webnovel

Nagalit Kaya Sya Sa Tanong Ko?

Nairita si Teacher Orly sa sinabi ni Nicole. Sa lahat ng ayaw nito ang sinasabihan syang TAMAD.

Tapos ang balak pa ni Nicole ay ilagay sa files nya na may warning sya sa katamaran nya.

"Teacher Orly, hindi ko alam kung paano pinalakad ng dating nakaupo dyan sa pwesto ko, ang lugar na ito! Pero ako na ngayon ang nakaupo, kaya marapat lang na sumunod ka! Kung ayaw mong sumunod sa mga rules na ibibigay ko, pwede ka namang umalis!"

"Ang yabang mo! Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang mo!"

Tumalikod na ito at umalis. Ayaw na nyang makipagusap sa babaeng ito. Ni hindi man lang nya naalala ang dalawang bata na kasama nya.

'Akala mo kung sino sya na basta basta na lang gagawa ng sarili nyang rules!' Hmp!'

'May araw ka ring babae ka!'

"Tingnan mo yung loko na yun, iniwan itong dalawang bata! Basta na lang umalis!"

"Mam Principal ako na lang pong maghahatid sa dalawa!"

Habang naglalakad pabalik sa room nila ang dalawa, tinanong ni Eunice si Louie.

"Louie can I ask you something?"

"Ano yun?"

"Galit ka ba sa Mommy ko kasi pinalitan nya ang Uncle mo sa position nya?"

"Nung una, hindi ko pa kasi kilala ang Mommy mo e! Mabait pala sya saka maganda, parang ikaw!"

Medyo nagblush si Eunice ng sabihan syang maganda ni Louie. Hindi kasi sya sanay na sinasabihan syang maganda lalo na ng isang boy.

"Bakit ka naman nagalit sa kanya nung una? Hindi naman si Mommy ang dahilan kung bakit napaalis sa school na 'to ang Uncle mo ah!"

"Sabi kasi nila, kailangan daw walang pumalit sa pagiging principal ni Uncle para daw madali syang makabalik!"

"Tapos ....biglang andyan ang Mommy mo kaya ako nainis. Kasi ibig sabihin nun, wala ng pag asang makabalik si Uncle!"

"Pero imposible na talagang makabalik ang Uncle mo, hindi dahil kay Mommy kungdi kay Tita Ames! May ginawa kasi sya na ikinagalit ni Tita Ames ng sobra!"

"Sino si Tita Ames?"

"Sya ang may ari ng school! Kaya nga tayo tinawag na AMESIAN dahil sa kanya! Saka.... sya ang Tita ni Jeremy!"

"Ohhh!"

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng uncle mo pero hindi magagalit ng ganun si Tita Ames kung simple lang yun diba?"

"Eunice, kanina ko pa napapansin, Tita Ames din ang tawag mo sa Tita ni Jeremy.... Ibig sabihin ba nun close talaga kayo ni Jeremy?"

"Ha?"

Nagulat si Eunice sa tanong ni Louie.

'Kanina lang uncle nya punaguusapan namin, paano napunta kay Jeremy?'

Napansin ni Louie ang pananahimik ni Eunice. Nakikiramdam sya. Nagaantay kasi sya ng sagot.

"Kasi lagi ko kayong nakikita magkasama ni Jeremy, lately!"

"Uhm... Medyo matagal ko na syang kilala at ang Tita nya!"

Si Louie naman ang natahimik.

'Ano ba itong nararamdaman ko ba't parang may kirot sa chest ko at nakakaramdam ako ng biglang inis kay Jeremy?'

"Uhm.... Eunice, kayo na ba ni Jeremy?"

Biglang napahinto si Eunice sa paglalakad at tiningnan si Louie.

Napaisip ito.

'Ano nga ba talaga kami ni Jeremy?'

'We still can not be called lovers, but I know that we are more than friends!'

'Haaay! Ang hirap maging bata! Dami pang bawal!'

Napahinto din si Louie dahil bigla syang kinabahan. Hindi nya kasi maintindihan ang reaksyon ni Eunice kung galit o hindi!

'Anong nangyari, bakit sya biglang huminto? Nagalit kaya sya sa tanong ko?'

Si Secretary Kim na kanina pa nasa likod nila at nakikinig sa usapan ng dalawa ay nangingiti.

'Mga batang 'to!'

"Oh, bakit kayo huminto? Sige na lakad na!"

"Hoy, kayong dalawa dyan! Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ang klase ah!"

Sigaw ni Teacher Orly sa kanila ng makita silang dumating.

"Teacher Orly, iniwan mo sila tapos tatanungin mo kung bakit ngayon lang?"

"Secretary Kim, bakit obligasyon ko ba na ihatid dito ang mga bata? May mga paa yan mga yan bakit hindi sila sumunod agad?!"

"Ikaw ang nagdala sa kanila sa principal's office kaya natural lang na dapat mo rin silang ibalik!"

"Okey! Ayan na! Andito na sila! Pwede ka ng umalis! At kayong dalawa pumasok na kayo at bumalik sa pwesto nyo!"

Pero hindi agad hinayaan ni Secretary Kim na makapasok ang dalawa. Kinausap nya muna ang mga ito.

"Guys, tandaan nyo, pag binully kayo ng teacher nyo, I report nyo agad sa akin ha!"

Nilakasan nito ang pagkakasabi para madinig ni Teacher Orly.

"Yes, Secretary Kim!"

Sabay na sabi ng dalawa.

Unang pumasok si Eunice at ng pagpasok na si Louie may ibinulong ito sa kanya.

"Hindi pa sila ni Jeremy kasi bawal pa syang mag boyfriend!"

Merry Christmas!

God bless!

trimshakecreators' thoughts
Próximo capítulo