webnovel

Pananabotahe

Kasama si Jason, sinadya nila ang NiceEd Corp. para personal na mag apologize si Madam Debbie kay Eunice.

Pero pag dating nya duon, wala si Eunice nasa Pampangga Branch daw.

"Pampangga? Bakit sya nasa Pampangga? Duon na ba ang office nya?"

Tanong ni Jason.

"Hindi! Sya na ngayon ang presidente ng Pampangga Branch dahil biglang nag resign si President Reyes. Nakakaawa nga si Ms. E, sya na ang humahawak ng Pampangga Branch pati buong NiceEd Corp sya na rin, isama pa ang Tulip Company nya. Kaya ayun halos madaling araw na kung umuwi! Hindi ko nga alam kung papaano nya nagagawa yun!"

Ito ang sabi ng kaibigan ni Jason na si Cheena.

"Si President Reyes nag resign? Bakit?"

Gulat na tanong ni Jason

"Hindi nya matanggap na si Ms. E na ang magiging CEO!"

"Bakit, may plano ba syang maging CEO kaya hindi nya matanggap?"

"Hindi naman. Ayaw lang ni President Reyes na maging under ni Ms. E. Napaka bata pa kasi nito tapos babae pa!"

"Ganun kababaw ang reason nya? Nakakainis sya ha!"

Si Madam Debbie ay kanina pa nagtataka kay Jason.

"Jason, kilala mo ba ng personal si President Reyes?"

"Haaay naku Madam Debbie, nagpunta yan sa office natin kelan lang saying na hindi worth it mapasama si Ms. Eunice sa list natin dahil hindi naman sya ang kumikilos kundi ang father nyang si Sir Edmund. Wala daw ginagawa yan dito sa NicEd Corp. at laging nasa labas, nagpapakita lang dito tapos umaalis na! Spoiled brat daw yan si Ms. Eunice kaya nasusunod lahat ng gusto at ginagawa lang daw na playground ang NicEd Corp.

Ang mga sinabi nya ang dahilan kaya nagkaroon ng agam agam ang lahat ng member ng org.!"

Paliwanag ni Jason

"Hindi naman totoo yan! Low profile lang talaga si Ms. E kaya bibihira ang nakakaalam ng mga achievements nya.

Saka, hindi talaga sya nag iistay dito dahil sa labas nya ginagawa ang trabaho nya! Ilang beses na kasing pinapasok ang office nya kaya hindi sya dito nag wowork. May nageespiya sa mga trabaho nya lalo na sa games na ginagawa nya!"

Paliwanag ni Cheena.

"Bibihira ang mga taong nakakakilala kay Ms. E, usually yung mga close sa kanya. Hindi lahat ng empleyado dito nakikilala sya! Yung iba nga kelan lang nalaman nila na mag ama pala si Sir Edmund at si Ms. E!"

Dugtong pa ni Cheena.

"Ibig bang sabihin nito, close ka sa kanya?"

Tanong ni Madam Debbie.

"Hindi po ako Madam Debbie, si Janice po, ang dating assistant ni Ms. E na Secretary na ngayon ng CEO! Roomie ko po sya. Classmate nya raw po si Ms. E nung freshman year at napakalaki daw ang naitulong ni Ms. E para makapasa lahat sila sa klase na yun!"

"Cheena, pwede ko bang malaman ang address ng Pampangga Branch, kailangan ko kasing mag apologize ng personal kay Ms. Eunice dahil sa nangyari!"

Sabi ni Madam Debbie.

"Pero hindi ko po sure kung haharapin kayo ni Ms E, sobrang busy po kasi nya. Gusto nyang matapos ang problemang iniwan ni President Reyes sa Pampanga branch bago ang turn over ng CEO sa kanya! Saka, nag post na po kayo ng apology letter kaya antayin nyo na muna pong mabasa nya yun!"

"Hindi pa nababasa ni Ms. Eunice ang pinost naming apology letter? Akala ko nakarating na, kasi sumagot na si Sir Earl!"

Nagtatakang tanong ni Jason

"Hindi pa nya nababasa and I don't think na nabanggit na ni Sir Earl kay Ms. E! Hindi kasi nakikipagusap si Ms. E lately masyadong focus sa work kasi sa makalawa na ang anniversary namin at duon gaganapin ang turn over!"

"Okey Cheena, we understand pero gusto ko pa rin magpunta sa Pampanga branch, magbabakasakali ako! Alam kong nagkulang kami at kasalanan ko 'to. Hindi sapat ang apology letter, kailangan kong gawin ito ng personal!"

