webnovel

Anong Utang

"Huwag! Huwag nyo po syang dalhin! Please po nakikiusap po ako! Wala po akong pera dito pero eto po ang ATM! Ibibigay ko po lahat ng laman nyan huwag nyo lang isama ang kapatid ko! Nagmamakaawa po ako! Ako na lang ang isama nyo kapalit ng kapatid ko!

Umiiyak na pakiusap ni Mel.

Ang ATM na tinutukoy ni Mel ay ang kaka open nya pa lang nya na account. Dito nya nilagay ang perang natira sa ibinigay ni Jeremy sa kanya bago ito lumipad patungong Amerika.

Three thousand lang ang nagastos nya, at yung natitirang 7K ang nilagay nya sa banko para ibalik kay Jeremy pag balik nito.

Sa ngayon may 10K na ang laman nito, nabayaran na nya ang hiniram nyang 3K at may plano pa syang dagdagan pero ....

"Ano yan? Cash ang kailangan ko! Pano kung walang laman yan?"

Singhal ng lalaki kay Mel.

"May laman po ito Mamang goons, sigurado po ako! Kaya nga po pakawalan nyo po ang kapatid ko at sasama po ako sa ATM machine para iwathraw ang laman nito!"

Lumuluhang sagot ni Mel.

"Teka, magkano muna ang laman nyan? Baka barya lang yan!"

"Sa... sampung libo po!"

Napaisip ang lalaki.

'Ang sabi ni boss pwede ko lang kunin ang isa sa mga bata pag wala na silang maibayad!'

'Kung sabagay walang masama kung pumayag ako sa suggedtion ng batang 'to!'

'Pero pag hindi ito nagsasabi ng totoo .... hindi na makakabalik itong batang ito!'

"Sige, payag na ako, halika dito!"

Pakawalan nyo muna ang kapatid ko!"

"Lintek ka, sigurista ka ha!"

Pinakawalan nya agad si Tina at saka dinakma sya agad ng lalaki para hindi ito makatakbo.

"KUYA!!!"

"WAAAAH!"

Humahagulgol sa iyak ang mga kapatid ni Mel.

"Huwag kayong umiyak! Pangako babalik ako, kahit anong mangyari!"

Pangako ni Mel sa mga kapatid.

"Kuya, huwag mo kaming iwan! Huhuhu!"

Humahabol sila kay Mel habang bitbit ito ng lalaki.

"Huwag! Huwag kayong sumunod! Tina ikaw na bahala kay Ian, huwag mo syang papabayaan!"

Suway at bilin ni Mel sa mga kapatid.

Huminto sila sa paghabol at takot na takot, pakiramdam nila nagpapaalam na sa kanila ang kuya nila.

***

Pagdating ni Carla sa tindahan, nagulat sya ng makitang magulo ito.

"Mel, Tina, Ian! Nasaan kayo mga anak?"

Pero walalang sumasagot.

"Bakit walang tao dito? Nasaan ang mga anak ko?"

Kinabahan ng sobra si Carla.

Isa isa nyang inayos ang mga lamesa.

Maya maya may nadinig syang may umiiyak pero mahina. Hinanap nya ito.

Pagdating sa counter nakita nya na nagsusumiksik sa pinaka sulok ang dalawang bata, magkaakap at nanginginig saka umiiyak. Takot na takot.

Patakbo nyang nilapitan ang dalawa.

"Ian, Tina! Jusko mga anak, anong nangyari sa inyo?!"

Pero patuloy parin na magkaakap ang dalawa, umiiyak at nakapikit, ayaw maghiwalay.

Inakap nya ang dalawa.

"Mga anak ako 'to, si Mama!"

At hinalikan nya ng hinalikan ang dalawa habang mahigpit nyang akap.

Maya maya nagmulat ng mata si Ian.

"Ma? Ma..ma! MAMA KO! WAAAAH!"

Nang madinig ni Tina na tinawag ni Ian ang Mama nila, nagmulat na rin ito ng mata at inakap ang ina habang.

"Tahan na mga anak tahan na! Andito na si Mama!"

Alo nya sa dalawa.

Nang mahimas masan, tinanong nya sila.

"Ano bang nangyari dito, bakit kayo takot na takot? .... Asan ang Kuya nyo?"

"Waaah!"

"Si Kuya...huhuhu! SI Kuya po, kinuha po... huhuhu! Nung Mama goons po! Huhuhu!"

Magulo man ang pagkakasabi ng nga bata dahil hindi mapigilan ang pagiyak ng mga ito, kahit papaano naintindihan nya.

"Ano? Kinuha ng mama ang Kuya Mel nyo?!"

"O..o..opo!" (hikbi)

"Bakit daw? Anong dahilan bakit kukunin nila ang Kuya nyo?!"

Natatarantang tanong ni Carla.

"Ba (hikbi) yad, u.. utang daw po! (hikbi)"

"Anong utang? Kelan nangutang si Mel?"

Nalilito si Carla. Wala syang naintindihan sa nangyayari.

"Tita Carla, hello po! Kamusta po? Asan po si Beshy?!"

"Beshy..., Beshy...!"

Luminga linga si Eunice sa paligid ngunit nagulat sya ng lumapit sya kay Carla nakita nya ang itsura ni Tina at Ian. Nanginginig ang dalawa at umiiyak.

"Bakit po, ano pong nangyari sa inyo?!"

Hindi sya sinagot ni Carla. Nagulat sya sa biglaan pagdating ni Eunice at hindi rin nya alam kung paano sasabihin na nawawala si Mel at posibleng may dumukot dito.

Pati si Reah ay nabahala ng makita ang itsura ng dalawang bata, halatang na trauma, pero saan? Kaya tumingin tingin ito sa paligid at nagimbestiga.

"Eunice, wa..wala dito si Mel, hindi ko nga alam kung nasaan! Pagdating ko dito wala na sya!"

"Tina, bakit may pasa ka sa braso? Sinong may gawa nyan sa'yo?"

Tanong ni Eunice ng mapansin ang braso ni Tina.

Nagulat din si Carla at kinabahan ng makita ang tinutukoy ni Eunice.

"Huhuhuhu! Mama!"

Muli nitong inakap ang ina.

Pero si Carla, itinaas ang manggas ng damit nito at lumantad ang malaking pasa sa braso ng anak.

"Saan mo nakuha 'to, Ha?!"

Natatakot na tanong ni Carla.

"Yung Mamang goons po kinuha di Ate Tina kanina ng walang makitang pera kay Kuya! Sabi nya po si Ate na lang daw ang pambayad nya!"

Salaysay ni Ian.

"HA???!!!"

"Tapos anak anong nangyari, huh?"

"Pinigilan po ni Kuya yung mamang goons tapos po sya po yung sumama kapalit ni Ate!"

"Jusko!"

Muntik ng mahimatay si Carla ng madinig nya ito.

Próximo capítulo