webnovel

Tricky Part

Simula ng araw na yun na makita ni Eunice si Jeremy, lagi na syang balisa at madalas nawawala sa sarili.

'Bakit ba andito rin sya sa school na 'to, sa dinami dami ng school? Saka diba dapat graduate na sya?'

'Paano kung isang araw magkita kami, anong gagawin ko?'

Hindi na maalis ang kabog sa dibdib ni Eunice, kabog na si Jeremy lang ang nakakagawa sa kanya at hindi nya alam kung ang dahilan ba nito ay takot o tuwa.

"Ms. Perdigoñez!"

Tak! Tak! Tak!

Nagulat si Eunice ng tawagin sya ng professor nya habang pinapalo nito ng hawak na ruler ang table nya.

"S_S_Sir?"

Nagtawanan ang buong klase.

"Are you with us, Ms. Perdigoñez? Dahil kung hindi pwede ka ng lumabas! Hindi ko kailangan ng estudyante na walang interes sa klase ko!"

"Sorry po Sir! Hindi na po maaulit!"

Sagot ni Eunice.

Kanina pa sya tinatawag ng professor nya ng mapansin nitong lutang ang isip ni Eunice kaya nilapitan nya.

Ayaw ni Professor Alex Lucas ang mga estudyanteng walang interes sa subject nya.

Makikita ang pagkadismaya sa mukha nya sa inasal ni Eunice.

'Ito ba ang pinagmamalaki ni John na sabi nyang genius daw? Hmp!'

"May sakit ka ba Ms. Perdigoñez? Namumutla ka kasi e!"

"Wala po Sir! Okey lang po ako!"

"Good! Now answer the question!"

Singhal ni professor sabay turo sa white board.

Napatingin si Eunice sa whiteboard at napansin ni Prof Alex na tila nagiba ang aura nito.

"Anong masasabi mo Ms. Perdigoñez, tama ba ang sagot ni Ms. Roldan?"

"No Sir!"

Sagot ni Eunice.

Si Ms. Patricia Roldan na kanina pa puno ng ngiti at feeling proud sa sagot nya ay di makapaniwala sa nadinig.

Alam nyang tama ang sagot nya. Sigurado sya! Isa syang valedictorian sa school na pinanggalingan nya at math ang pinakamataas nyang grade kaya hindi nya matanggap na sabihing MALI sya.

"Sorry Sir, but I don't believe na mali ang sagot ko! Math ang pinaka mataas kong grade nung high school, 98 ang grade ko sa Math. NINTY EIGHT! and this is not the first time na sumagot ako ng ganyang problem!"

"Well Ms. Perdigoñez, can you prove na mali ang sagot ni Ms. Roldan?"

"Oh_Ohh!"

Sabi ng katabi ni Eunice.

Hindi ito inaasahan ni Eunice. Plan nyang magpaka low profile, ayaw nya ng may makakaalitan. Pero mukhang hindi ito ang gusto ng pagkakataon.

"I'm waiting Ms. Perdigoñez, nangangalay na 'ko!"

Nakataas ang kamay nito na iniaabot ang marker pen.

Huminga ng malalim si Eunice bago tumayo, kinuha ang marker at sinagutan ang question.

"Huh! And you think that is right?"

Tanong ni Patricia kay Eunice.

'Malaki ang problema ng taong ito.'

Sabi ni Eunice sa sarili.

"Well, Ms. Perdigoñez, anong masasabi mo sa tanong ni Ms. Roldan?"

"Bakit ba feeling ko sinasadya ni Prof na magsabong kami ni Ms. Roldan?'

But the truth, disappointed si Prof. Alex kay Eunice ng makita nyang hindi ito nakikinig kanina. Sobrang taas ng expectations nya sa batang ito dahil lagi syang binibida ni Prof. John. Pero nagulat sya ng sagutan nya ang question.

"Sir, sa tingin ko mukhang hindi sigurado si Ms. Perdigoñez sa sagot nya!"

Aroganteng sabi ni Patricia.

"Ewan ko ba, napakasimple lang naman ng tanong!"

Sarkastikong dugtong nya.

Pero nakuha na ni Eunice ang atensyon ni Prof Alex ng hindi nya sinasadya, napansin nya ito sa mga mata ng professor.

"Is that true Ms. Perdigoñez? Is that a simple math problem?"

Naiinis na si Patricia.

'Bakit ba hindi ako pinapansin ni Sir? Tama naman ang sagot ko ah!'

'Siguro gusto nyang turuan ng leksyon itong si Ms. Perdigoñez. Hmp, buti nga sa'yo, masyado kasing nagmamarunong!'

"No Sir! Mukha lang po syang simple pero ang totoo po it's a tricky problem!"

Gustong magprotesta ni Patricia pero biglang itinaas ni Prof Alex ang kamay nya, signaling her to stop.

"Hmmm... Explain!"

"Kasi, hindi po nakita ni Ms. Roldan ang part na ito, ito po ang tricky part na kailangan munang isolve."

Nangiti si Eunice sa huling sinabi nya.

Tricky part na kailangan munang isolve.

'Hindi ko akalin na makikita ko ang sagot sa problema ko kay Jeremy sa Math problem na 'to!'

Tama, nililinlang ko lang ang sarili ko. Hehe!'

Akala ni Patricia nangiinis si Eunice kaya ito nakangiti.

"Anong pinagsasabi mong tricky part e ganyan din ang mga Math problem na sinosolve ko nung high school?"

Tanong ni Patricia.

"Sa biglang tingin, aakalin mong simple lang ang problem kaya isosolve mo sya gamit ang simpleng solution na natutunan natin sa high school pero may tricky part sya na dapat munang isolve."

"Hindi ka ba nakikinig? Madami na akong sinolve na ganyan nung high school at ako ang best in Math sa school namin!"

"Ms. Roldan, college student ka na hindi na high school, bakit hindi mo subukan mag move on!"

Sabi ni Eunice.

"HAHAHAHAHA!"

Nagtawanan ang lahat at namula naman si Patricia. Napahiya sya.

"That's enough! You may sit-down Ms. Perdigoñez."

Suway ni Prof Alex.

"Copy Eunice answer and study it! Lalabas yan sa quiz ninyo next meeting so !"

"Uhhhuhhh!"

"Hey! That was nice slap! Ilang araw na rin kaming napipikon dyan kakabida sa mga achievements nya nung high school! Finally nakakita rin sya ng katapat and she look pissed. Hehe! By the way I'm Fredrick, Freddie for short!"

Hello Freddie!"

Simpleng sagot ni Eunice.

"Yeah you're right, she's pissed. Sana hindi nya ako bigyan ng problema."

Dugtong ni Eunice.

"Well, nice way to start your first week!"

Próximo capítulo