Naawa naman si Cheena kaya ibinigay nya ang address ng Pampangga Branch.

***

"Jason, ano ba yang ginagawa mo?"

Tanong ni Madam Debbie kay Jason ng makita iyong busy sa phone.

Nasa sasakyan na sila papuntang Pampangga ng mapansin ni Madam Debbie na parang wala syang kausap.

"Pasensya na po Madam may sinusulat lang po. Minamadali ko po ito para ma ipost ko agad."

"Ano na naman yan? Pwede ba sa susunod bago kayo mag post sabihan nyo ako ng aware naman ako sa mga pinag gagawa nyo!"

"Madam, tungkol po ito kay President Reyes, ay, dapat pala Mr. Reyes! Ire reveal ko po na sya ang dahilan kaya tayo nagkaron ng agam agam kay Ms. Eunice!"

"Pero pag ginawa mo yan mapapasama ang organization. Iisipin ng netizen na uto uto tayo at madaling mapaikot!"

"Eh, Madam, masama na po ang tingin ng netizen sa atin kahit hindi ko po ito gawin. Pero hindi po ako makakapayag na tayo lang ang masisira sa netizen, kailangan malaman nila ang panninira ni Mr. Reyes kay Ms. Eunice at ang pananabotahe nya sa award's night natin!"

"Sabagay tama ka dyan masasabi ngang pananabotahe ang ginawa nya dahil baka hindi matuloy ang award's night pag hindi nagsipuntahan ang mga awardee. Mag pa file na rin ako ng formal complain para pagbayaran ni Mr Reyes ang paninirang ginawa nya!"

Kaya bago sila nakarating ng Pampangga, nagkakagulo na na naman sa internet.

"Haaay naku, ganun naman pala, may gustong sumabotahe kay Eunice Perdigoñez!"

"Grabe naman yang Reyes na yan, masyadong bitter! Mag reresign tapos gagawa ng kwento!"

"Haaay naku, mga tao nga naman walang magawa! Hindi na naawa, pati bata pinapatulan!"

Nabasa ito ng mga judges na kinuha ng org at nagsalita din sila.

"Nilapitan din kami ni Mr. Reyes at sinubukan nga nyang sirain ang kredibilidad ni Ms. Eunice. May iba sa amin na sinubukan nyang suhulan pero, hindi sya nagtagumpay. Aware kasi kami sa lahat ng achievements ni Ms. Eunice because we did our homework well!"

Napili namin sya hindi dahil sa isa syang Perdigoñez kundi dahil sa napakahusay nyang talento. Sa lahat ng nominee sya lang ang kaisa isang katangi tangi ang galing at talaga namang karapat dapat sya sa awards!"

At si Mr. Reyes, natakot sya at nagtago. Ayaw lumabas ng bahay at baka dumugin sya ng mga netizen na galit na galit sa kanya.

Samantalang si Eunice ay abalang abala sa pagaayos sa loob ng main computer room.

Andami kasing nawawalang mga parts ng main computer na naka lista kasama sa list pero hindi alam ni Eunice kung bakit wala duon.

Ang sabi ni VP Lance, hindi nya daw alam ang tungkol dun sa parts na nawawala dahil wala namang dumarating sa kanila.

"So, humingi ng budget si Mr. Reyes para i upgrade ang system pero walang dumating na parts? Sigurado ka?"

Tanong ni Eunice.

"Wala po talaga akong alam sa bagay na tinutukoy nyo Ms. E!"

"Eunice, natapos ko ng checkin ang kulang!"

Sabi ni Kate.

At tama si Eunice, hindi tumutugma ang nasa listahang nasa kamay ni Eunice sa ibinigay ni Kate.

"Yang mga yan ang dahilan kaya kahit na na upgrade ang software hindi pa rin ganun kabilis dahil hindi upgraded ang hardware!"

"Kailangan malaman ito agad ni Daddy! Ate Reah asan ba si Daddy ngayon?"

"Nasa Tagaytay sila ng Mommy mo, mag sa sight seeing daw at kakain ng bulalo!"

Eunice: "....."

Agad na kinuha ni Eunice ang phone at tinawagan ang ama.

Kaya si Mr. Reyes, hindi alam ang gagawin, natataranta ito ng magkasunod na dumating ang mga pulis yung una ay mula sa Young Entrepreneur Leadership Organization na inirereklamo sya ng pananabotahe at paninirang puri at yung pangalawa ay warrant of arrest mula sa NicEd Corp.

Sa sobrang takot nito nangisay at natuluyan.

Próximo capítulo