Anong ginagawa nyo? Bakit hindi nyo sila hayaan matulog? Magsilayas nga kayo dito!"

Singhal ni Edmund sa dalawa.

Patakbong umalis ang dalawa, saka isinara ni Edmund ang pinto at binantayan ito para walang makapasok.

***

"Earl, where's your Dad?"

Tanong ni Nicole.

Kanina pa nya hinahanap ang asawa nya, pero hindi nya makita.

Tumuro lang si Earl sa direksyon kung saan naroon si Edmund.

Napataas ang kilay ni Nicole sa inasta ng anak.

"At ano naman ang ginagawa ng Daddy mo duon?"

"Playing guard! Binabantayan sila Ate!"

Sabay ismid.

Halatang irita sa ginagawa ng ama.

Naintindihan na ni Nicole kung bakit ganito ang inaasta ni Earl.

Naiinis sya sa sobrang pagka OA kung minsan ni Edmund sa ate nya.

Mas lalong napataas ang kilay ni Nicole.

"Ano bang problema ng tatay mo at mukhang napapraning na naman?"

"Ewan ko po Mom, kanina pa nga po gustong lumapit nila Kuya Mel at Bro AJ pero binabawalan sila!"

Sabay turo ni Earl sa direksyon nila AJ at Mel na pasuluap sulyap sa direksyon ni Edmund.

Nilapitan ni Nicole ang asawa.

"Honey, kanina pa kita hinahanap, ano bang ginagawa mo dito?"

"Ayaw kong mag swimming Honey, medyo pagod ako. Dito na lang muna ako, magpapahinga!"

"Pagod? At saan ka naman napagod sa pagbabantay dyan sa pangany mo?"

"Anong nagbabantay? Sinong nagsabi sa'yo?"

Hinanap nya kung saan naroon sila AJ at Mel.

"Hoy kayong dalawa, lumapit nga kayo!"

Tawag nito.

"Anong sinusumbong nyo sa asawa ko? Ha?"

Nagkatinginan nag dalawa, sabay iling.

"Hindi sila nagsumbong, dahil obvious naman yang ginagawa mo!

Bakit hindi mo na lang kaya i ibulsa yang anak mo, para hindi ka napapraning dyan?"

"Honey, ayaw ko lang naman silang maistorbo sa pagtulog at yang dalawa, pinanonood nilang matulog yung dalawa sa loob!"

"Jusmiyo, Edmund, tumigil ka na nga at hayaan mo na sila ang magbantay sa mga jowa nila!"

Sabay hatak ni Nicole kay Edmund.

"Teka sandali Honey, may sasabihin lang ako kay AJ."

"AJ, nangako ka sa akin, huwag mong kalilimutan ang pangako mo! FIVE YEARS! Huh?

After five years mo pa pwedeng pakasalan ang anak ko!

"Five years.."

"I am watching you AJ! Five years ... "

Sabi ni Edmund habang hinahatak na syang papalayo ni Nicole.

"Five years!"

Paulit ulit nyang sabi papalayo.

Bagay na hindi inakala ni Edmund na pagsisihan nya pagdating ng tatlong taon.

*****

Hindi pa rin, maubos maisip ni Cong. Mendes kung paano sya napunta sa kinalalagyan nya ngayon.

Ang huling naaalala nya ay mahimbing syang natutulog sa isang malayong lugar kung kaya, hindi nya matanggap na pag gising nya, nasa loob na sya ng isang selda, nakakulong.

At hindi pa nya alam kung saan selda sya nakakulong.

"Paano ako napunta rito? Bakit wala akong maalala?"

Pero unti unting nanumbalik sa kanya ang lahat.

Yung bagay na akala nya panaginip lang ... totoo pala.

Pinasok sya ng kalalakihan at pilit ginigising....

Binitbit sya at isinakay....

Dumating sila sa isang lugar na may bakal ....

Inilagay sya ng mga ito sa kama.

Naalala pa nyang nagbilin pa sya sa mga kalalakihan bago sila umalis.

"Isara nyo nga ang pinto pag alis nyo at huwag nyo na akong istorbohin! Pagod ako!"

Utos nya sa mga ito.

"Anak ng .... "

"Ibig sabihin, totoo lahat iyon at hindi panaginip lang?"

Hindi alam ni Cong. Mendes kung bakit nya ginawa iyon.

"Bakit hinayaan ko silang gawin ito?"

Agad nyang ipinatawag ang abogado nya para makapag bail na sya at ng makalabas na sya rito.

"Kailangan ko ng makalabas dito, hindi ako nababagay sa lugar na ito!"

"Pasensya na Cong. Mendes pero .... sa dami ng kaso na patong patong nilang isinampa sa inyo, kasama na yun carnapping, tyak na hindi sila papayag na magkaroon ka ng bail."

Paliwanag ng abogado nya.

"Anong pinagsasabi mo? Wala naman akong alam sa mga ibinibintang nila sa akin!

Oo, inaamin kong ginamit ko yung sasakyan, pero hiniram ko lang yun!"

"Pero Congressman, wasak na wasak ho yung bagong kotse dahil ginamit nyo daw itong get away vehicle!"

"Anong get away ang pinagsasabi mo dyan? Hindi naman ako tumatakas sa mga otoridad, mga reporters yung tinataksan ko!

Saka, pwede ko naman syang ibili ng bago kotse na parehong modelo nung nasira ko!"

"Sorry Congressman pero ... naka freeze po lahat ng assets nyo kasama na dun ang mga bank account nyo!"

"WHAT?!"

Tila binagsakan ng langit si Cong. Mendes matapos nyang marinig ito.

Sa isang iglap, nawala sa kanya ang lahat.

"Congressman, may isa pa pala akong kailangan sabihin sa inyo! Gusto ng ombudsman na tanggalin kayo sa pagiging congressman. Isa raw kayong malaking kahihiyan sa kanila!"

"Mga bwisit na yun, anong kahihiyan ang pinagsasabi nila? Kung magsalita sila parang ke lilinis nila!"

"Congressman, I suggest, pagisipan muna natin ang next move, kasi, lahat ng kaso na isinampa nila sa inyo may concrete evidence na nagtuturo sa inyo."

"Impossible!"

Siguristang tao sya at pulido ang lahat ng trabaho nyang ilegal kaya papaano sila nakahanap ng ebidensya? Kailangan nyang malaman.

"Sino? Sinong may gawa nito sa akin, Attorney? Sinong may lakas ng loob na kalabanin ako?"

"SINO???!!!!"

Próximo capítulo