webnovel

Syang Bahala

"HAHAHAHAHA!"

Tawang tawa ang magpinsan habang ikinuwento ni Kate kay Eunice ang nangyari sa kanila ni Mel nung isang araw sa bahay nila.

Habang si Mel naman ay pulang pula sa kahihiyan pag naalala yung nangyari.

'Jusmiyo itong magpinsan na 'to!'

Napansin nila ang pamumula ni Mel kaya tumigil na sila sa pagtawa.

"Huwag kang magaalala Besh, hindi galit sa'yo sila Tita Nadine at Tito Jaime basta siguraduhin mo lang na hindi magba bayang magiliw yang junior mo!"

"Hahahaha!"

Humagalpak ulit ng tawa si Kate.

"I'm sorry Melabs diko mapigilan! Hahahaha!"

"Tama na nga yan! Let's change the topic!"

Sabi ni Mel.

"Ikaw Sissy, ano naman ang latest sa'yo? Hindi na kita napagkikita simula ng magturo ka sa elementary! Hindi na rin tayo nakakapagkwentuhan kahit sa chat! Tapos dumating pa itong nangyari kila Earl at Ian!"

"Oonga Besh andaming ganap sa life natin lately, ganun ba talaga pag tumatanda ang dami ng inaalala?"

"Oo 'Cuz, kaya dapat sa'yo huwag masyadong serious! Get a life!"

"Sabi nga rin ni Mommy sa 'kin yan nung isang araw, I need to get a life and a lovelife daw!"

"Wow! That's a good news for you, pinagtutulakan na sya ni Ninang magka love life! Ang tanong, ano naman kaya ang say ni Ninong?"

Sabi ni Kate.

"Mahalaga pa ba yun kung wala naman!"

Sagot ni Eunice.

"Hahaha! Syanga naman!"

"Bakit Sissy, hindi na ba kayo naguusap ni Jeremy my friend?"

Umiling si Eunice.

"Anong nangyari dun? Bigla na lang tayong kinalimutan?"

"Well, I'm not really sure what happen to Jeremy pero nung isang araw ng tinawagan ko si Kuya James, sabi nya nakita raw nya si Jeremy sa isang Mall, tinawag nya ito pero hindi sya pinansin!"

Kwento ni Kate.

"Nasa Pilipinas si Jeremy my friend?! Bakit hindi man lang sya nagsabi sa atin?"

"Exactly!"

Dugtong ni Kate

Tila may kirot sa puso ni Eunice ng madinig ito.

'Wala lang ba talaga ako sa buhay nya? Nagkamali ba ako ng akala na pareho kami ng feelings sa isa't isa?'

"Well kung ano man ang problema ni Jeremy, sa kanya na yun! Wala tayong magagawa kung ayaw nya tayong isama sa buhay nya ngayon!"

"But wait! Eunie, my dear cousin, naalala mo ba si AJ?"

"Huh?"

"Yung AJ sa coffee shop, table mate nya, matangkad, gwapo at super cute pag ngumiti?"

Tanong ni Mel.

"Yes Melabs ko! Sabi ko na type mo sya e! Nag tu twinkle, twinkle ang eyes mo pag dinedescribe mo sya!"

"Kate MyLabs, kahit na mag twinkle twinkle yang eyes ko ikaw lang ang nagpapakabog ng dibdib ko!"

Natouch si Kate sa sinabi ni Mel at gusto nya itong sunggaban ng halik pero pinigilan sya ng pinsan nya.

"Oops! Tama na muna yan kiss! Ate Kate, behave!"

'Langya nabitin ako! Mukhang kailangan na ata talaga ng lovelife nitong pinsan ko!'

"Eunie, ipapakilala kita kay AJ! Tingin ko magkakasundo kayo dahil mahilig din yun kumanta at saka kailangan nya ng tulong sa basic accounting!"

Bakit ako? High School pa lang ako!"

"Yes! But you know accounting! Ikaw ang nagkamanage ng book of account ng business natin remember? And your good at explaining! I se set ko kayo ng date para magkita kayo!"

