webnovel

Chapter One Hundred Seventy-Six

Jared Dela Cruz

Ipinarada ko ang kotse ko sa parking lot ng dati kong eskwelahan, Pendleton High. Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-rami ng lugar na pwedeng pagkitaan ito pa ang napili niya. Lumabas ako ng sasakyan at tinungo ang headquarters. Tambayan namin dati noong nag-aaral pa kami dito. Ang auditorium. Diretso lang ang lakad ko habang tumitingin tingin sa paligid. Wala parin ipinagbago, magulo parin. Nagsitinginan sa akin ang mga estudyante na nakakasalubong ko sa hallway. Yung iba kilala ako, may iba namang freshmen ang hindi. Mga pasaway na batang ito. Lumikha ng ingay ang pinto ng auditorium nang buksan ko kaya napatingin sa akin ang mga nasa loob na.

"Yo," bati ko sa kanila habang naglalakad palapit sa kinaroroonan nila, sa may stage.

Nasa loob na halos lahat pero kulang pa ng dalawa. Kung sino pa yung may pasimuno, siya pa ang wala. At yung isa naman malay ko, ang tagal na naming di nag-uusap.

"Problema ni Omi?" tanong ko kay Dos nang mapansing tulala mag-isa ang loko.

"Nagaya kay Kyo sa pag-eemo. Officialy single na ulit," sagot ni Dos.

"Hindi ako emo, naka-move on na 'ko," sagot ni Kyo.

Tumatawang tinapik ni Pip sa balikat si Kyot. " Ayos lang yan, mas matangkad ka naman dun sa Sol na 'yon."

Single? Single na—nak ng! "Takte!" Nilapitan ko si Omi at kinwelyuhan. "Ano'ng ginawa mo sa kaptid ko?!"

"Wala akong ginawa," diretsong sagot ni Omi sakin.

"Red, chill! Walang ginawang masama si Omi," awat sa'kin ni Vin.

"Kung ganon bakit?" tanong ko.

"Ginawa lang ni Omi ang ginawa ni TOP. Same reason pare," sagot ni Jun.

"Ngayong alam na natin ang nangyayari, kailangan din nating protektahan ang mga taong mahalaga sa'tin," tumalon si Jack pababa mula sa stage.

Naisuklay ko nalang ang kamay ko sa buhok ko. Pupuntahan ko si Audrey mamaya para siguraduhin na ayos lang siya.

"Bakit hindi nya sinabi agad na ganito pala kalaki ang problema nya?" tanong ni Seven.

"Alam mo naman si Pinuno, malihim, laging solo flight," sabi ni Sun.

"Pero kahit na, yung mga ganitong bagay hindi niya dapat sinasarili," reklamo ni Mond.

"Wala na tayong magagawa, ganon talaga si TOP eh, handa lang tumulong pero kapag siya na ang may kailangan, nagsasarili na lang," lintanya ni Six na humihithit ng sigarilyo.

"Darating ba siya?" tanong ni Pip.

At bago pa kami makasagot, bumukas ulit ang pinto at pumasok ang dalawang tao na kanina pa namin hinihintay.

"I see 'ya all here eh," kumento ni GD habang tinatanggal ang shades niya. "Niiice."

Mukha namang hindi inaasahan ni TOP na makita kaming lahat kaya biglang napuno ng galit ang mukha niya. Hinarap niya si GD.

"The fuck GD! I thought we had a fuckin' deal about this!" sigaw ni TOP.

"Hey! Hey chill man. They forced me to let them in."

"You did this on purpose," mahinang at puno ng galit na sabi ni TO. "You planned all of this!"

"To put it simply, I know how they would react if I told them our little venture with the drugs and all—"

Mabilis na tumaob sa sahig si GD bago pa niya matapos ang sinasabi niya. Nagsindi nalang ako ng sigarilyo ko at pinanood sila. Wala akong pakialam kay GD. Ang gusto ko lang, matulungan si TOP na makaalis sa problemang napasukan niya.

Kaibigan ko parin naman siya, hindi 'yon basta masisira lang dahil nagmahal kami ng iisang babae. Mas malalim pa ron ang pagkakaibigan namin.

"You fucking shit!" mura ni TOP habang tintignan si GD na nakaupo sa sahig.

"'Ya through?" tanong ni GD habang pinupunasan ang dugo sa labi niya. "We need men, lad. Boss is getting impatient with Mr Choi, 'ya know we'd need more men if we want to deal with that man. It always get bloody in the end."

"It didn't have to be them GD! You didn't have to fucking involve them! This isn't part of our fucking deal!" sigaw ni TOP na nagpatahimik sa buong auditorium. "They shouldn't know about this!"

May kakayahan talaga si TOP na mapatahimik kahit ang malakas na kulog sa pamamagitan lang ng sigaw niya. Nakakatakot siya kapag nasa ganitong stage. Malapit na siyang umabot sa limit niya. Kailangan ko nang makialam.

"Malapit na ang susunod na dealing, hindi ba dapat nating pag-usapan 'yon?" sabi ko.

"The fuck are you talking about?! None of you will go!" salubong ang mga kilay na sabi sa akin ni pinuno.

"I already introduced them to Boss, they passed the tests. They're in." Tumayo na si GD sa wakas at pinagpagan ang damit. "Whether 'ya like it or not, they're going with us."

"No they're not!"

"What 'ya want to do then? They can't back out now, 'ya know what Boss will do to them. Once they're in they can never go out. He'll have 'em killed if they did."

"FUCK IT!" Sinipa ni TOP ang malapit na monoblock chair.

"Let it go, TOP," sabi ni Vin. "Nandito na 'to, wala nang atrasan pa."

"All for one, one for all," sabi ni Jack.

"Hwag kang mag-alala, wala sa amin ang mapapahamak." Tinapon ko na ang sigarilyo ko sa sahig at saka tinapakan para mamatay ang sindi. "Nakakalimutan mo na ba kung gaano kalakas ang gang natin kapag magkakasama tayong lahat? Malulusutan natin 'to."

"Ano na ngayon ang plano?" tanong ni Jun. "Hindi naman tayo pwedeng basta sumugod sa laban nang hindi handa."

"Hwag kang mag-alala, nagawan ko na ng paraan 'yan," sabi ko.

Matapos kong ibenta sa Tatay ko ang stocks ko na may halagang sampung milyon para makabili ng mga gagamitin namin, siguro naman makakalabas kami nang buhay nito. Dalawang second hand na van, mga baril at pati na rin spy cameras.

"Ano ba talaga ang nangyayari, Pinuno?" tanong ni Sun na kanina pa nakamasid sa dalawang bagong dating.

"Pano ka nga ba napasok sa gusot na 'to TOP? Nahihiwagaan ako sa mga nangyayari, bigla kang napasok sa illegal? I mean, palagi naman tayong nasasangkot sa illegal, pero sa mga pustahan lang naman 'yon at hindi katulad nito," sabi ni Jack.

Umupo si TOP sa isang monoblock chair. Kung paano niya dalhin ang sarili niya, para bang may napakalaking krus siyang pasan. Pansin ko rin ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata. Naghanap ako ng pwesto at umupo na rin para makinig sa kanyang paliwanag.

"I don't know where to start," sabi ni TOP makalipas ang ilang segundo ng katahimikan.

Próximo capítulo