webnovel

Backbone

"Ngayon tapatin mo ako, may gusto ka ba kay Eunice?"

Hindi mapakali ang kalooban ni Jeremy.

Naguguluhan sya bakit sya tinatanong ng Tita Ames nya ganito.

"Hindi ko po alam Tita!"

"Alin ang hindi mo alam, kung may gusto ka sa kanya o kung wala kang gusto sa kanya at nasisiyahan ka lang sa katotohanang may nagkakagusto sayo?"

Hindi na naman maka imik si Jeremy.

"Alam kong bata pa si Eunice, pero kahit bata pa sya alam na nya ang gusto nya at ikaw yun pero...."

"Sa ugali mong yan na hindi marunong magdesisyon para sa sarili mo, sa tingin mo ipagkakatiwala sa'yo ni Edmund ang anak nya?"

"Ngayon tapatin mo ako, gustong mo bang magaral sa abroad o hindi!"

Pero paano ba nya sasagutin ang tanong ng Tita Ames nya kung malaki na ang nagastos nito para lang mapagaral sya sa abroad.

Pag sinabi nyang gusto nya magsisinungaling sya sa sarili nya.

Pag sinabi nya naman nyang hindi nya gusto, lalabas na wala syang utang na loob.

"Magsisikap po ako Tita Ames!"

"Hindi ko hinihiling ang pagsisikap mo ngayon, alam kong gagawin mo yang kahit hindi mo sabihin!"

"Pero ang gusto ko ay magpaka honest ka sa akin at sa sarili mo! Hindi yung hindi mo masabi sabi sa akin kung ano talaga ang gusto mo at hinahayaan mong ako ang nagdesisyon para sayo!"

Napipikon ako sa mga duwag Jeremy, at ang ginagawa mo ngayon ay isang kaduwagan!"

"Future mo ang pinagusapan natin dito hindi future ko!"

"Anong bang ginagawa mo Ames at ang aga aga pinagagalitan mo si Jeremy? Ano bang kasalanan nya at galit na galit ka dyan?"

Sabat ng ama ni Ames.

Nadinig nyang pinagagalitan nya ang bata kaya nagmamadali sya upang damayan ang apo.

"Wala po Pang!"

"Anong wala, e ang lakas ng boses mo dyan!"

"Pang, gusto ko lang siguraduhin kung gusto talaga ni Jeremy ang magaral sa US!"

"E, bakit naman hindi, e, para sa kinabukasan nya yan! Hindi ba Jeremy?"

Hindi makatingin si Jeremy, tumango lang ito.

"Haaay! Bahala kayo! Huwag ninyo akong sisihin kung lumaking walang backbone ang apo nyo katulad ng ama nya!"

At umalis na ito, iniwan ang maglolo.

Nadinig ng hipag nyang si Elsa na Mommy ni Jeremy ang paguusap nila at naintindihan nya ang ibig sabihin ni Ames.

Hindi kasi marunong magdesisyon ng magisa ang ama ni Jeremy na si Jericho, lagi nitong kinokunsulta ang ama sa lahat ng bagay. Sinanay kasi sya ng ganun simula pagkabata, kaya kahit na tumanda na, wala pa ring tinandaan. Ganun pa rin ang asal.

Napahiya si Jeremy sa tyahin nya at napatingin ito sa ina.

"Huwag mong intindihin ang sinasabi ng Tita Ames mo apo! Basta magaaral ka sa US! Maliwanag?"

Tumango tango na lang si Jeremy.

Sa totoo lang hindi nya talaga gustong umalis ng pilipinas dahil sa kanyang ama.

Totoo ang sinabi ng Tita Ames nya na walang backbone ang Daddy nya at laging umaasa sa Lolo nya pero mahal na mahal nya ito kaya gusto nyang laging nasa tabi nya para tulungan sya.

Kung kinakailangan, sya ang magiging backbone ng ama gagawin nya.

Pero makulit ang Lolo nya kaya napipilitan syang pumayag magaral abroad sa kursong gusto nila.

Tutal sa huli naman alam nyang para sa kanya rin ang mga ginagawa nilang ito kaya pumayag sya.

Kinausap ni Elsa ang anak ng makitang nalulungkot ito sa pagpayag nya.

"Jeremy anak, minsan mas makakabuti kung magsasalita ka! Huwag kang matakot, susuportahan kita kahit na ano pa yang desisyon mo! Nandito lang kami ng Daddy at kapatid mo!"

"Thanks Mom!"

*****

Sa ospital kung saan na confine si Alicia, may dumating syang bisita.

"Teacher Erica!!"

Bulalas ni Alicia sya teacher nyang dumating.

Masayang masaya ito at hindi sya makapaniwala na dadalawin sya nito.

Pero nawala ang ngiti nya ng makita ang dalawang kinabu bwisitan nya.

"Alicia, kamusta ka na? Okey ka lang ba rito?

"Yes po Mam!"

Pero hindi nito inaalis ang tingin sa dalawa.

Napansin sya ni Teacher Erica.

"Isinama ko sila dahil nagaalala sila sayo!"

Mel: (roll eyes)

'Haay naku si Teacher Erica, nandamay pa! Wala akong pakialam sa Aliciang yan! Si Eunice lang yun!'

"Hi Ali, kamusta ka?"

Hindi sya sinagot ni Alicia tumingin lang ito sa pader ayaw syang makausap.

"Buti pa iwan ko lang muna kayo dito para magkausap kayo! Bibili ko kayo ng meryenda!"

Paglabas ni Teacher Erica, saka lang sya hinarap ni Alicia.

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Dinadalaw ka!"

"Bakit? Para siguraduhin kung totoo ang chismis?"

Próximo capítulo