"Pero andito ako sa San Miguel nasa Maynila sya!"

"Huwag kang magalala akong bahala dun!"

"Sa tingin ko Kate MyLabs mas nagaalala si Sissy sa ikaw ang bahala! Ano na naman bang kapilyahan yang iniisip mo?"

"Secret! Hehe!"

The next weekend nagulat na lang si Eunice ng umuwi itong kasama si AJ.

*****

Samantala.

Pagkatapos balaan ni Ames si Lemuel, nanahimik na lang ito at inasikaso ang kompanya nya.

Kilala nya ang anak nyang si Ames, aminado syang hindi nya sigurado kung totohanin nya ang banta nito pero mas mabuti ng huwag na nyang kalabanin ito. Pero hindi ibig sabihin na sumusuko na sya.

At dahil sa pananahimik ni Lemuel, nakapagsimula ng magandang buhay si Jericho kapiling ang pamilya nya.

Nagkaron na ng malay si Elsa at naiuwi na nila ito sa bahay ni Ames sa Maynila na tinutuluyan nila ngayon. Si Jeremy ang nagbabantay sa kanya at ang kapatid nya na si Elaine ay lumipat naman sa maine branch ng Ames Academy.

Pero ang masaya nito, pagdating ng hapon ay masaya silang naghahapunan na walang inaalalang kung ano man.

"Sweetheart, alam mo ang dami kong tanggap ngayon! Nakakatuwa nga e!"

Kwento ni Jericho sa asawa nya.

Simula ng umalis sila sa poder ni Lemuel ay naging pala kwento na ito at masayahin. Hindi na kasi bilang ang mga kilos nya at wala ng laging sumisita.

"Talaga po Papa? Ibig po bang sabihin nun pwede nyo ng dagdagan ang allowance ko? Please!"

Buong ngiting sabi ni Elaine.

"No baby, pasensya na ha! Kasi kaka start pa lang ng shop ko at magisa lang ako kaya hindi ko pa kayang tumanggap ng madaming customer kahit gusto ko!"

"Hmmm... hmmm...."

Gustong magsalita ni Elsa pero hindi pa nito kaya.

"Ano yun Sweetheart? Anong gusto mong sabihin?"

"Hmmm.... hmmm... "

"Sa tingin ko po gustong sabihin ni Mama na tulungan ko daw po kayo sa shop!"

Paliwanag ni Jeremy.

"Sa tingin ko ang gustong sabihin ng Mama nyo e na bo bored ka na dito kaya pinapupunta ka nya sa shop!"

"Pero hindi po ako na bo bored at ...."

"At ayaw mong lumabas!"

"Jeremy alam kong nahihiya kang lumabas baka may makakita sayo gaya nung minsang makita ka ni James! Naintindihan ko!"

"Thanks Papa!"

"Pero Kuya, hindi pwedeng habang buhay andito ka na lang sa bahay magmumukmok! Wala naman tayong kasalanan na dapat nating ikahiya! Proud ako sa'yo Kuya gaya ng pagka proud ko kay Papa dahil finally nagagawa na nya ang gusto nya!"

"Hmmm.... hmmm...."

"Mukhang natutuwa din ang Mama nyo!"

"Kuya, tingin ko mas makakabuting sumama ka kay Papa sa shop, wala naman makakakita sa'yo dun! Basta take a time to go outside, feel the air!"

"Jeremy, hindi ka namin pipilipitin sa kung ano ang gusto mo, buhay mo yan! Pero tama si Elaine, you need to get out, kaya bukas sasama ka sa akin sa shop, hindi para tumulong sa akin kundi para makalabas ka!"

"We need to do it one at a time. WE, not YOU alone! Okey!"

***

Kinabukasan sumama nga si Jeremy sa Papa nya at nakita nya ang ginagawa nito.

Mahirap, madumi pero masaya sya. Hindi ito katulad ng dati nyang trabaho na nakapaligid sya sa mga taong handang gawin lahat ng iutos nya.

First nyang nakitang masaya ang Papa nya.

"Tama ka Papa, masaya nga ito!"

Próximo capítulo