webnovel

Napakaswerte

Sya si Rowena Castillanez, ang totoong ina ni Alicia ang classmate ni Eunice na nag plan ng prank sa kanya pero nag failed dahil si Jeremy ang sumalo lahat.

Matagal ng hinahanap ni Rowena ang anak nya dahil inilayo ito sa kanya. Ni hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ito dahil na coma sya pagkapanganak at basta na lang sya pinabayaan duon sa ospital.

Mabuti na lang at may nakakilala sa kanya sa ospital na isang nurse at sinabi sa pamilya nya.

Mayaman ang family ni Rowena sa province nila somewhere in Mindanao, kaya lang ay mas gusto nitong mabuhay sa sarili nyang sikap kaya nakipagsalaran sa Maynila. At duon nya nakilala ang ama ni Rowena.

Nabuntis sya nito at inaakalang pakakasalan sya pero ....

"Hindi ko akalaing iiwan nya ako at ilalayo sa akin ang aking anak sa ganung kong kalagayan!"

"Hayup ka Manuel! Kukunin ko sa'yo ang anak ko!"

Nagulat sya ng isang araw may kumontak sa kanya at ibinigay ang detalye tungkol kay Manuel at sa nawawala nyang anak, si Alicia.

Gusto nyang bumaba ng sasakyan at akapin si Alicia pero pinigilan sya ng kasama nya.

Ang ngayon na boyfriend nya na si Simoun.

"Pigilan mo ang sarili mo Rowena, baka matakot mo ang bata!"

"Pero..."

"Alam kong sabik ka na pero isipin mo ang mararamdaman ng anak mo! Hindi ka nya kilala! Your a total stranger to her!"

"Pero gusto ko syang mayakap! Sabik na sabik na akong mayakap sya!"

"Huwag kang magaalala gagawa tayo ng paraan! Basta kalma ka lang ha!"

"Let's do it one at time! Para makuha natin ang loob ng anak mo!"

Walang nagawa si Rowena, kailangan nyang kontrolin ang sarili para sa anak nya.

Kaya nakuntento na lang syang pagmasdan ang kanyang anak habang masaya itong naglalakad papasok ng gate ng school.

Hindi maitago ni Alicia ang sayang nararamdaman nya dahil sa wakas tapos na ang 1 week suspension nya at ng mga kasama nya.

Bored na bored na sya sa bahay dahil hindi naman sya pinapayagang lumabas.

Pero ang isa pang dahilan kaya sya masaya ay dahil lately, hindi na sya sinasaktan ng Daddy nya.

Simula pagkabata ay hindi na sya pinapansin ng ama. Papansinin lang ng Daddy nya kung papagalitan sya nito o sasaktan, at madalas iyon. Halos araw araw.

Kaya nuon pa man madalas na nyang sinasadyang gumawa ng maliliit na kalokohan gaya ng pangiinis nya sa mga kapatid nya para umiyak ang mga ito upang mapagalitan sya ng ama. Yun lang kasi ang masasabing special moment nilang mag ama.

Madalas tuloy nyang isipin na totong ampon lang sya at hindi totoong anak ng Mommy and Daddy nya.

'Pero ngayon biglang nagbago si Daddy! Ganun pa rin sya, hindi nya pa rin ako pinapansin di tulad ng mga kapatid ko na lagi nyang binabati pero .... at least di na nya ako sinasaktan!'

'Okey lang na pagalitan nya ako kahit buong araw pero hindi ko talaga gusto pag sinasaktan nya ako!'

'Malay mo one day, pansinin nya rin ako ng buong lambing!'

Buo ang pagasa nyang mangyayari ito.

Habang naglalakad sya nadidinig nya ang mga usapan sa campus at tungkol ito sa nangyari sa Mall at sa kodigo.

Nakisalo sya sa umpukan ng ibang section.

"Sino yung tinutukoy nyong nangodiko?"

"Shhh.... huwag kang maingay! Baka madinig ka ma principal tayo!"

"Bakit?"

"Si Eunice yung pinaguusapan namin! Nangodiko sya nung exam last week!"

"Pero mukhang hindi nasuspindi dahil malakas sya sa bagong principal!"

"Ha? May bago tayong prinicipal?"

"Bakit hindi mo ba alam?"

"Bago na ang prinicipal natin at Mommy sya ni Eunice!"

"Kaya kung sa'yo Alicia, magiingat sa babaeng yun!"

Nasira ang magandang mood ni Eunice.

'Lintek na babaeng yun, bakit ba napaswerte nya?!'

Kung magulo at maingay sa labas iba sa loob ng room ng Grade 8 Star Section.

Tahimik ang mga ito na tila walang pakialam sa nangyayari sa labas.

Tanggap na ng mga classmates ni Eunice ang pagiging principal ng Mommy nito at hindi sila nakikisalo sa ingay sa labas. May iba silang pinagkakaabalahan at yan ang pustahan kung malalagpasan ba ni Eunice si Louie sa darating na last grading period.

"Huy ano ba kayo, matagal pa yun kaya huwag muna nating pagusapan!"

"Pero Eunice, nakikiusap ako, pwede bang huwag mong masyadong galingan? Next year mo na lang ako lagpasan! Please!"

"Hahahaha!"

Nangingiti lang si Eunice sa kanila. Pero deep inside sineryoso nya ang pakiusap ni Louie.

Tahimik lang din si Mel sa tabi nya. Kilala nya ang kaibigan nyang ito, hindi sya competitive gaya ng pinsan nyang si Kate.

'Sabi nga ni Sister Kate sobrang isip bata pa daw ni Eunice kaya hindi pa lumalabas ang competitive side nya! In short tinatamad pa sya sa maraming bagay!'

Ganito naabutan ni Alicia ang mga kaklase nya.

Tahimik itong nagtungo sa pwesto nya saka nagsalita.

"Grabe talaga ang ibang student dyan! Akala mo kung sino makaasta porket PRINICIPAL ang nanay kayang LUSUTAN lahat!"

"Tsk, tsk, tsk! Isipin mo nangodiko na nakalusot pa! Hindi man lang na suspinde! Grabe talaga!"

Happy reading mhwah!

trimshakecreators' thoughts
Próximo capítulo